paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
Music, Arts, Physical Education and Health Grade 2
1. Banghay-Aralin sa MAPEH (Health)
sa Ikalawang na Baitang
Time Allotment: 40 mins.
I. Layunin:
sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. natutukoy ang kalikasan ng parasitikong impeksyon (Worm Infections);
b. natatalakay ang mga dahilan ng pagkakaroon ng parasitikong bulate;
c. natatalakay ang palatandaan ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan
d. naipapaliwanag nag kahalagahan ng pangangalaga ng katawan
II. Paksang Aralin:
Worm Infestation
III. Sanggunian:
MAPEH 2
Teacher’s Guide pp.386-390
Learner’s Module pp. 450-453
IV. Kagamitan:
Larawan, tsart, manila paper, Kanta
V. Pamamaraan:
Sabay-sabay na aawitin ang “I HAVE TWO HANDS”
I have two hands, the left and the right
Hold them up high, so clean and bright
Clap them softly
One, two, three
Clean little hands are good to see
A. Paggaganyak:
Naranasan niyo na bang magkaroon ng bulate sa loob ng inyong katawan?
Sa tingin niyo paano nakakapasok ang bulate sa loob ng inyong tyan?
Ngayon ay babasahin natin ang isang dialogo tungkol sa paano nga ba
nagkakaroon ng bulate sa loob ng ating katawan.
Basahin ng ang dialogo sa pahina 163, Linangin Natin.
-pumili ng dalawang pares na babasahin ang dialogo.
-basahin ito ng buong klase
B. Paglalahad:
Sino ang kumunsulta sa klinika ni Doktora? Bakit kaya?
Anong bagay ang dapat maalis sa katawan ni Roger kaya siya pupurgahan?
Ano kayang maaring dahilan kung bakit nagkaroon ng bulate sa tiyan si Roger?
Yan an gating aalamin sapagkat kahit tayo ay maaaring magkaroon nito.
2. C. Paglalagom:
Ano kaya sa tingin niyo ang dapat nating gawin upang makaiwas tayo sa bulate?
Magaling! Kaya maging maingat sa pangangalaga ng ating katawan mula sa ating
kinakain at araw-araw na kalinisan
Upang mas malaman ko kung naintindihan niyo ang binasang dialogo, kunin ang
kwaderno at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
D. Paglalapat:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod gawain. Ilagay ang 😃 kung ito ang
nagsasaad ng mabuting pangangalang ng sarili at 😡 kung hindi.
1. Pagsisipilyo ng tatlong beses sa isang araw, bago at pagkatapos
kumain.
2. Matulog nang maaga kahit hindi pa naghuhugas ng katawan.
Dahilan ng
Pagkakaroon
ng Bulate sa
ating
Katawan.
Pag-inum ng maruming
tubig
Pagkain ng karne at isda
na hindi masyadong
luto
Maruming katawan lalo
na ang kuko
Hindi paggamit ng
sapin sa paa.
Pagpunta sa mga lugar
na marurumi.
Upang malaman natin kung tayo ay may bulate sa ating katawan,
narito ang mga palatandaan…
madaling mapagod
nanghihina
hindi regular na pagdumi
pangangati sa palibot ng puwit
paglaki at palaging pananakit ng tiyan.
3. 3. Paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
4. Pagkain ng masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas.
5. Panatilihing nakapaa at huwag magsusuot ng sapin dahil sagabal sa
pag-lalaro.
E. Pagpapahalaga:
Upang makaiwas tayo sa bulate dapat ay regular na nililinis an gating
katawan, araw-araw nap pagligo, pagsisipilyo at paghuhugas ng kamay
bago at pagkatapos kumain. Kumain din ng masusustansyang pagkain
tulad ng gulay, prutas at pag-inom ng gatas.
VI. Takdang-Aralin:
Sumulat ng limang pangako ng kalinisan upang makaiwas sa bulate. Ilagay ito sa
inyong kwaderno.