1. Week 2 Quiz 1
ESP 10
IKALAWANG MARKAHAN
Ang Pagkukusa
sa Makataong Kilos
2. Pagtataya:
1. Ang mga sumusunod ay katangian ng makataong
kilos maliban sa isa. Ano ito?
a. Ginagamitan ng isip at kilos loob
b. Isinasagawa na may kaalaman at kusa
c. Walang aspekto ng pagiging mabuti o masama
d. Pinili mula sa paghuhusga at sinuri ng konsensiya
3. 2. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa
talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli.
Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing.
Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang
nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan
ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng
kaniyang mga guro?
a. Oo, dahil siya ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
b. Oo, dahil hindi pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
4. 3. Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad
sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na
maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing
tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos?
Bakit?
a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng
aking gagawin at kahihinatnan nito
d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa
5. 4. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera.
Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya
pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan
ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na
makataong kilos?
a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng
may-ari
c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabasakaling makilala ang may-ari ng bag
6. 5. Siya ang nagsabi na ang kilos ng tao ang nagbibigay
patunay kung ang isang tao ay may control at
pananagutan sa sarili.
a. Santo Tomas de Aquino
b. Agapay
c. Aristoteles
d. Felicidad Lipio
7. 6. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa
kapanagutan ni Aristotle, alin ang
karapat-dapat panagutan?
a. Walang kusang- loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao
8. 7. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban
ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin
dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat
ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos
ayon sa kapanagutan?
a. Walang kusang- loob
b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob
d. Kilos ng tao
9. 8. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos
ayon kay Aristotle?
a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol
sa gawain at pagsang-ayon
b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may
kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil
walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
10. 9. Bakit hindi mapanagot ang taong
nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na
uri ng kilos?
a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-
ayon ng taong nagsagawa sa kilos
b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang
pagkukusa sa kilos
c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na
dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa
kalikasan at kahihinatnan ng kilos
11. 10. Ang taong gumawa sa kilos ay walang
pananagutan kung ang kilos ay ayon sa
kaniyang kalikasan bilang tao at hindi
ginagamitan ng ________ at ________.
a. konsensya at likas batas moral
b. konsensya at pag-iisip
c. kusang loob at di kusang loob
d. isip at kilos-loob
12. 11. Ayon sa kanya, may eksepsiyon, sa
kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos
kung may kulang sa proseso ng pagkilos.
a. Santo Tomas de Aquino
b. Agapay
c. Aristoteles
d. Felicidad Lipio
13. 12. May plano si Roy na mangopya sa
exam. Inilibre nya ang kaibigan sa canteen
upang pakopyahin siya. Bakit ang paglilibre
ay mas nagpabigat ng panangutan nito?
a. May paglalayon
b. May pag-iisip ng paraan na
makarating sa layunin
c. May pagpili ng pinakamalapit na
paraan
d. May pagsasakilos ng paraan
14. 13. Tinalapid ni Lincoln si Arthur upang
sadyang masaktan at maputukan ng ulo si
Arthur. Bakit mas mabigat ang panangutan
nito kumpara sa pagpatid na hangad lamang
ay may mapagtawanan?
a. May paglalayon
b. May pag-iisip ng paraan na
makarating sa layunin
c. May pagpili ng pinakamalapit na
paraan
d. May pagsasakilos ng paraan
15. 14.Bakit ang pagkopya ni Jun ng mga
sagot ng kaklase sa exam ay mas mabigat sa
halip na ang kaklase niya ang magpalit ng
kanyang sagot?
a. May paglalayon
b. May pag-iisip ng paraan na
makarating sa layunin
c. May pagpili ng pinakamalapit na
paraan
d. May pagsasakilos ng paraan
16. 15. Kailangang maging maingat ang
tao sa paggawa ng kilos sapagkat ang mga
ito ay maaaring maging isyung moral o
etikal. Ito ay dahil ang nasabing kilos ay
ginagawa nang may pang-unawa at
pagpipili kung kaya ito ay may kaakibat na
__________.
a. Pagpili
b. Pag-iisip
c. Pananagutan
d. Parusa
18. 1. c
2. c
3. c
4. b
5. b
6. c
7. b
8. a
9. c
10. d
11. c
12. b
13. a
14. d
15. c
19.
20.
21. Pursuant to the Declaration of the Filipino Values
Month through Presidential Proclamation No. 479
through the Division Memorandum No. 332 s. 2022
also known as the 2022 Division Observance of the
Filipino Values Month with the theme: "Paunlarin at
Buhayin: Kaugaliang Pilipino tungo sa Matagumpay
na Kinabukasan Natin." The celebration aims to
strengthen the Filipino culture, values and ideals
that are Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at
Makabansa.