1. Pangarap
Janna Denise Y. Fronteras; 2 – St. Francis Xavier
Sa buong magdamag ay di makatulog
Dahil puso ko ay kumakabog- kabog;
Ikaw lamang aking tanging iniirog
Pagpupunyagi sa ‘yo inihahandog. Sa ‘king daigdig, ikaw ang tanging ilaw
Inaasam ang ‘yong tinig bawat araw;
Para akong sorbetes na natutunaw
Alam ko lingid ‘to sa kaalaman mo ‘Pag nakikita kita at natatanaw.
Di mo pansin ang aking pagsusumamo;
Lahat ay gagawin para lamang sa ’yo Susungkitin sa langit, mga bituin
Kahit mahirap, iindahin ko ito. Upang pag-ibig mo ay aking maangkin;
Pangako, ikaw ang tanging mamahalin
Pero alam kong ‘di ako pipiliin.