SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 22
Downloaden Sie, um offline zu lesen
1
ARALING PANLIPUNAN II
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 5
MGA DAAN NG PANANAKOP
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2
MODYUL 5
MGA DAAN NG PANANAKOP
Ano ang modyul na ito?
Maaaring nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang
nakasakop sa mga bansa sa Asya. Napakalayo ng Europa sa mga bansa sa
Asya pero nakarating pa rin sila at nagsakop pa ng mga teritoryo. Ang pananakop na ito
ay nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Asyano - mga mabuti at di-
mabuting pagbabago. Isa-isahin natin ang mga pangyayaring naganap at nagbigay
daan sa pagdating ng mga Europeo sa Asya.
May limang araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Pakikipagsapalaran ni Marco Polo
Aralin 2: Mga Krusada
Aralin 3: Ang Pagbagsak ng Constatinople
Aralin 4: Ang Pagpapaligsahan ng mga Bansang Europeo sa Kapangyarihan
Aralin 5: Renaissance at Rebolusyong Komersyal
Mga inaasahang matututunan:
1. Matutukoy ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagdating ng
Europeo sa Asya;
2. Matatalakay ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagdating ng
Europeo sa Asya; at
3. Masusuri ang epekto ng mga pangyayaring ito sa kalagayang pulitikal,
kultural, at ekonomiko ng Asya.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT
I. Panuto: Subukan mong sagutin ang mga katanungan upang malaman
kung may ilang kaalaman ka na tungkol sa paksang ito. Isulat ang sagot
sa puwang sa kaliwang bahagi.
.
__________1. Kontinenting kinaroroonan ng sinaunang kabihasnang India at
Tsina.
__________2. Manlalakbay na taga Venetia na nagtagal sa kaharin ni Kublai
Khan sa Tsina.
__________3. Ekspedisyong militar sa inilunsad ng simbahang Kristiyano laban
sa mga Muslim para mabawi ang Jerusalem.
__________4. Ang bansa sa Europa sa nanguna sa paglalakbay noong 15 siglo.
__________5. Ang Europeong bansa na unang nanakop sa Pilipinas.
__________6. Ang kontinente kung saan matatagpuan ang Jerusalem.
__________7. Motibo ng mga Ingles sa pagpunta sa India.
__________8. Tawag sa bansang sakop.
__________9. Ang salitang Pranses na ang ibig sabihan ay “muling pagsilang”
at ito ay nagdulot ng pagbabago lalo na sa kilusang kultura.
__________10. Ang Emperador ng Tsina nang si Marco Polo ay bumisita rito.
4
ARALIN 1
PAKIPAGSAPALARAN NI MARCO POLO
Ang nasa larawan ay si Marco Polo, isang mangangalakal na taga-Venitia sa
bansang Italya. Sumama siyang naglakbay sa kanyang tatay at tiyuhin sa
Silangan. Tumagal ng halos dalawampu’t limang taon ang kanilang paglalakbay. Sa
loob ng panahong ito, si Marco Polo ay napunta sa palasyo ni Emperador Kublai Khan
na isang Mongol na siyang namumuno noon sa Tsina. Kinalugdan siya ni Kublai Khan
at siya ay itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador.
Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati na sa Siberia. Ang mga nakita
niyang magagandang kabihasnan sa mga bansang ito ng Asya lalo na sa Tsina ay
ipinatala niya sa isang manunulat noong taong 1299. Ang aklat ay pinamagatang “Book
of Marco Polo”. Ang mga isinulat niyang kagandahan ng kabihasnang Asyano ang
nagganyak sa mga adbenturerong Europeo na makipagsapalaran sa Asya.
Marco Polo
5
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Sino si Marco Polo? Magbigay ng ilang bagay na mapagkilanlan sa kanya.
__________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Batay sa iyong nabasa, sinasabi na ang mga naitala ni Marco Polo ay
nakapaghikayat sa ibang Europeo na maglakbay patungong Silangan. Ikaw ba ay
nakapaglakbay din sa ibang lugar ng ating bansa? Kung ganoon, magsalarawan ng
mga nakita mo sa lugar na pinuntahan mo na maaaring makahikayat din sa mga
kaklase mo o kaibigan na pumunta sa lugar na iyon.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
.
Tandaan Mo!
Si Marco Polo ay taga Venitia na manlalakbay.
Siya ay nakaabot sa Tsina at kinalugdan ng Emperor Kublai Khan.
Nagsulat siya ng ng libro na nagsalarawan ng kagandahan ng Silangan.
Ang nakaalam sa kanyang naisulat ay nahikayat na maglakbay rin papauntang
Silangan.
6
ARALIN 2
MGA KRUSADA
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na pinangunahan ng Simbahang
Kristiyano laban sa mga Turkong Muslim para bawiin ang banal na lupang Herusalem.
Noong 1076, ang Herusalem ay inagaw ng mga Turkong Muslim sa Kristiyano.
Pinagmalupitan ng mga Muslim ang mga Kristiyanong nananampalataya doon. Ang
Imperyong Byzantino ay nanganib na masakop din ng mga Muslim kaya ang kanilang
Emperador na si Alexus Comnemus ay humingi ng tulong kay Papa Urban II.
Nagdeklara ng Banal na Digmaan ang Papa laban sa mga Muslim. Sa tulong ng mga
haring Kristiyanong Europeo at mga maharlikang pinuno, nailunsad ang humigit
kumulang na walong mahahalagang ekspedisyon sa loob ng labing-tatlong daang taon.
Ang unang krusada ay inilunsad noong1096 na binuo na dalawang grupo sa
pamumuno ng unang kabalyerong Pransya na si Walter the Penniless at Peter the
Hermit. Kahit hindi masyadong organisado, nakarating din ang ilan sa Herusalem.
Napasok nila ang Herusalem kung saan si Duke Godfrey de Bouillon ay naging
gobernador at iba pang lupain ay hinati-hati nila.
Marami pang mga Krusada ang sumunod pero ang karamihan ay naging bigo
lalo na yaong inilunsad nila Haring Louis VII ng Pransiya at Emperador Conrad III. Ang
pinakamalungkot na bahagi ng krusadang ito ay ang Krusada ng mga Bata na
pinamunuan ni Stephen noong 1212 na binuo ng mga 30,000 na bata na may gulang
na labing-tatlong taon at yaong pinamumunuan ni Nicolas na binuo ng mga 20,000 na
bata. Karamihan sa mga bata ay nagkasakit, ang iba ay namatay samantalang ang iba
pa ay pinagbili bilang alipin.
Hindi man lubusang nagtagumpay ang krusadang ito, marami ring mabuting
naidulot ito. Ang krusada ang nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya
noong ika-11 hanggang 13 siglo. Dahil sa ang Herusalem ay nasa kanlurang Asya, sa
paglalakbay ng mga Europeong sumali sa Krusada nakilala nila ang mga produkto ng
Silangan tulad ng pampalasa, mamahaling bato, pabango, sedang tela, porselana,
prutas at iba pa na nakabighani sa mga Europeo. Naging masigla ang palitan ng
7
kalakalan kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating dito sa Asya.
Maraming Europeo ang naghanap ng mga ruta para makarating lang sa Asya. At ito din
ang naging daan para magkainteres ang malalaking bansa sa Europa na sakupin ang
ilang lugar o bansa sa Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ang nasa larawan sa ibaba ay isang mandirigma sa krusada. Magtala ng
tatlong bagay na kapansin-pansin sa kanyang anyo at kasuotan.
