2. Ang Heograpiyang Pisikial ng Egypt:
Sukat, Lokasyon, at Klima
Ang Egypt ay isang malaking bansa na nasa pinakatuktok na bahagi ng
hilagang-silangan ng kontinenteng Africa.
Ang Libya sa kanluran, Sudan sa timog, Israel at Red Sea sa Silangan,
at Dagat Mediterranean sa hilaga.
Ito ay may kabuoang sukat na 386,6 62 milya kuwadrado (1,001, 450
kilometro kuwadrado) at kabuoang sukat ng lupain na 384, 345 milya
kuwadrado (995, 450 kilometro kuwadrado).
Sa kabuoang lupain ng Egypt, tinatayang nasa 2.9% lang ang maaaring
matanim (arable). Subalit da kabila nito, nakapagtatakang ang malaking
bahagi ng lakas-paggawa ng Egypt au nasa sektor pa rin ng agrikultura
(32%).
Binubuo ng cotton, palay, mais, trigo, beans, prutas, at gulay ang mga
pangunahin nitong produktong agrikultural.
3. Ang Heograpiyang Pisikial ng Egypt:
Sukat, Lokasyon, at Klima
Kabilang naman sa mga hayop na inaalagaan dito ang baka, manok,
kambing, at tupa.
Saganang-sagana sa iba’t ibang uri ng ibon ang Nile Valley at ang Nile
Delta. Kabilang sa mga ibong ito ay ang egret, flamingo, golden oriole,
heron, pelican, at stork.
Tumatawid mismo sa Egypt ang Tropic of Cancer na
nangngangahulugang ito ay nasa lokasyong tropiko kung saan
pinakamatindi ang pagtama ng sikat ng araw.
Ang buong Egypt ay dry desert o tigang (arid) at may klimang napakainit
na summer (hot summer) at katamtamang taglamig (mild winter).
4. Ang Heograpiyang Pisikial ng Egypt:
Sukat, Lokasyon, at Klima
Upang mapapabilang sa dry desert o arid climate, ito ay dapat
nakatatanggap ng mas mababa pa sa 25 sentimong ulan sa bawat taon.
Sa Cairo, ito ay nakatatanggap lamang ng 0.4 pulgada (inches) o 1
sentimetrong dami ng ulan sa bawat taon. Sa Nile Delta ay
nakatatanggap ng 4 pulgada sa bawat taon, at wala pang isang pulgada
sa Nile Valley sa may katimugan ng Cairo.
Sa panahon ng tagsibol (springtime), ito ay nagdadala ng mainit na
hangin sa halip na malamig na ulan (cooling rains) pakanluran sa buong
Egypt, na ang lakas ng ihip ng hangin ay umaabot ng 87 milya (140
kilometro) bawat oras.
Kadalasang nagdadala ng sandstorm at maaaring sumira ng mga
pananim at kabahayan ang malakas na nanging ito.
5. syerto at Iba Pang Natural Barriers ng
Ang topograpiya ng halos buong Egypt ay isang napakalawak na
kaparangang tigang na walang katao-tao (desolate and barren), na
binubuo ng napakaraming burol (hilly) sa silangan at sa may bahagi ng
Ilog Nile.
Humigit-kumulang sa 90% ng kabuoang lupain ng Egypt ay natatakpan
ng disyerto.
Matatagpuan sa silangan ng Ilog Nile ang Arabian Desert na kilala rin sa
pangalang Eastern Desert.
Sa kanlurang bahagi ng Nile ay matatagpuan naman ang Libyan Desert
(na kilala rin sa tawag na Western Desert) na umookupa sa halos 2/3 na
bahagi ng buong Egypt.
Ang Sahara Desert ay ang pinakamalaking disyerto sa buong daigdig.
Ang kabuoang sukat nito ay nasa mahigit 3.5 milyong milya kuwadrado (9
milyong kilometro kuwadrado) .
6. syerto at Iba Pang Natural Barriers ng
Matatagpuan din sa Egypt ang Qattara Depression na nasa 440
talampakan (134 metro) below sea level.
