EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
kilusang propaganda.pptx
1. Pagpupunyagi ng mga
Pilipino para sa Kalayaan
PAKSA: KILUSANG PROPAGANDA at KATIPUNAN
KWARTER 1 – MODYUL 2
Ikalawang Linggo
2. A. Kilusang Propaganda
- kilusang itinatag ng
pangkat ng mga
makabayang Pilipinong
nakapag-aral sa Espanya
na naglalayong humingi
ng reporma o pagbabago
sa sistema ng
pamamahala ng mga
Espanyol.
3. Mga Kasapi ng Kilusan
Dr. Jose Rizal
Marcelo H. Del Pilar
Graciano Lopez-Jaena
Dominador Gomez
Jose Maria Panganiban
Antonio Luna
Mariano Ponce
4. Layunin ng Kilusang Propaganda
Magkaroon ng reporma o pagbabago sa pamamalakad ng
Espanya sa Pilipinas at maisulong ang sumusunod:
1. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at
Espanyol sa harap ng batas
2. Pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan at hindi
kolonya ng Espanya
3. Pagkakaroon ng Pilipinas ng kinatawan sa Cortes sa
Batasan ng Espanya
5. 4. Pagpapaalis sa mga prayle at sekularisasyon ng
mga parokya
5. Pagbabalik ng kalayaan ng mga mamamayan sa
pagsasalita, pamamahayag at kalayaang
maiparating ang mga hinanakit sa mga nakatataas.
6. La Solidaridad
- Si Graciano Lopez Jaena
ang patnugot ng
pahayagan na pinalitan ni
Marcelo H. Del Pilar noong
Disyembre 15, 1889.
- Opisyal na pahayagan na
binuo at itinatag ng mga
repormista noong
Disyembre 13, 1888.
7. Pahayagan
1. Iparating sa mga kinauukulan ang mga katiwaliang
nagaganap sa Pilipinas
2. Ipaglaban ang katarungan at kaunlaran.
3. Humingi ng panlipunan at pampublikong pagbabago
4. Maipalaganap ang diwa ng demokrasya
8. Mga Repormista at Kanilang
Sagisag-Panulat
Dr. Jose Rizal – “Laong-Laan”at “Dimasalang”
Marcelo H. del Pilar – “Plaridel”
Mariano Ponce – “Naning, “Kalipulako”, at
“Tikbalang”
Jose Maria Panganiban – “Jomapa”
Antonio Luna – “Taga-ilog”
9. Unang inilathala ang pahayagan sa
Barcelona, Spain noong ika-15 ng
Pebrero 1889. Pagkalimbag ng
pahayagan, naging problema ng mga
repormista ang paglalabas ng kopya nito
sa kadahilanang nakasulat ito sa wikang
Kastila kung kaya’t nangangailangan ng
higit na pag-iingat sapagkat madali
silang mapaparatangan.
10. Dagdag pa rito, maraming mayayamang
kasapi ang nag-aalala na maaaring
masamsam ng mga Espanyol ang
kanilang yaman.
Dahil sa kakulangan ng sapat na pondo
para sa paglilimbag, lumabas ang huling
kopya nito noong ika-15 ng Disyembre
1895
11. La Liga Filipina
• Ito ang samahang
itinatag ni Dr. Jose
Rizal sa Tondo,
Maynila noong
Hulyo 3, 1892.
12. Layunin ng La Liga Filipina
Pangkalahatang layunin nito ang pagbuo ng
isang bagong pangkat na hihikayat sa mga tao
na magkaroon ng tuwirang partisipasyon sa
mga kilusang panreporma.
1. Pagkakabuklod-buklod ng buong kapuluan
upang magkaroon ng pagkakaisa.
2. Proteksyon ng bawat Pilipino sa pagtatamo
ng kanilang mga kagustuhan at
pangangailangan.
13. 3. Kaligtasan mula sa karahasan at kawalang-
katarungan
5. Pag-aaral at paglalapat ng mga hinihiling
pagbabago.
4. Pagpapasigla ng edukasyon, agrikultura at
kalakalan.
14. - Naging banta sa mga Espanyol ang pagkakatatag
ng La Liga Filipina. Itinuring nila itong isang
kilusang pangrebolusyon. Bunga nito, dinakip si
Rizal at ipinakulong sa Fort Santiago at kalaunan
ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga del Norte
noong 1892.
15. - Nabuwag ang samahan at ang mga kasapi ay
nahati sa dalawang pangkat.
- Ang isa ay nagpasimula ng samahalang kikilos
nang husto para sa kalayaan, sa pamununo ni
Andres Bonifacio.
16. B. Katipunan
Kataas-taasan,
Kagalang-galangang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan (KKK) o
Katipunan
- Isang lihim na kilusan na
naghangad ng kalayaan sa
pamamagitan ng isang rebolusyon o
paghihimagsik
- Itinatag ni Andres Bonifacio
noong ika-7 ng Hulyo 1892 sa #72
Kalye Azcarraga sa Maynila.