1. ____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. ____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
8
3. ____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Mayroong krusada na binuo ng mga kabanata. Sa gulang mong iyan,
ikaw ba ay handing sumama rin sa krusada kung ikaw ay nabubuhay sa
panahong iyon? Itala ang iyong kasagutan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
9
ARALIN 3
ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE
Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa Kontinente
ng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India,Tsina
at ibang bahagi ng Silangan.
Ito rin ang teritoryong madalas daanan noong panahon ng Krusada. Kung
matatandaan natin ng lumakas ang Turkong Muslim at sinakop nga ang Herusalem,
nanganib ang Constantinople na bumagsak din sa mga Turkong Muslim, kaya humingi
ng tulong ang Emperador ng Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim at
mabawi ang Herusalem. Sa loob ng panahon ng Krusada, napigil ang pagsalakay ng
Muslim patungong Europa ngunit nang masakop ng Turkong Muslim ang Silangang
Mediterranean ay lubusan na ring sinakop ang Constantinople noong1453 at ang
naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ng
kalakalan mula sa Europa patungong Silangan. Dahil dito, napilitang maghanap ng
bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo. Pinangunahan ng Portugal at
Espanya ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na Portuges ang naglakbay
ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco de Gama sapagkat
nalibot niya ang ”Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng ruta
patungong India at sa mga Islang Indies.
Tingnan ang nakalarawang ruta na tinahak ni Vasco de Gama.
10
Kung susundan natin ang takbo ng pangyayari para maiugnay ang
pagbagsak ng Constantinople sa pagtuklas ng alternatibong ruta patungong Silangan,
tingnan mo ang pagkakasunod-sunod ng mga naganap na pangyayari:
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Magtala ng ng tatlong epekto na idinulot ng pagbagsak ng Constantinople.
1. ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
2. ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
3. ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
Pagbagsak
ng
Constanti-
nople
Pagsara ng
rutang
pang-
kalakalan
mula
Europa
patungung
Silangan
Paglakbay
ng
manlalayag
na
Portuges
Pag-ikot ni
Vasco de
Gama sa
Cape of
Good Hope
Pagbukas ng
bagong rutang
pangkalakalan
11
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Batay sa mapa na tinahak ni Vasco de Gama, ipaliwanag kung bakit
sinasabing nakatulong ito ng malaki sa paglalakbay ng mga Europeo patungong
India?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang Constantinople ay Asyanong Teritoryo na malapit sa Europa.
Ito ay nagsilbing rutang pangkalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
Nang ito ay sakupin ng Muslim napilitan ang mga Europa na
maghanap ng ruta na dumadaan sa Kanluran patungong Silangan.
.
12
ARALIN 4
ANG PAGPAPALIGSAHAN NG MGA BANSANG EUROPEO SA KAPANGYARIHAN
Kung noon ay Italya, lalo na ang Venetia ang nag-iisang nagkontrol sa rutang
pangkalakalan patungong Silangan, ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasan
ng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na
maggalugad sa ibang panig ng daigdig. Nariyan ang Espanya, Pransiya, Ingletera, at
Alemanya. Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling pinakamakapangyarihan na
bansa sa mundo sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain. Nanguna sa mga ito
ang Portuges at Espanya na naging matindi ang pagpapaligsahan sa paggalugad sa
mundo at pagsakop ng mga lupain. Sa matinding pagtutunggalian ng dalawang bansa
ay namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko para maiwasan ang paghantong sa
digmaan ng paligsahan ng mga ito. Taong 1494 ay nagtalaga ng “line of demarcation” o
hangganan kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa. Ayon
sa Tratadong Tordesillas, Portuges ay maggagalugad sa bandang silangan
samantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran. Nang maipatupad ang desisyong
ito ay nakapaglayag na ang Espanya sa bandang kanluran kung saan marami nang
teritoryo sa kontinenting Amerika ang nasakop. Ang Portuges naman ay nakuha lang
ang Brazil. Ganoon pa man, hinayaan na ng Espanya na manatili sa Portuges ang
Brazil habang ang Pilipinas naman na nasa silangan na nasakop naman ng Espanya ay
nanatili naman dito. Ang hindi naiwasan na digmaan ng Portuges at Espanya ay sa
Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng pamienta. Sa
pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong1529, nakuha ng Portuges ang Moluccas.
Maliban sa Moluccas ay nakakuha rin ito ng teritoyo sa India.
Maliban sa Espanya at Portuges, nakipagpaligsahan rin ang Inglatera. Sa
pamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot, napasailalim ng Inglatera ang
Nova Scotia Canada. Nang matalo ng Inglatera ang Spanish Armanda noong 1588
ibinuhos ng Inglatera ang kanyang atensiyon sa kalakalan. Sa pamamagitan ng East
India Company, naitatag ng Inglatera ang sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatag
rin ito ng permamenteng panirahan sa Hilagang Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ng
13
Ceylon, Malaya, at Singapore pati na rin ang Australia, New Zealand, at mga pulo sa
Hilagang Pasipiko.
Ang Pransiya naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuha
rin nito ang Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18 siglo nasakop ng Pransiya
ang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga teritoryong ito ang buong
kolonyang French Indo-China.
Ang Olandya sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin sa
isang bahagi ng India. Napasailalim ng Olandes ang East Indies (Indonesia sa
kasalukuyan).
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Magdikit ng mapa ng mundo o kaya ay gumuhit ka ng mapa ng mundo sa isang
papel at ituro mo sa mapa sa pamamagitan ng pagguhit ang ruta o daan na
dinaanan ni Magellan papuntang Pilipinas.
. (Mapa ng mundo)
14
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gumagawa ng isang talahanayan at isulat ang sumusunod:
Bansang Europeo Ang lugar na sinakop
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
.
Tandaan Mo!
Italya ang nag-iisang nagkontrol sa rutang pangkalakalan
patungongSilangan.
Nang magsimulang maghanap ang Portuges ng alternatibong
daan, sumunod ang iba pang bansa sa Europa tulad ng Espanya, Britanya, Pransiya
at Orlandia.
Nag paligsahan ang mga bansang Europeo sa pagsakop ng teritoryo sa Asya.
Ito ang nagpasimula ng kolonyalismo.
15
ARALIN 5
RENAISSANCE AT ANG REBOLUSYONG KOMERSYAL
