ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
Banghay aralin sa sining iv
1. Department of Education
Region IV-MIMAROPA
Division of Calapan City
Calapan East District
LAZARETO ELEMENTARY SCHOOL
Calapan City
BANGHAY ARALIN SA SINING
IKAAPAT NA BAITANG
Yunit 1: Pagguhit
Aralin Bilang 1: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon
BUOD NG ARALIN
Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation
Ang mga kultural na
pamayanan ay may
kani-kanilang
ipinagmamalaking
obra. Ang kanilang
mga disenyo ay
hango sa kalikasan o
kapaligiran.
Nakaguguhit ng
mga disenyo sa
basong karton paper
cups o anumang
bagay gamit ang
mga katutubong
disenyo.
Nasusuri ang gamit
ng linya, hugis,
kulay, at ang
prinsipyong paulit-
ulit sa mga disenyo.
Naipagmamalaki
ang mga disenyo ng
kultural na
pamayanan ng mga
taga-Luzon sa
pamamagitan ng
pagtangkilik sa
kanilang mga
disenyo.
I. Layunin
A. Nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad sa Luzon at ang
kanilang pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng pamu-
muhay. ( A4EL-la)
B. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa Luzon ayon sa uri ng
kanilang pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Ifugao,
Kalinga, at Gaddang. (A4EL- at lb)
C. Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo ng Luzon.
(A4EL-la)
II. Paksang-Aralin: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon
A. Elemento ng Sining : Linya, Kulay, Hugis
B. Prinsipyo ng Sining : Pag-uulit-ulit
C. Kagamitan : basong karton (paper cups) o mga bagay na
pwedeng guhitan tulad ng kawayan, tuyong dahon
atbp., lapis, krayola o oil pastel
D. Sanggunian : Philippine Ethnic Patterns, PDDCP, 2006 Forms
And Splendors, RobertoMaranba, Bookmark, 1998
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sabihin:
Noong kayo ay nasa Ikatlong Baitang napag-aralan ninyo ang iba’t
ibang uri ng maskara at putong (headdress) na maaaring gamitin sa isang
selebrasyon o pagdiriwang. Magbigay nga ng mga halimbawa nito.
2. 2. Pagganyak (Picture Analysis)
Magpakita ng mga larawan ng tela at mga kagamitan Ifugao, Kalinga,
at Gaddang. Suriin ang mga larawan.
Itanong:
Anu-anong mga linya, kulay at hugis ang katulad nito sa maskara at
putong na maaaring gamitin sa mga selebrasyon at pagdiriwang?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang
ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o sa kanilang
kapaligiran.
Ang mga Ifugao ay naninirahan sa Hilagang Luzon. Makikita ang mga
disenyo sa kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda, ahas, butiki,
puno at tao.
Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga Kalinga matatag puan sa
pinakahilagang bahagi ng Luzon. Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti sa katawan
na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa lipunan. Madalas gamitin ng mga Kalinga ang
kulay pula, dilaw, berde, at itim.
Ang Gaddang naman sa Nueva Vizcaya ay kilala at bantog sa pag-
hahabi ng tela. Ang mga manghahabing Gaddang ay gumagamit ng tradisyunal na
hakbang sa paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga palamuti gaya ng plastic
beads at bato. Ilan sa kanilang mga produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt),
aken (skirt) at abag (G-string) na gawa sa mga mamahalin at maliliit na bato.
(Sumangguni sa LM, ALAMIN.)
Itanong:
1. Anu-anong mga disenyo ang inyong nakita sa larawan?
2. Saan maaaring ihalintulad ang mga disenyong ito?
2. Gawaing Pansining
Magpaguhit sa mga bata ang iba’t ibang disenyo ng mga kultural
na pamayanan ng Kalinga, Ifugao at Gaddang. Maaari itong ipagawa sa isang
basong karton o mga bagay na pwedeng guhitan tulad ng kawayan, tuyong dahon
at iba pa gamit ang krayola o oil pastel.
(Sumangguni sa LM, GAWIN.)
3. Pagpapalalim sa Pag-unawa
1. Ano-ano ang tatlong kultural na pamayanan sa Luzon ang nabanggit
sa ating talakayan? Isa-isahin ang kanilang pagkakatulad.
2. Paano mo ginamit ang iba’t ibang uri ng linya, kulay at hugis sa
paggawa ng mga disenyo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
(Sumangguni sa LM, TANDAAN.)
3. 2. Repleksyon
Itanong:
1. Kung kayo ay naninirahan sa mga kultural na pamayanan ng
Luzon, paano ninyo pahahalagahan ang mga katutubong sining
o disenyo na mayroon dito?
2. Kaya mo ba itong ipagmamalaki? Papaano?
IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong
aralin.
Mga Pamantayan Nakasunod sa
pamantayan nang
higit sa inaasahan.
(3)
Nakasunod sa
pamantayan subalit
may ilang
pagkukulang
(2)
Hindi nakasunod sa
pamantayan
(1)
1.Natukoy ko ang
iba’t ibang disenyo
na nagtataglay ng
mga elemento at
prinsipyo ng sining
sa mga gawa ng
mga taga Luzon.
2. Nalaman ko ang
mga disenyong
kultural na
pamayanan na
nagmula sa Luzon.
3. Nakagawa ako ng
isang likhang-sining
na tulad ng mga
disenyong mula sa
Luzon.
4. Napahalagahan at
naipagmamalaki ko
ang mga katutubong
sining na gawa ng
mga kultural na
pamayanan sa
Luzon.
5. Naipamalas ko
nang may kawilihan
ang aking ginawang
likhang sining.
V. Takdang Gawain/Kasunduan
Magdala ng sumusunod na kagamitan:
1. lapis
2. pastel
3. bond paper