SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 16
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Pagdating ng mga Bagong Mananakop
               Babasahin 3 ng Aralin 1
                 Ika-apat na Kwarter

    University of the Philippines Integrated School
                 Araling Panlipunan VI




Ito ay kopya ni:_________________________________


Seksyon:     _________________________________
1

Ika-11 ng Mayo 1898 nang
naganap ang Digmaan ng
Look ng Maynila kung saan
nagapi ng hukbong pandagat
ni Commodore George
Dewey ang armada ng mga
Espanyol. Dito nagsimula ang
sabwatan ng dalawang bansa
hanggang sa tuluyang
sumuko ang Espanya sa mga
pwersang Amerikano sa ika-
13 ng Agosto 1899 matapos
ang kunwa-kunwaring                 Digmaan ng Look ng Maynila
sagupaan. Nilagdaan ng
Espanya ang Kasunduang
Paris noong Disyembre ng
taong iyon kung saan isinuko
nila ang Cuba, Puerto Rico, at
Pilipinas sa mga Amerikano
sa halagang $20 milyon.

Matapos pirmahan ang
Kasunduang Paris,
ipinahayag ni Presidente
William McKinley ang
patakarang Benevolent
                             Paglalarawan sa mga kolonyang inangkin ng Estados
Assimilation noong ika-21 ng Unidos bilang mga batang mangmang. Ipinapakita
Disyembre 1898 kung saan     ang Pilipinas at Hawaii bilang mga primitibong lahi.
inatasan niya ang hukbong
Amerikano na ipatupad ang soberanya ng Estados Unidos sa
kapuluan.

Ito ang nagpasimula sa pag-kontrol ng Estados Unidos sa politika at
ekonomiya sa bagong sinakop. _____________________ ang tawag
sa prosesong ito. Sa unang yugto ng pananakop, kolonisasyon ang uri
ng imperyalismo na ipinatupad ng Estados Unidos kung saan direktang
pinamahalaan ng Amerikanong gobernador-heneral at gobernador-sibil
ang Pilipinas. Kalaunan, nagmistulang protectorate ang Pilipinas dahil
sa paunti-unting paglipat ng mga Amerikano sa tungkulin ng
2

pamamahala sa mga sunud-sunurang elite. Sa anyong protectorate ng
imperyalismo, di-direktang pinamamahalaan ng mananakop ang
teritoryong inangkin.

                         Uri ng imperyalismo na direktang
                         pinamamahalaan ang bayang sinakop

                         Uri ng imperyalismo na di-direktang
                         pinamamahalaan ang bayang sinakop,
                         gumagamit ng mga katutubong pinuno bilang
                         kahalili ng mananakop

Sa pananaw ng mga Amerikano sila ang mas maunlad na lahi kumpara
sa ating mga Pilipino batay sa kultura, politika, at kalagayang pang-
ekonomiya. Bilang mas nakaka-angat na lahi, naniwala silang
responsibilidad nilang tulungan tayong mga Pilipino na mapabuti ang
ating mga sarili. Ito ang kaisipang ___________________________ na
ginamit ng mga Amerikano upang mabigyang katwiran ang pananakop
sa atin. Nagsilbi itong pantakip sa mga pansariling interes ng kanilang
bansa na siyang tunay na motibo sa likod ng kanilang pananakop sa
atin. Ipinakikita ng mga pahayag ng mga pinunong Amerikano na
pangunahin ang interes nilang makahanap ______________________
_____________________________ na lagakan ng surplus at kuhanan
ng mga __________________________________:

 “The Philippines are ours forever...And just beyond the Philippines are
 China’s illimitable markets. We will not retreat from either…We will not
 abandon our opportunity in the Orient.


 Our largest trade henceforth must be with Asia. The Pacific is our
 ocean… Where shall we turn for consumers of our surplus? Geography
 answers the question. China is our natural customer…The Philippines
 gives us a base at the door of all the East.”
                                                 ~Sen. Albert J. Beveridge
3
4

                     Takdang Aralin

1. Bilugan ang simbolo ng Estados Unidos.
2. Kahunan ang simbolo ng mga sinakop na bansa.
3. Saan patungo ang mga tauhan sa larawan?
   ____________________________________
4. Ipaliwanag ang konsepto ng white man’s burden gamit ang
   larawan.
5




Maaaring suriin ang
imperyalismong Amerikano bilang
bahagi ng proseso ng
pagpapalawak ng teritoryo ng
mga bansang kanluranin at
paghahanap ng mga pamilihan.
Maging ang ibang bansang
kanluranin tulad ng Portuges,
Inglatera at Alemanya ay sangkot
sa pananakop ng mga lupain sa
Aprika, Asya at Timog Amerika.
6




Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano sa ika-4
ng Pebrero 1899 kung saan binaril ni Private William Grayson ang
tatlong sundalong Pilipino. Pinatotohanan ni Heneral Elwell Otis, isang
Amerikanong opisyal, na ipinagtanggol lamang ng mga Pilipino ang
kanilang mga sarili, samantalang sundalong Amerikano ang siyang
sumalakay. Subalit, ipinagpilitan ni Pangulong McKinley na sundalong
Pilipino ang unang nagpaputok sa mga pwersang Amerikano upang
mabigyang katwiran ang kampanyang militar laban sa pwersang
Pilipino.

Nagpakita ng kabangisan ang mga Amerikano sa panahon ng digmaan
tulad ng pagtipon sa mga sibiliyan sa mga concentration camp, at
paggamit ng water cure at rope treatment upang sapilitang makakuha
ng impormasyon sa mga bihag. Dagdag pa rito ang mga naulat na
paglapastangan at paggahasa sa mga sibilyan, at pagwasak at
pagnakaw ng mga kagamitan.
7


 “There were to be no more neutrals. Inhabitants were to be classified as
 either active (not passive) friends or enemies. The latter, regardless of
 age, sex, were to be killed or captured…An eight o’clock curfew went into
 effect. Any Filipino found on the streets after that hour was to be shot on
 sight. Whenever an American soldier was killed, a native prisoner would
 be chosen by lot and executed.”

