1. Malamasusing Banghay-Aralin sa APIII
Final Teaching Demonstration
SPARK Academy of Global City
Pebrero 10, 2014
8:00-9:00 AM III-LUNA
I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. nailalarawan ang pulitikal na kapangyarihan ng hari ng Pransya;
B. natutukoy ang mga dahilan ng Rebolusyong Pranses;
C. naipapaliwanag ang sariling pananaw ng katangian ng isang pinuno.
II. NILALAMAN
Paksa: Mga dahilan ng Rebolusyong Pranses
Kagamitan: Larawan, Concept Map, awit, kandila at visual aids
Sanggunian:
Balonso, C., et.al, Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa APIII, Vibal Publishing House
Inc., Quezonn City. 2012, pahina 266-270.
Beck, R., et.al, World History: Patterns of Interaction, McDougal Littell Inc., USA, 2001,
pahina 573-583.
Capino, D., World History, Manlapaz Publishing House Inc., Q.C., 1985, pahina 256-264.
Duiker, W., Spielvogel, J., The essential of World History, Wadsworth Group Thomson
Learning Inc., USA, 2002, pahina 443-446.
III. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO
A. Panimulang Gawain
Pagsasa-ayos ng SIlid-Aralan
Pagdarasal
Pagbati sa Guro
Balitaan
Pagsasanay (Rebolusyong Syentipiko)
Panuto: Pagtambalin ang mga aytem sa hanay B na katugma sa hanay A, Isulat ang
sagot bago ang bilang.
2. hanay A hanay B
1.
2.
3.
4.
5.
A. Carolus Linnaeus
B. William Harvey
C. Ptolemy
D. Isaac Newton
E. Plato
F. Nicolaus Copernicus
G. Andreas Vesalius
3. Balik-Aral: Mga Pilosopo ng Enlightenment
Panuto: Tukuyin ang mga larawan at iugnay ito sa mga pangalan ng pilosopo ng
Enlightenment at magbanggit ng ilang ideya.
1. 2. 3. 4. 5.
Voltaire Montesquieu Hobbes Rousseau Locke
B. Panlinang na Gawain
B1. Pagganyak
Paglalahad ng awitin
REBOLUSYONG PRANSES
(tono ng gwiyowmi)
Aaanong sanhi 2x
Sa Pransya hari ang nasusunod, nasusunod
Kapangyarihan nya’y walang hangganan, hangganan
Kung anong sinabi nya iyon ang masusunod
kaya mga tao sunod lamang
Pinuno ng Pransya’y medyo bata, bata
Maluluho ang hari at reyna, reyna
Karamihan din ay mahihina
Kaya mga pranses nagrebolusyon
Pondo ng gobyerno’y nauubos, ubos
mataas na buwis sinisingil
ang mga pranses lalong naghirap
kaya mga pranses nagrebolusyon
4. B2. Paglalahad
Tanong: Sa isang salita, ilarawan ang kapangyarihang ng hari ng Pransya?
B3. Talakayan
Tanong: Bakit nag rebolusyon ang mga Pranses?
C. Pangwakas na Gawain
C1. Palalahat
Magpapakita ang guro ng isang kandila
Tanong: Paano mo Iuugnay ang kandilang ito sa salitang Rebolusyon at bakit?
C2. Paglalapat at Pagpapahalaga
Tanong: Apat na taon mula ngayon, kayo ay naghahalal na ng magiging pinuno ng ating
bansa, Anong katangian ng isang pinuno ang iyong hinahanap at bakit?
IV. PAGTATAYA
Tama o Mali
Panuto: Tukuyin ang pangungusap kung ito ay Tama o Mali, Isulat ang T kung ang
pangungusap ay naglalarawan ng tama at M kung ang pangungusap ay mali kung ito’y mali
bilugan ang salitang nagpamali.
Mga Sanhi ng Rebolusyong Pranses
Pulitikal Pangekonomiya Pangkaisipan
Mahina, bata at
Maluluhong Pinuno
Paniningil ng di
makatuwirang
buwis
Mga manunulat at
pilosopo na
nagbigay ng mga
bagong ideya
5. 1. Lahat ng mamamayan ng Pransya ay sinisingil at pinagbabayad ng buwis.
2. Sa pamamagitan ng pagsulat, nahimok ang mga pranses na patalsikin sa
panunugkulan ang mga pinunong mapagmalabis.
3. Ang kapangyarihang pulitikal ang hari ng Pransya ay nagmula sa mga mamamayan.
4. Upang mapigilan ang pagkaubos ng pondo ng gobyerno ipinatupad ang
pangongolekta ng di-makatarungang buwis.
5. Ang mga miyembro lamang ng Aristokrasya ang may karapatang maluklok sa mga
matataas na posisyon.
V. KASUNDUAN
Takdang-Aralin
1. Paghambingin ang dahilan ng EDSA I st Rebolusyong Pranses gamit ang venn diagram.
2. Paano nabuo ang Third Estate?
3. Ano ang gawain ng 1st ,2nd at 3rd Estates?
4. Paano nagsimula ang “reign of terror” sa Pransya?