SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 9
1
2
3
4
5
Nagmamadali ang Maynila 
ni Serafin C. Guinigundo 
" GINTO. GINTO... Baka po kayo may ginto riyan?" 
"Mga mama.. mga ale... ginto...?" ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa 
sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa. 
" Baka po kayo may ginto?" ang muling sigaw ng babae. " Kung may ginto ako bakit ko ipagbibili? Hindi baga mas 
mahal ang ginto kaysa kwalta?" sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay. 
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan 
(karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag - aari. 
Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ag kanilang 
usapan, Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais 
na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gatas ng niyog. Kung sila'y palarin; kakamal ang libo, kung mabigo 
naman ay gutom maghapon 
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin, tawad, silip, tingin, tawad. Tingin sa singsing, sa kwintas, hikaw, at 
pulseras. 
" Ilang ply, anong sukat ng goma?" usisa ng isa. 
" Ano? In running condition ba? Baka hindi, Mapapahiya tayo," ang paniniyak ng isa naman. 
" Aba! sinasabi ko sa iyo... garantisado. hindi ka mapapahiya," tugon ng tinanong. 
" Hoy,Tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? 
Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan ha? Kahit hindi nakasulat... ikaw ang 
bahala. " 
" Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon. " 
Ang iba ay maingat; gumamit ng mga lenteng maaninag sa mga tapyas ng brilyante. Nangingilag sa basag na bato: 
iyong may karbon; iyong may lamat. Malulugi kapagka nabibigla sa pagtawad. Sa bawat may lenteng tumitingin ay 
marami pang taong nakapaligid na nag - aantay na makasilip naman: makatingin at tumawad sa singsing, hikaw at 
pulseras. Ang init ng araw ay hindi alumana ng mga taong ayaw iwan ang kakapalan ng nagtatawaran ng lupa, bahay, 
bakal, pako, trak, lantsa, kabayo, makinilya at iba pang mga bagay. Kakain lamang upang magbalik; babalik lamang 
upang makipag - usap, tumawad, at tumingin. Ang maghapon ay natatapos sa nakapaghihinayang na pakinabang; 
nauubos upang umasa sa isang kinabukasang marahil ay lalong mapalad at manigo. 
" Balut... balut... baluuuut... baluut!" 
"Puto... put.., putt... puto." Iyan ang mga tagapambulahaw sa mga natutulog, sa mga may nanlalambot sa tuhod. 
" Isang oras lamang, maaari ba? Ipapakita ko lang sa aking buyer. Magugustuhan ito. Cash ngayon din. Iiwan ko 
muna ang aking tubog sa iyo. May halaga yan. " 
" Huwag na. Dalhin mo, Sisirain mo ba ang iyong pangako? Kilala naman kita. Madali ka. Isang oras ang pangako ng 
aking kaibigan sa may ari nito. Kaya kung dadalhin mo ay sige. Ibalik mo agad aantayin kita. Hindi ako aalis, bago mag - 
ikalabindalawa. 
Humahangos ang pinagbigyan ng singsing. Naglagos sa kakapalan ng mga tao. Madagil o makadagil ay tuloy sa 
kanyang paglalakad. Hinahawi ng kanyang mga bisig ang mga tao. Isinisingit niya ang kanyang manipis na katawan. 
Maikli lamang ang palugit sa kanya sa singsing - isang oras. Ang taong humahangos at nagmamadali at tila nakikipag - 
agawan ng oras ay si Maciong. Kabilang si Maciong sa mga bumibili nang walang puhunan kundi laway at nakapagbili 
nang wala kundi sa listahan. Isa siya sa mga ahente sa pamilihang- kalye na lalong malaki ang pakinabang sa kanyang 
listahan kaysa sa tunay na tinatanggap ng kanyang bulsang palaging puno ng bigong paghihintay. 
Si Maciong na kasalungat ng katwiran ay bata ni Luisita, ang kanyang kabiyak ng dibdib, ay may paniniwalang ang 
pananagumpay sa buhay ay nakasalig sa kaunting bilis ng isip na kanyang tinatawag na "abilidad". Ang abilidad na iyan 
1
ni Maciong ay siyang ipinangangako kay Luisita. Maipakikilala niya ito sa iba't ibang sukat ng goma; sa mga hawak 
niyang option sa trak, sa awto, sa bahay, sa lupa at marami pang iba. Iyan ang kanyang in aasahang masasalapi hindi 
maglalaon. Mga katapatan lamang niya ang kaniyang pinagsasabihan. Baka siya'y maunahan kung siya'y magsasabi. 
Mabibigo ang kaniyang pangarap. Muli siyang susumbatan ni Luisita. 
Nakaraan din si Maciong sa kumukutong mga tao. 
" Teng... teng... teng...teng..," ang tinig nang dumaragsang dambuhalang trambya na maraming sakay na hindi 
makapasok sa loob, tranbiyang tila baga isang kalabaw na 'di makayang lumulon sa sinsamungal na sakate sa kanyang 
namumuwalang bunganga. 
Nangunyapit lamang si Maciong sa tansong hawakan sa tranbya. Doon siya nagpalumaging nakabitin. 
" Pasok po sila... pasok po kayo... dito sa loob at maluwag. Pasok..,pasok.,." ang dugtong na utos ng konduktor. Hindi 
alumana ni Maciong ang pagdudumali ng konduktor. Laging hindi napapansin ni Maciong na ang kanyang pagsambot 
sa tiket ng isang umibis ay sinusulyapan ng konduktor. Ang pagpasok ni Maciong sa loob ng trambya ay hindi nalingid sa 
kabatiran ng konduktor. Hindi pansin ni Maciong ang pagpapatunog ng taladro ng konduktor. " 
Narito, " sabay abot ni Maciong ng tiket na halos mainit - init pa buhat sa kamay ng kaiibis na mapagkawanggawa na 
sinambutan ni Maciong. 
" Hindi ba kapapasok mo lamang?" 
" Kanina pa po ako, bumago lamang ng upo. " 