Ang Renaissance ay naging salik din sa pagdating ng mga Europeo sa Asya.
Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ay “muling pagsilang”. Ito
ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong
panahon. Matatandaan natin na noong gitnang panahon ang Simbahang Kristiyano ang
may malakas na impluwensiya sa tao. Nakasentro ang buhay ng tao sa relihiyon.
Ngunit nang ang simbahan lalo na ang pinuno nito, mula Papa, mga Obispo at kaparian
ay nasangkot sa imoral na gawain, pagpapayaman at pagmamalupit sa mga taong hindi
karelihiyon, nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang mga
tao hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran at pulitika.
Ang pagbabago ay nagsimula sa kilusang pangkultura na nagsimula sa Italya
noong 1350. Ang kilusan ay nakasentro sa pagpapanumbalik ng interes sa kultura ng
Sinaunang Gresya at Roma kaya tinawag na “muling pagsilang”. Masasabing ang
pangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon.
Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, sa
pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-uugali at sa paggalang ng pagkatao ng
isang indibidwal. Indibidwalismo ang binigyang pansin ng Renaissance kaya hindi
nakapagtataka na maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao. Ang malayang
pag-iisip ng tao ang nagpalawak ng kanyang ideya at pananaw sa buhay kaya dito
nagsimula ang pagbabago sa sining at agham. Nariyan din ang pagtuklas ng maraming
bagay sa kapaligiran, pagkakaroon ng maraming imbensiyon na nagpalakas sa mga
industriya at kalakalan, at ang pagkakaroon ng pagbabago sa pananaw sa relihiyon at
pulitika.
Ang Renaissance ang siyang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng
kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga
pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.
16
Ang sumusunod na diagram ang makapagpapaliwanag kung paano ang
Renaissance at Rebolusyong Komersyal ay naging salik sa pananakop.
Rebolusyong
Komersyal
Nagdulot ng
pagbabago sa
mga gawaing
pang-
ekonomiya
• Pagtayo ng malalaking kompanya tulad ng East
India at British Company
• Pag-unlad ng kalakalan
• Paghanap ng mga hilaw na sangkap at iba
pang produkto
• Napatunayan na ang Silangan ay
mapagkukunan ng maraming hilaw na materyal
Pagtuklas
ng mga
bagay sa
kapaligiran
Naghikayat
ng paglalayag
dahil sa mga
imbensyon
Nagdagdag
ng kaalaman
ang tao sa
heograpiya
Renaissance
17
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Anu-ano ang mga pinagtuonan ng interes ng tao noong panahon ng
Renaissance?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________________________________________
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Noong gitnang panahon, ang simbahang kristiyano ay may malakas na
impluwensiya sa tao. Magbigay ng paliwanag kung bakit ang mga tao ay nagkaroon ng
pagbabago sa pananaw at saloobin tungkol sa katarungan at pulitika.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
18
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pagdating ng Europeo sa Asya
Mga Pangyayari Resulta
1. Pakikipagsapalaran ni Marco
Polo
2. Krusada
3. Pagbagsak ng
Constantinople
4. Pagpapaligsahan ng mga
bansang Europeo sa
kapangyarihan
5. Renaissance at
Rebolusyong Komersyal
Nagganyak sa mga
adbenturerong Europeo na
makipagsapalaran sa Asya
Nagbigay ng pagkakataon sa mga
Europeo na makapaglakbay sa
Asya
Nagbigay-daan sa pagtuklas ng
bagong rutang pangkalakalan
Nagbigay-daan sa pagtatag ng
mga kolonya sa Asya
Nagbigay-daan sa paggising ng
mga kamalayan ng tao sa daigdig
at pag-unlad ng kabuhayan
19
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
I. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang kasasgutan.
___________ 1. Ang manlalakbay na Europeo na nagtagal sa Tsina at nagsulat ng libro
tugkol sa lugar na ito at ang librong iyon ang nakahikayat ng
maraming Europeo na maglakbay rin sa Asya.
___________ 2. Ang krusada na pinamunuan ni Stephen kung saan marami ang
nagkasakit, ang iba ay namatay at ang iba pa ay ipinagbili bilang alipin.
___________ 3. Ang Papang kritisyano na nagdeklara ng banal na digmaan laban sa
Muslim para mabawi ang Jerusalem.
___________ 4. Ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na
nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India.
___________ 5. Ang pinakamimithing produkto ng mga Europa sa banding India.
___________ 6. Ang daanan sa dulo ng Aprika na nayuklasan ni Vasco de Gama na
siyang nagpadali ng paglalakbay ng Europeo patungong India.
___________ 7. Ang Europeong bansa na nanguna sa paglalakbay para humanap ng
rutang pangkanluran pagkatapos na bumagsak ang Constantinople.
___________ 8. Ang tawag sa malakas na hukbong pandagat ng Espanya na tinalo ng
Inglatera at ang pangyayaring iyon ang nagbigay daan para sa
magkainteres ang Inglatera sa kalakalan sa India.
___________ 9. Ang tawag sa kabuohang kolonya ng Pransiya na binubuo ng Laos,
Cochin China, Cambodia at Annam.
___________ 10. Ang dalawang Europeong bansa na mahigpit na magkatunggali sa
paghahanap ng ruta patungong silangan.
___________ 11. Ekspedisiyong militar na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa
mga Muslim para mabawi ang Jerusalem.
___________ 12. Ang emperador ng Tsina na naging malapit sa taga-Venetia na
manlalakbay ang salitang Pranses na ang ibig kahulugan ay “muling
pagsilang”.
___________ 13. Ang salitang Pranses na ang kahulugan ay “muling pagsilang”.
20
___________ 14. Nabigo man ang krusada na mabawi ang Jerusalem may maganda
ring naidulot ito sa larangan.
___________ 15. Ang pangyayari sa kasaysayan kung saan ipinakita ng mga
Kristiyano ng handa silang lumaban para sa pananampalataya.
21
GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. Asya
2. Marco Polo
3. Krusada
4. Portugal
5. Espanya
6. Asya
7. pangangalakal
8. kolonya
9. Renaissance
10.Kublai Khan
ARALIN 1 PAKIKIPAGSAPALARAN NI MARCO POLO
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
ARALIN 2 MGA KRUSADA
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
ARALIN 3 ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
22
Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
ARALIN : ANG PAGPAPALIGSAHAN NG MGA BANSANG EUROPEO SA
KAPANGYARIHAN
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
ARALIN 5: RENAISSANCE AT REBOLUSYONG KOMERSYAL
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman
Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. Marco Polo
2. Krusada ng mga Bata
3. Papa Urban II
4. Constantinople
5. paminta o pampalasa
6. Cape of Goods Hope
7. Portugal
8. Spanish Armanda
9. French o Indo-China
10.Portugal at Espanya
11.krusada
12.Kublai Khan
13.Renaissance
14.kalakalan
15.krusada

