2. MORPEMA
- pinakamaliit na yunit ng wika na may
kahulugan. Ito ay maaaring salita o bahagi
lamang ng salita. Ang morpema ay laging may
kahulugang taglay sa sarili.
Halimbawa:
mabait = ma- + bait
matalino = ma- + talino
3. ANYO NG MORPEMA
Malayang Morpema
- ito ay maaaring makapag-isa o may taglay na
kahulugan kahit walang kasamang panlapi.
Halimbawa:
Itlog langit bahay
yaman talino diwa
4. ANYO NG MORPEMA
Di-Malayang Morpema
- hindi makikita ang tiyak na taglay na
kahulugan hanggang hindi naisasama sa ibang
morpema.
Halimbawa:
ma- + bait ma- + talino
5. ANYO NG MORPEMA
Morpemang di-malaya at salitang ugat
- tambalan ng salitang ugat at di malayang
morpema.
Halimbawa:
Unlaping nag- + salitang ugat na dasal = nagdasal
Gitlaping –um- + salitang ugat na bili = bumili
Hulaping -in + salitang ugat na linis = linisin
6. MORPONEMIKO
- Karamihan sa pag babago sa anyo at sa pag bigkas
ng mga salita ay dulot ng pag daragdag ng panlapi o pag
sasama ng dalawa o higit pang morpema upang bumuo ng
salit. Ang naganap na pagbabago ay tinatatawag na pag
babagong morponemiko.
7.
8. 1. Asimilasyon
- Pagbabagong karaniwang nangyari sa tunog na /n/ sa
mga panlaping pang-, mang-, hing- o sing- dahilan sa
impluwensiya ng kasunod na tunog
Halimbawa:
pang- + bansa = pangbansa = pambansa
mang- + bola = mangbola = mambola
sing- + tamis = singtamis = sintamis
9. 2 URI NG ASIMILASYON
1. Asimilasyong di ganap
– Ito ang pagbabagong nagaganap sa pusisyong pinal
ng isang morpema dahilan sa impluwensiya ng kasunod
na tunog.
Halimbawa:
pang- + tukoy = pangtukoy = pantukoy
mang- + dukot = mangdukot = mandukot
sing- + puti = singputi = simputi
mang- + bola = mangbola = mambola
10. 2 URI NG ASIMILASYON
2. Asimilasyong ganap
– Minsan, bukod sa parsyal o di-ganap na asimilasyon,
nawawala pa rin ang unang tunog ng salitang nilalapian.
Halimbawa:
pan- + talo = pantalo = panalo
mang- + kuha = mangkuha = manguha
11. 2. Metatesis
- pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang
kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l,y,o)
Halimbawa:
lipadin = nilipad
yakapin = niyakap
12. 3.Pagpapalit ng ponema
- kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig
kaya ito'y pinapalitan ng ponemang r.
Halimbawa:
ma + damot = maramot
ma + dunong = marunong
13. 4.Paglilipat diin
- Ito ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay
hinuhulapian.
Halimbawa:
sira:in hawa:kan putu:lin
[si:ra] [-in] [ha:wak] [-an] [pu:tol] [-an]
14. 5.Pagkakaltas ng Ponema
- Nangyayari ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala kapag nilalagyan
ng hulapi
Halimbawa:
takip + -an = takipan = takpan
sara + -an = sarahan = sarhan
15. 6. Pagbabago ng ponema
- may mga tunog na nagbabago sa ponema
Halimbawa:
ma- + dami = madami = marami
ma- + dapat = madapat = marapat
Madikit ‘sticky’ at hindi marikit ‘lovely’
16. 7. Pagkawala ng ponema
- Nawawala ang huling patinig ng salitang-ugat kapag nilagyan ito
ng hulapi.
Halimbawa:
tira + -an = tirahan = tirhan
dakpin sarhan kamtan
[dakip] [-in] [ sara] [-an] [kamit] [-an]
17. ALOMORP NG MORPEMA
-ang katangian ng morpema na magbagong anyo dahil sa
impluwensiya ng kaligiran nito.
• ALLO ( kapara )
• MORPH ( yunit / anyo )