" Saan kayo sumakay? " 
" Sa trambya, saan pa?" 
Hindi napigil ng mga nasa paligid na nakikinig ang pagtatawanan, na naging snhi g pamumutla ng konduktor. 
"Saan kang pook ng Maynila, nagsimulang sumakay?" ang buong linaw na tanong ng konduktor sa hangad na 
makabawi sa pagkapahiya, 
"Itinanong mo na kanina iyan," tugon ni Maciong. "Itatanong mo na naman. Ewan ko ba? Tingnan mo sa tiket. Diyan 
mo iginupit kanina. Hindi ka ba marunong bumasa?" 
Naghagikgikan ng tawa ang mga nasa paligd nila na nakikimatyag sa kanilang pagmamainitan. 
Buong pagngingitngit na tinitigan ng konduktor ang gusot na buhok ni Maciong. Sinukat ang laki ng bisig nito; 
hinagod ng malas ang taas at nang ang kanyang mapanuring paningin ay dumako sa kupi-kuping tainga ni Maciong na 
tila kulubot na sitsarong - Bocaue ay nagkunwang tinungo ang pintuan ng trambya upang makaibis at makasampa ang 
maraming sakay. 
Mag-iikalabing-isa na at kalahati ng tanghali. May kalahating oras pang nalalabi sa ibinigay sa kanyang palugit 
upang maipagbili ang singsing. Natitiyak ni Maciong ang pakinabang na halos binibilang na niya sa kanyang palad na 
hindi nag-aamoy kwalta may ilang buwan na. 
Nagdudumaling nanaog si Maciong sa Plaza Burgos. Nag-uumihit na sinundan ang isang taong may bitbit na 
bayong. Tinawag niya sa pangalan ang taong iyon. Lumingon ang tinawag. Nagkakilala silang dalawa. 
" Hoy Tasio dala ko ang singsing. Bumibili pa ba ang ating buyer?" 
"Aba, eh... kailan ba tayo huling nagkausp? Matagal na. Nawala na sa loob ko. Akala ko'y wala kang makukuha, 
sayang, nakabili na, Bayaan mo at sa ibang araw." 
Hindi makuhang ilabas ni Maciong sa bulsa ang kanyang kamay na buong higpit na nakahawak sa singsing. 
Naaalala niya at inuulit-ulit ang kanyang gunam-gunam ang "Bayaan mo at sa ibang araw" na katulad na rin ng 
katagang " mabibigo yata ako magpakailanman." Tinitigan ni Maciong ang pagdaragsaan ng mga tao sa Plaza Burogs. 
Unahan sa pagsakay sa trambya. Hindi makaigpaw sa itaas ang ga may mahihinang mga tuhod lalong mahihinang bisig 
sa pagdaraingkilan. Ang mga babae ay naging mapagbigay sa paggitgitang yaon; hindi nila napansin ang pagkaipit ng 
kanilang katawan sa matitipunong bisig; halos mayupi ang kanilang mga likod-ang dibdib. Ang kutob ng dibdib ni 
Maciong ay halos magpatahip ng kanyang polo shirt na mamasa-masa na sa pawis. 
Sa paningin ni Maciong ay may kulay pa rin ang sikat ng arw, bagama't ang matitingkad na kulay na y aon ay pilit na 
pinangungupas ng nagsalabat na dilim na pumipindong sa tuktok ng mga nagtatayuang gusali. 
2
Ang tinatahak ni Maciong ay makikinis na mukha ng aspalto na kadidilig pa lamang. Ang ganti ng liwanag buhat sa 
mararangyang tahanan ay tila matutulis na palasong nagtalusok sa makikinis na mukha ng kalsadang tinatahak ni 
Maciong. 
" Balut... balut... Baluut... baluuut". 
" Putooo... putooo... puto... puto..!". 
" Maciong, kain na. Malaki ba ang tinubo mo kahapon?" ang naging tanong ni Liusita. " Hindi mo na ako nabigyan ng 
balato. Ibibili ko lamang ng iyong sapatos." 
Nangiti si Maciong. Nalalaman niyang siya ay nililibak o binibiro ni Luisita. 
" Maciong, tigilan mo na ang lintik na buy and sell na iyan. Payat ka na, ang pambili mo lang ng sigarilyo ay hindi mo 
pa makita. Panay lakad... lakad... tuwid...lakad,,. tuwid.. sa libu-libong wala. Nasaan ang iyong lion's share at itong 
chicken feed ko ang siyang inaalmusal mo. Panay na ang kita ko sa labada ang iyong nginangangahan para kang luklak 
na ibong nag-aantay ng ngungo ng ina." 
" Luisita, masasabi mo ang lahat sapagkat iyan ang iyong nakikita. Hindi abot ng isip mo kung bakit si Pedrong 
Makunat ay tagapangasiwa ngayon ng Lucky Sport Real State Agency, si Kamelong Palos, hayan... may malaking 
tanggapan ng bakal at ang halaga ng kaniyang bakal ay sampung ibayo ng kanyang dating puhunan. Sila ay 
nagsipamula sa walang katulad ko. Si Ruperto, si Mariano, kapwa may bahay na ngayong sarili. Hindi ba ang mga 
diyablong iyan ay katulad ko rin na nagsimula sa lapis at papel?... at si Calixto, si Melano, aba! Baka masilaw ka sa 
kanilang suot na brilyante? Mamatahin mo, ngunit mayroong libreta sa bangko. Sila ay para-paraang nauna sa akin, 
ngunit nahuli ako upang mauna. Hindi sila makatitiyak sa aking abilidad. 
" Lubayan mo ako Maciong. Sa abilidad mong iyan, diyan ka magugutom. Kain na. Lalamig ang salabat. Baka naiinip 
sayo ang iyong kaisplit." 
" Nalalaman ko ang aking ginagawa. ang aking kapalaran ay hawak ng aking dalawang palad. Ang daigdig ay 
nakapaloob sa aking ulo." 
" Naku, magtigil ka na, Makita ko. Bagay sa iyo ang magsaka. Doon ka sa gitna ng bukid magbungkal at tiyak ang 
iyong pakinabang. Hindi mo kami mabubuhay sa swing-swing na iyan. Hindi namin makakain ang lintik na listahang 
iyan. Magsisilaking tanga at walang muwang ang iyong mga 
anak." Kumain si Maciong ng walang imik. Ilang subo lamang ang kaniyang 
ginawa at ilang higop ng kapeng-mais. Kabilang na naman si Maciong sa hukbo ng mga nagbibili at bumibili ng hindi 
kanila at wala pa sa kanila. 
" Tiyak ba ang iyong sinasabi? Malayo ba? Pick-up hane?' 
"Oo, pick-up lang. Malapit lang. Tayo na." 
Pulu-pulo ang nag -uusap. Kani-kaniyang alok; kani-kaniyang tawad. May humihipo ng singsing. May sumisilip, may 