            Patakaran ni Heneral J.F. Bell sa Batangas, Cavite, at Tayabas


Gumanti ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pabigla-biglang
pagsalakay sa mga sundalong Amerikano tulad ng pagpatay sa mga
nakatalagang Amerikano sa Balangiga, Samar. Dahil sa naganap sa
Balangiga, iniutos ni Heneral Jacob Smith na:

 “I want no prisoners, I wish you to kill and burn, the more you kill and burn
 the better you will please me. I want all persons killed who are capable of
 bearing arms in actual hostilities against the United States.”


Tumugon ang mga gerilyang Pilipino sa pamamagitan ng paggawa ng
katulad na kalupitan. Halimbawa na rito ang paglilibing ng buhay
hanggang leeg. Nilalagyan ng patpat ang bibig ng Amerikanong
sundalo upang mapanatili itong nakabuka habang ginagapangan ng
mga langgam na inakit mula sa gubat sa pamamagitan ng asukal.

Bilugan ang hayop na ginamit ng mga Pilipinong sundalo sa pag-
torture sa mga sundalong Amerikano.




May dalawang taon ding lumaban ang pamahalaang Aguinaldo sa
pananalakay ng hukbong Amerikano. Kinailangan magpadala ng
8

Estados Unidos ng 120,000 tauhan para masupil ang pwersa ng mga
Pilipino sa digmaan. Ngunit sa kabila ng paglaban ng mga Pilipino,
unti-unting nanghina ang mga pwersang nakikibaka dahil sa
patakarang pagsupil at patakarang pang-akit ng mga Amerikano.
Bukod pa dito, may mga hanay din ng mga Pilipino na nakipagtulungan
sa mga mananakop tulad ng mga katutubong Macabebe na kumilos
laban sa rebolusyon at naging instrumental sa paghuli kay Aguinaldo.
Nagwakas ang pamahalaang Aguinaldo nang siya’y nahuli noong ika-




Mga sundalong Pilipino                     Mga nahuling lider ng mga gerilya

23 ng Marso 1901. Sumuko ang mga lider at tauhan ni Aguinaldo
samantalang ipinatapon naman ang ibang ayaw sumumpa ng
katapatan sa Estados Unidos. Opisyal na idineklara ng Estados Unidos
na tapos na ang digmaan noong Hulyo 1902.

Sa kabila nito hindi tumigil ang paglaban ng mga mamamayan sa iba’t
ibang paraan. Iba’t ibang landas tungo sa kalayaan ang tinahak ng mga
Pilipino para lang makamit ang kalayaang inagaw ng mga mananakop.
Ang mga anakpawis ay naglunsad ng armadong pagtatanggol at pag-
aalsa habang ang ilang malaya at edukadong Pilipino ay pumasok sa
pakikipagkolaborasyon sa Estados Unidos na may hangaring mapalaya
ang Pilipinas. Inabot ng isa pang dekada ang armadong pagtatanggol
ng mga rebolusyonaryo na pinangalanang bandido, panatiko, at
huramentado ng pamahalaang kolonyal.

Sa Katagalugan, namuno sa armadong pagtatanggol si Hen. Luciano
San Miguel. Tumulong sa kanya ang mga Katipunerong kasa-kasama
9

ni Bonifacio na napaisantabi sa panahon ni Aguinaldo. Nang mapatay
si San Miguel, ipinagpatuloy nina Macario Sakay at Francisco Carreon,
mga dati ring kasamahan ni Bonifacio, ang pamumuno sa mga natirang
gerilya. Binuo nilang muli ang Republika ng Katagalugan at
ipinagpatuloy ang gawaing rebolusyonaryo sa mga kabundukan at
kanayunan. Natigil lamang ang kanilang paglaban nang makumbinsi
sila ng mga edukadong Pilipino na tanggapin ang amnestiya noong
1906. Sa kabila ng pangakong amnestiya binitay pa rin si Sakay at
Carreon ng mga Amerikano.

                                                      Isulat ang
                                                      pangalan ng
                                                      mga
                                                      makabayang
                                                      Pilipinong ito.

                                                      Sila ang
                                                      nagpatuloy sa
                                                      armadong
                                                      pagtatanggol sa
                                                      kalayaan ng
                                                      ating bansa sa
                                                      kabila ng
                                                      pagsuko ng
                                                      lideratong elite.

                                                       Patuloy din ang
                                                       pakikipaglaban
                                                       ng mga
milenarista sa Gitna at Timog Luzon, at sa Kabisayaan. Maging ang
mga Pilipinong Muslim sa Lanao at Maguindanao ay lumaban din sa
panghihimasok ng mga Amerikano bagama’t nakipagkasundo ang
Sultan ng Sulu sa mga Amerikano sa pamamagitan ng Kasunduang
Bates. Ang mga Igorot ay di rin agarang tumanggap sa mga
mananakop. Nagpadala ang mga Amerikano ng tinatayang 400
ekspedisyon laban sa kanila. Nagpatuloy ang pabugso-bugsong
paglaban sa mga mananakop ng ilan pang dekada.
10

                               Naglunsad din ang iba ng sariling
                               pagtataguyod sa kalayaan. Isa na rito
                               ang Katipunero at manunulat na si
                               ______________________. Matapos
                               makalabas sa pagkakakulong sa
                               ilalim ng Espanya, inorganisa niya
                               ang Junta de Amigos na binuo ng
                               mga dating Katipunero. Nagsagawa
                               ang grupo ng mga gerilyang yunit at
                               pinatuloy ang paglaban sa Amerika.