Sa Sahara, ang temperatura ay maaring umabot hanggang 139øF
(54øC) kapag summer subalit maaari rin naman itong bumagsak nang
below freezing pag winter.
Napakahirap mabuhay ang mga halaman at hayop sa Sahara. Ang
vegetation ay karaniwang limitado sa mga damo at maliliit na palumpong.
Ang mga halaman at hayop ay karaniwang nagsiksiksikan sa paligid ng
mga oasis, kung saan may mga bukal ng tubig. Tanging ilang mga
insekto, susô, at maliliit na reptilya ang pangkaraniwang hayop na
matatagpuan dito.
Noong sinaunang panahon,ang lupain ng Egypt ay nagmumula sa hilaga
sa Nile Delta sa bukana ng dagat Mediterranean patungo sa katimugang
bahagi hanggang sa unang cataract ng Ilog Nile.
7. syerto at Iba Pang Natural Barriers ng
Tinatayang may habang 750 milya (1,200 kilometro) at lapad na 10 milya
ang sinasakop ng lupain (hangganan ng Red Land) ng Egypt noon
sinaunang panahon.
Nagsisilbing natural barrier ang mga disyerto sa paligid ng Egypt tulad ng
Arabian Desert sa silangan at Libyan Desert sa kanluran. Dahil sa mga
natural barrier na nakapalibot sa buong Egypt, napuwersa nito ang mga
Egyptian na manirahan sa napakaliit na bahagi ng kalupaan nito, at
nabawasan din nito ang pakikipag-ugnayan ng mga Egyptian sa ibang
mga tao at lipunan.
8. mga Rehiyon at Iba’t ibang Pagkakahat
Lupain ng Sinaunang Egypt
Hinahati ng mga sinaunang Egyptian ang sinasakop nilang lupain
noong panahon sa dalawa: ang Black Land at ang Red Land.
Tinawag nilang Black Land ang kalupaan ng Egypt na binubuo ng
maitim at matatabang lupa na nasa magkabilang pampang ng Ilog Nile
kasama and Nile Delta.
Ang kabilang dako nama’y tinawag na Red Land and mga lugar na
natatapakan ng disyerto na karugtong ng Black Land.
Para sa mg Egyptian, and Black Land ay sumisimbolo ng buhay
samantalang panganib naman ang simbolo ng Red Land.
Ang Black Land ay hinahati sa dalawang rehiyon: and Upper Egypt at
ang Lower Egypt. Ibinatay sa kinaroroonan ng agos ng Ilog Nile and
pagkakahating ito.
9. mga Rehiyon at Iba’t ibang Pagkakaha
Lupain ng Sinaunang Egypt
Ang rehiyon ng Nile Delta ay nagsisimula 100 milya bago pagpasok
ng ilog sa Dagat Mediterranean.
Sa Nile Delta matatagpuan and iba’t ibang produktong agrikultural
tulad ng trigo, cotton, barley, emmer, at flax.
Ang Ilog Nile Bilang Biyaya ng Egypt
Ang Ilog Nile ang kinikilala sa ngayon bilang pinakamahabang ilog sa
buong daigdig. Dito namumula ang tinatayang 85% ng suplay ng tubig
ng buong Egypt sa ngayon.
Ito ay may kabuoang haba na 4,160 milya na umaagos mula sa
kabundukan ng Central Africa pahilaga patungo sa Dagat
Mediterranean.
11. atag at Pagkakaisa ng Egypt Bilang Isa
Iba iba ang mga ritwal, diyos, bersiyon ng wika, kaugalian, paniniwala, at
pinuno ang mga rehiyon sa Egypt.
Ang dalawang kaharian ay tinatayang unang napagkaisa noong 3100
BCE. (Subalit ngayon, di parin uko ang impormasyon tungkol dito)
Bilang simbolo ng pagsasama ng dalawang rehiyon, si Narmer ay
lumikha ng double crown. Ito ay dalawang korona na pinagsama sa isa.
