1. GATAS NG INA
Ni Fernando Pablo Jr.
Naghatid pangamba
ang kotamindong
Gatas na sumisira raw
Sa kidney at utak.
Umiingit ang sanggol sa krib
Humihingi ng gatas
Sumisigaw kahit walang tinig
Subalit walang makarinig.
Tuyo na ang tsupon
Ubos na ang suweldong
Karampot ng amang
Nagtatrabaho nilang piyon.
Paano palalakihin
Ang sanggol sa ngayong
Panahon na maski
Gatas ay may lason?
Nagpapakaseksi ang isang babae
Subalit ayaw ibigay
Ang laman ng kanyang dibdib
Kailan maibabalik ang kahapon
Na ang sanggol ay nakayupyop
Sa dibdib ng ina
At masuyong sinisimsim
Ang gatas ng karunungan.
Wala nabang inang may gatas?