                               Sinunog nila ang mga taguan ng
                               armas, hinuli ang mga kilalang
                               kolaborador, at pinatay ang ilang mga
                               Amerikanong sundalo. Kasama si
                               Artemio Ricarte, tinangka rin niyang
                               buuin muli ang rebolusyonaryong
                               hukbo.

Nang nadiskubre ang lihim na samahan, binaling ni Tolentino ang
pagtaguyod sa kalayaan sa pamamagitan ng pagsulat para sa teatro at
pahayagan. Kilala ang kaniyang sarsuwela na Kahapon, Ngayon at
Bukas bilang isang halimbawa ng makabayang akda na tumuligsa sa
pananakop ng mga Espanyol at Amerikano. Naging aktibo rin si
Tolentino sa pag-organisa ng mga samahang masa hanggang sa
kaniyang pagpanaw noong 1915.

            Pakikipagkolaboreyt ng mga Elite
Sinimulan ng mga maykaya at edukadong Pilipino ang
pakikipagkolaboreyt sa Estados Unidos habang nagaganap pa lamang
ang digmaang gerilya ng pamahalaang Aguinaldo. Karamihan sa kanila
ay pawang may mga posisyon sa pamhalaang Aguinaldo. Binuo nila
noong 1900 ang _______________________ na tumulong sa mga
Amerikano na mapaamo ang mga Pilipino. Mula sa kanilang hanay
nagmula ang mga unang alkalde, gobernador, at iba pang opisyal sa
pamahalaang sibil ng mga Amerikano. Maging ang ibang dati’y kasapi
ng rebolusyonaryong hukbo ay naging tauhan din ng mga Amerikano
sa pagsupil sa mga Pilipinong patuloy na nakibaka para sa kalayaan.
11


     Mga Kolaborador




                                            Pagtugmain ang larawan
                                            sa tamang pangalan.
                                            Gumuhit ng linya na
                                            nag-uugnay sa mga ito.

                                              Kwalipikasyon ng
                                            Botante at Kandidato
                                            sa Pamahalaang Sibil

                                            □   Lalaki
                                            □   23 taon o higit
                                            □   Humawak na ng
                                                munisipal na
                                                posisyon bago ang
                                                Agosto 1898
                                            □   Marunong sumulat
                                                at magbasa ng
                                                Ingles o Espanyol
                                            □   May ari-ariang
Bilugan ang larawan ng pinakaunang              nagkakahalaga ng
                                                $250 o nagbabayad
balimbing sa kasaysayan ng Pilipinas ayon
                                                ng taunang buwis
sa historydor na si Ambeth Ocampo.              na $15
12

Malinaw ang ginawang pag-akit ng Estados Unidos sa Pilipinong elite.
Ibinigay nito ang kahilingan ng mga ilustrado at principalia na hindi
ibinigay ng Espanya – representasyon sa kolonyal na pamahalaan,
pagbukas ng mga posisyon sa gobyerno gaya ng Korte Suprema,
military at iba pang ahensiya ng pamahalaan, at paggawa ng batas sa
pamamagitan ng Pambansang Asamblea.

Naakit din ng Estados Unidos ang mga maykaya sa pamamagitan ng
mga patakarang pang-ekonomiya. Isinagawa ang “malayang kalakalan”
at pamamahagi ng lupa na nagpatatag sa katayuang pang-ekonomiko
ng mga elite. Nagkaroon ng tiyak na pamilihan ang mga produktong
ineksport ng mga asendero at panginoong maylupa at naging
paborable sa mga negoysanteng kumprador ang pag-eeksport at pag-
iimport. Dahil na rin sa bukas na kalakalan, napabilis din ang pagpasok
ng kulturang Amerikano sa pamamagitan ng mga aklat, pelikula at iba
pang mga nabibiling produkto.

           Kagyat, Ganap at Lubos na Kalayaan
Nakuha ng ____________________
ang mayorya ng Asamblea noong
1907 dahil sa plataporma ng “kagyat,
ganap at lubos na kalayaan.” Naging
speaker si Sergio Osmeña at
majority floor leader si Manuel
Quezon. Sa panahong ito
napasakamay ng Partido Demokrata
ang pamahalaan ng Estados Unidos
kaya’t naipasa ang Jones Law noong
1916 na nangako ng independensiya
sa oras na mabuo ang isang matatag
na pamahalaang Pilipino. Napabilis
ng batas ang paglilipat sa
responsibilidad ng pamamahala sa
mga Pilipinong pinuno sa             Mula kaliwa: House Speaker Sergio
pamamagitan ng prosesong             Osmeña, Gov-gen. Francis Burton
Pilipinisasyon at napasakamay ng     Harrison at Senate Pres. Manuel L.
mga Pilipinong elite ang halos buong Quezon.
kolonyal na pamahalaan.
13

Sa puntong ito tinatalakay sa popular na pagturo sa kasaysayan ang
mga independence mission na pinamunuan nina Quezon at Osmeña
upang lalong mapabilis ang pagkamit ng kalayaan ng bansa. Subalit
kung susuriin ang primaryang batis, ibang salaysay ng kasaysayan ang
ating matutunghayan.

Narito ang isang pahayag ni Frank McIntyre, isang opisyal mula sa
Burea of Internal Affairs ng Estados Unidos, tungkol sa mga pribadong
pag-uusap nila nina Quezon at Osmeña:

        When the Philippine mission arrived in Washington in June
1919…the views of the chairmen of the mission were that there should not
be in the near future any change in the relations between the United States
and the Philippines…They desired a strengthening of the Filipino control of
the government.

