3. Alam mo ba na......
Sa pagbabasa, pakikinig at panonood ay marami kang
bagay at kaalamang mapapala at matutunan. Kaya marapat
lamang magkaroon ng kawilihan sa mga gawaing ito. At
mahalaga rin na iyong masuri o masiyasat ang mga bagay
bago sumang-ayon para mapagpasiyahan ng buong
pagpapahalagang desisyon.
Paano kaya tayo magkakaroon ng kawilihan sa pagbabasa
ng aklat o pahayagan? Pakikiknig/panonood sa radio at
telebisyon o internet? Paano kaya natin dapat suriin ang mga
impormasyon mula sa pagbabasa, pakikinig at panonood?
May mabuti ba itong dulot sa atin bilang mag-aaral?
Makakaapekto ba ito kung mali ang impormasyon na ating
naihahatid sa ating kapuwa?
5. Batang Mapanaliksik
Ang pagbabasa ay komunikasyon, gaya ng
panonood sa telebisyon at pakikinig sa radio. Ito’y
isang uri ng pakikipagtalastasan.
Napakabuting libangan ang pagbabasa ng mga
aklat at pahayagan araw-araw, pakikinig ng balita
sa radio, at panonood sa TV at pagkuha ng
impormasyon sa internet. Ito’y pakikipag-ugnayan
sa ibang tao, ibang bansa, ibang lipunan at mga
pamayanan. Kaya’t ang mga libangang ito ay
nagdudulot ng kaalaman at nagpapalawak ng
karanasan.
6. Ang mga kabutihang dulot ng mga aklat at iba pang
mga babasahin ay ang sumusunod.
1. Nagbibigay ng impormasyon sa loob at labas ng
bansa.
2.Nagbibigay ng impormasyon sa pagbabadya ng
mga sakuna o kalamidad na maaaring dumating
sa bansa.
7. 3.Nagbibigay ng ibat-ibang kuro-kuro o palagay ng
mga kilalang manunulat tungkol sa pang araw-
araw na kalagayan ng ekonomiya ng bansa.
4.Nagbibigay ng kaalaman tungkol sa kultura at
tradisyon ng bansa.
Ang mga aklat , media ay nagpapalawak n
gating kaalaman. Pinagyayaman at pinalalawak
din nito ang ating karanasan.
8. Sagutin ang sumusunod na tanong:
1.Anong mga Gawain ang
nagpapalawak ng isipan at
karanasan ng isang tao?
2. May mga pagkakataon bang hindi
ka naniwala mula sa iyong nabasa ?
narinig ? O nakita sa internet ? Bakit?
3. Anong kabutihan ang naidudulot
ng pagbabasa ? Pakikinig o
panonood ?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay
magiging mapanuri sa mga balitang
naririnig mo sa radyo o nababasa sa
pahayagan? Ipaliwanag.
9. 5. Sa iyong palagay ang
pagiging mapanuring
mananaliksik sa
pagbabasa, pakikinig o
panonood ay
makatutulong sa iyo bilang
mag-aaral? Ipaliwanag
6. Mabuti rin bang
libangan ang pagbabasa,
pakikinig at panonood? Sa
anong paraan ito magiging
mabuti o makabubuti?
11. ISAGAWA NATIN
GAWAIN 1
Punan ang loob ng hugis ng
iyong nabasa sa aklat o
pahayagan, napakinggan sa radio,
at napanood sa TV o internet.
Paano nakaapekto ang mga ito sa
iyong kaisipan at damdamin?
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
12.
13. GAWAIN 2
Bumuo ng apat na pangkat.
Magtala ng mga impormasyon mula sa “news article”
( tungkol sa naganap na Halalan 2016) na nasa loob ng
envelope.
Masusi ninyo itong pag-aralan at ipakita sa
pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
Pangkat I Rap
Pangkat II News
Pangkat III Duladulaan
Pangkat IV Debate
14. Mga tanong.
1.Ano ang masasabi ninyo
tungkol sa isinagawa sa unahan
ng bawat pangkat?
2.Naipakita ba ng inyong mga
kamag-aral ang lakas ng
kanilang loob sa pagtatanghal?
Patunayan.
3.May positibo o negatibo
bang epekto sa mga manonood
ang balita? Patunayan.
