2. °Singkaw-kaisipan
■ Malaki ang naiaambag ng panitikan sa pag
papakilala sa sariling identidad bilang bahagi
ng isang lahi at kultura sapagkat malinaw na
inilalarawan at isinasaysay nito ang ugali,
pamumuhay, kultura at malikhaing
katalinuhan ng isang lahi.
3. °Bungkal-kabatiran
Ang panitikan, tulad ng ibang mga sining, ay hinuhubog ng
iba't ibang bagay. Ito'y nababatay sa kapaligiran at ng mga
panlipunan at pangkabuhayang organisasyon ng mga tao.
Ang diwang nasyonalisamo ang nakapagpapainit nito.
Ngunit higit sa lahat, kailangan ang matayog na isipan at
maramdaming kaluluwa upang makalikha ng panitikang
may urt at magtatagal sa mahabang panahon. Subalit ang
panitikan ay hindi lamang binubuo ng mga obra-maestra.
4. ■ May mga panitikang nagkakaiba sa pamatayan
batay sa kahalagahan at pagdulog sa mga taong
bumabasa. Halimbawa, ang mga pasyon, sarsuwela,
at moro-moro natin ay kinagiliwan noong panahon
ng Kastila: sa kabilang dako, ang mga epiko, dula,
nobela, sanaysay at maikling mag katha ay
nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan
5. ■ Ang nakasulat na panitikang Filipino ay may apat na raang
taon lamang-isang maikling panahon kung ihahambing sa
ibang mga bansa at kung pagbabatayan ang panahong
inilagi ng ating mga ninuno sa ating kapuluan. Ang ganitong
kalagayan ay matatalunton sa iba't ibang kadahilanan.
Pangunahin dito ay ang pagwasak ng ating katutubong
panitikan noong unang panahon ng pananakop ng mga
Kastila gawa ng mga digmaan at pagwawalang-bahala rito.
Gayon din, naisatitik lamang ang mga ito sa mga dahon at
iba pansulating hindi makatagal sa pagdaraan ng panahon.
6. ■ Sa kabuoan, maipalalagay na ang Panitikang Filipino
ay yaong mga pasalita o nasusulat na isipan at
damdaming Filipino na sinulat ng mga Pilipino
hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa
kanilang pamumuhay at pakikipamuhay.
7. °Katuturan ng Panitikan
■ Ang salitang Tagalog na "panitikan" ay galing sa
unlaping PANG- (na nagiging PAN-kapag ang kasunod
na ugat ay nagsisimula sa d. I r. s. f), sa ugat ng TITIK
(letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod
sa PAN-; at sa hulaping -AN, samakatwid: pang "litik"
an. Ang salitang ito ay panumbas ng Tagalog na
"literatura" o "literature" na kapuwa batay sa ugat na
Lating "Itera" na ang kahuluga y letra o titik.
8. •Ang Panitikang Filipino
■ Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o
pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang
pampulitika, at pananampalatayang nyakap ng mga
Pilipino. Dapat isiping ang Pilipino ay naging
"Pilipino" mula noong ika-16 na dantaon lamang-
aapat nadantaon lamang.
9. •Anyo ng Panitikan
Dalawang Anyong Panlahat
Tuluyan(Prosa)
■ Maluwag na pagsasama-sama ng
mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.
■ Ang lalong karaniwang akda ay
anekdota,kuwento, alamat, maikling
katha, kathambuhay, sanaysay,
talambuhay, dula, attbp.
Patula
■ Pagbubuong pahayag sa
pamamagitan ng salitang binilang
ang pantig (6, 8, 12, o 18 sa
taludtod) at pinagtutugma-tugma sa
mga dulo ng mga taludtod sa loob
ng isang estropa(stanza).
■ Ang lalong karaniwang akda ay
liriko, oda, pastoral, kurido, tulang
pasalaysay, tulang padula, soneto,
attbp.
10. •Impluwensiya
■ Kung ang klima, gawain, kinatitirahan, lipunan at pulitika,
relihiyon at edukasyon ay may impluwensiya sa anyo,
hangarin, at laman ng panitikan naman ay may dalang
impluwensiya sa buhay, kaisipan, at ugaliin ng tao sa
dalawang kalagayan.
