4. A. Ang Kaharian ng Diyos:
1. Kundisyon: Pagbabalik-loob at
pagbabagong buhay.
2. Kalikasan: Pagiging Alagad, o ang
pagsunod kay Kristo.
3. Buhay na Likas: Pamumuhay sa pag-ibig.
4. Pamantayan: Ang Batas ng Espiritu.
5. Alituntunin: “Ang Mapapalad”
5. Pagbabalik-loob
• “Tandaan ninyo: kapag hindi
kayo nagbago at tumulad sa mga
bata, hinding-hindi kayo
mabibilang sa mga
pinaghaharian ng Diyos” (Mateo
18:3).
6. Pagiging Alagad
• “Ang naghahangad na magligtas ng
kanyang buhay ay siyang
mawawalan nito; ngunit ang mag-
alay ng kanyang buhay alang-alang
sa akin at sa Mabuting Balita ay
siyang magkakamit niyon” (Markos
8:35).
7. Pamumuhay sa Pag-ibig
• Ang pagtupad sa utos na “Ibigin
mo ang iyong kapwa gaya ng
iyong sarili” (Roma 13:9) ay
lumilikha ng sambayanang
nagsasama-sama, ang
“pakikipag-isa ng Espiritu Santo”
(2 Cor 13:13).
8. Batas ng Espiritu Santo
Hindi ang panlabas na anyo kundi ang uri
ng puso ang mahalaga. “Ang lumalabas
mula sa tao ang nagpaparumi sa kanya”
(Markos 7:20).
Ang “lalong mahalagang aral sa
Kautusan: ang katarungan, ang
pagkahabag, at ang katapatan” (Mateo
23:23) ay mas pinahahalagahan sa
Kristiyanong moral na pamumuhay.
9. “Ang Mapapalad”
Ang “Pangaral sa Bundok” ay
nagbibigay sa atin ng alituntunin
o ng pananaw ng Kaharian ng
Diyos.
Inilalarawan nito ang mukha ni
Kristo na nasasalamin sa larawan
ng mga alagad.
10. B. Tugon sa Kaharian ng Diyos
1. Paggalang sa kahalagan ng iba
2. Pakikiisa sa lahat
3. Katapatan sa Diyos at sa isa’t isa
11. 1. Paggalang sa Kahalagahan ng Iba
• Ayon kay San Pablo: “Mag-ibigan kayo
na parang tunay na magkakapatid…
Makigalak kayo sa mga nagagalak,
makitangis sa mga tumatangis.
Magkaisa kayo ng loobin. Huwag kayong
magmataas, kundi makisama sa mga
aba” (Roma 12:10-16).
12. 2. Pakikiisa sa Lahat
Hindi tayo nararapat sumamba at mag-
alay sa Diyos hangga’t hindi tayo
nakipagkakasundo sa ating nakaaway na
kapatid (Mateo 5:24).
Dapat nating makita ang ibang tao
bilang ating “kapwa” na ating kabahagi
at kapantay, sapagkat sa piging ng Diyos,
tayo ay magkakapantay.
13. 3. Katapatan sa Diyos at sa Kapwa
Ang katapatan natin sa Diyos ay hindi
lamang isang minsanang
pagpapasya, kundi isang patuloy na
hamon sa atin.
“Humanda kayo at magbantay. Ang
diyablo ng kaaway ay parang leon na
umaatungal at aali-aligid na humahanap
ng masisila. Labanan ninyo siya at
magpakatatag kayo sa inyong pananalig
sa Diyos” (1 Pedro 5:8-9).
14. K. Mga Talinhaga ng Kaharian
Mula sa Mateo 13:44-46,
1. Ang Kayamanang Nakatago sa
Bukid
2. Ang Mamahaling Perlas
15. Ang Moral na Pagtugon
1. Pagtuklas kung saan kumikilos ang
Espiritu sa pagtatayo ng Kaharian ng
Diyos.
2. Pagpaparaya sa sarili, o pagbabagong-
loob na nagpapanibago sa buong
pagkatao.