lumelente sa maliit na tapyas ng brilyante. Silip.., tingin... tawad... silip... tingin,.. tawad.. 
" Maciong, ano ba ang iyong line ngayon? Mayroon ka bang buyer na goma ng trak? Mayroon akong dalawampu." 
" Ako, kahit anong pagkakasalapian. Totoo ba ang goma mo? Magkano... malayo ba? Tingnan natin," wika ni 
Maciong. 
" Diyan lang sa tabi - tabi, isang libong piso ang halaga ng isa." 
" Diyan lamang? Tayo na, tingnan natin. Kung sa bagay dala na ako sa iyo. Madalas kang mag -alok ng wala. 
Nasusubo ako sa kompromiso sa aking mga kausap. Makita ko muna bago ko ialok." 
" Ikaw naman, patay-patay ka." ang salag na kausap. Inialok ko sa iyo ang arina, pinabayaan mo. Ang pako, ang trak, 
ang makina, at ang makinilya. Mabagal ka naman eh...!" 
Hindi pa sila nalalayo sa kakapalan ng mga nagbibili ng wala ay nasalubong ni Maciong ang dati niyang kakilala, si 
Tasiong Abuloy na lalong kinasusuklaman niya tuwing magugunita ang kanyang kabiguan sa singsing. 
" Mayroon ba tayo riyan?" ang bungad ni Tasio. 
" May buyer ka ng goma?" " Iyan ang hanap ko. 
Nasaan.., ilan... magkanao?" 
3
" Dalawampu... isang libo't dalawang daan ang isa; malapit lang." 
" Sold. Kung mapahigit ko sa halaga ninyo ay akin ha? Wala na kayong pakialam sa higit doon... Iba na amg 
malinawan," pagunita ni Tasio. 
" Halika na. Iyong lahat. Hoy, Tsiko, ang sabi mo sa akin ay isang libo lamang." ang bulong ni Maciong sa kanyang 
kausap. " Wala ka ring pakialam sa labis doon. Hayan".. naririnig mo. Huwag kang magsasalita tungkol sa halaga at 
bayaran mo. Ako ang bahala." 
Dalawang tango lamang ng pagsang -ayon ang iginanti ng kausap ni Maciong. Nagtuloy sila sa isang makipot na 
lagusan. Tuloy silang pumasok sa silong. Maraming agiw na nagsalabat sa daan. Nabulabog ang mga daga. Ang amoy 
ng mga lumang kasangkapan ay nakapagpapakalma ng sikmura. Tinalikwas ng nagbibili ang ilang piraso ng yero at 
nabuyangyang sa kanilang nag-aalinlangang paniniwala ang dalawampung goma ng trak na may balot pang papel. 
Lumabas na bigla si Tasio upang tumawag sa telepono. Nakilala ni Maciong ang kaugnayan ni Tasio nang ang 
goma ay hakutin ng trak. Kitang kita ni Maciong na binibilutan ng sapot ng gagambang bahay ang isang langaw na 
mabating sa hibla. Habang minamasdan ang agiw na naglawit sa may tagulamig silong na siyang nagpapangit sa silid 
na yaon ay hindi maubos - maisip ni Maciong kung bakit doon niya natagpuan ang kapalarang ipinagkait sa kanya ng 
makukulay na sikat ng araw. 
Pumailanlang ang isipan ni Maciong. Naririnig ni Maciong ang kiriring ng telepono. Nauulinigan niyang itinatanong 
kung si Manedyer Maximo Kabangis ay naroon at kung nais bumili ng goma, ng pako, ng langis, ng yero ng trak, ng 
makina, ng bahay ng lote. Naramdaman ni Maciong na ang hapo at bigong pag-asa niya ay dahan-dahang humihimlay 
sa malambot na kama. Bumabasa ng pang-umagang pahayagan ang mga paningin ni Maciong na namangha sa isang 
tagumpay na inaasam-asam at nang ito ay dumating ay hindi niya maunawaan. Naririnig ni Maciong ang awit sa radyo; 
dinig na dinig niya ang " Tindig, aking Inang Bayan; Lahing pili sa Silangan." 
Binalak pa rin ni Maciong na ihagis sa nanlilimahid na kandungan ni Luisita ang bungkos ng mga sasampuing piso. 
Gugulatin niya si Luisita. Hindi na siya bibili ng lumang damit sa panulukan ng mga daang Asuncio Azcarraga para sa 
kanyang apat na anak na kailan lamang ay hindi niya kayang ibili ng bago. Ipamumukha niya kay Luisita na siya'y may 
abilidad. 
Nagkukumahog si Maciong nang siya ay umuwi nang tanghaling iyon. Ang biglang pamimintog ng bulsa ni Maciong 
ay damang-dama at nabubunggo ng kanyang mga hita sa kanyang mabilis na paghakbang. Nakapaglagos si Maciong 
sa kakapalan ng mga tagapagbili ng wala sa kanila, ngunit di niya gaanong alintana ang mga pagtatawaran, ang 
pagtitipanan ang pagtutuwid sa ibayong pakinabang. Sa ganang kay Maciong ay kanyang lahat ng mga kalye ng 
Maynila - ang buong Maynila. 
" Mama... mama... genuine camel po... genuine... gen..." 
" Hoy, bigyan mo ako." ang tawag ni Maciong." Magkano?" sabay dukot sa kanyang bulsa na naging masikip sa 
balumbon ng mga sasampuing piso at walang anumang kumuha ng tatlo nito, iniabot sa bata, kinuha ang sangkahang 
Camel at ang bata ay iniwang tuwid na tuwid. 
Mga ilang sandali pa, ang bata ay humahabol kay Maciong upang ibigay ang sukli. 
" Mama... ang inyong sukli..." 
" Ah! Hindi bale," tugon ni Maciong, " sa iyo na..." ang dugtong pa na ang tinig ay sinadyang ilakas upang marinig ng 
maraming nagdaraan. Hinigit ni Maciong ang kanyang balikat; tinutop ang kanyang bulsa; tumingala sa langit 
samantala'y patuloy ang usok ng kanyang sigarilyo at ang alingawngaw ng alukan at bilihan sa pamilihang kalye ay 
patuloy... 
Patuloy ang pagkiriring ng telepono. Ang pukpok na bakal sa hulo, sa liwasan ng lungsod ng Maynila, ay patuloy. 
Ang mga nagtatayugang gusali ay tila nagbabantang umabot sa rurok ng langit. Ang alimbukay ng aso ng alkohol sa 
lansangan ay nakahihilo, Tigb ang mga karitela, Punuan ang mga trambya. Humahangos ang mga tao sa lahat ng 
lansangan ng Maynila. Gumagalaw ang lahat ng bisig, ang lahat ng isip, ang buong katawan ng Maynila. 
4