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninIkalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Mary Grace Ambrocio
 
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
dsms15
 
unang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismo
unang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismounang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismo
unang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismo
ramesis obeña
 

Was ist angesagt? (20)

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
Pamana ng Romano sa kabihasnan
Pamana ng Romano sa kabihasnanPamana ng Romano sa kabihasnan
Pamana ng Romano sa kabihasnan
 
Ang paglalakbay ni Marco Polo
Ang paglalakbay ni Marco PoloAng paglalakbay ni Marco Polo
Ang paglalakbay ni Marco Polo
 
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong KanluraninUnang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
 
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluraninIkalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
Ikalawang yugto ng imperyalismong kanluranin
 
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
Leyte National High School- Mahabang Pagsusulit sa WW1 at WW2
 
Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)
Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)
Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo(ika 16 hanggang ika-17 siglo)
 
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaAng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa timog at kanluran...
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa timog at kanluran...Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa timog at kanluran...
Epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa timog at kanluran...
 
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asyaNasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
Nasyonalismo sa silangan at timog silangang asya
 
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang AsyaUnang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo sa timog at Kanlurang Asya
 
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
 
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 
Imperyalismo sa timog asya
Imperyalismo sa timog asyaImperyalismo sa timog asya
Imperyalismo sa timog asya
 
unang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismo
unang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismounang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismo
unang yugto ng Imperyalismo at kolonyalismo
 
Nasyonalismo sa Silangang Asya.pptx
Nasyonalismo sa Silangang Asya.pptxNasyonalismo sa Silangang Asya.pptx
Nasyonalismo sa Silangang Asya.pptx
 
PAG UNLAD NG NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA
PAG UNLAD NG NASYONALISMO SA SILANGANG ASYAPAG UNLAD NG NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA
PAG UNLAD NG NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA
 
Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (ika 16-20 ...
Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (ika 16-20 ...Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (ika 16-20 ...
Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (ika 16-20 ...
 
