SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 6
Boses ng Pakilos: Ang konsepto at konteksto ng Pagsulat ng Editoryal
Richard P. Moral, Jr., MAT
Suriin natin ang halimbawa ng Editoryal.
Bakit Hindi Kumpiskahin?
Binalaan ni Sen. Juan Ponce Enrile si Sec. Mike Defensor ng Department
of Environment and Natural Resources. Pinag-iingat ng senador ang kalihim
sa pagkumpiska sa mga trosong inanod mula sa kabundukan ng Aurora.
Binigyan din ng babala ang kalihim sa pagpapasara sa mga logging firm kundi
ay mahaharap diumano ito sapatung-patong na kaso mula sa mga may-ari ng
kumpanya. Sabihin na nating lehitimo ang mga kumpanyang may-ari ng mga
trosong inanod sa kasagsagan ng bagyo.
Subalit bakit pinabayaan ang mga ito at hindi dinala kaagad sa mas ligtas
na lugar pagkatapos putulin kaya nagdulot tuloy ng panganib sa
buhay ng mga residente? Ngayon ay nakahambalang lamang ang mga troso.
Hahayaan na lamang ba na mabulok ang mga ito gayong wala pang logging
firm ang umaangkin at kumukuha sa mga pinutol nitong puno kung sa kanila
nga ang mga ito?
-Halaw sa Abante Tonite
Paano ito sinulat? Paano inilahad ang pahayag? Bakit tinatawag itong
Editoryal?
Spy Fund ni GMA?
Bakit nga ba merong intelligence fund ang Office of the President (OP)? Saan
ba gagamitin ng President ang pondong pang-espiya o paniktik? Sino naman
ang titiktikan nito? Ang mga law enforcement agencies lang naman talaga
dapat ang meron nito. Ang kaso, mukhang mas malaki pa ang spy fund ng OP
kesa pulisya at militar. Ito ang talagang hindi na tama. Utang na loob naman,
kung meron higit na dapat paglagyan ng pondo ay itong agrikultura at health.
Idagdag pa ang public works ngayong labis na sinalanta ng bagyo ang Aurora,
Quezon, Nueva Ecija, Bulacan, at Camarines Sur. Ang dami-daming
nangangailangan at makikinabang ng P650 milyong pondong ito. Burahin ang
spy fund ng OP at ilagay sa mas importanteng gastusin at programa ng
gobyerno.
-Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 9, 2004, p. 4.
Sa editoryal, ang bawat katwiran ay kailangang may patunay. Higit na kapani-
paniwala ang editoryal kung may kalakip na ebidensya bilang patunay sa
binibigyang-katwiran. Maaari ring samahan na lamang ng siniping kuru-
kuro.ng mga awtoridad.
Halimbawa:
‘Di Ubra ang Payo ng DTI
Ilang beses na ngayong taon nagkaroon ng mga sakunang dulot ng sunog na
sanhi ng depektibong Christmas lights na maganda lamang ang panlabas na
itsura ngunit hindi pala garantisado ang kaligtasan. Dahil sa mababang kalidad
ay nalalagay sa panganib ang mga taong walang kamalay-malay na peligro
pala ang kanilang nabiling pailaw. Ang payo ng Department of Trade and
Industry (DTI) sa publiko ay suriing mabuti bago bumili ng lights. Hanapin
daw ang mga markang “PS” para sa Philippine Standards at “ICC” o Import
Commodity Clearance. Isang katunayan daw kapag may ganitong marka na
dumaan sa pagsusuri ng Bureau of Product Standards at ligtas gamitin ang
produkto. Ang problema at naglipana na ngayon ang mga Christmas lights
kagaya ng iba pang ipinapalamuti sa tahanan tuwing Kapaskuhan. Kahit sa
mga bangketa ay makakabili nito sa murang halaga lamang. Dahil sa dami ng
mga nagtitinda nito ay hindi na malaman kung alin ang pasado sa quality
control ng pabrikang gumawa. Mahirap na ring malaman kung pasado nga ba
sa pamantayan ng DTI ang mga ibenebentang produkto. Trabaho ng DTI na
