Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
MELC_Aralin 4_Konsepto at Salik ng Produksyon
1. Aralin 4
Konsepto at Salik ng Produksyon
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
2. Panimula
• Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay
maaring makatugon sa mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Minsan kailangan pang idaan sa proseso
upang maging higit na mapakinabangan. Sa
ekonomiks, ang mga pinagkukunang-yaman
ay mananatiling walang halaga kung hindi
mapapakinabangan. Ang gamit ng isang
bagay ang nagtatakda ng kapakinabangan
nito.
4. Tukuyin kung ano-ano ang mga ginamit na
sangkap sa paggawa ng mga sumusunod na
kalakal.
5. Pamprosesong Tanong
• Maaari kayang mabuo ang mga
produkto kung kulang ang mga
sangkap nito? Paano ito
makakaepekto sa kalidad ng produkto?
• Maliban sa mga sangkap, mayroon pa
bang kailangan upang mabuo ang mga
nabanggit na mga produkto?
6. Ano ang Produksyon?
• Paglikha ng kalakal o
serbisyo na tumutugon
sa mga
pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Proseso kung saan
pinagsasama ang mga
salik ng produksyon
(input) upang mabuo
ang isang produkto
(output).
8. Salik ng Produksyon (LMKE)
• Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang
kalakal. Hindi mabubuo ang isang kalakal kung wala
ang kahit isa sa mga ito.
Lupa
Manggagawa
Kapital
Entreprenyur
Produkto
9. SALIK NG PRODUKSYON
(Factors of Production)
Lupa (Likas Yaman)
• Lahat ng bagay na may
pakinabang sa tao na mula sa
kalikasan.
• Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi
lamang tumutukoy sa tinataniman
ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay. Kasama
rin dito ang lahat ng yamang likas
sa ibabaw at ilalim nito, pati ang
mga yamang-tubig, yamang-
mineral, at yamang-gubat.
• Pinakagamit sa lahat ng uri ng
pinagkukunang-yaman.
10. SALIK NG PRODUKSYON
(Factors of Production)
Manggagawa
(Lakas Paggawa)
• Tumutukoy sa kakayahan ng
tao sa produksyon ng kalakal
o serbisyo.
• Tumutukoy sa mga taong
nag-uukol ng lakas na pisikal
at mental sa paglikha ng mga
kalakal o paglilingkod.
• Sila ang gumagamit at
nagpapaunlad ng
pinagkukunang yaman upang
magkaroon ng
kapakinabangan.
11. SALIK NG PRODUKSYON
(Factors of Production)
Manggagawa (Lakas Paggawa)
• Mga Uri ng Lakas-Paggawa
a. White-Collar Job - mga manggagawang may
kakayahang mental. Mas ginagamit ang kakayahang
mental kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.
Halimbawa nito ay ang mga doktor, abogado,
inhinyero, at iba pa.
b. Blue-Collar Job - mga manggagawang may
kakayahang pisikal. Mas ginagamit nila ang lakas ng
katawan kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito
ang mga karpintero, drayber, magsasaka, at iba pa.
12. SALIK NG PRODUKSYON
(Factors of Production)
Kapital (Yamang Kapital)
• Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa
paglikha ng mga kalakal at paglilingkod.
• Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang
produkto.
13. SALIK NG PRODUKSYON
(Factors of Production)
Kapital (Yamang Kapital)
• Uri ng Kapital ayon sa Pagpapalit Anyo
a. Circulating Capital – kapital na mabilis
magpalit-anyo at mabilis maubos (hal. langis,
kuryente, asukal).
b. Fixed Capital – kapital na hindi mabilis magpalit
ng anyo at matagal ang gamit (hal. gusali,
makinarya, sasakyan).
14. SALIK NG PRODUKSYON
(Factors of Production)
Entreprenyur
• Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang
salik ng produksyon (lupa,paggawa at kapital)
upang makalikha ng kalakal o serbisyo.
• Tinatawag din sila bilang mga negosyante.