         They believed that the people of education and property in the
Islands would be satisfied and would for some years discontinue the
discussion of independence if the government were made in local matters
purely Filipino…If to the government so established some name could be
given, using if possible, the word “independence” this would for some time
satisfy the mass of the people who have been fed up on independence talk
and who will not be satisfied unless they get that, at least in name…They
were not interested in having a definite date fixed for complete
independence. They have in mind that if such a date were fixed and not in
the very near future it would create a great deal of dissatisfaction in the
Islands, and that it would be much better not to mention a date…but, as
indicated, the ques-tion of complete independence is not at this time
seriously thought of.

Batay sa pahayag ni McIntyre, hangad ba nina Quezon, Osmeña at
ng pambansang elite ang kagyat, ganap at lubos na kalayaan?



Salungguhitan ang mga pangungusap na sumusuporta sa iyong
sagot.
14

Malinaw sa pahayag ni McIntyre na ang pagpapalawak ng
kapangyarihan ang tunay na interes sa likod ng mga independence
mission at hindi ang sinasabi ng mga opisyal sa publiko na “kagyat,
ganap at lubos na kalayaan.” Subalit sa kabila ng mabagal na pag-
usad ng pagsulong sa kasarinlan, nakamit din ng bansa ang kalayaan
noong Hulyo 1946 pagkatapos mapasailalim ng Pamahalaang
Komonwelt at sa pananakop ng mga Hapon. Nagawa ng mga
kolaboreytor na makuha unti-unti sa pamamagitan ng mapayapang
paraan ang inaasam na independensiya.

Subalit para sa ibang patuloy na nakibaka sa pananakop ng mga
Amerikano, hindi kumpleto ang kalayaang nakamit dahil nanatili ang
pang-ekonomiya at pampolitikang kontrol ng Estados Unidos sa ating
bansa. Hindi rin nakamit ng mga anakpawis ang inaasahang
kapayapaan, pagkapantay-pantay, kaginhawahan, at pagkakapatiran
na hatid ng tunay na kalayaan. Nakuntento ang elite sa ibinigay na
kalayaan noong 1946, habang ang mga kapatid nating anakpawis ay
patuloy pa ring lumalaban at kumikilos para sa kanilang ganap na
paglaya mula sa pang-aabuso ng dayuhan at Pilipinong panginoon.



            Sa tingin mo, tuluyan na ba tayong lumaya
            mula sa kontrol ng mga mananakop?
Sanggunian: Gripaldo, E., et al. (2003). Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong
Filipino. QC: UP-SWF at bulatlat.com.ph                                                  15




                                                            PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896
shaoie
 
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikanoMga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
doris Ravara
 
Pananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga HaponPananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga Hapon
Mark Atanacio
 
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikanoQ2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Rivera Arnel
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
Ivy Fabro
 
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikanoQ2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Rivera Arnel
 
Digmaang Pilipino-Amerikano
Digmaang Pilipino-AmerikanoDigmaang Pilipino-Amerikano
Digmaang Pilipino-Amerikano
chako_manabat
 
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang PandaigdigIkalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Arnel Rivera
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Rivera Arnel
 
Pamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang KommonweltPamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang Kommonwelt
Arnel Rivera
 
Ekspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpiEkspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpi
Cool Kid
 
Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano
Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikanoAng kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano
Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano
jetsetter22
 

Was ist angesagt? (20)

Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896Ang Rebolusyong 1896
Ang Rebolusyong 1896
 
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikanoMga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
Mga patakarang pangkabuhayan sa panahon ng amerikano
 
Pananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga HaponPananakop ng mga Hapon
Pananakop ng mga Hapon
 
Panahon ng hapon
Panahon ng haponPanahon ng hapon
Panahon ng hapon
 
Mahalagang pangyayari-sa-panahon-ng-hapones
Mahalagang pangyayari-sa-panahon-ng-haponesMahalagang pangyayari-sa-panahon-ng-hapones
Mahalagang pangyayari-sa-panahon-ng-hapones
 
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikanoQ2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
Q2 lesson 15 mga pagbabago sa panahon ng mga amerikano
 
Kilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunanKilusang propaganda at katipunan
Kilusang propaganda at katipunan
 
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikanoQ2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
 
Digmaang Pilipino-Amerikano
Digmaang Pilipino-AmerikanoDigmaang Pilipino-Amerikano
Digmaang Pilipino-Amerikano
 
Katipunan
KatipunanKatipunan
Katipunan
 
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang PandaigdigIkalawang Digmaang Pandaigdig
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
 
Pamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang KommonweltPamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang Kommonwelt
 
Encomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y serviciosEncomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y servicios
 
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng EspanyolPamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol
 
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa PilipinasAng Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
 
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikano
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikanoEdukasyon sa pamamamahal ng amerikano
Edukasyon sa pamamamahal ng amerikano
 
Ekspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpiEkspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpi
 
Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano
Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikanoAng kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano
Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano
 
Ang Panahon ng mga Amerikano
Ang Panahon ng mga Amerikano Ang Panahon ng mga Amerikano
Ang Panahon ng mga Amerikano
 

Ähnlich wie Imperyalismong Amerikano

AP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptx
AP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptxAP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptx
AP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptx
NecelynMontolo
 
DLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docx
DLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docxDLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docx
DLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docx
melanie0829
 
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
PatrickSantos175457
 
Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)
Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)
Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)
eldredlastima
 

Ähnlich wie Imperyalismong Amerikano (20)

laspilipinas-190215220655.docx
laspilipinas-190215220655.docxlaspilipinas-190215220655.docx
laspilipinas-190215220655.docx
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docx
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docx
 
q3, m1
q3, m1q3, m1
q3, m1
 
AP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptx
AP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptxAP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptx
AP 6 at A5 PAGPATULOY NG HIMAGSIKAN 2.pptx
 
