2. Ang tekstong
impormatibo
ay nagtataglay ng tiyak ng
impormasyon patungkol sa
bagay, tao, lugar, o pangyayari.
Hindi ito naglalaman ng opinyon
kung kaya ang tono nito ay
kadalasang obhetibo.
3. Ang tekstong
impormatibo
Ito rin ay kadalasang sumasagot sa
mga tanong na ano, sino,
at paanotungkol sa isang paksa.
Masasabi ring ang tekstong
impormatibo ay hindi nagbibigay ng
opinyong pabor o sumasalungat sa
posisyon o paksang pinag-uusapan.
5. Tekstong
Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay isang
tekstong naglalarawan. Ito ay
naglalaman ng mga impormasyong
may kaugnayan sa mga katangian ng
tao, bagay, lugar, at pangyayaring
madalas nasasaksihan ng tao sa
paligid.
11. Dalawang Anyo ng
Tekstong Deskriptibo
Ang tekstong deskriptibo ay
may dalawang anyong
ginagamit. Ito ay
ang karaniwan at masining
.
12. Karaniwan
Ito ay isang paglalarawang
hindi sangkot ang damdamin.
Sa ganitong anyo, ang
paglalarawan ay ayon sa
nakikita ng mata.
13. Karaniwan (obhetibo)
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isa lamang sa
bansang napaliligiran ng mga
karagatan.
Paliwanag:
Obhetibo ang paraan ng
paglalarawan dahil wala itong
sangkot na damdamin.
14. Masining(suhetibo)
Ito ay isang paglalarawang
naglalaman ng damdamin at
pananaw ng taong
naglalarawan. Naglalayon itong
pukawin ang guniguni ng
mambabasa.
15. Masining
Halimbawa:
Patuloy siya sa paglakad nang
pasagsag habang pasan ang
kaniyang anak na maputla pa ang
kulay sa isang papel.
Paliwanag:
Subhetibo ang paglalarawan dahil
naglalaman ng damdamin at
pananaw.
16. Mahahalagang
Kaalaman
Ang tekstong deskriptibo ay
naglalarawan ng tao, bagay, lugar at
pangyayari.
Ang dalawang uri nito
ay teknikal at impresyonistiko.
Karaniwan at masining naman na
paglalarawan ang dalawang anyo nito.
17. Mga Paalala
Ang teknikal na paglalarawan ay
detalyado ang paraan ng
paglalarawan.
Ang impresyonistiko na
paglalarawan ay naglalaman ng
saloobin ng manunulat.
19. Tekstong
Persuweysib
Naglalayon itong manghikayat ng
mga mambabasa o tagapakinig.
Ito ay isa sa mahahalagang uri ng
tekstong ginagamit sa radyo at
telebisyon.
Ito rin ay isang
mahalagang kasanayang dapat
matutunan ng tao.
20. Tekstong
Persuweysib
Nararapat na maging maganda ang
nilalaman nito upang makuha ang interes
ng mga mambabasa, manonood, at
tagapakinig.
Ito ay dapat ginagamitan ng mga
salitang nakagaganyak, tulad na lamang
ng mga dahilan kung bakit dapat iboto ang
isang kandidato o kung bakit dapat bilhin
ang isang produkto.
23. APELANG ETIKAL
Ipinaalam ng may-akda na dapat
siyang pagkatiwalaan ng mga
mambabasa dahil sapat ang
kaniyang kaalaman sa
isyu.Gumagamit siya ng mga
sangguniang awtoritativ o ng
mga ideya ng mga eksperto.
24. APELANG ETIKAL
Ipinaalam ng may-akda na dapat
siyang pagkatiwalaan ng mga
mambabasa dahil sapat ang
kaniyang kaalaman sa
isyu.Gumagamit siya ng mga
sangguniang awtoritativ o ng
mga ideya ng mga eksperto.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40. Tatlong Paraan ng
Panghihikayat Ayon
kay Aristotle
Ayon kay Aristotle, may tatlong
paraan para mahikayat mo ang
iyong mga mambabasa.
41. 1. Ethos
naiimpluwensyahan
ng karakter at kredibilidad ng
tagapagsalita ang paniniwala ng
mga tagapakinig. Sa ganitong
paraan, kailangang nagtataglay
ng sapat na kasanayan sa
pamamahayag ang isang
manunulat o tagapagsalita.