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Idyomatikong Pagsasalin at Hybrid na Teksto
Idyomatikong Pagsasalin at Hybrid na TekstoIdyomatikong Pagsasalin at Hybrid na Teksto
Idyomatikong Pagsasalin at Hybrid na TekstoZyriener Arenal
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoKaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoJonalyn Asi
 
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoKaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoCacai Gariando
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONEmma Sarah
 
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxMaikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxAnaMarieZHeyrana
 
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahanGabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahanBaita Sapad
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipinoanalyncutie
 
EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)
EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)
EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)Michelle Aguinaldo
 
Kaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng NobelaKaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng NobelaBianca Villanueva
 
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxTUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxMean6
 
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan Joel Soliveres
 
DLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd week
DLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd weekDLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd week
DLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd weekwelita evangelista
 

Was ist angesagt? (20)

Panimula Grade 8
Panimula Grade 8Panimula Grade 8
Panimula Grade 8
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Idyomatikong Pagsasalin at Hybrid na Teksto
Idyomatikong Pagsasalin at Hybrid na TekstoIdyomatikong Pagsasalin at Hybrid na Teksto
Idyomatikong Pagsasalin at Hybrid na Teksto
 
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasaMga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
Mga estratehiya sa pag unawa sa pagbasa
 
Ba naag at sikat
Ba naag at sikatBa naag at sikat
Ba naag at sikat
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoKaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
 
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoKaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
 