bantayan ang kapakanan ng mga consumer sa pamamagitan ng pagbantay
laban sa mga peligrosong produkto.
-Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 19, 2004, p. 4.
Ang editoryal ay may tatlong bahagi:
1. Panimula. Ang bahaging ito ang nagpapakilala ng paksa. Kailangang
magtataglay ito ng sariling tayo sa unang bahagi pa lamang ng pahayag. Dito
makikita ang balitang bibigyan ng opinion o editoryal.
Halimbawa:
Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang
malampasan natin ang krisis sa pananalapi na bumabalot sa atin.
Ito ay matapos iulat ngWorld Bank na ang Pilipinas ay nanguna sa
mahigit na 200 bansa sa buong mundo na pinakakurakot at pinakamahinang
bansa pagdating sa ekonomiya at pag-unlad.
2. Katawan. Ito’y binubuo ng dalawa o higit pang talata na nagpapaliwanag,
naglalarawan o nangangatuwiran sa tulong ng mga katibayan upang
makapaglahad ng sarilingkuru-kuro. Sa pagtatapos rin ng katawan, kailangang
magsaad ng suhestiyon ang manunulat para sa ikalulutas ng suliranin, hindi
lamang puro batikos ang editoryal.
Halimbawa:
Ang gobyerno ay isang maliit na sektor lang ng lipunan bagama’t ito ang
pinamamahala natin sa pondo, sa batas, sa pangunahing serbisyo at sa
pangkalahatang kalakaran. Gayundin ang mga negosyante at kumpanya. Pero
ang pinakamalaking sektor ng lipunan ay tayong masa.
Sa sama-samang pagkilos natin upang wasakin ang kahirapan at korapsiyon,
maabot natin ang ating ninanais: Isang bansang sagana, isang bansang may
pangarap.
3. Wakas. Sa bahaging ito ay mababasa ang huling mungkahi o tagubilin at
buod ng isyung nais ibigay.
Halimbawa:
Iyan lang naman ang kailangan nating solusyon, ang hind imaging bingi
sa anumang problema at pangyayari sa ating lipunan. Laging makialam.
MGA URI NG EDITORYAL
1.Editoryal na nagpapabatid. Ipinababatid ng editoryal na ito ang
katotohanan ng isang pangyayari o ng isang bagay.
Halimbawa: Napapanahong Modernisasyon
Napansin din sa wakas ng Kongreso ang malaking kakulangan sa kagamitan
ng mga bumbero. Isa raw sa magiging prayoridad ng mga mambabatas sa
Mababang Kapulungan ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection sa
kanilang pagbabalik-sesyon sa susunod na taon.
Kabilang ang mga bumbero na nasa frontline kapag may sunog. Sila ang
unang-unang inaasahan na reresponde sa mga ganitong insidente.
Maliban sa sunog ay mayroon pang ibang pakinabang sa kanila kapag may
emergency. Subalit dahil na rin sa kakulangan ng sapat na mga kagamitan ay
hindi matupad nang husto ng mga bumbero ang kanilang mga tungkulin.
Kadalsan pa na sila ang sinisisi kapag hindi agad naagapan ang is
ang sunog. Kung hindi man ay mayroong pang mga nasusugatan o kaya’y
nasasawi sa kanila habang tumutupad sa tungkulin. Kaya nga malaking bagay
itong napansin na rin ngayon ang kalagayan ng Bureau of Fire Protection. Sana
lang aytotohanin ng mga mambabatas na isulong ang modernisasyon sa hanay
na itong mga manggagawa ng gobyerno.
- Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 20, 2004, p. 4.
2. Editoryal na nagpapakahulugan. Ang paksa at nilalaman ng editoryal na
ito ay ang kahahantungang kahulugan ng isang balita, pangyayari o
kalagayan.
Halimbawa:
Cellphone, Sagabal sa Pag-aaral
Nokia. Bosch. Ericson. Siemen. Ilan lamang sa mga klase ng cellphone na
“in” ngayon at pinagkakagastusan ng maraming Pilipino. Talagang popular na
popular na ito sa ating bansa dahil ultimo nga mga kabataan o estudyante ay
