3. Ang sakop ng panahong
Paleolithic, na ang ibig sabihin
ay Lumang Panahon ng Bato
(Old Stone Age), ay nagmula
noong unang lumitaw ang tao
hanggang magsimula silang
magsaka noong 8000 B.K. Ang
panahong ito ang pinakamahaba sa
lahat ng pagkakahati-hati ng mga
panahon sa kasaysayan ng mundo
bago naimbento ang
pagsusulat.Nagsimula at natapos
ito nang kasabay ng epokang
Pleistocene.
Ang mga katangian ng Lumang
Panahon ng Bato ay ang
sumusunod: ang paggamit ng mga
tao ng mga kasangkapang yari sa
bato, buto, kahoy, o mga
halamang nilala at ginawang mga
sisidlang-basket,
ang paggamit nila ng apoy, ang
4. ang pagsusuot nila ng mga damit
na gawa mula sa mga balat ng
hayop, ang paminsan-minsan
nilang pagtulog sa mga kuweba,
samantalang nagtatayo rin sila
ng magagaspang na kubong
maaaring tulugan o gawing
kanlungan mula sa hangin, at ang
kawalan ng mga nagsasaka,
agrikultura, o mga hayop na
inaalagaan.
5. Ang Panahon ng Bato o Stone Age [
Ingles ] ay isang malawak na
kapanahunang prehestoriko (bago
sumapit ang nasusulat na
kasaysayan) kung kailan at saan
gumagamit ang mga tao ng mga bato
para sa paggawa ng mga kagamitan o
kasangkapan. Karamihan sa mga
dalubhasa sa paksang ito ang
naghahati sa Panahon ng Bato sa
tatlong peryodo: Matandang
Panahong Bato (Paleolitiko),
Panggitna o Gitnang Panahon ng
Bato (Mesolitiko), at Bagong
Panahon ng Bato
(Neolitiko). Nagmula ang lithic o
litiko mula sa salitang Griyego na
nangangahulugang "ng bato" at
tumutukoy sa mga materyales na
ginagamit sa paggawa ng mga
kasangkapan at pagbubuo ng mga
sandata. Kahit magpahanggang-
ngayon mayroon pa ring mga
mamamayang namumuhay sa loob ng
kanilang kultura na may antas
masasabing pagkakaroon pa rin ng
"panahon ng bato". Ilan sa mga
halimbawa ang mga aborihines
(aborigene) ng Australya at ang
mga Taong-Palumpong (Bushmen, mga
"tao ng palumpong") ng Timog
Aprika.
6. May natuklasang butu-buto ng 3 tao
sa kuweba sa Tabon [Tabon cave],
sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon
SN. Sabi ng mga nag-agham sa
ninuno [anthropologists] na sila
ay taong kasalukuyan [homo
sapiens] at hindi mga unang tao.
Maaari daw na kauri sila ng
mga unang katutubo o aborigines ng
Australia, ang Koorina dumayo mula
Asia 60,000 taon nakaraan, at ng
Japan, ang Ainu na dumating duon 3
o 4 na libong taon [may
nagsasabing 10,000 taon] SN. Ang
katunayan ay may tao na sa
Pilipinas 24,000 taon SN, kung
hindi man higit na maaga pa. Ang
katotohanan ay walang nakaaalam
kung ano sila, maliban sa hindi
sila Negrito.
Ayon kay Robert
Fox, isa sa mga
nag-agham sa unang
Pilipino, may tao
na sa Pilipinas
kalahating milyon
taon SN.
Ang mga natuklasang
gamit at butu-buto sa Palawan,
sabi niya, ay pahiwatig na
ginamit ang pulo bilang landas
7. Ang
Homonisasyonat Sapiyentisas
yon. Ang homonisasyon
ay nagsasaad
ng biyolohikal na ebolusyon
ng isangindibidwal, saman
talang ang sapiyentisasyo
n ay nakatuon sa paghubog
ng kasanayan sapamumuhay
ng tao. Ayon sa teoryang
ebolusyon, ang isang ind
ibidwal ay unang nagingba
kulaw o Ramapithecus, mala-
bakulaw oAustralopithecus,
Homo habilis,Homo erect, at
Homo sapiensbago pa man
naging ganap na tao
oHomo sapien sapiens.
Sa mahabangpanahong pag-unlad ng
kaanyuan ng tao, unti unting
nabuo ang natatanging kultura.
Nagingmahalagang salik ang
biyolohikal na ebolusyon ng tao sa
pagbuo ng kanilang kultura
sapagkatnatutuhan ng sinaunang
tao ang pagkakaroon ng isang
pamilya at mga kasanayan na
maaarinilang kailanganin upang
mabuhay. Isang halimbawa ang
ebidensyang nakalap sa mga yungib o
k u w e b a s a P i l i p i n a s n a n i l i
k h a n g m g a Homo sapiens.Isang ma
halagang bagay angpagkakatuklas
ng Yungib Manunggul sapagkat
kakikitaan ito ng mga pruwebang
nagkaroon ngang maagang kultura ang
8. Ang Tapayan sa
Manunggul ay isang
banga na ginamit sa
paglilibing ng mga
sinaunang tao sa
Palawan noong 890-
710 BK. Ang banga ay
ukol sa sekondaryang paglilibing
kaya mga buto lamang ng yumao ang
laman nito. Itinuturing itong
Pambansang Kayamanan
ng Pilipinas at makikita rin sa
likod ng 1000 libo na
salapi.Nahukay sa yungib
ng Manunggul, Lipuun Point,
Palawan ang nasabing banga, at
nitong Pebrero 2008 ay sinusubok
muling halukayin ng mga dayong
mananaliksik na Pranses sa mga
baybayin ng Lipuun.