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptxMaikling Kuwento Ang Alaga.pptx
Maikling Kuwento Ang Alaga.pptx
 
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahanGabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan
Gabay sa-guro baitang7-ikatlong-markahan
 
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)
EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)
EL FILIBUSTERISMO (Kabanata 30)
 
Ang mahiwagang tandang fil 7
Ang mahiwagang tandang fil  7Ang mahiwagang tandang fil  7
Ang mahiwagang tandang fil 7
 
Kaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng NobelaKaligirang Kasaysayan ng Nobela
Kaligirang Kasaysayan ng Nobela
 
Maikling kwento
Maikling kwentoMaikling kwento
Maikling kwento
 
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptxTUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
TUWIRAN AT DI TUWIRANG PAHAYAG.pptx
 
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
K-TO-12 GRADE 10 FILIPINO Ikalawang Markahan
 
DLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd week
DLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd weekDLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd week
DLL Filipino Grade 7 First quarter 3rd week
 
Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
 
Filipino 9 Talumpati
Filipino 9 TalumpatiFilipino 9 Talumpati
Filipino 9 Talumpati
 

Andere mochten auch

K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleNico Granada
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosPRINTDESK by Dan
 
235261557 niyebeng-itim
235261557 niyebeng-itim235261557 niyebeng-itim
235261557 niyebeng-itimBay Max
 
Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)LadySpy18
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleNico Granada
 

Andere mochten auch (10)

Nagmamadali ang maynila
Nagmamadali ang maynilaNagmamadali ang maynila
Nagmamadali ang maynila
 
Usok at salamin
Usok at salaminUsok at salamin
Usok at salamin
 
K to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners ModuleK to 12 - Filipino Learners Module
K to 12 - Filipino Learners Module
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
 
235261557 niyebeng-itim
235261557 niyebeng-itim235261557 niyebeng-itim
235261557 niyebeng-itim
 
Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)Awiting Pambata (Lyrics)
Awiting Pambata (Lyrics)
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
Mga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng PananalitaMga Bahagi Ng Pananalita
Mga Bahagi Ng Pananalita
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 

Kürzlich hochgeladen

EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxShynaNorraineDestura
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxRosemarieGaring
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 

Kürzlich hochgeladen (20)

EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptxSummary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
Summary Quiz for Ponema with answer keys.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 

Niyebeng itim at Nagmamadali ang maynila.,.