may sarili nang gamit na cellphone na ikinabahala naman ng mga namumuno
at guro ng paaralan. Simula noong taong 2001 ay ipinagbabawal na ang
paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan. Talagang hindi ka
yang pagbawalan ang mga estudyante na magdala ng cellphone sa paaralan
dahil karapatan nila iyon, subalit ang paggamit ng cellphone at pagpapadala ng
mga text messages sa loob ng silid-aralan ay bawal. Ayon kay National
Telecommunication Commission (NTC) Chief Joseph Santiago, nangunguna
na ang Pilipinas sa pinakamaraming nagpapadala ng text messages bawa’t
araw. Umaabot na nga ito sa 8 milyon kumpara sa Europe na 1 milyon lamang
bawat araw. Marahil magiging makabuluhan lamang ang cellphone at text
messaging kung gagamitin natin ito sa tama at mabuting paraan.
Halaw sa Ang Mulawin, Nobyembre 2000, p. 2.
3. Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri. Layunin ng editoryal na
ito na pahalagahan ang sinumang may malaking nagawa sa pagpapaunlad ng
edukasyon, agrikultura, ekonomiya, sining, wika, agham at teknolohiya.
Layunin din nitong papurihan ang proyekto, programa o gawaing
makatutulong sa pagpapaunlad ng paaralan, komunidad, lungsod, bayan o
rehiyon.
Halimbawa:
MMFF 2002
Bahagi na ng Paskong Pilipino ang pagtatanghal ng Metro Manila Film
Festival, kung saan pitong purong pelikulang Filipino ang ipinapalabas sa mga
sinehan sa Kamaynilaan na mapagpipilian ng mga manonood sa Kapaskuhan.
Mapalad ang nakasama sa sa MMFF ngayon. Mula sa pitong pelikula na entry
sa MMFF, na mapapanood sa Disyembre 25 hanggang Enero 1, 2003,
iraranggo ang mga ito at ang papasok sa ikaanim at ikapitong puwesto ng mga
pelikulang kumita, ay huhugutin at papalitan. Kaugnay nito, dapat na maging
batayan marahil ng selection committee ng MMFF sa pagpili ng pelikulang
ilalahok ay ang pelikulang tunay na sasalamin ng ating pagka-Pilipino.
Sasalamin sa ating galing sa larangan ng pelikula bilang mga
Pilipino.
-Halaw sa Kabayan, Disyembre 17, 2002, p. 5.
4. Editoryal na Pumupuna o Bumabatikos o Nagbibigay ng Reporma.
Ang editoryal na ito ay tumutuligsa sa mga kamalia ng karaniwang
mamamayan, maykapangyarihan, samahan, lipunan o ng bansa at
nagmumungkahi ng mga reporma alang-alang sa kapakanan ng nakararaming
mamamayan.
Halimbawa:
Sindikato sa Squatting
Marami sa ating mga kababayan ang walang permanenteng tahanan sa sarili
nitong bayan. Marami rin sa kanila ang hindi makabili ng sariling lupa na
mapagtatayuan ng bahay. Kaya nga umusbong ang mga squatter sa mga lupang
may nagmamay-ari nito. Sinasamantala naman ito ng ilan sa ating mga
kababayan na gustong kumita sa mabilis ngunit maruming paraan. Wala silang
puhunan kundi matamis na pananalita, mga pekeng dokumento at bakanteng
lupain para makakumbinsi ng mga naghahangad magkaroon ng sariling lupa’t
bahay. At kasama pa ang pangakong proteksyon, marami sa kababayan natin
ang naloloko ng mga taong ito. Walang ibang kawawa rito kundi ang mga
taong niloko ng sindikato. Nagoyo na sila, natangayan pa ng pera na malabo
nang mabawi pa. Pero hindi rin masisisi lahat sa sindikato. Wala kasing
maloloko kung walang magpapaloko. Kasalanan na rin minsan ng mga tao
kung bakit sila naloloko. Samantala, dapat talagang pag-ibayuhin pa ng
pamahalaan
Halaw sa Abante Tonite, Agosto 16, 2004, p. 4.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Was ist angesagt? (20)