Merkantilismo
MerkantilismoMerkantilismo
Merkantilismo
 
Sistemang Merkantilismo
Sistemang MerkantilismoSistemang Merkantilismo
Sistemang Merkantilismo
 

Ähnlich wie Modyul 5 daan ng pananakop

Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong PanahonTimog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
mariahmarc2429
 
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
JuliusRomano3
 

Ähnlich wie Modyul 5 daan ng pananakop (20)

Las encoded-week-8 3rd version
Las encoded-week-8 3rd versionLas encoded-week-8 3rd version
Las encoded-week-8 3rd version
 
Q3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptx
Q3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptxQ3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptx
Q3 ARALIN 1 - ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE.pptx
 
DLL Feb 20- 24, 2023.docx
DLL Feb 20- 24, 2023.docxDLL Feb 20- 24, 2023.docx
DLL Feb 20- 24, 2023.docx
 
Modyul 6 kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
Modyul 6   kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mgaModyul 6   kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
Modyul 6 kolonyalismo...tunay na motibo sa pagpunta ng mga
 
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong PanahonTimog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
Timog at kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
 
ap7tka-iiia-1-180114043313.pdf
ap7tka-iiia-1-180114043313.pdfap7tka-iiia-1-180114043313.pdf
ap7tka-iiia-1-180114043313.pdf
 
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdfAPQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
APQ3-WEEK-2-3-EDITED.docx.pdf
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
 
Ap8 q3 ppt1
Ap8 q3 ppt1Ap8 q3 ppt1
Ap8 q3 ppt1
 
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0Modyul 14  panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
Modyul 14 panahon ng eksploras at pagpalawak ng teritoryo 0
 
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastilaModyul 5 ang pagdating ng mga kastila
Modyul 5 ang pagdating ng mga kastila
 
Las 3rd grading
Las 3rd gradingLas 3rd grading
Las 3rd grading
 
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko,  Enlightenment, at Rebo...
Ikatlong Markahan – Modyul 3 Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebo...
 
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismoModyul 16   ang pag-unlad ng nasyonalismo
Modyul 16 ang pag-unlad ng nasyonalismo
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
 
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo pptKolonyalismo at imperyalismo ppt
Kolonyalismo at imperyalismo ppt
 
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
Summative Test - Araling Panlipunan Grade 8 - Kasaysayan ng Daigdig - With An...
 
module-2-Unang-Yugto-ng-Kolonyalismo.pptx
module-2-Unang-Yugto-ng-Kolonyalismo.pptxmodule-2-Unang-Yugto-ng-Kolonyalismo.pptx
module-2-Unang-Yugto-ng-Kolonyalismo.pptx
 
Week 18-PPT.pptx
Week 18-PPT.pptxWeek 18-PPT.pptx
Week 18-PPT.pptx
 
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
Modyul2 angdaigdigsaklasikalattransisyunalnapanahon-140807210600-phpapp01
 

Mehr von 南 睿

AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
南 睿
 

Mehr von 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 

Kürzlich hochgeladen

438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 

Kürzlich hochgeladen (20)

DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 

Modyul 5 daan ng pananakop

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN II (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 5 MGA DAAN NG PANANAKOP BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 2 MODYUL 5 MGA DAAN NG PANANAKOP Ano ang modyul na ito? Maaaring nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang nakasakop sa mga bansa sa Asya. Napakalayo ng Europa sa mga bansa sa Asya pero nakarating pa rin sila at nagsakop pa ng mga teritoryo. Ang pananakop na ito ay nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Asyano - mga mabuti at di- mabuting pagbabago. Isa-isahin natin ang mga pangyayaring naganap at nagbigay daan sa pagdating ng mga Europeo sa Asya. May limang araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Pakikipagsapalaran ni Marco Polo Aralin 2: Mga Krusada Aralin 3: Ang Pagbagsak ng Constatinople Aralin 4: Ang Pagpapaligsahan ng mga Bansang Europeo sa Kapangyarihan Aralin 5: Renaissance at Rebolusyong Komersyal Mga inaasahang matututunan: 1. Matutukoy ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagdating ng Europeo sa Asya; 2. Matatalakay ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagdating ng Europeo sa Asya; at 3. Masusuri ang epekto ng mga pangyayaring ito sa kalagayang pulitikal, kultural, at ekonomiko ng Asya. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
  • 3. 3 PANIMULANG PAGSUSULIT I. Panuto: Subukan mong sagutin ang mga katanungan upang malaman kung may ilang kaalaman ka na tungkol sa paksang ito. Isulat ang sagot sa puwang sa kaliwang bahagi. . __________1. Kontinenting kinaroroonan ng sinaunang kabihasnang India at Tsina. __________2. Manlalakbay na taga Venetia na nagtagal sa kaharin ni Kublai Khan sa Tsina. __________3. Ekspedisyong militar sa inilunsad ng simbahang Kristiyano laban sa mga Muslim para mabawi ang Jerusalem. __________4. Ang bansa sa Europa sa nanguna sa paglalakbay noong 15 siglo. __________5. Ang Europeong bansa na unang nanakop sa Pilipinas. __________6. Ang kontinente kung saan matatagpuan ang Jerusalem. __________7. Motibo ng mga Ingles sa pagpunta sa India. __________8. Tawag sa bansang sakop. __________9. Ang salitang Pranses na ang ibig sabihan ay “muling pagsilang” at ito ay nagdulot ng pagbabago lalo na sa kilusang kultura. __________10. Ang Emperador ng Tsina nang si Marco Polo ay bumisita rito.
  • 4. 4 ARALIN 1 PAKIPAGSAPALARAN NI MARCO POLO Ang nasa larawan ay si Marco Polo, isang mangangalakal na taga-Venitia sa bansang Italya. Sumama siyang naglakbay sa kanyang tatay at tiyuhin sa Silangan. Tumagal ng halos dalawampu’t limang taon ang kanilang paglalakbay. Sa loob ng panahong ito, si Marco Polo ay napunta sa palasyo ni Emperador Kublai Khan na isang Mongol na siyang namumuno noon sa Tsina. Kinalugdan siya ni Kublai Khan at siya ay itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan ng Emperador. Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati na sa Siberia. Ang mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa mga bansang ito ng Asya lalo na sa Tsina ay ipinatala niya sa isang manunulat noong taong 1299. Ang aklat ay pinamagatang “Book of Marco Polo”. Ang mga isinulat niyang kagandahan ng kabihasnang Asyano ang nagganyak sa mga adbenturerong Europeo na makipagsapalaran sa Asya. Marco Polo
  • 5. 5 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sino si Marco Polo? Magbigay ng ilang bagay na mapagkilanlan sa kanya. __________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Batay sa iyong nabasa, sinasabi na ang mga naitala ni Marco Polo ay nakapaghikayat sa ibang Europeo na maglakbay patungong Silangan. Ikaw ba ay nakapaglakbay din sa ibang lugar ng ating bansa? Kung ganoon, magsalarawan ng mga nakita mo sa lugar na pinuntahan mo na maaaring makahikayat din sa mga kaklase mo o kaibigan na pumunta sa lugar na iyon. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ . Tandaan Mo! Si Marco Polo ay taga Venitia na manlalakbay. Siya ay nakaabot sa Tsina at kinalugdan ng Emperor Kublai Khan. Nagsulat siya ng ng libro na nagsalarawan ng kagandahan ng Silangan. Ang nakaalam sa kanyang naisulat ay nahikayat na maglakbay rin papauntang Silangan.
  • 6. 6 ARALIN 2 MGA KRUSADA Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na pinangunahan ng Simbahang Kristiyano laban sa mga Turkong Muslim para bawiin ang banal na lupang Herusalem. Noong 1076, ang Herusalem ay inagaw ng mga Turkong Muslim sa Kristiyano. Pinagmalupitan ng mga Muslim ang mga Kristiyanong nananampalataya doon. Ang Imperyong Byzantino ay nanganib na masakop din ng mga Muslim kaya ang kanilang Emperador na si Alexus Comnemus ay humingi ng tulong kay Papa Urban II. Nagdeklara ng Banal na Digmaan ang Papa laban sa mga Muslim. Sa tulong ng mga haring Kristiyanong Europeo at mga maharlikang pinuno, nailunsad ang humigit kumulang na walong mahahalagang ekspedisyon sa loob ng labing-tatlong daang taon. Ang unang krusada ay inilunsad noong1096 na binuo na dalawang grupo sa pamumuno ng unang kabalyerong Pransya na si Walter the Penniless at Peter the Hermit. Kahit hindi masyadong organisado, nakarating din ang ilan sa Herusalem. Napasok nila ang Herusalem kung saan si Duke Godfrey de Bouillon ay naging gobernador at iba pang lupain ay hinati-hati nila. Marami pang mga Krusada ang sumunod pero ang karamihan ay naging bigo lalo na yaong inilunsad nila Haring Louis VII ng Pransiya at Emperador Conrad III. Ang pinakamalungkot na bahagi ng krusadang ito ay ang Krusada ng mga Bata na pinamunuan ni Stephen noong 1212 na binuo ng mga 30,000 na bata na may gulang na labing-tatlong taon at yaong pinamumunuan ni Nicolas na binuo ng mga 20,000 na bata. Karamihan sa mga bata ay nagkasakit, ang iba ay namatay samantalang ang iba pa ay pinagbili bilang alipin. Hindi man lubusang nagtagumpay ang krusadang ito, marami ring mabuting naidulot ito. Ang krusada ang nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya noong ika-11 hanggang 13 siglo. Dahil sa ang Herusalem ay nasa kanlurang Asya, sa paglalakbay ng mga Europeong sumali sa Krusada nakilala nila ang mga produkto ng Silangan tulad ng pampalasa, mamahaling bato, pabango, sedang tela, porselana, prutas at iba pa na nakabighani sa mga Europeo. Naging masigla ang palitan ng
  • 7. 7 kalakalan kaya maraming Europeo ang nagkainteres na makarating dito sa Asya. Maraming Europeo ang naghanap ng mga ruta para makarating lang sa Asya. At ito din ang naging daan para magkainteres ang malalaking bansa sa Europa na sakupin ang ilang lugar o bansa sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang nasa larawan sa ibaba ay isang mandirigma sa krusada. Magtala ng tatlong bagay na kapansin-pansin sa kanyang anyo at kasuotan. 1. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 2. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________
