1. GRADE 7:
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa sa mga angkop na
inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata, talentoat
kakayahan, hilig at pagkatao ng tao
tungo sa pagtupad ng mga tungkulin
sa sarili, sa kapwa, sa bansa, daigdig
at sa Diyos at pagtatakda ng mithiin
upang mapanagutan ang
kahihinatnan ng mga pasya at kilos.
GRADE 8:
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa sa layunin at
kahalagahan ng pamilya bilang
pundasyon at pakikipagkapwa
patungo sa pagiging mapanagutan
sa bansa, daigdig at sa Diyos.
GRADE 9:
Naipamamalas ng mag-aaral ang
kahalagahan ng masusing pagpili ng
kursong kukunin at ng hanap-buhay
para sa sariling kinabukasan,
tumutugon sa makabuluhang
paggawa, local o global, tungo sa
pagsulong ng pambansang
kaunlaran at ayon sa plano ng Diyos.
GRADE 10:
Naipamamalas ng mag-aaral ang
pag-unawa at katatagang humarap
sa mga isyung moral at
impluwensyang kapaligiran,
kakayahang gumawa ng moral na
pasya at kumilos ng may
preperensya sa kabutihan.