Pagsulat ng balita
Pagsulat ng balitaPagsulat ng balita
Pagsulat ng balita
 
Uri ng pang abay
Uri ng pang abayUri ng pang abay
Uri ng pang abay
 
Halimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga LathalainHalimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga Lathalain
 
Bahagi ng Pahayagan
Bahagi ng PahayaganBahagi ng Pahayagan
Bahagi ng Pahayagan
 
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
 
Mga bahagi ng pahayagan
Mga bahagi ng pahayaganMga bahagi ng pahayagan
Mga bahagi ng pahayagan
 
Banghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwentoBanghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwento
 
Anapora at katapora
Anapora at kataporaAnapora at katapora
Anapora at katapora
 
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang tekstoPagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
 
ALAMAT
ALAMATALAMAT
ALAMAT
 
Elemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwentoElemento ng maikling kuwento
Elemento ng maikling kuwento
 
Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Pang ugnay
Pang ugnayPang ugnay
Pang ugnay
 
Tos filipino unang markahan grade 8
Tos filipino  unang markahan grade 8Tos filipino  unang markahan grade 8
Tos filipino unang markahan grade 8
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Bahagi ng liham
Bahagi ng lihamBahagi ng liham
Bahagi ng liham
 
Anapora Katapora.pptx
Anapora Katapora.pptxAnapora Katapora.pptx
Anapora Katapora.pptx
 
Pang-angkop, pang-ukol pangatnig
Pang-angkop, pang-ukol pangatnigPang-angkop, pang-ukol pangatnig
Pang-angkop, pang-ukol pangatnig
 
Pokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwaPokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwa
 
Editoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudlingEditoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudling
 

Ähnlich wie Editoryal: Pagsusuri at Paglilimi

KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRANKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRANKokoStevan
 
1. kontemporaryong isyu araling panlipunan
1. kontemporaryong isyu araling panlipunan1. kontemporaryong isyu araling panlipunan
1. kontemporaryong isyu araling panlipunanEduardoReyBatuigas2
 
PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...
PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...
PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...GodofredoSanAndresGi
 
Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10ruth ferrer
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranJared Ram Juezan
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxHonneylouGocotano1
 
AP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptx
AP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptxAP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptx
AP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptxStevAlvarado
 
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptxAralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptxMaryJoyTolentino8
 
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxTeodoroJervoso
 
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfAp10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfJenoGono4
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxevafecampanado1
 
Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon edmond84
 
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...Faythsheriegne Godoy
 
AP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docxAP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docxglaisa3
 
Anyo ng Globalisasyon.pptx
Anyo ng Globalisasyon.pptxAnyo ng Globalisasyon.pptx
Anyo ng Globalisasyon.pptxnylmaster
 

Ähnlich wie Editoryal: Pagsusuri at Paglilimi (20)

AP Grade 10 Q1 Mod1
AP Grade 10 Q1 Mod1AP Grade 10 Q1 Mod1
AP Grade 10 Q1 Mod1
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRANKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
 
1. kontemporaryong isyu.pptx
1. kontemporaryong isyu.pptx1. kontemporaryong isyu.pptx
1. kontemporaryong isyu.pptx
 
1. kontemporaryong isyu araling panlipunan
1. kontemporaryong isyu araling panlipunan1. kontemporaryong isyu araling panlipunan
1. kontemporaryong isyu araling panlipunan
 
PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...
PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...
PAGSULAT NG BALITA. Ito ay maaaring gamiting lunsaran sa pagtalakay sa kung p...
 
Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10Isyung Pangkapaligiran AP 10
Isyung Pangkapaligiran AP 10
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiran
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
kontemporaryong isyu.pptx
kontemporaryong isyu.pptxkontemporaryong isyu.pptx
kontemporaryong isyu.pptx
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptxKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN.pptx
 
AP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptx
AP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptxAP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptx
AP10 - Q1 - Modyul 4 - Kahalagahan.pptx
 
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptxAralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
Aralin 2-Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan.pptx
 
b-190819151411.pptx
b-190819151411.pptxb-190819151411.pptx
b-190819151411.pptx
 
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptxKalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
Kalagayan-at-suliranin-sa-isyu-ng-paggawa-sa.pptx
 
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfAp10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
 
Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon Anyo ng Globalisasyon
Anyo ng Globalisasyon
 
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito  sa pagko...
kalagayan ng impormal na sektor sa bansang pilipinas at epekto nito sa pagko...
 