42. 2. Pathos
pag-apila sa damdamin ng mga
tagapakinig. Ito marahil ang
pinakamahalagang paraan upang
makahikayat. Madaling naaakit ang
isang tao kapag naantig ang
kanyang damdamin kaugnay ng
paksang tinatalakay.
43. 3. Logos
paraan ng paghikayat
na umaapila sa isip. Ang
paglalahad ng sapat na
katibayan kaugnay ng paksa ay
labis na nakakaapekto sa
panghihikayat.
44. Mahahalagang Kaalaman
Ang tekstong Persuweysib ay isang uri
ng sulatin kung saan ang manunulat ay
gumagamit ng mga pananalitang
tumutulong upang mahikayat ang mga
mambabasa at tagapakinig na paniwalaan
ang inihahayag nitong ideya o paniniwala.
Ang halimbawa nito ay ang
mga advertisement at mga talumpating
nanghihikayat.
May tatlong paraan ng paghikayat ayon
kay Aristotle: Ethos, Pathos, at Logos.
46. Tekstong Naratibo
Tekstong naratibo ang tawag sa
isang teksto kung ito ay nasa
anyong nagsasalaysay. Ang
tekstong ito ay tila nagkukuwento
patungkol sa tiyak at
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
47. Tekstong Naratibo
Nilalayon din ng tekstong naratibo na
magbigay-kabatiran, o magbigay ng
kawilihan sa mambabasa.
Ang tekstong naratibo ay nagpapakita at
nagbibigay ng mga impormasyon tungkol
sa isang tiyak na tagpo, panahon,
sitwasyon at mga tauhan.
Ito ay maaaring pasulat o pasalita at nag-
iiwan ng isang matibay na kongklusyon.
49. Tekstong Naratibong Di-
Piksiyon at Piksiyon
Di-Piksiyon
Ang mga naratibong di-piksiyon ay
nakabatay sa personal na karanasan
ng manunulat o maaaring isang
kuwento ng isang tao.
Halimbawa:
anekdota
talambuhay
50. Mahahalagang Kaalaman
Ang tekstong naratibo ay isang uri ng
tekstong naglalahad at nagbibigay ng tiyak
na impormasyon.
Maaaring ito ay hango sa tunay na
karanasan ng manunulat o di-piksiyon at
maaari din namang bunga ng malikhain at
mayamang pag-iisip ng may-akda o ang
tinatawag na piksiyon.
Ang tekstong naratibo ay maaaring nasa
anyong pasulat o pasalita.
51. Mga Paalala
Tandaan, ang tekstong naratibo ay
nagsasalaysay o nagkukuwento. Kung
gayon, unawain mabuti ang tekstong
binabasa.
Kung ang tekstong binasa ay naglalahad
ng sanhi at bunga, nanghihikayat, o
naglalahad ng proseso ito ay hindi
maituturing na tekstong naratibo.
52. Mga Paalala
Tandaan, ang tekstong naratibo ay
nagsasalaysay o nagkukuwento. Kung
gayon, unawain mabuti ang tekstong
binabasa.
Kung ang tekstong binasa ay naglalahad
ng sanhi at bunga, nanghihikayat, o
naglalahad ng proseso ito ay hindi
maituturing na tekstong naratibo.
55. Tekstong argumentatibo
ay naglalahad ng paniniwala,
pagkukuro, o pagbibigay ng pananaw
patungkol sa isang mahalaga o
maselang isyu.
Layunin nitong mahikayat ang mga
mambabasang tanggapin ang mga
argumentong inilalahad sa
pamamagitan ng mga
pangangatuwiran.
56. Tekstong argumentatibo
Ang ganitong uri ng teksto ay
kadalasang sumasagot sa tanong
na bakit.
Layunin din ng ganitong uri ng
teksto na mapatunayan ang
katotohanang ipinahahayag nito.
57. Mga Bahagi ng Tekstong
Argumentatibo
Kagaya ng ibang pormal na pagsulat,
ang tekstong argumentatibo ay
mayroon ding mga pangunahing
bahagi. Bawat bahagi ay
magkakaugnay upang higit na maging
matibay ang mga pangangatuwirang
inilalahad. Ang mga bahaging ito ay
ang panimula, katawan,
at konklusyon.
