3. Si Thomas Hobbes ay isang
pilosopo mula sa Inglatera.
Pinakatanyag sa kanyang mga
isinulat ay ang kaniyang Leviathan.
4. Ipinanganak noong Abril 5, 1588 sa
Westport, Wiltshire England. Ang
kanyang ama nagngangalan ding
Thomas, habang hindi naman alam
ang pangalan ng kaniyang ina.
5. Nag-aral siya sa Magdalen Hall na may
kaugnayan sa Hertfort Collage,
Oxford noong 1603. Nagkaroon ng
impluwensya sakaniya ang kanilang
principal na si John Wilkinson.
6. Nakuha niya ang B.A degree niya noong
1608 at inerekomenda ni Sir James
Hussey bilang tutor sa anak ni William
Cavendish at nagkaroon ng koneksyon sa
pamilya simula noon.
7. Kasama ang anak ni
Cavendish, inikot nila Hobbes ang
Europa kung saan namulat siya sa
siyentipik at kritikal na
pamamaraan .
8. Naging bunga ng kaniyang masusing
pag-aaral sa mga manunulat na
Griyego at Latin ang pag-sasalin niya
sa salitang Ingles ng Thucydides
History of the Peloponnesian War
noong 1628.
9. Sa sumunod na pitong taon ay lumawak ang
kaniyang kaalaman sa pilosopiya. Naging
isa siyang regular na debatista sa Florence
noong 1636. At noong 1637 ay
kinonsidera niya ang sarili bilang isang
pilosopo at iskolar.
10. Ang kaniyang pinakasikat na libro na
Leviathan ay ginawa niya sa Paris.
Nakasaad dito ang paniniwala ni Hobbes
tungkol sa pundasyon ng estado at
lehitimong pamahalaan na nagmula sa
teorya ng social contract.
11. Sinulat ang Leviathan sa panahon ng English
Civil War, at ipinakikita sa libro na ito ang
pangangailangan sa isang malakas na
sentrong otoridad upang mapigilan ang
kaguluhan.
12. Inilarawan ni Hobbes ang buhay kung
walang gobyerno at tinawag niya itong state
of nature. Sa kalagayang ito, lahat ng tao ay
may karapatan sa lahat ng bagay sa mundo
at magreresulta ito sa tinawag niyang
“digmaan ng lahat laban sa lahat”
13. Ayon pa kay Hobbes ang lipunan ay dapat
sumailalim sa isang superyor na kapangyarihan,
at ang lahat ay dapat magsuko ng ilang
karapatan para sa kanilang proteksyon. Lahat
ng pagabuso sa kapangyarihan ay kabayaran
lamang ng kapayapaan.
14. Pinaniniwalaan din ni Hobbes na ang
gobyerno ang dapat kumontrol sa
sibil, militar, hukuman, at
pangsimbahang kapangyarihan.
15. Naniniwala si Hobbes na ang gobyerno
ay dapat may lubos na kapangyarihan
upang mapigilan ang anumang
kaguluhan sa estado.
16. Inakusahan si Hobbes ng pagiging isang
Atheist o hindi paniniwala sa Diyos,
dahil sa ang kaniyang mga turo ay
maaring magresulta sa Atheism.
17. Noong Oktubre 1679, nagkaroon si Hobbes ng
bladder disorder, na sinundan ng paralytic
stroke na naging sanhi ng kaniyang kamatayan
noong Disyembre 4 ng taong ding yon. Sinabi
niya ang mga katagang “A great leap in the
dark” bago siya pumanaw.
18. Mga Gawa ni Hobbes
• Three of the Discourses in the Horae
Subsecivae
• Translation of Thucydides History of the
Peloponnesian War
• The Elements of Law, Natural and Politics
• Treatise of Human Nature
• De Cive
• Leviathan
19. • De Corpore
• De Homine
• Letters upon Liberty and Necessity
• English Translation of Homer’s Iliad and
Odyssey
20. References
• Internet
– Iep.utm.edu/hobmoral/
– Rjgeib.com/thoughts/nature/hobbes-bio
• Books
– Perry, A History of the World: Revised Edition