AP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docxAP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docx
 
Anyo ng Globalisasyon.pptx
Anyo ng Globalisasyon.pptxAnyo ng Globalisasyon.pptx
Anyo ng Globalisasyon.pptx
 

Kürzlich hochgeladen

Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxjohnarveedomingo278
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 

Editoryal: Pagsusuri at Paglilimi

  • 1. Boses ng Pakilos: Ang konsepto at konteksto ng Pagsulat ng Editoryal Richard P. Moral, Jr., MAT Suriin natin ang halimbawa ng Editoryal. Bakit Hindi Kumpiskahin? Binalaan ni Sen. Juan Ponce Enrile si Sec. Mike Defensor ng Department of Environment and Natural Resources. Pinag-iingat ng senador ang kalihim sa pagkumpiska sa mga trosong inanod mula sa kabundukan ng Aurora. Binigyan din ng babala ang kalihim sa pagpapasara sa mga logging firm kundi ay mahaharap diumano ito sapatung-patong na kaso mula sa mga may-ari ng kumpanya. Sabihin na nating lehitimo ang mga kumpanyang may-ari ng mga trosong inanod sa kasagsagan ng bagyo. Subalit bakit pinabayaan ang mga ito at hindi dinala kaagad sa mas ligtas na lugar pagkatapos putulin kaya nagdulot tuloy ng panganib sa buhay ng mga residente? Ngayon ay nakahambalang lamang ang mga troso. Hahayaan na lamang ba na mabulok ang mga ito gayong wala pang logging firm ang umaangkin at kumukuha sa mga pinutol nitong puno kung sa kanila nga ang mga ito? -Halaw sa Abante Tonite Paano ito sinulat? Paano inilahad ang pahayag? Bakit tinatawag itong Editoryal? Spy Fund ni GMA? Bakit nga ba merong intelligence fund ang Office of the President (OP)? Saan ba gagamitin ng President ang pondong pang-espiya o paniktik? Sino naman ang titiktikan nito? Ang mga law enforcement agencies lang naman talaga dapat ang meron nito. Ang kaso, mukhang mas malaki pa ang spy fund ng OP kesa pulisya at militar. Ito ang talagang hindi na tama. Utang na loob naman, kung meron higit na dapat paglagyan ng pondo ay itong agrikultura at health. Idagdag pa ang public works ngayong labis na sinalanta ng bagyo ang Aurora, Quezon, Nueva Ecija, Bulacan, at Camarines Sur. Ang dami-daming nangangailangan at makikinabang ng P650 milyong pondong ito. Burahin ang spy fund ng OP at ilagay sa mas importanteng gastusin at programa ng gobyerno. -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 9, 2004, p. 4.
  • 2. Sa editoryal, ang bawat katwiran ay kailangang may patunay. Higit na kapani- paniwala ang editoryal kung may kalakip na ebidensya bilang patunay sa binibigyang-katwiran. Maaari ring samahan na lamang ng siniping kuru- kuro.ng mga awtoridad. Halimbawa: ‘Di Ubra ang Payo ng DTI Ilang beses na ngayong taon nagkaroon ng mga sakunang dulot ng sunog na sanhi ng depektibong Christmas lights na maganda lamang ang panlabas na itsura ngunit hindi pala garantisado ang kaligtasan. Dahil sa mababang kalidad ay nalalagay sa panganib ang mga taong walang kamalay-malay na peligro pala ang kanilang nabiling pailaw. Ang payo ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko ay suriing mabuti bago bumili ng lights. Hanapin daw ang mga markang “PS” para sa Philippine Standards at “ICC” o Import Commodity Clearance. Isang katunayan daw kapag may ganitong marka na dumaan sa pagsusuri ng Bureau of Product Standards at ligtas gamitin ang produkto. Ang problema at naglipana na ngayon ang mga Christmas lights kagaya ng iba pang ipinapalamuti sa tahanan tuwing Kapaskuhan. Kahit sa mga bangketa ay makakabili nito