58. Panimula
Ang panimula ay kailangang maging
mapanghikayat sa paraang mahusay
na mailahad ang pangkalahatang
paksang tatalakayin at ang
proposisyon.
Ang proposisyon ay isang pahayag
na naglalaman ng isang opinyon na
maaaring pagtalunan.
59. Katawan
Lahat ng argumento ukol sa inihaing
proposisyon ay kailangang
organisadong maihanay sa katawan
ng tekstong argumentatibo.
Mahalagang may malawak na
kaalaman ang manunulat ukol sa
isyung tinatalakay, nang sa gayon ay
magtaglay ng bigat ang mga
pangangatwiran.
60. Konklusyon
Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat
ang kabuuan niyang pananaw ukol sa
kaniyang proposisyon.
Kinakailangang matibay ang
konklusyong binuo batay sa mga
patunay na nabanggit sa katawan ng
teksto.
61. Mga Paraan ng
Pangangatwiran
Ang paghahain ng mga
pangangatwiran sa tekstong
argumentatibo ay mayroong apat na
paraan. Ang mga ito ay ang:
62. Mga Paraan ng
Pangangatwiran
1.Pagsusuri
ang paraang ito ay iniisa-isa ang
mga bahagi ng paksa upang ang
mga ito ay masuri nang husto
2. Pagtukoy sa mga Sanhi
inuugat ang mga naging sanhi ng
mga pangyayari
63. Mga Paraan ng
Pangangatwiran
3. Pabuod
sinisimulan sa maliliit na patunay
tungo sa paglalahat
maaaring gawin sa pamamagitan
ng pagtutulad, pagtukoy sa mga
sanhi ng pangyayari, at mga
patunay
64. Mga Paraan ng
Pangangatwiran
4. Pasaklaw
sinisimulan sa
pangkalahatang katuwiran o
kaalaman at iisa-isahin ang
mga mahahalagang punto
70. Tekstong Nagpapakita ng
Pagkakasunod-sunod
May iba't ibang teksto na nagpapakita o
tumatalakay ng pagkakasunod-sunod ng
mga pahayag, pangyayari, o hakbang.
Ito ay may layunin na sumagot sa tanong
na “paano”−paano binuo, paano iluto,
paano buuin, paano gawin, paano
nangyari, at iba pang mga gawain at
pangyayaring lagi nating ikinakabit ang
tanong na paano.
71. Tekstong Nagpapakita ng
Pagkakasunod-sunod
Ito ay tumutukoy sa mga
pamamaraan o hakbang ng
pagsasagawa ng isang gawain at
pag-iisa-isa ng mga pangyayari.
Nagiging mas maayos, malinaw,
at naiiwasan ang anumang
kalituhan sa tulong ng mga
tekstong prosidyural.
72. Iba't Ibang Tekstong
Nagpapakita ng
Pagkakasunod-sunod
Mayroong mga kaayusan sa
paglalahad ng mga
pagkakasunod-sunod ng gawain at
maging ng mga pangyayari. Ang
mga ito ay mahahati sa tatlong
pangkat−sekwensyal, kronolohik
al, at prosidyural.
73. 1.Sekwensyal
Ang sekwensyal ay tumutukoy sa
serye o pagkakasunod-sunod ng
mga bagay o gawaing
magkakaugnay sa isa’t isa.
Karaniwan itong ginagamitan ng
mga salitang una, pangalawa,
pangatlo, pang-apat, kasunod, at
iba pang kagaya.
74. 2. Kronolohikal
Ang kronolohikal ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pahayag.
Ang paksa ng tekstong ito ay mga tao
o bagay na inilalahad sa isang paraan
batay sa isang tiyak na baryabol na
tumutukoy sa edad, distansya, halaga,
lokasyon, bilang, dami at iba pa.
75. Ang Kaayusang Prosidyural Bilang
Uri ng Teksto
Ang tekstong prosidyural ay
naghahatid ng pangmatagalang
(lasting) kaalaman ukol sa mga bagay
na kailangang isagawa o ganapin.