  • 1. 1
  • 2. 2
  • 3. 3
  • 4. 4
  • 5. 5
  • 6. Nagmamadali ang Maynila ni Serafin C. Guinigundo " GINTO. GINTO... Baka po kayo may ginto riyan?" "Mga mama.. mga ale... ginto...?" ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa. " Baka po kayo may ginto?" ang muling sigaw ng babae. " Kung may ginto ako bakit ko ipagbibili? Hindi baga mas mahal ang ginto kaysa kwalta?" sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay. Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag - aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ag kanilang usapan, Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gatas ng niyog. Kung sila'y palarin; kakamal ang libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin, tawad, silip, tingin, tawad. Tingin sa singsing, sa kwintas, hikaw, at pulseras. " Ilang ply, anong sukat ng goma?" usisa ng isa. " Ano? In running condition ba? Baka hindi, Mapapahiya tayo," ang paniniyak ng isa naman. " Aba! sinasabi ko sa iyo... garantisado. hindi ka mapapahiya," tugon ng tinanong. " Hoy,Tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan ha? Kahit hindi nakasulat... ikaw ang bahala. " " Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin, hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon. " Ang iba ay maingat; gumamit ng mga lenteng maaninag sa mga tapyas ng brilyante. Nangingilag sa basag na bato: iyong may karbon; iyong may lamat. Malulugi kapagka nabibigla sa pagtawad. Sa bawat may lenteng tumitingin ay marami pang taong nakapaligid na nag - aantay na makasilip naman: makatingin at tumawad sa singsing, hikaw at pulseras. Ang init ng araw ay hindi alumana ng mga taong ayaw iwan ang kakapalan ng nagtatawaran ng lupa, bahay, bakal, pako, trak, lantsa, kabayo, makinilya at iba pang mga bagay. Kakain lamang upang magbalik; babalik lamang upang makipag - usap, tumawad, at tumingin. Ang maghapon ay natatapos sa nakapaghihinayang na pakinabang; nauubos upang umasa sa isang kinabukasang marahil ay lalong mapalad at manigo. " Balut... balut... baluuuut... baluut!" "Puto... put.., putt... puto." Iyan ang mga tagapambulahaw sa mga natutulog, sa mga may nanlalambot sa tuhod. " Isang oras lamang, maaari ba? Ipapakita ko lang sa aking buyer. Magugustuhan ito. Cash ngayon din. Iiwan ko muna ang aking tubog sa iyo. May halaga yan. " " Huwag na. Dalhin mo, Sisirain mo ba ang iyong pangako? Kilala naman kita. Madali ka. Isang oras ang pangako ng aking kaibigan sa may ari nito. Kaya kung dadalhin mo ay sige. Ibalik mo agad aantayin kita. Hindi ako aalis, bago mag - ikalabindalawa. Humahangos ang pinagbigyan ng singsing. Naglagos sa kakapalan ng mga tao. Madagil o makadagil ay tuloy sa kanyang paglalakad. Hinahawi ng kanyang mga bisig ang mga tao. Isinisingit niya ang kanyang manipis na katawan. Maikli lamang ang palugit sa kanya sa singsing - isang oras. Ang taong humahangos at nagmamadali at tila nakikipag - agawan ng oras ay si Maciong. Kabilang si Maciong sa mga bumibili nang walang puhunan kundi laway at nakapagbili nang wala kundi sa listahan. Isa siya sa mga ahente sa pamilihang- kalye na lalong malaki ang pakinabang sa kanyang listahan kaysa sa tunay na tinatanggap ng kanyang bulsang palaging puno ng bigong paghihintay. Si Maciong na kasalungat ng katwiran ay bata ni Luisita, ang kanyang kabiyak ng dibdib, ay may paniniwalang ang pananagumpay sa buhay ay nakasalig sa kaunting bilis ng isip na kanyang tinatawag na "abilidad". Ang abilidad na iyan 1
  • 7. ni Maciong ay siyang ipinangangako kay Luisita. Maipakikilala niya ito sa iba't ibang sukat ng goma; sa mga hawak niyang option sa trak, sa awto, sa bahay, sa lupa at marami pang iba. Iyan ang kanyang in aasahang masasalapi hindi maglalaon. Mga katapatan lamang niya ang kaniyang pinagsasabihan. Baka siya'y maunahan kung siya'y magsasabi. Mabibigo ang kaniyang pangarap. Muli siyang susumbatan ni Luisita. Nakaraan din si Maciong sa kumukutong mga tao. " Teng... teng... teng...teng..," ang tinig nang dumaragsang dambuhalang trambya na maraming sakay na hindi makapasok sa loob, tranbiyang tila baga isang kalabaw na 'di makayang lumulon sa sinsamungal na sakate sa kanyang namumuwalang bunganga. Nangunyapit lamang si Maciong sa tansong hawakan sa tranbya. Doon siya nagpalumaging nakabitin. " Pasok po sila... pasok po kayo... dito sa loob at maluwag. Pasok..,pasok.,." ang dugtong na utos ng konduktor. Hindi alumana ni Maciong ang pagdudumali ng konduktor. Laging hindi napapansin ni Maciong na ang kanyang pagsambot sa tiket ng isang umibis ay sinusulyapan ng konduktor. Ang pagpasok ni Maciong sa loob ng trambya ay hindi nalingid sa kabatiran ng konduktor. Hindi pansin ni Maciong ang pagpapatunog ng taladro ng konduktor. " Narito, " sabay abot ni Maciong ng tiket na halos mainit - init pa buhat sa kamay ng kaiibis na mapagkawanggawa na sinambutan ni Maciong. " Hindi ba kapapasok mo lamang?" " Kanina pa po ako, bumago lamang ng upo. " " Saan kayo sumakay? " " Sa trambya, saan pa?" Hindi napigil ng mga nasa paligid na nakikinig ang pagtatawanan, na naging snhi g pamumutla ng konduktor. "Saan