sa murang halaga lamang. Dahil sa dami ng mga nagtitinda nito ay hindi na malaman kung alin ang pasado sa quality control ng pabrikang gumawa. Mahirap na ring malaman kung pasado nga ba sa pamantayan ng DTI ang mga ibenebentang produkto. Trabaho ng DTI na bantayan ang kapakanan ng mga consumer sa pamamagitan ng pagbantay laban sa mga peligrosong produkto. -Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 19, 2004, p. 4. Ang editoryal ay may tatlong bahagi: 1. Panimula. Ang bahaging ito ang nagpapakilala ng paksa. Kailangang magtataglay ito ng sariling tayo sa unang bahagi pa lamang ng pahayag. Dito makikita ang balitang bibigyan ng opinion o editoryal. Halimbawa: Higit kailanman, ngayon kinakailangan ng bansa ang pagkakaisa upang malampasan natin ang krisis sa pananalapi na bumabalot sa atin.
  • 3. Ito ay matapos iulat ngWorld Bank na ang Pilipinas ay nanguna sa mahigit na 200 bansa sa buong mundo na pinakakurakot at pinakamahinang bansa pagdating sa ekonomiya at pag-unlad. 2. Katawan. Ito’y binubuo ng dalawa o higit pang talata na nagpapaliwanag, naglalarawan o nangangatuwiran sa tulong ng mga katibayan upang makapaglahad ng sarilingkuru-kuro. Sa pagtatapos rin ng katawan, kailangang magsaad ng suhestiyon ang manunulat para sa ikalulutas ng suliranin, hindi lamang puro batikos ang editoryal. Halimbawa: Ang gobyerno ay isang maliit na sektor lang ng lipunan bagama’t ito ang pinamamahala natin sa pondo, sa batas, sa pangunahing serbisyo at sa pangkalahatang kalakaran. Gayundin ang mga negosyante at kumpanya. Pero ang pinakamalaking sektor ng lipunan ay tayong masa. Sa sama-samang pagkilos natin upang wasakin ang kahirapan at korapsiyon, maabot natin ang ating ninanais: Isang bansang sagana, isang bansang may pangarap. 3. Wakas. Sa bahaging ito ay mababasa ang huling mungkahi o tagubilin at buod ng isyung nais ibigay. Halimbawa: Iyan lang naman ang kailangan nating solusyon, ang hind imaging bingi sa anumang problema at pangyayari sa ating lipunan. Laging makialam. MGA URI NG EDITORYAL 1.Editoryal na nagpapabatid. Ipinababatid ng editoryal na ito ang katotohanan ng isang pangyayari o ng isang bagay. Halimbawa: Napapanahong Modernisasyon Napansin din sa wakas ng Kongreso ang malaking kakulangan sa kagamitan ng mga bumbero. Isa raw sa magiging prayoridad ng mga mambabatas sa
  • 4. Mababang Kapulungan ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection sa kanilang pagbabalik-sesyon sa susunod na taon. Kabilang ang mga bumbero na nasa frontline kapag may sunog. Sila ang unang-unang inaasahan na reresponde sa mga ganitong insidente. Maliban sa sunog ay mayroon pang ibang pakinabang sa kanila kapag may emergency. Subalit dahil na rin sa kakulangan ng sapat na mga kagamitan ay hindi matupad nang husto ng mga bumbero ang kanilang mga tungkulin. Kadalsan pa na sila ang sinisisi kapag hindi agad naagapan ang is ang sunog. Kung hindi man ay mayroong pang mga nasusugatan o kaya’y nasasawi sa kanila habang tumutupad sa tungkulin. Kaya nga malaking bagay itong napansin na rin ngayon ang kalagayan ng Bureau of Fire Protection. Sana lang aytotohanin ng mga mambabatas na isulong ang modernisasyon sa hanay na itong mga manggagawa ng gobyerno. - Halaw sa Abante Tonite, Disyembre 20, 2004, p. 4. 