4. Kahulugan ng Suplay
Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng mga produkto o serbisyo na
gusting ipagbili ng mga prodyuser sa pamilihan sa isang takdang
panahon sa iba’t ibang presyo.
Ang pagnanais at kakayahan ng mga prodyuser o suplayer ang
batayan sa pagtatakda ng suplay sa pamilihan.
7. Kahulugan ng Suplay
Ang Law of Supply ay naglalarawan ng pag-uugali ng prodyuser sa
pagtugon sa mga pagbabago sa presyo. Kapag tumaas ang presyo ng
produkto o serbisyo, tumataas din ang dami ng suplay (quantity supply) para
dito. Ngunit kapag bumaba ang presyo ng produkto o serbisyo, bumababa
rin ang dami ng suplay (quantity supply) para dito. Ito ay kung ang variable
na nakaiimpluwensiya sa suplay ay nakapirmi lamang o hindi nagbabago
(ceteris paribus)
9. Supply Function
Qs = dami ng suplay (quantity supplied).
-a = dami ng suplay kung ang presyo ay zero o horizontal intercept.
+b = slope of the function.
P = presyo.
𝑄𝑠 = −𝑎 + 𝑏𝑃
10. Supply Function
Halimbawa, kung ang ekwasyon ng suplay ng notbuk ay Qs = -100 + 10P, paano ba ito
bibigyan ng kahulugan? Kung ang presyo ay zero, ang dami ng suplay ng notbuk ay -
300. bakit negatibo ang dami ng suplay kapag ito ay libre? Walang kalakal (firm) ang
gusting magprodyus kung ito ay libre dahil wala silang magiging kita rito. Ngunit kung
ang presyo ay tumaas ng Php 15.00, ang dami ng suplay ay tataas din ng 50. Dito
naipakikita ang positibong kaugnayan ng dami ng suplay at ang presyo nito.
14. Supply Schedule
Ang Iskedyul ng Suplay (Supply Schedule) ay talahanayang
nagpapakita kung gaano karaming produkto o serbisyo ang nais
iprodyus ng prodyuser sa iab’t ibang presyo sa particular na panahon,
ceteris paribus (lahat ng iba pang variable ay nakapirmi).
17. Supply Curve
Ang Kurba ng Suplay (Supply Curve) ay iginuguhit sa paraang
downward sloping upang ipakita ang positibong kaugnayan (positive
relationship) sa dami ng suplay at ng presyo nito.