16. ISAPUSO NATIN
Nadaragdagan ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng bukas na
isipan sa tulong ng media tulad ng radio, pahayagan, telebisyon at
internet.
Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang iyong
karanasan sa napanood mong balita (Video Clip). Itala ang mga ito
sa kahon A, B, C, D. Sa loob naman ng puso, itala ang kabutihang
dulot ng iyong napanood sa video clip na pumukaw sa iyong
damdamin. Gawin ito sa bond paper.
http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/live-
updates-philippines-presidential-elections
18. TANDAAN NATIN
Ano ba ang Importansiya ng Pagbabasa at
Panonood?
Ayon sa website ng Gemm Learning, maraming
mabubuting epekto ang pagbabasa. Sinasabi rito
na ang pagbabasa at panonod ay isang
importanteng life skill. Mahihirapan umano sa pag-
aaral ang mga batang nagkakaproblema sa
pagbabasa Ang pagbabasa rin daw
ay isang mabuting pagi-ehersisyo sa ating utak.
19. TANDAAN NATIN
Sinasabing masdemanding ito kumpara sa panonood ng
telebisyon o pakikinig sa radyo. Ani Maryanne
Wolf, director ng Center for Reading and Language
Research sa Tufts University, sa pagbabasa at panonod
raw ay mas mapipilitan tayong gumawa ng
naratibo (narrative) at mag-imagine. Sa pagbabasa raw
kasi, mas may oras tayong mag-isip. Kumbaga maaari
tayong huminto para sa pag- intindi (comprehension) at
pagkuha sa tunay na kahulugan at implikasyon(insight
20. TANDAAN NATIN
ng ating binasa. Ang pagbabasa
ay nakatutulong din saconcentration at
attention skills.
Dagdag pa ng website, ang pagbabasa rin
ay nakatutulong sa pagtaas ng ating
bokabularyo,pagtaas ng tiwala sa sarili ng
isang tao. . Sinasabi na isa umanong chain
reaction ang nangyayari: pag tayo ay laging
21. TANDAAN NATIN
nagbabasa, marami tayong malalaman; Isa pa sa
mga sinasabing magandang epekto ng pagbabasa
ay ang paghasa sa atingcreativity. Dahil nai-
expose tayo sa mga bagong ideya at mas
maraming impormasyon sa pamamagitan ng
pagbabasa, maaaring magkaroon ng pagbabago
(ikabubuti o ikagagaling) sa paraan ng ating pag-
iisip.
23. “ Nakatutulong ba ang mga bagay na nabasa at
napanood ko sa aking pagpapasiya pagkatapos ko
itong suriin? Pangatwiranan.”
3. Magpagawa ng simpleng tula sa temang
“Pagbabasa at panonood ay Ugaliin. Kanansan at
kaalama’y Palalawakin”.
4. Ipaskil ang gawa ang mag-aaral sa bulletin
board upang mahikayat ang mga mag-aaral na
maagkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang
pagninilay tungkol sa mga nababasa sa aklat at
pahayagan, napapanood sa TV o internet.
25. SUBUKIN NATIN
Isulat ang Tama o Mali sa bawat patlang. Ilagay ang sagot sa
sagutang papel.
____________1. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba
pang mga babasahin ay mabuting libangan
____________ 2. Hindi uunlad ang isipan kapag laging
nagbabasa.
___________ _3. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng
pahayagan at pakikinig sa radio.
____________ 4. Nakabubuti sa mag-aaral ang maging
mapanaliksik.
___________ _5. Ugaliin ang pagbabasa lalo’t wala ka naming
ginagawa.
26. Gawain Pantahanan
B. Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon. Sagutan ng buong
husay ayon sa iyong pagkaunawa.
Ang nakababata mong kapatid ay walang hilig sa pagbabasa. Anong
mga hakbang ang iyong isasagawa upang maging hilig niya ang
pagbabasa?
Muli, ang iyong kapatid ay kukuha ng board exam. Hindi siya
pumasa sa unang pagsusulit. Nagbigay siya ng sapat na panahon sa
pagsasaliksik mula sa pahayagan, aklat at internet para sa darating
na eksamen. Sa palagay mo ba ay papasa sa ngayon ang iyong
kapatid? Bakit at pangatwiranan.