  • 8. 8 3. ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Mayroong krusada na binuo ng mga kabanata. Sa gulang mong iyan, ikaw ba ay handing sumama rin sa krusada kung ikaw ay nabubuhay sa panahong iyon? Itala ang iyong kasagutan. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 9. 9 ARALIN 3 ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa Kontinente ng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India,Tsina at ibang bahagi ng Silangan. Ito rin ang teritoryong madalas daanan noong panahon ng Krusada. Kung matatandaan natin ng lumakas ang Turkong Muslim at sinakop nga ang Herusalem, nanganib ang Constantinople na bumagsak din sa mga Turkong Muslim, kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Constantinople para labanan ang mga Turkong Muslim at mabawi ang Herusalem. Sa loob ng panahon ng Krusada, napigil ang pagsalakay ng Muslim patungong Europa ngunit nang masakop ng Turkong Muslim ang Silangang Mediterranean ay lubusan na ring sinakop ang Constantinople noong1453 at ang naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga ruta ng kalakalan mula sa Europa patungong Silangan. Dahil dito, napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo. Pinangunahan ng Portugal at Espanya ang paghahanap ng ruta. Maraming manlalayag na Portuges ang naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni Vasco de Gama sapagkat nalibot niya ang ”Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng ruta patungong India at sa mga Islang Indies. Tingnan ang nakalarawang ruta na tinahak ni Vasco de Gama.
  • 10. 10 Kung susundan natin ang takbo ng pangyayari para maiugnay ang pagbagsak ng Constantinople sa pagtuklas ng alternatibong ruta patungong Silangan, tingnan mo ang pagkakasunod-sunod ng mga naganap na pangyayari: Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magtala ng ng tatlong epekto na idinulot ng pagbagsak ng Constantinople. 1. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 3. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ Pagbagsak ng Constanti- nople Pagsara ng rutang pang- kalakalan mula Europa patungung Silangan Paglakbay ng manlalayag na Portuges Pag-ikot ni Vasco de Gama sa Cape of Good Hope Pagbukas ng bagong rutang pangkalakalan
  • 11. 11 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Batay sa mapa na tinahak ni Vasco de Gama, ipaliwanag kung bakit sinasabing nakatulong ito ng malaki sa paglalakbay ng mga Europeo patungong India? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang Constantinople ay Asyanong Teritoryo na malapit sa Europa. Ito ay nagsilbing rutang pangkalakalan sa pagitan ng Europa at Asya. Nang ito ay sakupin ng Muslim napilitan ang mga Europa na maghanap ng ruta na dumadaan sa Kanluran patungong Silangan. .
  • 12. 12 ARALIN 4 ANG PAGPAPALIGSAHAN NG MGA BANSANG EUROPEO SA KAPANGYARIHAN Kung noon ay Italya, lalo na ang Venetia ang nag-iisang nagkontrol sa rutang pangkalakalan patungong Silangan, ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasan ng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na maggalugad sa ibang panig ng daigdig. Nariyan ang Espanya, Pransiya, Ingletera, at Alemanya. Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling pinakamakapangyarihan na bansa sa mundo sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain. Nanguna sa mga ito ang Portuges at Espanya na naging matindi ang pagpapaligsahan sa paggalugad sa mundo at pagsakop ng mga lupain. Sa matinding pagtutunggalian ng dalawang bansa ay namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko para maiwasan ang paghantong sa digmaan ng paligsahan ng mga ito. Taong 1494 ay nagtalaga ng “line of demarcation” o hangganan kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa. Ayon sa Tratadong Tordesillas, Portuges ay maggagalugad sa bandang silangan samantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran. Nang maipatupad ang desisyong ito ay nakapaglayag na ang Espanya sa bandang kanluran kung saan marami nang teritoryo sa kontinenting Amerika ang nasakop. Ang Portuges naman ay nakuha lang ang Brazil. Ganoon pa man, hinayaan na ng Espanya na manatili sa Portuges ang Brazil habang ang Pilipinas naman na nasa silangan na nasakop naman ng Espanya ay nanatili naman dito. Ang hindi naiwasan na digmaan ng Portuges at Espanya ay sa Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng pamienta. Sa pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong1529, nakuha ng Portuges ang Moluccas. Maliban sa Moluccas ay nakakuha rin ito ng teritoyo sa India. Maliban sa Espanya at Portuges, nakipagpaligsahan rin ang Inglatera. Sa pamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot, napasailalim ng Inglatera ang Nova Scotia Canada. Nang matalo ng Inglatera ang Spanish Armanda noong 1588 ibinuhos ng Inglatera ang kanyang atensiyon sa kalakalan. Sa pamamagitan ng East India Company, naitatag ng Inglatera ang sentro ng kalakalan sa India. Nakapagtatag rin ito ng permamenteng panirahan sa Hilagang Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ng
  • 13. 13 Ceylon, Malaya, at Singapore pati na rin ang Australia, New Zealand, at mga pulo sa Hilagang Pasipiko. Ang Pransiya naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada. Nakuha rin nito ang Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18 siglo nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga teritoryong ito ang buong kolonyang French Indo-China. Ang Olandya sa pamamagitan ng Dutch East India Company ay namahala rin sa isang bahagi ng India. Napasailalim ng Olandes ang East Indies (Indonesia sa kasalukuyan). Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magdikit ng mapa ng mundo o kaya ay gumuhit ka ng mapa ng mundo sa isang papel at ituro mo sa mapa sa pamamagitan ng pagguhit ang ruta o daan na dinaanan ni Magellan papuntang Pilipinas. . (Mapa ng mundo)
  • 14. 14 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumagawa ng isang talahanayan at isulat ang sumusunod: Bansang Europeo Ang lugar na sinakop 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ . Tandaan Mo! Italya ang nag-iisang nagkontrol sa rutang pangkalakalan patungongSilangan. Nang magsimulang maghanap ang Portuges ng alternatibong daan, sumunod ang iba pang bansa sa Europa tulad ng Espanya, Britanya, Pransiya at Orlandia. Nag paligsahan ang mga bansang Europeo sa pagsakop ng teritoryo sa Asya. Ito ang nagpasimula ng kolonyalismo.