12. Pag-Unlad ng Egypt sa Panahon ng Kah
Tungkulin at Kapangyarihan ng Pharaoh
> Magkontrol ng ekonomiya at kalakalan
>Mamahala sa kanyang nasasakupan
>Magpatupad ng mga batas at patakaran.
>Magpanatili ng maayos na sistemang pagirigasyon
>Mangalaga ng tao sa panahon ng kalamidad at taggutom.
>Magpanatili ang kaayusan at katahimikan ng kaharian.
>Manguna sa mga seremonya at panrelihiyong ritwal.
>Manguna sa hukbong sandatahan ng Egypt
`````````````````````````````````````````````````````````````````````````
Sa panahong 2400 BCE nagpatayo ng malalaking pyramids kabilang ang
pinakamalaking pyramid na Great Pyramid of Giza para kay Haring Khufu
at ang Step Pyramid sa Saqqara na kinikilala naman bilang
pinakamatandang gusaling bato sa buong daigdig.
13. Pag-Unlad ng Egypt sa Panahon ng Kah
Nagresulta ng pagpapalawak ng teritoryong nasasakupan ng mga
Egyptian ng pagkakamal ng Egypt ng umaapaw na kayamanan. Sa
kauna-unahang pagkakataon, naganap sa panahong ito ang laganap na
pang-aalipin (widespread slavery) dahil sa tuwing magbabalik sa Egypt
ang mga hukbong nanakop at nakidigma sa ibang lupain, kanilang
kasama sa pag-uwi ang kawan (hordes) ng mga alipin na mula sa
kanilang mga nasakop.
Nangyari rin sa Panahon ng Bagong Kaharian ang pamumuno ng kauna-
unahang babaeng pinuno ng Egypt na si Hatshepsut (1473-1458 BCE)
sa loob ng halos 30 taon.
14. Ang Pharoah Bilang Saligan ng
aan, Relihiyon, at Lipunan ng Sinauna
Ang pharoah ang sentro ng estado ng mga Egyptian. Di katulad ng mga
Mesopotamian na itinuturing ang kanilang hari na kinatawan ng diyos sa
lupa, ang pharoah sa mga Egyptian ay mga diyos mismo sa lupa o
mundo.
Sila ay tinuturing god-king na katulad din ang husay at kapangyarihan ng
mga Diyos na nasa langit.
Sila ay tinuturing reincarnation ng falcon god na si Horus, at ang anak ng
sun-god na si Re/Ra noong Old kingdom at sky-god na si Amon-Ra
noong Midde at New Kingdom.
15. g Estruktura ng Pamahalaan at Sistema
Pamamahala sa Sinaunang Egypt
Ang ganitong uri ng pamamahalaan na umiral sa Egypt ay maaaring
ituring bilang divine monarchy o theocracy.
Divine Monarchy:
>Ang namumuno ay hari o reyna
> Ang pamilya ay nagmula mismo sa angkan ng mga diyos o ay siyang
binasbasan o pinagkatiwalaan ng diys na mamuno sa kaharian
Theocracy:
> Tumukoy sa uri ng pamahalaan na ang namumuno ay ang mga
pinunong panrelihiyon at ang pamamahala ay batay sa kapangyarihang
panrelihiyon.
Ang pharoah ay may ari ng buong Egypt kasama ang lahat ng
pinagkukunang-yaman at mga tao rito. Siya ay tinitignann ng mga
Egyptians bilang divine king.
16. g Estruktura ng Pamahalaan at Sistema
Pamamahala sa Sinaunang Egypt
Sa kabila ng kanyang napakalawak at absolutong kapangyarihan, hindi
kayang mapamahalaang mag-isa ng pharoah ang kanyang kaharian.