Q3 module 1
Q3 module 1Q3 module 1
Q3 module 1
 
PAKIKIBAKA NG PILIPINO TUNGO SA KASARINLAN
PAKIKIBAKA NG PILIPINO TUNGO SA KASARINLANPAKIKIBAKA NG PILIPINO TUNGO SA KASARINLAN
PAKIKIBAKA NG PILIPINO TUNGO SA KASARINLAN
 
DLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docx
DLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docxDLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docx
DLL_Araling Panlipunan Grade 6_Q1_W6.docx
 
Q3 module 1 tg
Q3 module 1 tgQ3 module 1 tg
Q3 module 1 tg
 
E. teacher`s guide orig
E. teacher`s guide origE. teacher`s guide orig
E. teacher`s guide orig
 
AP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptxAP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptx
 
Unit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade FiveUnit Plan - Grade Five
Unit Plan - Grade Five
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five
 
Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five Unit Plan III - Grade Five
Unit Plan III - Grade Five
 
Araling panlipunan 6
Araling panlipunan 6Araling panlipunan 6
Araling panlipunan 6
 
The bates treaty with the muslims
The bates treaty with the muslimsThe bates treaty with the muslims
The bates treaty with the muslims
 
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
393502038-Mga-Hamon-Sa-Kasarinlan-Ng-Pilipinas-1.pptx
 
Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)
Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)
Ang hamon isang malayang bansa (digmaang piliipino-amerikan)
 
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipinoAralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
 
Doreen
DoreenDoreen
Doreen
 

Mehr von Sue Quirante

Mehr von Sue Quirante (20)

Action Research
Action ResearchAction Research
Action Research
 
Differentiated instruction
Differentiated instructionDifferentiated instruction
Differentiated instruction
 
Price Elasticity of Demand
Price Elasticity of DemandPrice Elasticity of Demand
Price Elasticity of Demand
 
Pagsusulit ukol sa Panahong Klasiko ng Athens
Pagsusulit ukol sa Panahong Klasiko ng AthensPagsusulit ukol sa Panahong Klasiko ng Athens
Pagsusulit ukol sa Panahong Klasiko ng Athens
 
Early Civilizations: Sumer
Early Civilizations: SumerEarly Civilizations: Sumer
Early Civilizations: Sumer
 
Mga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong Klasiko
Mga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong KlasikoMga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong Klasiko
Mga Kabihasnan sa Mediterranean sa Panahong Klasiko
 
Early Civilizations: Indus Valley
Early Civilizations: Indus ValleyEarly Civilizations: Indus Valley
Early Civilizations: Indus Valley
 
Ancient Chinese Civilizations: The River Dynasties
Ancient Chinese Civilizations: The River DynastiesAncient Chinese Civilizations: The River Dynasties
Ancient Chinese Civilizations: The River Dynasties
 
Early American Civilizations (Pre-Columbian)
Early American Civilizations (Pre-Columbian)Early American Civilizations (Pre-Columbian)
Early American Civilizations (Pre-Columbian)
 
Demand & Supply Seatwork
Demand & Supply SeatworkDemand & Supply Seatwork
Demand & Supply Seatwork
 
Production: Factors and Firm Types
Production: Factors and Firm TypesProduction: Factors and Firm Types
Production: Factors and Firm Types
 
3 Reasons for the Downward Slope of Demand
3 Reasons for the Downward Slope of Demand3 Reasons for the Downward Slope of Demand
3 Reasons for the Downward Slope of Demand
 
Consumer Rights: Pertinent Philippine Laws
Consumer Rights: Pertinent Philippine LawsConsumer Rights: Pertinent Philippine Laws
Consumer Rights: Pertinent Philippine Laws
 
Holocene Period
Holocene PeriodHolocene Period
Holocene Period
 
Periodization of History
Periodization of HistoryPeriodization of History
Periodization of History
 
Introduction to Action Research for Teachers
Introduction to Action Research for TeachersIntroduction to Action Research for Teachers
Introduction to Action Research for Teachers
 
Allocation & Economic Systems
Allocation & Economic SystemsAllocation & Economic Systems
Allocation & Economic Systems
 
Factors of Production Worksheet
Factors of Production WorksheetFactors of Production Worksheet
Factors of Production Worksheet
 
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
Mga Salik ng Produksyon (Worksheet)
 
Mga Parte sa Nawong
Mga Parte sa NawongMga Parte sa Nawong
Mga Parte sa Nawong
 

Kürzlich hochgeladen

APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
RuvyAnnClaus
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 