17. Paraan ng Pagsapi
- Paraang patasulok ang pamamaraang ginamit ng mga
Katipunero upang makakalap ng mga kasapi
- Ang bawat kasapi ay kukuha ng dalawang bagong kasapi
na hindi magkakilala ngunit mabagal ang sistemang ito
kung kaya’t binago ang paraan ng pagsapi.
18. Alam Mo Ba?
Si Emilio Jacinto ang tinaguriang
“Utak ng Katipunan”. Bilang
tagapayo ni Bonifacio, siya ang
sumulat ng “Kartilya ng Katipunan”
naglalaman ng mga turo o aral ng
samahan.
19. Dagdag-Kaalaman
Antas ng Kasapi ng
Katipunan
1. Katipon – tawag sa mga bagong miyembro
2. Kawal – tawag sa kasaping nakapaghikayat ng kasapi
3. Bayani – tawag sa kasaping hawak ng mga opisyal ng
kilusan.
20. Dagdag-Kaalaman
Kalayaan
- tawag sa opisyal na pahayagan
ng Katipunan
- naglalaman ng mga
mahahalagang artikulo at iba
pang lathalain ng mga
Katipunero.
- gumagamit ng mga sagisag-
panulat ang mga may akda.
21. Sagisag-Panulat ng mga
Katipunero
Andres Bonifacio – “Agapito Bagumbayan” sa kanyang
akdang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Emilio Jacinto – “Dimas-Ilaw” sa mga akdang
A La Patria, A Mi Madre at Liwanag at Dilim
22. Kartilya ng Katipunan
1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at
banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi
damong makamandag.
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa
sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa ng kagalingan,
ay di kabaitan.
23. Kartilya ng Katipunan
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang
pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t
pangungusap sa talagang katuwiran.
4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y
magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong,
sa yaman, sa ganda…; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
24. Kartilya ng Katipunan
5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri kaysa
pagpipita sa sarili; ang may hamak sa kalooban inuuna ang
pagpipita sa sarili kaysa sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
25. Kartilya ng Katipunan
7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang
nawala’y mangyayaring magbalik; ngunit ang panahong
nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.
8. Ipagtanggol mo ang naaapi, at kabakahin ang umaapi.
26. Kartilya ng Katipunan
9. Ang taong matalino’y ang may pag-iingat sa bawat
sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot
ng asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama,
ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
27. Kartilya ng Katipunan
11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na
libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga
kahirapan nitong buhay; gamitin mo ng buong
pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang
inang pinagbuhata’t nag -iwi sa iyong kasanggulan.
12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay
huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
28. Kartilya ng Katipunan
13. Ang kamahalan ng taoý wala sa pagkahari, wala sa
tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing
KAHALILI NG DIOS, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng
lupa; wagas at tunay na mahal ng tao, kahit laking gubat at
walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at
puri; yaong di napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong
magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
29. Kartilya ng Katipunan
14. Paglaganap ng mga aral na ito at magningning na
sumisikat ang araw ng kalayaan dito sa kaaba-abang
Sangkapuluan, at sabuyan ng matamis niyang liwanag ang
nangagkaisang magkalahi’t magkakapatid ng ligayang
walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at
mga tiniis na kahirapa’y labis nang matumbasan.
30. Pagtuklas ng Katipunan
- Isiniwalat ni Teodoro Patiño sa kanyang kapatid
na nagtatrabaho sa bahay ampunan ang tungkol
sa Katipunan.
- Sinabi naman ito ng kanyang kapatid na si
Honoria sa madre portera na si Sor Teresa de
Jesus.
- Pinayuhan ng madre si Patiño na ikumpisal ang
kanyang nalalaman ukol sa kilusan kay Padre
Mariano Gil, ang kura paroko ng Tondo
31. Pagtuklas ng Katipunan
- Ikinumpisal ni Patiño kay Padre Gil ang tungkol
sa Katipunan.
- Nilusob ng mga kawal-Espanyol ang
palimbagang Diario De Manila noong ika-19 ng
Agosto 1896.
- Natagpuan ang mga gamit sa paglilimbag ng
mga resibo ng samahan, mga larawan ni Rizal at
mga balaraw ng mga Katipunerong trabahador.
32. Pagtuklas ng Katipunan
- Ibinalita ito kay Gob. Hen. Ramon Blanco at
kaagad na inutos ang pagdakip sa mga
pinaghihinalaang kasapi ng kilusan.
- Dahil sa pagkakatuklas sa Katipunan,
ipinatawag ni Bonifacio ang mga pinuno ng
kilusan at napagkasunduang simulan na ang
rebolusyon,