3. Ang layunin ng pagkakahagdan – hagdan ng
pagpapahalaga ay nasa bawat puso ng tao sapagkat ang
trono ng pagpapahalaga ay nasa loob mismo ng puso.
4. Ang mga ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam
ng tao, at itinuturing na pinakamahaba sa lahat ng antas ng
pagpapahalaga. Kabilang dito ang pagpapahalaga sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao gaya ng pagkain, tubig,
damit, at tirahan, maging ang pagpapahalaga sa mga luho ng tao
tulad ng mga mamahaling alahas, bag, sapatos, at sasakyan.
5. Layunin ng mga ito ang mabuting kalagayan ng buhay ng
tao o well being. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
pagpapahalaga sa pamamahinga, pag – eehersisyo, tamang
nutrisyon at kalusugan, paglilibang, at pakikisalamuha sa iba.
6. Binubuo ito ng mga pagpapahalagang tungo sa kabutihang
panlahat. Nahahati ang mga ito sa tatlong uri: mga
pagpapahalagang pangkagandahan o aesthetic values,
pagpapahalaga sa katarungan o value of justice, at
pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan o value of
full cognition of truth.
7. Ang mga ito ay kinakailangan ng tao sa kaniyang pagtamo
ng sariling kaganapan, at itinuturing na pinakamataas sa lahat
ng antas ng pagpapahalaga sapagkat ito ang nagsisilbing daan
tungo sa kabanalan at pagiging malapit sa Diyos.
8. Mula sa mga pagpapahalagang inilarawan ni Scheler, pipili ang
tao ng magiging batayan ng kaniyang pagkilos. Mula rito, huhugasan
ang kaniyang kilos bilang mabuti o masama. Bilang kawangis ng Diyos,
inaasahang gagawin ng tao kung ano ang mabuti. Sa paggawa ng
mabuti, nararapat piliin ang mataas na pagpapahalaga kaysa sa
mababang pagpapahalaga sapagkat ito ang siyang makapagpapataas at
makapagpapaunlad sa pagkatao ng isang indibidwal.