■ Una nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng
lahing pinanggalingan ng akda.
■ Ikalawa sa pamamagitan ng panitikan, ang mga tao sa daigdig ay
nakakatagpo sa damdamin at kaisipan at nagkakaunawaan, bukod
sa nagkakahiraman ng ugali at palakad.
11. Mga akdang pampanitikang nagdala ng
malaking impluwensiya sa buong
daigdig. Pangunahin ang mga
sumusunod:
16. Buhay ng may-akda ang unang dapat mabatid ang
isang mambabasa ng pantikan.
•Hindi sapat na mabatid ang pangalan at talaan
ing mga akdang naisulat ng may-akda, manapay
higit na mahahalagang matuklasan at maunawaan
ang katauhan o personalidad nito.
•Tanging ang ma may-akda akda lamang ang
makasasagot ng mga katanungan hinggil sa akda.
•Ang sabi nga nina Ramos at Mendiola (1994): "Sa
paggamit ng pantalambuhay na kritisismo,
matutuklasan pa rin ng iba pang impluwensiyang
makatutulong sa sining ng manunulat mga
pilosopiyang kaakday o mga akda na kaniyang
binasa, ang iba pang tao na nagsilbing gabay o
nagmulat sa kanyang magsulat."
Sa paggamit ng dulog bayograpikal,
kinakailangang bigyang in ang sumusunod
na kondisyon pansin ang sumusonodna
kondisyon:
1. Ang binabasa at sinusuri ay ang akda at
ito'y hindi dapat ipagpalit sa pagtalakaysa
buhay ng makatao manunulat.
2.Sa teoryang bayograpikal, ang
pagpapasiya
hindi kapintasan alang pagpapasiya sa
binasang akda ay okahinaan ng mayakda.
Kung Kung naging mapangahas manang
may-akda sa paglalantad ng ilang bahagi ng
kaniyang buhay, isipan na lamang na ang
mga itoy makapagdaragdag sakaaangatng
kasininganng akda.
Bayograpikal
17. • Sinasaklaw ng teoryang historikal ang pagsusuri ng teksto na
nakabatay sa mga aspektong nagpapalutang sa isang akda:
talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong political na
nakapaloob sa akda, at ang tradisyon at kombensyong
nagpapalutang sa akda.
•
Napakahalagang matuklasan sa dulog na ito ang puwersang
pangkapaligiran at panlipunan na may malaking impluwensiya
sa buhay ng manunulat.
•
Sa dulog na historikal, may mahalagang papel sa
ginagampanan ang institusyon sa pagbibigay-daan sa uri ng
panitikang susulatin ng may-akda kung kaya't ang pagsusuri
ay nakatuon sa puwersa o lakas sa paraan at istruktura ng
institusyon.
Historikal
18. • Sa Grecia bago ipanganak si Kristo, unang umusbongat kumalat ang
dulog na kilala sa trahedya at komedya. Naging mas kilala ang dulog na
ito dahil sa iba't ibang anyo ng dula na isinagawa noong panahong iyon.
• Pagdating ng Gintong Panahon noong 80 BC, naging prominenteang
panulaang may mga uri tulad ng epiko, satiriko, liniko, at pastoral.Sa
Panahon ng Plak, baguhin ang anyo ng panitikan sa prosa, komedya,
talambuhay, ham, gramatika, pamumuna, at panumuring pampanitikan.
• Pinaniniwalaan ng dulog na ito sa walang hanggang diwa at espiritu ng
tao, na kahit hinahangad ang kalayaan, hindi maaaring mawala ang
koneksyon sa mundo nang walang pagbabago sa kanyang kalikasan.
Ito'y nagtatampok ng klasismo na nagmumula sa pagsasabuhay at
pagpapakita ng paggalang sa espiritu.Sa wika ng klasismo, mahinahon
at maingat ang pagsasalita.
• Hindi pabor ang mga klasista sa mga salitang nagpapakita ng labis na
emosyon. Ang mga akdang klasiko ay kilala sa kanilang linaw, dignidad,
simpleng pagkakasulat, kahinahunan,obhetibidad, sunod-sunodna
pagkakasunod,at pagkakaroon ng limitasyon.