kang pook ng Maynila, nagsimulang sumakay?" ang buong linaw na tanong ng konduktor sa hangad na makabawi sa pagkapahiya, "Itinanong mo na kanina iyan," tugon ni Maciong. "Itatanong mo na naman. Ewan ko ba? Tingnan mo sa tiket. Diyan mo iginupit kanina. Hindi ka ba marunong bumasa?" Naghagikgikan ng tawa ang mga nasa paligd nila na nakikimatyag sa kanilang pagmamainitan. Buong pagngingitngit na tinitigan ng konduktor ang gusot na buhok ni Maciong. Sinukat ang laki ng bisig nito; hinagod ng malas ang taas at nang ang kanyang mapanuring paningin ay dumako sa kupi-kuping tainga ni Maciong na tila kulubot na sitsarong - Bocaue ay nagkunwang tinungo ang pintuan ng trambya upang makaibis at makasampa ang maraming sakay. Mag-iikalabing-isa na at kalahati ng tanghali. May kalahating oras pang nalalabi sa ibinigay sa kanyang palugit upang maipagbili ang singsing. Natitiyak ni Maciong ang pakinabang na halos binibilang na niya sa kanyang palad na hindi nag-aamoy kwalta may ilang buwan na. Nagdudumaling nanaog si Maciong sa Plaza Burgos. Nag-uumihit na sinundan ang isang taong may bitbit na bayong. Tinawag niya sa pangalan ang taong iyon. Lumingon ang tinawag. Nagkakilala silang dalawa. " Hoy Tasio dala ko ang singsing. Bumibili pa ba ang ating buyer?" "Aba, eh... kailan ba tayo huling nagkausp? Matagal na. Nawala na sa loob ko. Akala ko'y wala kang makukuha, sayang, nakabili na, Bayaan mo at sa ibang araw." Hindi makuhang ilabas ni Maciong sa bulsa ang kanyang kamay na buong higpit na nakahawak sa singsing. Naaalala niya at inuulit-ulit ang kanyang gunam-gunam ang "Bayaan mo at sa ibang araw" na katulad na rin ng katagang " mabibigo yata ako magpakailanman." Tinitigan ni Maciong ang pagdaragsaan ng mga tao sa Plaza Burogs. Unahan sa pagsakay sa trambya. Hindi makaigpaw sa itaas ang ga may mahihinang mga tuhod lalong mahihinang bisig sa pagdaraingkilan. Ang mga babae ay naging mapagbigay sa paggitgitang yaon; hindi nila napansin ang pagkaipit ng kanilang katawan sa matitipunong bisig; halos mayupi ang kanilang mga likod-ang dibdib. Ang kutob ng dibdib ni Maciong ay halos magpatahip ng kanyang polo shirt na mamasa-masa na sa pawis. Sa paningin ni Maciong ay may kulay pa rin ang sikat ng arw, bagama't ang matitingkad na kulay na y aon ay pilit na pinangungupas ng nagsalabat na dilim na pumipindong sa tuktok ng mga nagtatayuang gusali. 2
  • 8. Ang tinatahak ni Maciong ay makikinis na mukha ng aspalto na kadidilig pa lamang. Ang ganti ng liwanag buhat sa mararangyang tahanan ay tila matutulis na palasong nagtalusok sa makikinis na mukha ng kalsadang tinatahak ni Maciong. " Balut... balut... Baluut... baluuut". " Putooo... putooo... puto... puto..!". " Maciong, kain na. Malaki ba ang tinubo mo kahapon?" ang naging tanong ni Liusita. " Hindi mo na ako nabigyan ng balato. Ibibili ko lamang ng iyong sapatos." Nangiti si Maciong. Nalalaman niyang siya ay nililibak o binibiro ni Luisita. " Maciong, tigilan mo na ang lintik na buy and sell na iyan. Payat ka na, ang pambili mo lang ng sigarilyo ay hindi mo pa makita. Panay lakad... lakad... tuwid...lakad,,. tuwid.. sa libu-libong wala. Nasaan ang iyong lion's share at itong chicken feed ko ang siyang inaalmusal mo. Panay na ang kita ko sa labada ang iyong nginangangahan para kang luklak na ibong nag-aantay ng ngungo ng ina." " Luisita, masasabi mo ang lahat sapagkat iyan ang iyong nakikita. Hindi abot ng isip mo kung bakit si Pedrong Makunat ay tagapangasiwa ngayon ng Lucky Sport Real State Agency, si Kamelong Palos, hayan... may malaking tanggapan ng bakal at ang halaga ng kaniyang bakal ay sampung ibayo ng kanyang dating puhunan. Sila ay nagsipamula sa walang katulad ko. Si Ruperto, si Mariano, kapwa may bahay na ngayong sarili. Hindi ba ang mga diyablong iyan ay katulad ko rin na nagsimula sa lapis at papel?... at si Calixto, si Melano, aba! Baka masilaw ka sa kanilang suot na brilyante? Mamatahin mo, ngunit mayroong libreta sa bangko. Sila ay para-paraang nauna sa akin, ngunit nahuli ako upang mauna. Hindi sila makatitiyak sa aking abilidad. " Lubayan mo ako Maciong. Sa abilidad mong iyan, diyan ka magugutom. Kain na. Lalamig ang salabat. Baka naiinip sayo ang iyong kaisplit." " Nalalaman ko ang aking ginagawa. ang aking kapalaran ay hawak ng aking dalawang palad. Ang daigdig ay nakapaloob sa aking ulo." " Naku, magtigil ka na, Makita ko. Bagay sa iyo ang magsaka. Doon ka sa gitna ng bukid magbungkal at tiyak ang iyong pakinabang. Hindi mo kami mabubuhay sa swing-swing na iyan. Hindi namin makakain ang lintik na listahang iyan. Magsisilaking tanga at walang muwang ang iyong mga anak." Kumain si Maciong ng walang imik. Ilang subo lamang ang kaniyang ginawa at ilang higop ng kapeng-mais. Kabilang na naman si Maciong sa hukbo ng mga nagbibili at bumibili ng hindi kanila at wala pa sa kanila. " Tiyak ba ang iyong sinasabi? Malayo ba? Pick-up hane?' "Oo, pick-up lang. Malapit lang. Tayo na." Pulu-pulo ang nag -uusap. Kani-kaniyang alok; kani-kaniyang tawad. May humihipo ng singsing. May sumisilip, may lumelente sa maliit na tapyas ng