9. Sa simula, ang
kalakalan ng ating
mga ninuno ay sa
mga taga-
ibangbarangay
lamang. Nakararating
ang mga taga-Luzon
sa iba't
ibang lugarng bansa para ipagpalit
ang kanilang mga produkto. Ang mga
barangayna nasa baybay-dagat ang
naging lugar ng kalakalan.Sa
katagalan, ang mga dayuhang Tsino at
Arabo ay nakipagkalakalan
narin. Unang nakipagkalakalan
ang mga Arabo sa mga ninuno
natin saJolo. Pinapalitan nila ng tela,
metal, at iba pang bagay ang bigas,
bungang-kahoy at pampalasa na
produkto ng ating mga
ninuno.Masasabi natin na
nakikipagpalitan ng kalakal (barter
trade) ang atingmga ninuno. Ito
ay ginaganap sa mga barangay sa
baybayin.
10. Bago dumating ang
mga Kastila,
gumagamit ang
sinaunang Pilipino
ng gintong palamuti
para sa mga sa
namatay. Ang mukha ng namatay ay
tinatakpan ng pirasong ginto.
Tinatakpan ang mga mata, ang ilong
at ang bibig ng pirasong ginto.
Dalawang pirasong ginto ang
hinihiwa ng manggagawa. Ang unang
piraso ay pinapatong niya sa isang
malambot na bagay tulad ng putik o
waks. Idinidiin niya ang dulo ng
matulis na kasangkapan sa ginto
upang ito ay magkaroon ng disenyo.
Sa bawat mata ay iba-ibang disenyo
ang inilalagay. Hinuhulma rin niya
11. ang pangalawang pirasong panakip sa
ilong.
Sa arkeolohiya, ang
Panahon ng Bakal ay ang
yugto ng kaunlaran ng
sinumang tao na
namamayani angbakal sa
pangunahing sangkap sa
mga kagamitan at
sandata. Kadalasang
sumasabay ang mga
ganitongpaghiram sa mga ibang
pagbabago sa lipunan, kabilang ang
mga magkakaibang pagsasanay
sapagsasaka, mga paniniwalang pang-
relihiyon at mga malasining mga
istilo. Ito ang panahon matapos
angPanahon ng Neolitiko o Panahon
ng Bagong Bato. Ito'y tumagal
hanggang 1,000 taon pagkasilang
niKristo (A.D.). Ang mga ninuno ay
natuto nang gumamit ng mga
kasangkapan at kagamitang yari sa
tanso,bakal at ginto
Ang sinaunang
bangka ay isang
uri ng sasakyang
pandagat na yari
12. sa makapal na tabla at talasukan
ang anyo ng gilid. Ang makakapal
na tabla ay yari sa matitigas na
kahoy katulad ng ‘doongon’
(Heriteriera littoralis).
Ang bangka ay maaring mag-upo ng
25 katao at kaya nitong maglakbay
sa malalayong
lugar. Ang
pamamaraan ng
paggawa ng bangka
ay kilala mula sa
Scandinavia
hanggang sa Timog
Pasipiko noong
ikatlong siglo. Sa kasalukuyan,
ang pamamaraang ito ay ginagamit
pa rin sa isla ng Sibutu sa timog
na bahagi ng Pilipinas.
13. Ang kaunaunahan sinaunang guhit sa
bato na masusing
pinag-aralan ay
yaong mga
natagpuan sa pag-
itan ng Angono at
Binangonan, Rizal.
Ang pook ay isang
kanlungang bato o mababaw na kweba
na may 63 metro ang lapad, 8 metro
ang lalim at 5 metro ang
pinakamataas na sukat. Isang daang
dalawamput-pitong guhit ng tao ang
nakakalat sa pader. Ang mga ito ay
inukit sa mukha ng kanlungang bato
sa pamamagitan ng pirasong bato.
Ang mga ukit ay may lalim na 10
centimetro hanggang sa malabong
guhit. Binubuo ang mga larawan ng
bilugang ulo na mayroon o walang
leeg at nakapatong sa rektanggulo
o korting “V” na katawan. Ang
linya o guhit ng braso at binti ay
kadalasang nakabaluktot. Ibat-iba
ang nakaukit sa bato, may
trayanggulo, may rektanggulo at
may bilog. Ang sining sa bato ay
iniugnay sa paniniwala ng isang
tanging grupo ng tao. Ito ay
simbolo at hindi dekorasyon.
Bihira ang sining na ito sa
Pilipinas.