Klasismo
19. • Hanggang ngayon ay naitatala ang ilan sa mga kritiko sa pagkakasilang ng
Renacimiento (Renaissance)o Muling Pagsilang sa Italya dahil wala naman daw
malaking pagbabagong naganap kung pag-uusapan ay ang kabihasnan,
• Ang tanging naganap ay ang pagsulpot ng bourgeois o ang panggitnang uri ng sining.
Ipinalalagay ng mga nakararami na ang dapat tawag sa panahong ito ay transisyon sa
pagsulong ng daigdig tungo sa makabagong panahon.
• Sumibol sa panahon ng Muling Pagsilang. Ang pokus sa dulog na ito ay ang tao, at
ang taong nakatuntongng pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado.
Ang humuhubogat lumilinang sa tao ay tinatawag namang humanismo.
• Naniniwala ang mga humanistana ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't
mahalagang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at
kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahayag ni Protagoras (Villafuerte, 1988)“.
• Ang panitikan ng mga humanista ay nakasulat sa wilangangkop na angkop sa aidang
susulatin.. Itoy nagtataglay ng magkakaugnay at nagkakaisang balangias, may buong
kaisipan, nakazaliv at nagpapahalaga sa katotohanan“.
Humanismo
20. • Ang Romantisismo, na lumitaw sa Europa noong ikalawang
hati ng ikalabing-walong dantaon, ay itinuturing na
kabaligtaran ng klasismo. Sa Italya, ito ay kinikilala bilang
isang kilusang sumabay sa pag-usbong ng agham at
pilosopiya. May dalawang uri ng Romantisismo: ang
tradisyunal na may diin sa halaga ng tao at ang
rebolusyonaryo na nagtuon sa makasariling karakter.
Tinatawag na romantiko ang paraan ng pagsulat sa
Panahon ng Romantisismo, kung saan ang mga akda ay
puno ng romantikong paksa, tema, at istilo. Naniniwala
ang mga Romantisista sa isang makatao, demokratikong
lipunan na patungo sa pag-unlad. Inspirasyon at
imahinasyon ang itinuturing na pangunahing kasangkapan
ng Romantisismo, na nagbibigay buhay at bagong sigla sa
mga akda.
Romantisismo
21. • Ang dulog ng Realismo ay nagtatangi sa katotohanan
kaysa kagandahan. Ayon sa mga realista, ang
paglalarawan o paglalahad ng tao, bagay, o lipunan ay
dapat maging makatotohanan. Mas binibigyang-pansin
ng mga realista ang uri ng paksa kaysa sa paraan ng
paglalahad. Kadalasang tampok sa kanilang mga akda
ang mga sosyo-politikal na isyu, kalayaan, at katarungan
para sa mga naaapi. Ang mga paksang tulad ng
kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, biya,
katiwalian, at kawalan ng katarungan ay karaniwan sa
mga akdang realismo. Ang mga realista ay nagtataglay
ng mga prinsipyo tulad ng walang hangganang
pagbabago, ang katotohanan bilang hantungan, ang
hindi magaganap na paisipikasyon ng tao sa realidad ng
lipunan, at ang pagtatala ng iba't ibang aspeto ng buhay.
Realismo
22. • Ang dulog ng formalismo ay naging kilala sa larangan ng
panunuring pampanitikan dahil sa maraming pagsusuri
na gumamit ng ganitong pagdulog. Maraming
mananaliksik at kritiko, kabilang si Coleridge, ang
nagtuklas nito, itinuturing ang formalismo bilang "buhay
dahil sa kaisahang nakapaloob dito."Sa pagsusuring
formalistiko, ang pangunahing layunin ay ang pagtuklas
at pagpapaliwanag sa anyo ng akda. Hindi binibigyang-
pansin sa teoryang ito ang personal na buhay ng may-
akda, wala itong kinalaman sa kasaysayan, at walang
mababanaag na implikasyon sa aspeto sosyolohikal,
politikal, skolohikal, at ekonomikal. Ito'y nagtuon lamang
sa pisikal na katangian ng akda, matukoy ang nilalaman,
kaanyuan, kayarian, at paraan ng pagkakasulat nito.
