Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Wika
1.
2. Ano ang “wika”?
Ayon kay
Webster(1974,536)ang wika
ay isang sistema ng
komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng
mga pasulat o pasalitang
simbulo.
3. Archibald A. Hill isang Amerikanong
"linguist.“
ang wika ay ang kaluluwa
ng tao. Ito ang sinulat niya:
"I believe it is language
and its use which more
than anything else is the
human spirit and that there
is new as well as old truth
in Scripture which says 'In
the beginning was the
Word.
mula sa kanyang papel
na What is Language? ;
ang wika ay ang
pagunahin at
4. Henry Allan Gleason
Isang “linguist” at
propesor sa University of
Toronto
Ang wika ay
masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo
upang magamit ng mga
tao kabilang sa isang
kultura.
5. Austero
Binanggit niya na ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na
pinagsama-sama upang makabuo ng
mga salita na gamit sa
pagpapahayag.”
Halimbawa: U N G G O Y = UNGGOY
M A H A L = MAHAL
6. Mangahis et al (2005)
ang wika ay may mahalagang papel
na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum
na ginagamit sa maayos na paghatid
at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
7. Pamela Constantino at Galileo
Zafra
Ang wika ay isang kalipunan ng mga
salita at ang pamamaraan ng
pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o
makipagkomyunikeyt ang isang grupo
ng mga tao.
9. Teorya sa Tore ng Babel
Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal
na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay,
noong umpisa’y iisa ang wika ng tao na
biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan
ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang
tore upang hindi na magkawatak-watak at
nang mahigitan ang Panginoon. Nang
nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa
lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na
ang tore, nagkawatak-watak na ang tao
dahil iba-iba na ang wikang kanilang
binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at
kumalat sa mundo. (Genesis kab. 11:1-8)
10.
11. Teoryang Bow-wow
Sinasabi sa
teoryang ito na
nagkaroon ng wika
ang tao dahil noong
umpisa’y ginagaya
nila ang tunog na
nililikha ng mga
hayop.
12.
13. Teoryang Ding-dong
ipinalagay sa teoryang ito na
ang lahat ng bagay sa
kapaligiran ay may sariling
tunog na siyang
kumakatawan sa nasabing
bagay.
Ngunit ang teoryang ito ay
hindi limitado sa mga
kalikasan lamang kundi sa
mga bagay na nilikha ng tao.
14. Teoryang Pooh-pooh
Ang tao ay nakalilikha ng
tunog sanhi ng bugso ng
damdamin. Gamit ang bibig,
napabubulalas ang mga
tunog ng pagdaing na dala
ng takot, lungkot, galit, saya
at paglalaan ng lakas.
15. Teoryang Yo-he-ho
Sa teoryang ito natutong
magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang
pisikal.Hindi nga ba't tayo'y
nakalilikha rin ng tunog kapag
tayo'y nag-eeksert ng
pwersa.Halimbawa nito ay
kapag tayo ay nagbubuhat ng
mabibigat na bagay,kapag
tayoy sumusuntok o kapag
ang ina ay nanganganak.
16. Teoryang Ta-ta
Mula sa wikang
Pranses na
nangangahulugang
paalam. Ginagaya ng
dila ang kumpas o
galaw ng kamay ng
tao na kanyang
ginagawa sa bawat
particular na okasyon
tulad ng pagkumpas
ng kamay ng pababa
at pataas tuwing
17. Teoryang Sing-song
Ito ay nagmula sa di mawatasang
pag-awit ng mga kauna-unahang tao;
may melodiya at tono ang pag-usal ng
mga unang tao.
18. Teoryang La-la
Mga pwersang may kinalaman sa
romansa. Ang salik na nagtutulak sa
tao upang magsalita.
19. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang mga tao ay natutong
humabi ng mga salita mula sa
mga seremonya at ritwal na
kanilang ginagawa. Mangyari
pa, sa mga ritwal na ito
kalimitan ay may mga sayaw,
sigaw, at iba pang gawain,
nagkakaroon ng mga salitang
kanilang pinananatili upang
maging bahagi na ng kanilang
kultura.
20. Kahalagahan ng Wika
ito ang midyum sa
pakikipagtalastasan o komunikasyon
ginagamit ito upang malinaw at
epektibong maipahayag ang
damdamin at kaisipan ng tao
sumasalamin ito sa kultura at
panahong kanyang kinabibilangan
at isa itong mabuting kasangkapan sa
pagpapalaganap ng kaalaman