Imperyalismong Amerikano

  • 1. Pagdating ng mga Bagong Mananakop Babasahin 3 ng Aralin 1 Ika-apat na Kwarter University of the Philippines Integrated School Araling Panlipunan VI Ito ay kopya ni:_________________________________ Seksyon: _________________________________
  • 2. 1 Ika-11 ng Mayo 1898 nang naganap ang Digmaan ng Look ng Maynila kung saan nagapi ng hukbong pandagat ni Commodore George Dewey ang armada ng mga Espanyol. Dito nagsimula ang sabwatan ng dalawang bansa hanggang sa tuluyang sumuko ang Espanya sa mga pwersang Amerikano sa ika- 13 ng Agosto 1899 matapos ang kunwa-kunwaring Digmaan ng Look ng Maynila sagupaan. Nilagdaan ng Espanya ang Kasunduang Paris noong Disyembre ng taong iyon kung saan isinuko nila ang Cuba, Puerto Rico, at Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang $20 milyon. Matapos pirmahan ang Kasunduang Paris, ipinahayag ni Presidente William McKinley ang patakarang Benevolent Paglalarawan sa mga kolonyang inangkin ng Estados Assimilation noong ika-21 ng Unidos bilang mga batang mangmang. Ipinapakita Disyembre 1898 kung saan ang Pilipinas at Hawaii bilang mga primitibong lahi. inatasan niya ang hukbong Amerikano na ipatupad ang soberanya ng Estados Unidos sa kapuluan. Ito ang nagpasimula sa pag-kontrol ng Estados Unidos sa politika at ekonomiya sa bagong sinakop. _____________________ ang tawag sa prosesong ito. Sa unang yugto ng pananakop, kolonisasyon ang uri ng imperyalismo na ipinatupad ng Estados Unidos kung saan direktang pinamahalaan ng Amerikanong gobernador-heneral at gobernador-sibil ang Pilipinas. Kalaunan, nagmistulang protectorate ang Pilipinas dahil sa paunti-unting paglipat ng mga Amerikano sa tungkulin ng
  • 3. 2 pamamahala sa mga sunud-sunurang elite. Sa anyong protectorate ng imperyalismo, di-direktang pinamamahalaan ng mananakop ang teritoryong inangkin. Uri ng imperyalismo na direktang pinamamahalaan ang bayang sinakop Uri ng imperyalismo na di-direktang pinamamahalaan ang bayang sinakop, gumagamit ng mga katutubong pinuno bilang kahalili ng mananakop Sa pananaw ng mga Amerikano sila ang mas maunlad na lahi kumpara sa ating mga Pilipino batay sa kultura, politika, at kalagayang pang- ekonomiya. Bilang mas nakaka-angat na lahi, naniwala silang responsibilidad nilang tulungan tayong mga Pilipino na mapabuti ang ating mga sarili. Ito ang kaisipang ___________________________ na ginamit ng mga Amerikano upang mabigyang katwiran ang pananakop sa atin. Nagsilbi itong pantakip sa mga pansariling interes ng kanilang bansa na siyang tunay na motibo sa likod ng kanilang pananakop sa atin. Ipinakikita ng mga pahayag ng mga pinunong Amerikano na pangunahin ang interes nilang makahanap ______________________ _____________________________ na lagakan ng surplus at kuhanan ng mga __________________________________: “The Philippines are ours forever...And just beyond the Philippines are China’s illimitable markets. We will not retreat from either…We will not abandon our opportunity in the Orient. Our largest trade henceforth must be with Asia. The Pacific is our ocean… Where shall we turn for consumers of our surplus? Geography answers the question. China is our natural customer…The Philippines gives us a base at the door of all the East.” ~Sen. Albert J. Beveridge
  • 4. 3
  • 5. 4 Takdang Aralin 1. Bilugan ang simbolo ng Estados Unidos. 2. Kahunan ang simbolo ng mga sinakop na bansa. 3. Saan patungo ang mga tauhan sa larawan? ____________________________________ 4. Ipaliwanag ang konsepto ng white man’s burden gamit ang larawan.
  • 6. 5 Maaaring suriin ang imperyalismong Amerikano bilang bahagi ng proseso ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga bansang kanluranin at paghahanap ng mga pamilihan. Maging ang ibang bansang kanluranin tulad ng Portuges, Inglatera at Alemanya ay sangkot sa pananakop ng mga lupain sa Aprika, Asya at Timog Amerika.
  • 7. 6 Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano sa ika-4 ng Pebrero 1899 kung saan binaril ni Private William Grayson ang tatlong sundalong Pilipino. Pinatotohanan ni Heneral Elwell Otis, isang Amerikanong opisyal, na ipinagtanggol lamang ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, samantalang sundalong Amerikano ang siyang sumalakay. Subalit, ipinagpilitan ni Pangulong McKinley na sundalong Pilipino ang unang nagpaputok sa mga pwersang Amerikano upang mabigyang katwiran ang kampanyang militar laban sa pwersang Pilipino. Nagpakita ng kabangisan ang mga Amerikano sa panahon ng digmaan tulad ng pagtipon sa mga sibiliyan sa mga concentration camp, at paggamit ng water cure at rope treatment upang sapilitang makakuha ng impormasyon sa mga bihag. Dagdag pa rito ang mga naulat na paglapastangan at paggahasa sa mga sibilyan, at pagwasak at pagnakaw ng mga kagamitan.
