POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
Pangkaligtasang gawi sa pag aalaga ng sanggol
1. PANGKALIGTASANG GAWI SA PAG AALAGA NG SANGGOL
B .Basahin ang sumusunod na mahahalagang impormasyon:
Mga pamamaraan sa Pag-alaga ng Sanggol
1.Pagpapakain(basahin sa link na nasa itaas)
2.Pagpapatulog - ang bagong silang na sanggol ay halos natutulog lamang sa buong araw.Gumigising
lamang siya kapag pakakainin(pasususuhin),paliliguan at bibihisa.Kailangan ng sanggol ng isang lugar na
mahangin,malinis,tuyo at may magandang bentilasyon upang makatulog siya ng mahimbing.Maaari
siyang patulugin sa isang kuna o kolong-kolong ngunit tiyakin na ito at malinis,lapat ang higaan o may
kutson upang maginhawahan siya sa pagtulog.Huwag siyang gigisingin o gagambalain sa kanyang
pagtulog.Kapag siya ay nagising na at hindi naman umiiyak huwag siyang kargahin upang hindi
mamihasa.
3.Pagbibihis at pagpapalit ng lampin - Kailangan ng sanggol ang damit na payak,madaling isuot at
tanggalin.Puti ang karaniwang damit na isinusuot natin sa sanggol upang malaman kaagad kung ito ay
madumi na.Iwasang suotan ang sanggol ng susun suson o patung patong.Palitan kaagad ang lampin
kung ito ay basa na upang maiwasan ang pamumula ng puwitan at pagkakaroon ng diaper rash.Hugasan
ng maligamgam na tubig at sabon ang puwitan ng sanggol,tuyuin ng bulak at lagyan ng langis o pulbos
saka palitan ng diaper.
4.Pakikipaglaro-Mahalaga ang paglalaro sa sanggol sapagkat ito ay nagsisilbing ehersisyo na
makatutulong sa kanya upang lumaki siyang malakas at malusog.Ang paggalaw,pagtaas at pagbaba ng
kanyang mga kamay at paa ay isang laro na para sa sanggol.Kailangan ng sanggol ang laruan na may
matitingkad na kulay,tumutunog,gumagalaw upang mahasa ang kanyang paningin at pandinig.Iwasan
ang pagbibigay ng laruan na matutulis at makasasakit sa kanya.Kapag ang sanggol ay marunong nang
gumapang hayaan siyang maglaro sa sahig ngunit tiyakin lamang ito ay malinis at ligtas ang
sanggol.Kapag isang taon na ang bata hayaan siyang maglaro sa labas ng bahay upang makasagap siya
ng sariwang hangin at sikat ng araw.
MGA DAPAT TANDAAN NG MAHUSAY NA TAGAPAG-ALAGA
1.Tiyaking malinis ang mga kamay bago hawakan ang sanggol o bago gumawa ng anumang bagay para
sa sanggol.
2.Iwasang dalhin ang sanggol sa lugar na masisikip at maraming tao kung saan makakasagap siya ng
sakit at mikrobyo.
3.Iwasang painumin ang sanggol ng kape, tsaa o anumang inuming may halong alkohol.Iwasan din ang
pagbibigay ng kendi at tsokolate upang mapangalagaan ang kanyang mga ngipin.
4.Bigyan ng sapat na oras para matulog ang sanggol.Patulugin siya sa lugar na malinis at may
magandang bentilasyon.
5.Iwasan ang pagkarga sa bata tuwing siya ay umiiyak upang hindi mamihasa.
6.Painumin ang sanggol ng pinakuluang tubig o katas ng kalamansi kapag nauuhaw.Mainam itong gawin
sa umaga pagkatapos maligo ang sanggol.
7.Laging bantayan ang sanggol na marunong nang gumapang upang matiyak na lagi siyang ligtas.
VII.Learning Activity:
A.Ilarawan ang sanggol na inyong nakita.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
B.Isulat sa inyong kwaderno ang mahahalagang impormasyon na inyong nabasa sa tungkol sa
pag-aalaga ng sanggol.