Bilang katulong niya sa pamamahala, napapaligiran ang pharoah ng
isang matatag na burukrasya o bureaucracy. Ito ay isang maayos na
sistema ng organisasyon na binubuo ng mga tanggapan o sangay ng
pamahalaan na sumusunod sa hirarkiya o antas ng awtoridad ang mga
opisyal at kawani na bumubuo nito. Sa Egypt, karamihan sa bumubuo
nito ay mga kamag-anak din ng pharaoh.
Ang posisyon ng divine king o god-king ay pinakamalaking tagapag-
ambag sa pagpapanatili ng matinding kontrol at kapit sa kapangyarihan
sa pamahalaan at lipunan ng pharaoh.
17. on at Paniniwala ng mga Sinaunang Eg
Nasa humigit-kumulang 3000 magkakahiwalay na pangalan ng mga
diyos ang natukoy na sa mga sulating Egyptian.
Sila’y nagtatayo ng mga templo bilang pagdakila at pagpaparungal sa
kanilang mga diyos. Maliban dito, naniniwala ang mga sinaunang
Egyptian sa kabilang buhay (afterlife) matapos ang kamatayan.
Sila’y naniniwala na matapos mamatay ang tao, ang kanyang kaluluwa
ay maninirahan at mamumuhay sa daigdig ng mga patay. Dahil dito,
nakabuo ng detalyadong ritwal ng kamatayan at paglilibing ang mga
Egyptians.
Sila’y naniniwala na ang ating mga kaluluwa ay hindi namamatay kahit sa
kabilang buhay (eternal soul or spirits)
18. Ang Ugnayan ng Paniniwalang
Panrelihiyon, Kapaligirang Pisikal,
Sistemang Politikal ng Sinaunang Egy
Karamihan ng mga impormasyon tungkol sa relihiyon ng sinaunang
Egypt ay galing sa mga inskripsyon sa mga monumento at wall paintings
sa mga puntod (tombs) ng mga namatay.
Dahil sa pagpapahalaga ng mga Egyptian sa sun-god na si Ra/Re, at ang
sky-god na si Amon. Dahil sa pagsamang ito, si Amon-Re ang kinikilalang
pinakamataas, pinakamakapangyarihan, at pinakamahalagang diyos ng
mga sinaunang Egyptian.
Ang mga diyos ng mga Egyptian ay maaaring nasa anyo na tulad ng
isang tao (human) o semihuman. Kapag semihuman, ang anyo ng diyos
aypinaghalong katawan ng tao at hayop o puwersa ng kalikasan tulad ng
araw at buwan na kanilang sinisimbolo.
20. g-uuring Panlipunan sa Sinaunang Egy
Ang lipunan sa sinaunang Egypt ay nahahati sa iba’t ibang uring
panlipunan. Tignan ang larawan sa ibaba para maintindihan ito.
21. Kaayusan ng Panahanan at Pamumuha
ng mga Sinaunang Egyptian
Ang mahihirap na pamilya ay nakatira sa mga bahay kubo.
Ang mga panggitnang uri ng nakaririwasang pamilya ay nakatira sa mga
bahay gawa sa claybricks na may iilang kwarto.
Ang mga naghaharing-uri ay nakatira sa malaking palasyo na
karaniwang matatagpuan sa mga sentro ng siyudad.
Ang mga ginagawa ng mga magsasaka at mahihirap na tao para sa
ikinabubuhay nila ay:
>nagaalaga ng baka, kambing, tupa, at gansa ng bibe
>nangingisda
>nanghuhuli ng mga ibong gala
>nagtatanim ng trigo, barley, emmer, flax, ubas, at figs
22. Pang-araw-araw na Buhay
sa Sinaunang Egypt
Mahigit 90% ng populasyon ay mga paisano ang mag komunidad sa
Egypt ay may makakatulad na kaayusan o pattern at pamumuhay sa
pang-araw-araw.
Labis na napapahalaga ang kanilang itsuraat kasuotan. Karaniwang yari
ang kanilang damit sa linen o telang gawa naman sa makapal na
balahibo ng hayop tulad ng tupa.