  • 8. 7 “There were to be no more neutrals. Inhabitants were to be classified as either active (not passive) friends or enemies. The latter, regardless of age, sex, were to be killed or captured…An eight o’clock curfew went into effect. Any Filipino found on the streets after that hour was to be shot on sight. Whenever an American soldier was killed, a native prisoner would be chosen by lot and executed.” Patakaran ni Heneral J.F. Bell sa Batangas, Cavite, at Tayabas Gumanti ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pabigla-biglang pagsalakay sa mga sundalong Amerikano tulad ng pagpatay sa mga nakatalagang Amerikano sa Balangiga, Samar. Dahil sa naganap sa Balangiga, iniutos ni Heneral Jacob Smith na: “I want no prisoners, I wish you to kill and burn, the more you kill and burn the better you will please me. I want all persons killed who are capable of bearing arms in actual hostilities against the United States.” Tumugon ang mga gerilyang Pilipino sa pamamagitan ng paggawa ng katulad na kalupitan. Halimbawa na rito ang paglilibing ng buhay hanggang leeg. Nilalagyan ng patpat ang bibig ng Amerikanong sundalo upang mapanatili itong nakabuka habang ginagapangan ng mga langgam na inakit mula sa gubat sa pamamagitan ng asukal. Bilugan ang hayop na ginamit ng mga Pilipinong sundalo sa pag- torture sa mga sundalong Amerikano. May dalawang taon ding lumaban ang pamahalaang Aguinaldo sa pananalakay ng hukbong Amerikano. Kinailangan magpadala ng
  • 9. 8 Estados Unidos ng 120,000 tauhan para masupil ang pwersa ng mga Pilipino sa digmaan. Ngunit sa kabila ng paglaban ng mga Pilipino, unti-unting nanghina ang mga pwersang nakikibaka dahil sa patakarang pagsupil at patakarang pang-akit ng mga Amerikano. Bukod pa dito, may mga hanay din ng mga Pilipino na nakipagtulungan sa mga mananakop tulad ng mga katutubong Macabebe na kumilos laban sa rebolusyon at naging instrumental sa paghuli kay Aguinaldo. Nagwakas ang pamahalaang Aguinaldo nang siya’y nahuli noong ika- Mga sundalong Pilipino Mga nahuling lider ng mga gerilya 23 ng Marso 1901. Sumuko ang mga lider at tauhan ni Aguinaldo samantalang ipinatapon naman ang ibang ayaw sumumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Opisyal na idineklara ng Estados Unidos na tapos na ang digmaan noong Hulyo 1902. Sa kabila nito hindi tumigil ang paglaban ng mga mamamayan sa iba’t ibang paraan. Iba’t ibang landas tungo sa kalayaan ang tinahak ng mga Pilipino para lang makamit ang kalayaang inagaw ng mga mananakop. Ang mga anakpawis ay naglunsad ng armadong pagtatanggol at pag- aalsa habang ang ilang malaya at edukadong Pilipino ay pumasok sa pakikipagkolaborasyon sa Estados Unidos na may hangaring mapalaya ang Pilipinas. Inabot ng isa pang dekada ang armadong pagtatanggol ng mga rebolusyonaryo na pinangalanang bandido, panatiko, at huramentado ng pamahalaang kolonyal. Sa Katagalugan, namuno sa armadong pagtatanggol si Hen. Luciano San Miguel. Tumulong sa kanya ang mga Katipunerong kasa-kasama
  • 10. 9 ni Bonifacio na napaisantabi sa panahon ni Aguinaldo. Nang mapatay si San Miguel, ipinagpatuloy nina Macario Sakay at Francisco Carreon, mga dati ring kasamahan ni Bonifacio, ang pamumuno sa mga natirang gerilya. Binuo nilang muli ang Republika ng Katagalugan at ipinagpatuloy ang gawaing rebolusyonaryo sa mga kabundukan at kanayunan. Natigil lamang ang kanilang paglaban nang makumbinsi sila ng mga edukadong Pilipino na tanggapin ang amnestiya noong 1906. Sa kabila ng pangakong amnestiya binitay pa rin si Sakay at Carreon ng mga Amerikano. Isulat ang pangalan ng mga makabayang Pilipinong ito. Sila ang nagpatuloy sa armadong pagtatanggol sa kalayaan ng ating bansa sa kabila ng pagsuko ng lideratong elite. Patuloy din ang pakikipaglaban ng mga milenarista sa Gitna at Timog Luzon, at sa Kabisayaan. Maging ang mga Pilipinong Muslim sa Lanao at Maguindanao ay lumaban din sa panghihimasok ng mga Amerikano bagama’t nakipagkasundo ang Sultan ng Sulu sa mga Amerikano sa pamamagitan ng Kasunduang Bates. Ang mga Igorot ay di rin agarang tumanggap sa mga mananakop. Nagpadala ang mga Amerikano ng tinatayang 400 ekspedisyon laban sa kanila. Nagpatuloy ang pabugso-bugsong paglaban sa mga mananakop ng ilan pang dekada.
  • 11. 10 Naglunsad din ang iba ng sariling pagtataguyod sa kalayaan. Isa na rito ang Katipunero at manunulat na si ______________________. Matapos makalabas sa pagkakakulong sa ilalim ng Espanya, inorganisa niya ang Junta de Amigos na binuo ng mga dating Katipunero. Nagsagawa ang grupo ng mga gerilyang yunit at pinatuloy ang paglaban sa Amerika. Sinunog nila ang mga taguan ng armas, hinuli ang mga kilalang kolaborador, at pinatay ang ilang mga Amerikanong sundalo. Kasama si Artemio Ricarte, tinangka rin niyang buuin muli ang rebolusyonaryong hukbo. Nang nadiskubre ang lihim na samahan, binaling ni Tolentino ang pagtaguyod sa kalayaan sa pamamagitan ng pagsulat para sa teatro at pahayagan. Kilala ang kaniyang sarsuwela na Kahapon, Ngayon at Bukas bilang isang halimbawa ng makabayang akda na tumuligsa sa pananakop ng mga Espanyol at Amerikano. Naging aktibo rin si Tolentino sa pag-organisa ng mga samahang masa hanggang sa kaniyang pagpanaw noong 1915. Pakikipagkolaboreyt ng mga Elite Sinimulan ng mga maykaya at edukadong Pilipino ang pakikipagkolaboreyt sa Estados Unidos habang nagaganap pa lamang ang digmaang gerilya ng pamahalaang Aguinaldo. Karamihan sa kanila ay pawang may mga posisyon sa pamhalaang Aguinaldo. Binuo nila noong 1900 ang _______________________ na tumulong sa mga Amerikano na mapaamo ang mga Pilipino. Mula sa kanilang hanay nagmula ang mga unang alkalde, gobernador, at iba pang opisyal sa pamahalaang sibil ng mga Amerikano. Maging ang ibang dati’y kasapi ng rebolusyonaryong hukbo ay naging tauhan din ng mga Amerikano sa pagsupil sa mga Pilipinong patuloy na nakibaka para sa kalayaan.