brilyante. Silip.., tingin... tawad... silip... tingin,.. tawad.. " Maciong, ano ba ang iyong line ngayon? Mayroon ka bang buyer na goma ng trak? Mayroon akong dalawampu." " Ako, kahit anong pagkakasalapian. Totoo ba ang goma mo? Magkano... malayo ba? Tingnan natin," wika ni Maciong. " Diyan lang sa tabi - tabi, isang libong piso ang halaga ng isa." " Diyan lamang? Tayo na, tingnan natin. Kung sa bagay dala na ako sa iyo. Madalas kang mag -alok ng wala. Nasusubo ako sa kompromiso sa aking mga kausap. Makita ko muna bago ko ialok." " Ikaw naman, patay-patay ka." ang salag na kausap. Inialok ko sa iyo ang arina, pinabayaan mo. Ang pako, ang trak, ang makina, at ang makinilya. Mabagal ka naman eh...!" Hindi pa sila nalalayo sa kakapalan ng mga nagbibili ng wala ay nasalubong ni Maciong ang dati niyang kakilala, si Tasiong Abuloy na lalong kinasusuklaman niya tuwing magugunita ang kanyang kabiguan sa singsing. " Mayroon ba tayo riyan?" ang bungad ni Tasio. " May buyer ka ng goma?" " Iyan ang hanap ko. Nasaan.., ilan... magkanao?" 3
  • 9. " Dalawampu... isang libo't dalawang daan ang isa; malapit lang." " Sold. Kung mapahigit ko sa halaga ninyo ay akin ha? Wala na kayong pakialam sa higit doon... Iba na amg malinawan," pagunita ni Tasio. " Halika na. Iyong lahat. Hoy, Tsiko, ang sabi mo sa akin ay isang libo lamang." ang bulong ni Maciong sa kanyang kausap. " Wala ka ring pakialam sa labis doon. Hayan".. naririnig mo. Huwag kang magsasalita tungkol sa halaga at bayaran mo. Ako ang bahala." Dalawang tango lamang ng pagsang -ayon ang iginanti ng kausap ni Maciong. Nagtuloy sila sa isang makipot na lagusan. Tuloy silang pumasok sa silong. Maraming agiw na nagsalabat sa daan. Nabulabog ang mga daga. Ang amoy ng mga lumang kasangkapan ay nakapagpapakalma ng sikmura. Tinalikwas ng nagbibili ang ilang piraso ng yero at nabuyangyang sa kanilang nag-aalinlangang paniniwala ang dalawampung goma ng trak na may balot pang papel. Lumabas na bigla si Tasio upang tumawag sa telepono. Nakilala ni Maciong ang kaugnayan ni Tasio nang ang goma ay hakutin ng trak. Kitang kita ni Maciong na binibilutan ng sapot ng gagambang bahay ang isang langaw na mabating sa hibla. Habang minamasdan ang agiw na naglawit sa may tagulamig silong na siyang nagpapangit sa silid na yaon ay hindi maubos - maisip ni Maciong kung bakit doon niya natagpuan ang kapalarang ipinagkait sa kanya ng makukulay na sikat ng araw. Pumailanlang ang isipan ni Maciong. Naririnig ni Maciong ang kiriring ng telepono. Nauulinigan niyang itinatanong kung si Manedyer Maximo Kabangis ay naroon at kung nais bumili ng goma, ng pako, ng langis, ng yero ng trak, ng makina, ng bahay ng lote. Naramdaman ni Maciong na ang hapo at bigong pag-asa niya ay dahan-dahang humihimlay sa malambot na kama. Bumabasa ng pang-umagang pahayagan ang mga paningin ni Maciong na namangha sa isang tagumpay na inaasam-asam at nang ito ay dumating ay hindi niya maunawaan. Naririnig ni Maciong ang awit sa radyo; dinig na dinig niya ang " Tindig, aking Inang Bayan; Lahing pili sa Silangan." Binalak pa rin ni Maciong na ihagis sa nanlilimahid na kandungan ni Luisita ang bungkos ng mga sasampuing piso. Gugulatin niya si Luisita. Hindi na siya bibili ng lumang damit sa panulukan ng mga daang Asuncio Azcarraga para sa kanyang apat na anak na kailan lamang ay hindi niya kayang ibili ng bago. Ipamumukha niya kay Luisita na siya'y may abilidad. Nagkukumahog si Maciong nang siya ay umuwi nang tanghaling iyon. Ang biglang pamimintog ng bulsa ni Maciong ay damang-dama at nabubunggo ng kanyang mga hita sa kanyang mabilis na paghakbang. Nakapaglagos si Maciong sa kakapalan ng mga tagapagbili ng wala sa kanila, ngunit di niya gaanong alintana ang mga pagtatawaran, ang pagtitipanan ang pagtutuwid sa ibayong pakinabang. Sa ganang kay Maciong ay kanyang lahat ng mga kalye ng Maynila - ang buong Maynila. " Mama... mama... genuine camel po... genuine... gen..." " Hoy, bigyan mo ako." ang tawag ni Maciong." Magkano?" sabay dukot sa kanyang bulsa na naging masikip sa balumbon ng mga sasampuing piso at walang anumang kumuha ng tatlo nito, iniabot sa bata, kinuha ang sangkahang Camel at ang bata ay iniwang tuwid na tuwid. Mga ilang sandali pa, ang bata ay humahabol kay Maciong upang ibigay ang sukli. " Mama... ang inyong sukli..." " Ah! Hindi bale," tugon ni Maciong, " sa iyo na..." ang dugtong pa na ang tinig ay sinadyang ilakas upang marinig ng maraming nagdaraan. Hinigit ni Maciong ang kanyang balikat; tinutop ang kanyang bulsa; tumingala sa langit samantala'y patuloy ang usok ng kanyang sigarilyo at ang alingawngaw ng alukan at bilihan sa pamilihang kalye ay patuloy... Patuloy ang pagkiriring ng telepono. Ang pukpok na bakal sa hulo, sa liwasan ng lungsod ng Maynila, ay patuloy. Ang mga nagtatayugang gusali ay tila nagbabantang umabot sa rurok ng langit. Ang alimbukay ng aso ng alkohol sa lansangan ay nakahihilo, Tigb ang mga karitela, Punuan ang mga trambya. Humahangos ang mga tao sa lahat ng lansangan ng Maynila. Gumagalaw ang lahat ng bisig, ang lahat ng isip, ang buong katawan ng Maynila. 4