2. Editoryal na nagpapakahulugan. Ang paksa at nilalaman ng editoryal na ito ay ang kahahantungang kahulugan ng isang balita, pangyayari o kalagayan. Halimbawa: Cellphone, Sagabal sa Pag-aaral Nokia. Bosch. Ericson. Siemen. Ilan lamang sa mga klase ng cellphone na “in” ngayon at pinagkakagastusan ng maraming Pilipino. Talagang popular na popular na ito sa ating bansa dahil ultimo nga mga kabataan o estudyante ay may sarili nang gamit na cellphone na ikinabahala naman ng mga namumuno at guro ng paaralan. Simula noong taong 2001 ay ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan. Talagang hindi ka yang pagbawalan ang mga estudyante na magdala ng cellphone sa paaralan dahil karapatan nila iyon, subalit ang paggamit ng cellphone at pagpapadala ng mga text messages sa loob ng silid-aralan ay bawal. Ayon kay National Telecommunication Commission (NTC) Chief Joseph Santiago, nangunguna na ang Pilipinas sa pinakamaraming nagpapadala ng text messages bawa’t araw. Umaabot na nga ito sa 8 milyon kumpara sa Europe na 1 milyon lamang bawat araw. Marahil magiging makabuluhan lamang ang cellphone at text messaging kung gagamitin natin ito sa tama at mabuting paraan.
  • 5. Halaw sa Ang Mulawin, Nobyembre 2000, p. 2. 3. Editoryal na nagpaparangal o nagbibigay-puri. Layunin ng editoryal na ito na pahalagahan ang sinumang may malaking nagawa sa pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura, ekonomiya, sining, wika, agham at teknolohiya. Layunin din nitong papurihan ang proyekto, programa o gawaing makatutulong sa pagpapaunlad ng paaralan, komunidad, lungsod, bayan o rehiyon. Halimbawa: MMFF 2002 Bahagi na ng Paskong Pilipino ang pagtatanghal ng Metro Manila Film Festival, kung saan pitong purong pelikulang Filipino ang ipinapalabas sa mga sinehan sa Kamaynilaan na mapagpipilian ng mga manonood sa Kapaskuhan. Mapalad ang nakasama sa sa MMFF ngayon. Mula sa pitong pelikula na entry sa MMFF, na mapapanood sa Disyembre 25 hanggang Enero 1, 2003, iraranggo ang mga ito at ang papasok sa ikaanim at ikapitong puwesto ng mga pelikulang kumita, ay huhugutin at papalitan. Kaugnay nito, dapat na maging batayan marahil ng selection committee ng MMFF sa pagpili ng pelikulang ilalahok ay ang pelikulang tunay na sasalamin ng ating pagka-Pilipino. Sasalamin sa ating galing sa larangan ng pelikula bilang mga Pilipino. -Halaw sa Kabayan, Disyembre 17, 2002, p. 5. 4. Editoryal na Pumupuna o Bumabatikos o Nagbibigay ng Reporma. Ang editoryal na ito ay tumutuligsa sa mga kamalia ng karaniwang mamamayan, maykapangyarihan, samahan, lipunan o ng bansa at nagmumungkahi ng mga reporma alang-alang sa kapakanan ng nakararaming mamamayan. Halimbawa: Sindikato sa Squatting Marami sa ating mga kababayan ang walang permanenteng tahanan sa sarili nitong bayan. Marami rin sa kanila ang hindi makabili ng sariling lupa na mapagtatayuan ng bahay. Kaya nga umusbong ang mga squatter sa mga lupang may nagmamay-ari nito. Sinasamantala naman ito ng ilan sa ating mga kababayan na gustong kumita sa mabilis ngunit maruming paraan. Wala silang
  • 6. puhunan kundi matamis na pananalita, mga pekeng dokumento at bakanteng lupain para makakumbinsi ng mga naghahangad magkaroon ng sariling lupa’t bahay. At kasama pa ang pangakong proteksyon, marami sa kababayan natin ang naloloko ng mga taong ito. Walang ibang kawawa rito kundi ang mga taong niloko ng sindikato. Nagoyo na sila, natangayan pa ng pera na malabo nang mabawi pa. Pero hindi rin masisisi lahat sa sindikato. Wala kasing maloloko kung walang magpapaloko. Kasalanan na rin minsan ng mga tao kung bakit sila naloloko. Samantala, dapat talagang pag-ibayuhin pa ng pamahalaan Halaw sa Abante Tonite, Agosto 16, 2004, p. 4.