Maraming nabibilang sa nakatataas na uri na mula sa magkaparehong
kasarian ang nagpapakalbo at gumagamit ng peluka (wig), na ng layon
ay bilang pamporma at bilang proteksiyon na rin sa ulo at mukha mula sa
sikat ng araw.
Mahilig ang mga sinaunang Egyptian sa sports tulad ng:
>wrestling
>boating
>javelin throwing
>pangangaso
23. y-Pamilya at Katayuan ng Kababaihan s
Ang buhay pamilya at pang-araw-araw na buhay sa sinaunang Egypt ay
magkaiba sa bawat uring panlipunan.
Karamihan sa mga Egyptian ay namumuhay sa yunit-pampamilya.
Maagang nagaasawa ang mga Egyptian para magkaroon ng sariling
pamilya. 12 taong gulang sa babae at 14 taong gulang sa lalaki. Ang
tatay ay kadalasang nagsisilbing pinuno ng bahay at ang nanay ay
tagapamahala sa loob ng tahanan at edukasyon ng kanilang mga anak.
Pinapayagan ang diborsiyo pero ipinagbabawal ang pakiikapid. Mahigpit
ang parusa sa mga pakikiapid lalo na sa mga babae na maaaring putulan
ng ilong at sunugin sa harap ng publiko.
Ang mga babae ay maaring maging:
>doktor
>pari
>mag-mayari at magmana ng ari-arian
>pumasok sa kasunduan sa negosyo at kalakalan
>magbenta atbumili ng kalakal
>dumulog sa hukuman
>lumikha ng sariling testamento ng pagmamana
24. yensiya at Teknolohia sa Sinaunang Eg
Ang malaking interes na iniukol ng mga sinaunang Egyptian sa siyensiya
at teknolohiya ay masasabing bunga ng praktikal na pangangailangan at
konsiderasyon.
Isa sa mga imbensiyong teknolohikal ng mga Egyptian ang paggamit ng
shadoof (shaduf) sa pagpapatubig ng kanilang mga sakahan kapag
mababaw ang tubig ng Ilog Nile.
Isa rin sa mga nagungunang halimbawa sa imbensiyon ng mga Egyptian
na gumamit ng kahusayan sa matematika at sa astronomiya para sa
praktikal na aplikasiyon at pakinabang ay ang kalendaryo.
Sa konstruksyon ng mga pyramid at maging sa malalaking palasyo at
templo, naipamalas din ng mga Egyptian ang kahusayan sa inhernyeriya
at arkitektura sa pamamagitan pagtiyak ng eksaktong bigat at sukat
(measurements) na maaaring masuportahan ng mga haligi at dingding
upang hindi gumuho at tumagal sa pagkakatayo ang gusali.
Maliban sa arkitektura, masasabing pinakamalaki ang kontribusyon sa
larangan ng medesina. Maituturing dalubhasa sa human anatomy ang
mga Egyptian dahil sa mummification.
25. Pagsulat, Sining, at Kultura
Tatlong sistema ng pagsulat ang ginamit ng mga sinaunang Egyptian.
>Heiroglyphics
Nagmula ito sa salitang Greek na hieros at gluph na ang ibig sabihn ay
sacred carving. Ito ay isa sa kauna-unahang sistema ng pagsulat sa
daigdig na gumagamit ng mga simbolo na kumakatawan sa tunog ng
letrang m o maging sa ibon mismo.
>Heiratic script
Ito ay isang cursive na paraan o anyo ng pagsulat na nabuo sa
pamamagitan ng pagbabago para maging payak ang mga hugis ng
heiroglyphics. Kadalasang ginagamit ang heiratic script sa pangrelihiyon
teksto.
>Demotic script
Itong sistemang ito ay madalas ginagamit sa mga kasulatang legal at
akdang pampanitikan noong 500 BCE. Dahil simple at less attractive ang
mga teksto na kasulatang hieratic o demotic ay bihirang-bihirang iukit sa
mga bato.
Sa halip, ang mga kasulatan ay ginagawa sa kahoy, balat ng hayop