3. Pagkilos at pakikiisa sa biyaya ng Diyos
para sa kabutihan ng lahat.
17. 1. Ang Simbahan Bilang
Kalalagayan
Ang gawain ng isang tunay na alagad ni
Kristo, sa salita at gawa, ay matutupad
lamang sa pamayanan.
Sa loob ng Simbahan, ng Kristiyanong
Pamayanan kung saan tayo ay
bininyagan, nakakatagpo natin at
tinatanggap si Kristo sa mga Sakramento.
18. 2. Ang Simbahan Bilang Sama-
samang Pagtutulungan
Tatlong Gampanin:
1. Tumulong sa paghubog ng Kristiyanong
moral na pagkatao.
2. Maipagpatuloy at sumaksi sa
Kristiyanong moral na kaugalian.
3. Maglingkod bilang sambayanan ng
Kristianong moral na pagtatalakayan.
19. 3. Ang Simbahan Bilang
Tagapaghubog ng Kristiyanong
Pagkatao
Ginagawa ito ng Simbahan sa
pamamagitan ng paglalarawan ng
Matandang Tipan ayon sa karanasan ng
Bayang Israel. Sinusundan ito sa Bagong
Tipan ng Mabuting Balita ni Jesus, sa
kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at
muling pagkabuhay.
20. 4. Ang Simbahan Bilang
Tagapagdala ng
Moral na Tradisyon
Sa pag-ugat sa mga moral na
aral, kaugalian at pamaraan ng pagkilos.
Sa nilalaman ng moral na pamumuhay:
ang Sampung Utos, ang Pangaral sa
Bundok, and Utos ng Simbahan.
Sa pagbibigay ng balangkas sa
pananagutan bilang alagad ni Kristo.
21. 5. Ang Simbahan Bilang
Sambayanang Nagninilay Tungkol
sa Moral na Pamumuhay
Mahalagang batayan ng mga aral ng
Simbahan ay ang mga minanang
Turo ng mga Apostol, at hindi
lamang batay sa pansariling pang-
unawa o pagninilay.
23. Ano ba ang Kasalanan?
Pagtangging sumunod sa tawag ng
sariling budhi tungo sa mabuti.
Pagtatakwil sa Diyos, ang Manlilikha at
Panginoon, at sa ating tunay na sarili at
sa iba, sa pamamagitan ng pagtalikod sa
Diyos na tunay nating hantungan.
Paglabag sa mapagmahal na Tipan ng
Diyos sa atin.
24. Ang Lahat ay Nagkasala.
“Kung sinasabi nating tayo ay
walang kasalanan, dinadaya natin
ang ating sarili, at wala sa atin ang
katotohanan… Kung sinasabi nating
hindi tayo nagkakasala, ginagawa
nating sinungaling ang Diyos at wala
sa atin ang kanyang Salita” (1 Juan
1:8-10).
25. Ang kasalanan ng ating panahon
ay ang pagkawala ng kamalayan
sa kasalanan.
Ang dahilan:
1. Kamangmangan tungkol sa
relihiyon, at
2. Impluwensiya ng makamundong
pag-uugali at pagpapahalaga.
26. Ang Kasalanan Ayon sa
Matandang Tipan
1.Nalihis ng Landas
2.Kawalan at malisya
3.Paghihimagsik at Paglabag sa
Batas
27. Ang Turo ng Simbahan
Tungkol sa Kasalanan
1. Ang kasalanan ay paikot-ikot na
umaalipin sa atin sa nakahahawang
sakit ng nakasanayang bisyo, at
kumikilos katulad ng mikrobyo na
nakakahawa sa panlipunang asal.
28. Ang Turo ng Simbahan
Tungkol sa Kasalanan
2. Ang kasalanan ay isang sakit na
kailangan ang pagpapagaling mula sa
pagpapatawad ng kasalanan.
3. Ang kasalanan ay isang pagkahumaling,
isang prosesong hindi natin kayang
paglabanan habang ito ay patuloy na
lumalalang udyok.