2. Panimula:
• “No man is an island.”
Nagpapatunay ito na sa buhay ay
kailangan natin ng karamay o
kasama.
• Ang konseptong ito ay hindi
lamang akma sa tao kundi
maging sa isang bansa.
• Sa larangan ng mga bansa, ang
kasabihang ito ay makikita sa
pampolitika, panlipunan, at sa
pang-ekonomikong usaping na
masasalamin sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan.
3. Kalakalang Panlabas
• Ito ay tumutukoy sa
pakikipagkalakalan (pagbili
at pagbebenta ng kalakal)
ng isang bansa sa ibang
bansa.
• Ito ay nagaganap sapagkat
walang bansa ang maaring
makatugon ng lahat
kanyang pangangailangan
ng walang tulong mula sa
ibang bansa.
4. Pagbebenta ng
produkto sa ibang
bansa.
Pagbili ng produkto
mula sa ibang
bansa.
Pinagmulan: https://www.freepik.com/premium-vector/import-export-taxes-flat-concept-illustration-man-with-tariff-stamp-2d-
cartoon-character-web-design-international-trading-policy-taxation-prices-regulation-creative-idea_8782873.htm
5. Batayan ng Kalakalang Panlabas
Pinagmulan: https://www.educba.com/absolute-advantage-vs-comparative-advantage/
6. Absolute Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may
absolute advantage sa pagprodyus sa isang
kalakal kung nakakalikha ito ng mas
maraming bilang ng produkto gamit ang mas
kaunting salik ng produksyon kung
ihahambing sa ibang bansa.
• Ang mga bansa ay dapat na mag-export ng
mga kalakal kung saan siya may dalubhasa
at mag-import na lamang ng mga kalakal na
wala siyang kakayahan na magprodyus.
7. • Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng wheat?
• Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng DVD?
8. Comparative Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may
comparative advantage sa pagprodyus ng
isang kalakal kapag kaya niyang gawin ang
kalakal na mas efficient kung ihahambing sa
ibang bansa.
• Ang comparative advantage ay nakabatay
sa konsepto ng opportunity cost.
• Ang comparative advantage ay tumutukoy
sa kakayahan ng isang bansa na iprodyus
ang produkto sa mas mababang opportunity
cost kaysa ibang bansa.
9. • Aling bansa ang may espesyalisasyon sa
produksyon ng wheat?
• Aling bansa ang may espesyalisasyon sa
produksyon ng DVD?
• Kahit na may espesyalisasyon, dapat pa bang mag-
import ng DVD ang South Africa sa Japan?
10. • Aling bansa ang may mas mababang opportunity
cost sa paggawa ng DVD?
• Aling bansa ang may comparative advantage sa
produksyon ng DVD?
• Dapat pa bang mag-import ng DVD ang South
Africa sa Japan?
11. Pagsukat sa Kalakalang Panlabas
Pinagmulan: https://www.wallstreetmojo.com/balance-of-trade-vs-balance-of-payments/
12. Pagsukat sa Kalakalang Panlabas
• Ang kalagayan ng kalakalan ng ating bansa ay
makikita sa balance of trade at balance of payments.
Dito malalaman kung nakikinabang ang
pakikipagkalakalan sa isang bansa.
• Ang Balance of payment (BOP) ang nagsisilbing
sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya
ng isang bansa o ito ay isang summary statement
tungkol sa transaksiyon ng isang bansa sa lahat ng
iba pang mga bansa sa loob ng isang tiyak na
panahon.
• Ang Balance of trade (BOT) ay makukuha sa
pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakalan
na inaangkat sa halaga ng kalakal na iniluluwas.
13. Balance of Trade (BOT)
• Tumutukoy sa
kalagayan ng kabayaran
ng pagluluwas (export)
at kabayaran sa pag-
aangkat (import).
• Mayroong trade deficit
kung mas mataas ang
import sa export
samantalang trade
surplus naman kung
mas mataas ang export
sa import.
14. Programa ng Pamahalaan na may Layuning
Mapaunlad ang Kalakalang Panlabas
Kota (Quota)
• Ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng kalakal o
produktong inaangkat o iniluluwas upang
mapangalagaan ang lokal na produkto sa pagdagsa
ng maraming produktong dayuhan, sa ganitong
paraan patuloy na natatangkilik ang sariling
produkto.
• Halimbawa : Kung gusto ng gobyerno na
pangalagaan ang lokal na industriya ng sapatos
laban sa mga sapatos na mula sa Italy, maaaring
iutos ito na huwag papasukin sa bansa ang sobra
sa 10,000 pares ng sapatos mula sa Italy.