  • 12. 11 Mga Kolaborador Pagtugmain ang larawan sa tamang pangalan. Gumuhit ng linya na nag-uugnay sa mga ito. Kwalipikasyon ng Botante at Kandidato sa Pamahalaang Sibil □ Lalaki □ 23 taon o higit □ Humawak na ng munisipal na posisyon bago ang Agosto 1898 □ Marunong sumulat at magbasa ng Ingles o Espanyol □ May ari-ariang Bilugan ang larawan ng pinakaunang nagkakahalaga ng $250 o nagbabayad balimbing sa kasaysayan ng Pilipinas ayon ng taunang buwis sa historydor na si Ambeth Ocampo. na $15
  • 13. 12 Malinaw ang ginawang pag-akit ng Estados Unidos sa Pilipinong elite. Ibinigay nito ang kahilingan ng mga ilustrado at principalia na hindi ibinigay ng Espanya – representasyon sa kolonyal na pamahalaan, pagbukas ng mga posisyon sa gobyerno gaya ng Korte Suprema, military at iba pang ahensiya ng pamahalaan, at paggawa ng batas sa pamamagitan ng Pambansang Asamblea. Naakit din ng Estados Unidos ang mga maykaya sa pamamagitan ng mga patakarang pang-ekonomiya. Isinagawa ang “malayang kalakalan” at pamamahagi ng lupa na nagpatatag sa katayuang pang-ekonomiko ng mga elite. Nagkaroon ng tiyak na pamilihan ang mga produktong ineksport ng mga asendero at panginoong maylupa at naging paborable sa mga negoysanteng kumprador ang pag-eeksport at pag- iimport. Dahil na rin sa bukas na kalakalan, napabilis din ang pagpasok ng kulturang Amerikano sa pamamagitan ng mga aklat, pelikula at iba pang mga nabibiling produkto. Kagyat, Ganap at Lubos na Kalayaan Nakuha ng ____________________ ang mayorya ng Asamblea noong 1907 dahil sa plataporma ng “kagyat, ganap at lubos na kalayaan.” Naging speaker si Sergio Osmeña at majority floor leader si Manuel Quezon. Sa panahong ito napasakamay ng Partido Demokrata ang pamahalaan ng Estados Unidos kaya’t naipasa ang Jones Law noong 1916 na nangako ng independensiya sa oras na mabuo ang isang matatag na pamahalaang Pilipino. Napabilis ng batas ang paglilipat sa responsibilidad ng pamamahala sa mga Pilipinong pinuno sa Mula kaliwa: House Speaker Sergio pamamagitan ng prosesong Osmeña, Gov-gen. Francis Burton Pilipinisasyon at napasakamay ng Harrison at Senate Pres. Manuel L. mga Pilipinong elite ang halos buong Quezon. kolonyal na pamahalaan.
  • 14. 13 Sa puntong ito tinatalakay sa popular na pagturo sa kasaysayan ang mga independence mission na pinamunuan nina Quezon at Osmeña upang lalong mapabilis ang pagkamit ng kalayaan ng bansa. Subalit kung susuriin ang primaryang batis, ibang salaysay ng kasaysayan ang ating matutunghayan. Narito ang isang pahayag ni Frank McIntyre, isang opisyal mula sa Burea of Internal Affairs ng Estados Unidos, tungkol sa mga pribadong pag-uusap nila nina Quezon at Osmeña: When the Philippine mission arrived in Washington in June 1919…the views of the chairmen of the mission were that there should not be in the near future any change in the relations between the United States and the Philippines…They desired a strengthening of the Filipino control of the government. They believed that the people of education and property in the Islands would be satisfied and would for some years discontinue the discussion of independence if the government were made in local matters purely Filipino…If to the government so established some name could be given, using if possible, the word “independence” this would for some time satisfy the mass of the people who have been fed up on independence talk and who will not be satisfied unless they get that, at least in name…They were not interested in having a definite date fixed for complete independence. They have in mind that if such a date were fixed and not in the very near future it would create a great deal of dissatisfaction in the Islands, and that it would be much better not to mention a date…but, as indicated, the ques-tion of complete independence is not at this time seriously thought of. Batay sa pahayag ni McIntyre, hangad ba nina Quezon, Osmeña at ng pambansang elite ang kagyat, ganap at lubos na kalayaan? Salungguhitan ang mga pangungusap na sumusuporta sa iyong sagot.
  • 15. 14 Malinaw sa pahayag ni McIntyre na ang pagpapalawak ng kapangyarihan ang tunay na interes sa likod ng mga independence mission at hindi ang sinasabi ng mga opisyal sa publiko na “kagyat, ganap at lubos na kalayaan.” Subalit sa kabila ng mabagal na pag- usad ng pagsulong sa kasarinlan, nakamit din ng bansa ang kalayaan noong Hulyo 1946 pagkatapos mapasailalim ng Pamahalaang Komonwelt at sa pananakop ng mga Hapon. Nagawa ng mga kolaboreytor na makuha unti-unti sa pamamagitan ng mapayapang paraan ang inaasam na independensiya. Subalit para sa ibang patuloy na nakibaka sa pananakop ng mga Amerikano, hindi kumpleto ang kalayaang nakamit dahil nanatili ang pang-ekonomiya at pampolitikang kontrol ng Estados Unidos sa ating bansa. Hindi rin nakamit ng mga anakpawis ang inaasahang kapayapaan, pagkapantay-pantay, kaginhawahan, at pagkakapatiran na hatid ng tunay na kalayaan. Nakuntento ang elite sa ibinigay na kalayaan noong 1946, habang ang mga kapatid nating anakpawis ay patuloy pa ring lumalaban at kumikilos para sa kanilang ganap na paglaya mula sa pang-aabuso ng dayuhan at Pilipinong panginoon. Sa tingin mo, tuluyan na ba tayong lumaya mula sa kontrol ng mga mananakop?
  • 16. Sanggunian: Gripaldo, E., et al. (2003). Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong Filipino. QC: UP-SWF at bulatlat.com.ph 15 PANANAKOP NG MGA AMERIKANO