  • 15. 15 ARALIN 5 RENAISSANCE AT ANG REBOLUSYONG KOMERSYAL Ang Renaissance ay naging salik din sa pagdating ng mga Europeo sa Asya. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon. Matatandaan natin na noong gitnang panahon ang Simbahang Kristiyano ang may malakas na impluwensiya sa tao. Nakasentro ang buhay ng tao sa relihiyon. Ngunit nang ang simbahan lalo na ang pinuno nito, mula Papa, mga Obispo at kaparian ay nasangkot sa imoral na gawain, pagpapayaman at pagmamalupit sa mga taong hindi karelihiyon, nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang mga tao hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran at pulitika. Ang pagbabago ay nagsimula sa kilusang pangkultura na nagsimula sa Italya noong 1350. Ang kilusan ay nakasentro sa pagpapanumbalik ng interes sa kultura ng Sinaunang Gresya at Roma kaya tinawag na “muling pagsilang”. Masasabing ang pangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon. Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, sa pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-uugali at sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal. Indibidwalismo ang binigyang pansin ng Renaissance kaya hindi nakapagtataka na maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao. Ang malayang pag-iisip ng tao ang nagpalawak ng kanyang ideya at pananaw sa buhay kaya dito nagsimula ang pagbabago sa sining at agham. Nariyan din ang pagtuklas ng maraming bagay sa kapaligiran, pagkakaroon ng maraming imbensiyon na nagpalakas sa mga industriya at kalakalan, at ang pagkakaroon ng pagbabago sa pananaw sa relihiyon at pulitika. Ang Renaissance ang siyang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.
  • 16. 16 Ang sumusunod na diagram ang makapagpapaliwanag kung paano ang Renaissance at Rebolusyong Komersyal ay naging salik sa pananakop. Rebolusyong Komersyal Nagdulot ng pagbabago sa mga gawaing pang- ekonomiya • Pagtayo ng malalaking kompanya tulad ng East India at British Company • Pag-unlad ng kalakalan • Paghanap ng mga hilaw na sangkap at iba pang produkto • Napatunayan na ang Silangan ay mapagkukunan ng maraming hilaw na materyal Pagtuklas ng mga bagay sa kapaligiran Naghikayat ng paglalayag dahil sa mga imbensyon Nagdagdag ng kaalaman ang tao sa heograpiya Renaissance
  • 17. 17 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano ang mga pinagtuonan ng interes ng tao noong panahon ng Renaissance? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ ________________________________________________________________ Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Noong gitnang panahon, ang simbahang kristiyano ay may malakas na impluwensiya sa tao. Magbigay ng paliwanag kung bakit ang mga tao ay nagkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin tungkol sa katarungan at pulitika. ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 18. 18 MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pagdating ng Europeo sa Asya Mga Pangyayari Resulta 1. Pakikipagsapalaran ni Marco Polo 2. Krusada 3. Pagbagsak ng Constantinople 4. Pagpapaligsahan ng mga bansang Europeo sa kapangyarihan 5. Renaissance at Rebolusyong Komersyal Nagganyak sa mga adbenturerong Europeo na makipagsapalaran sa Asya Nagbigay ng pagkakataon sa mga Europeo na makapaglakbay sa Asya Nagbigay-daan sa pagtuklas ng bagong rutang pangkalakalan Nagbigay-daan sa pagtatag ng mga kolonya sa Asya Nagbigay-daan sa paggising ng mga kamalayan ng tao sa daigdig at pag-unlad ng kabuhayan
  • 19. 19 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang kasasgutan. ___________ 1. Ang manlalakbay na Europeo na nagtagal sa Tsina at nagsulat ng libro tugkol sa lugar na ito at ang librong iyon ang nakahikayat ng maraming Europeo na maglakbay rin sa Asya. ___________ 2. Ang krusada na pinamunuan ni Stephen kung saan marami ang nagkasakit, ang iba ay namatay at ang iba pa ay ipinagbili bilang alipin. ___________ 3. Ang Papang kritisyano na nagdeklara ng banal na digmaan laban sa Muslim para mabawi ang Jerusalem. ___________ 4. Ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India. ___________ 5. Ang pinakamimithing produkto ng mga Europa sa banding India. ___________ 6. Ang daanan sa dulo ng Aprika na nayuklasan ni Vasco de Gama na siyang nagpadali ng paglalakbay ng Europeo patungong India. ___________ 7. Ang Europeong bansa na nanguna sa paglalakbay para humanap ng rutang pangkanluran pagkatapos na bumagsak ang Constantinople. ___________ 8. Ang tawag sa malakas na hukbong pandagat ng Espanya na tinalo ng Inglatera at ang pangyayaring iyon ang nagbigay daan para sa magkainteres ang Inglatera sa kalakalan sa India. ___________ 9. Ang tawag sa kabuohang kolonya ng Pransiya na binubuo ng Laos, Cochin China, Cambodia at Annam. ___________ 10. Ang dalawang Europeong bansa na mahigpit na magkatunggali sa paghahanap ng ruta patungong silangan. ___________ 11. Ekspedisiyong militar na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga Muslim para mabawi ang Jerusalem. ___________ 12. Ang emperador ng Tsina na naging malapit sa taga-Venetia na manlalakbay ang salitang Pranses na ang ibig kahulugan ay “muling pagsilang”. ___________ 13. Ang salitang Pranses na ang kahulugan ay “muling pagsilang”.
  • 20. 20 ___________ 14. Nabigo man ang krusada na mabawi ang Jerusalem may maganda ring naidulot ito sa larangan. ___________ 15. Ang pangyayari sa kasaysayan kung saan ipinakita ng mga Kristiyano ng handa silang lumaban para sa pananampalataya.
  • 21. 21 GABAY SA PAGWAWASTO PANIMULANG PAGSUSULIT 1. Asya 2. Marco Polo 3. Krusada 4. Portugal 5. Espanya 6. Asya 7. pangangalakal 8. kolonya 9. Renaissance 10.Kublai Khan ARALIN 1 PAKIKIPAGSAPALARAN NI MARCO POLO Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro ARALIN 2 MGA KRUSADA Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro ARALIN 3 ANG PAGBAGSAK NG CONSTANTINOPLE Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro
  • 22. 22 Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro ARALIN : ANG PAGPAPALIGSAHAN NG MGA BANSANG EUROPEO SA KAPANGYARIHAN Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro ARALIN 5: RENAISSANCE AT REBOLUSYONG KOMERSYAL Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro Gawain 2: Pagpapalalim ng kaalaman Ikonsulta ang iyong sagot sa iyong guro PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. Marco Polo 2. Krusada ng mga Bata 3. Papa Urban II 4. Constantinople 5. paminta o pampalasa 6. Cape of Goods Hope 7. Portugal 8. Spanish Armanda 9. French o Indo-China 10.Portugal at Espanya 11.krusada 12.Kublai Khan 13.Renaissance 14.kalakalan 15.krusada