15. Programa ng Pamahalaan na may Layuning
Mapaunlad ang Kalakalang Panlabas
Sabsidi (Subsidy)
• Ito ang tulong na ibinibigay ng gobyerno upang
bumaba ang halaga ng produksyon ng mga lokal na
produkto
• Halimbawa: Kung nasusuportahan ng gobyerno ang
isang produkto sa ating bansa, maaaring magbaba
o magbawas ng buwis para dito.
16. Programa ng Pamahalaan na may Layuning
Mapaunlad ang Kalakalang Panlabas
Taripa (Tariff)
• Ito ay espesyal na buwis na ipinapataw lamang sa
mga kalakal na inaangkat.
• Ang pagpataw ng buwis sa mga angkat na kalakal
ay nagpapataas sa presyo nito.
• Kapag lubhang mataas ang taripang ipinataw sa
isang kalakal, posibleng napipigil ang pag-aangkat o
kaya tuluyang napahihinto ang operasyon sa
kalakalang ito.
17. Kabutihan ng Pakikipagkalakalan
• Mas maraming produkto ang mapagpipilian
sa pamilihan.
• Napapataas nito ang kalidad ng mga
produkto na mabibili sa pamilihan.
• Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga
mamamayan ng bansang
nakikipagkalakalan.
• Lumalawak ang pamilihan ng mga produkto
sa bansa.
18. Di-kabutihan ng Pakikipagkalakalan
• Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa
produktong imported.
• Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga
mamamayan dahil umaasa na lamang sila
sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
• Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan
bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa
lipunan.
19. Pamprosesong Tanong:
1. Anu-anong mga problema na dulot ng
globalisasyon (malayang kalakalan) ang
ipinapakita sa video?
2. Ano ang epekto nito sa ating ekonomiya?
3. Ano ang maaring gawin ng pamahalaan upang
malutas ang mga suliraning ito.
Globalization | Salam
Panuorin ang video sa Youtube gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=FIMjgA4DcEw
Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube-frame.html
21. World Trade Organization
• Pormal na pinasinayaan at
nabuo noong Enero 1, 1995.
• Ito ay kinikilala bilang
samahang namamahala sa
pandaigdigang patakaran ng
sistema ng kalakalan o global
trading system sa pagitan ng
mga kasaping estado o member
states.
• Sa kasalukuyan, ito ay binubuo
ng 160 bansang kasapi.
Pinagmulan:
https://www.oxebridge.com/emma/why-
iso-is-in-direct-violation-of-world-trade-
organization-regulations/
22. Layunin ng World Trade
Organization (WTO)
• Pagsusulong ng isang maayos at malayang
kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa
sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers);
• Pagkakaloob ng mga plataporma para sa
negosasyon at nakahandang magbigay
tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga
papaunlad na bansa (developing countries);
• Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga
kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o
magpataw ng trade sanction laban sa isang
kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya
ng samahan;
23. Asia-Pacific Economic Council
(APEC)
• Ito ay isang samahang may
layuning isulong ang
kaunlarang pang-
ekonomiya at katiwasayan
sa rehiyong Asia-Pacific
kaugnay na rin ng
pagpapalakas sa mga
bansa at pamayanan nito.
• Tinatag noong Nobyembre
1989 at ang punong
himpilan nito ay
matatagpuan sa
Singapore.
Pinagmulan: https://www.logolynx.com/topic/apec
24. Layunin ng Asia-Pacific Economic
Council (APEC)
• Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at
pamumuhunan
• Pagpapabilis at pagpapadali ng
pagnenegosyo
• Pagtutulungang pang-ekonomiya at
teknikal
25. Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN)
• Itinatag noong August 8,
1967. Ang samahang ito ay
naglalayong paunlarin ang
ugnayan ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya.
• Sa aspektong pang-
ekonomiko, ang samahang
ito ay naglalayong paunlarin
at isulong ang malayang
kalakalan sa bawat kasapi ng
ASEAN pati ang mga
bansang dialogue partner
nito.
Pinagmulan: https://asean.org/
26. Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN)
• Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay
nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN
Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong
January 28, 1992 sa Singapore.
• Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common
Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang
programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa
at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng
produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
27. Isaisip:
• Ang kalakalang panlabas ay isang
gawaing nagdudulot ng iba’t ibang
epekto sa ating bansa. Subalit sa
kabilang banda hindi natin maikakaila
na ang sistemang ito ay isang
kaganapang hindi natin maiiwasan lalo
na sa kasalukuyang panahon na
isinusulong ang pagkakaroon ng
ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa
pamamagitan ng globalisasyon.
28. • Paano nakakatulong ang
pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang
bansa para sa pag-unlad ng ekonomiya
nito?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPYAND
ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid ID number
ng magulang o guardian.
29. References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
30. References:
• Lagunero G.B. et. al.(2020) Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Kalakalang
Panlabas (Unpublished), DepEd Division of Iligan
City
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series