15. SALIK NG PRODUKSYON
(Factors of Production)
Entreprenyur
• Katangian ng Matagumpay na Entreprenyur:
a. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
b. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago
sa pamilihan.
c. May lakas ng loob na humarap at
makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
17. Para mas lalo mong maintindihan ang tungkol sa
Salik ng Produksyon, panuorin ang video sa
Youtube gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=rhYp1B8IxOc
Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
20. ANTAS NG PRODUKSYON
(Stages of Production)
• Ang produksyon ng kahit na anong kalakal ay
dumadaan sa sa iba’t ibang antas:
▪ Primary stage – pagkalap ng mga hilaw na
sangkap (raw materials)
▪ Secondary Stage – pagproproseso ng hilaw na
sangkap (refining process)
▪ Finishing Stage – pagsasa-ayos ng mga tapos
na produkto (packaging, labeling and
distribution) para mapakinabangan ng tao.
22. Para mas lalo mo pang maintindihan ang iba’t
ibang antas ng produksyon, panuorin natin
ang video sa Youtube gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=yfM75D0cikg
23.
24. HALAGA NG PRODUKSYON
(Cost of Production)
Suriin ang larawan sa kaliwa.
• Bakit kaya magkakaiba ang
presyo ng bigas sa larawan?
• Ano kaya ang naging
batayan bakit may mga bigas
na mas mahal kung
ihahambing sa iba?
25. HALAGA NG PRODUKSYON
(Cost of Production)
• Tumutukoy sa halagang
ginagastos upang
makalikha ng kalakal.
• Ang halaga ng
produksyon ang
nagiging batayan sa
pagtatakda ng presyo
ng isang kalakal.
26. Halaga ng produksyon (USIT)
Upa Sahod Interest Tubo
Halaga
ng
kalakal
lupa mangagawa kapital entreprenyur
28. Uri ng Halaga ng Produksyon
• Fixed Cost (FC) – mga gastusin na hindi
nagbabago kahit mataas o walang produksyon
(hal. fire insurance, interest ng utang, upa sa
gusali).
• Variable Cost (VC) – mga gastusin na
nagbabago habang tumataas ang produksyon
(hal. kuryente, office supplies, pasahod sa mga
manggagawa).
• Total Cost (TC) – kabuuang gastusin ng
produksyon. Ito ang nagiging batayan ng presyo
ng kalakal
TC=FC+VC
29. Marginal Cost
• Ito ay tumutukoy sa karagdagang gastos-pamproduksyon sa
paglikha ng dagdag na yunit ng produkto o serbisyo.
Kung saan:
TC1 = lumang Total Cost
TC2 = bagong Total Cost
Q1 = lumang Quantity (Dami)
Q2 = bagong Quantity (Dami)
𝑴𝑪 =
𝚫𝑻𝑪
𝚫𝑸
𝑴𝑪 =
𝑻𝑪2 − 𝑻𝑪1
𝑸2 − 𝑸1
35. Isaisip:
• Ang produksyon ay ang paglikha ng mga
kalakal gamit ang pinagsama-samang
salik nito.
• Ang produksyon ay isang irreversible na
proseso.
• Ang mataas na halaga ng produksyon ay
magbubunga ng mataas na presyo ng
kalakal.
• Tanda ng paglago ng ekonomiya ang
pagtaas ng antas ng produksyon.
37. • Sa iyong palagay anong produkto
ang dapat na maging priyoridad ng
produksyon ng ating ekonomiya?
Ipaliwanag kung bakit.
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPYAND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.
38. References:
• Balitao B.R. et. al.(2015), EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan
– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Department of
Education
• Chua J.L. (2001), Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Z.M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-
unlad, Vibal Publishing House
• Mateo, G.C. et. al.(2012), Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon, Vibal Publishing House
• Nolasco, L.I. et. al. (2004), Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, Vibal Publishing House
• Rivera A. O. (2020) Araling Panlipunan Unang Markahan-
Modyul 4: Konsepto at Salik ng Produksyon, (Unpublished)
DepEd Division of Bacoor City
39. References:
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020)
retrieved March 20, 2020 from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wp-
content/uploads/2020/05/Activity_Sheets_Secondary_Tabbed.pdf
• Eko and Miya characters used with permission from the National
Economic Development Authority (NEDA) retrieved March 20,
2020 from http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series
• Mikasa Kirigiri (2016), Kahulugan at Salik ng Produksyon,
retrieved June 18, 2020 from
https://www.youtube.com/watch?v=rhYp1B8IxOc
• How It’s Made (2019), How It’s Made Rice, retrieved June 18,
2020 from https://www.youtube.com/watch?v=yfM75D0cikg
• Teacher JayPh (2019), Produksyon sa Ekonomiks, retrieved June
18, 2020 from https://www.youtube.com/watch?v=OLx5Z5U_zT0