Formalismo
23. • May malaking impluwensiya ang pahayag
ni Freud na "tanging ang ekonomiya
lamang ang motibo ng lipunan sa dulog
siko-analitiko. Ang pahayag na ito may
paniniwalang kinalaman sa naghahanap
buhay tayo para lamang lasapin ang sarap
hay at ng buha Aenagkaroon lamang ng
kaganapan ang pagiging isang tao kung
bukas ang kaniyang kamalayan sa mga
nagaganap sa kaniyang buhay.
Siko-Analitiko
24. • "Ang Feminismo ay lumitaw dahil sa paniniwala ng
marami na ang panitikan ay kontrolado ng mga lalaki.
Ipinakikita ng ilang manunulat ang mga babae sa
panitikan bilang mahina, marupok, tatanga-tanga,
sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal,
pantahanan, at masama. Nakikita sa mga akda ng
mga lalaki ang opresyon sa kababaihan. Sa dulog na
ito, tinatanggap ang sistematikong pang-aapi sa mga
babae, na itinuturing na hindi pantay sa kalalakihan.
Sa Pilipinas, kilala ang mga feministang manunulat
tulad nina Genoveva Edroza-Matute, Lualhati Bautista,
Ruth Elynia Mabangio, Lila Quindoza Santiago, Joice
Barrios, at iba pa, na nagtatangkang palayain ang
diwa at damdamin ng kababaihan sa pamamagitan
ng kanilang mga akda."
Feminismo
25. • Ito ay tinatawag na dulog ng "Imahismo" na
umusbong sa mga panulaan sa Great Britain
at North America mula 1909 hanggang
1918. Ayon kay T. E. Hulme, ang tula ay
dapat magbawas ng mga di-kailangang salita
at inilarawan ang paksa o diwa sa
pamamagitan ng mga imahen. Layunin ng
imahismo na mailarawan nang ganap ang
isang paksa, nang walang pagkiling, at
malayang makapamili ng mga larawang
maikikintal sa isip ng nagbabasa. Ang dulog
na ito ay nagtatangi sa paggamit ng natural
na mga bagay sa paligid bilang epektibong
paraan ng pagsulat.
Imahismo
26. • Ang dulog ng Naturalismo ay malapit sa
dulog ng Realismo, at pareho silang
nakatuon sa mga bagay na may kaugnayan
sa likas na kapaligiran. Sa pamamagitan
ng dulog na ito, isinasalaysay ang mga
aspeto ng doktrina ng pilosopiya ukol sa
biyolohikal at sosyal na katangian ng
kapaligiran upang maunawaan ang paraan
ng pamumuhay ng tao at ang implikasyon
nito sa lipunan. Layunin ng Naturalismo na
masusing suriin ang impluwensya ng
kapaligiran sa buhay ng tao at kung paano
ito nakakatulong sa pagpili ng pamumuhay.
Naturalismo
27. • Ang dulog arketypal ay ibinatay sa sikolohiya ni Carl
Jung na nag-aangkin na may dalawang antas ang
ating kamalayan: ang personal na nagtatago ng
mga alaala ng nakaraang pangyayari at ang
arketypal na nag-iingat ng mga pinagsama-samang
alaala sa pamamagitan ng imahe at simbolismo.
Ang mga simbolismo ay kadalasang kinukuha mula
sa mitolohiya, epiko, o Böviyu. Sa dulog na ito, ang
pagsusuri ay nakatuon sa paggamit ng mga
simbolismo upang maipahayag ang mga kaisipan
na may kaugnayan sa karanasan ng mga tauhan sa
isang akda. Karaniwan nating makikita ang mga
simbolong tulad ng kalapati, tanikala, timbangan,
kandila, sulo, at iba pa.
Arketipal
28. • Sa dulog sosyolohikal, ang pagsusuri ay
nakatuon sa kalagayan ng mga panlipunang
institusyon tulad ng pamahalaan, pamilya,
paaralan, at iba pang bahagi ng lipunan.
Binibigyang-diin dito ang internal at external
na pagsusuri ng akdang binabasa, na may
espesipikong katangiang nakapag-anyo sa
pagkatao ng mga tauhan. Ito ay naglalaman
ng malalim na pagtalima sa epekto ng
lipunan at institusyon sa pag-uugali at pag-
unlad ng mga tauhan sa akda.
Sosyolohikal