1. EDITORIAL
Sa pagkakaalam nating lahat ang isang batang mamayang katulad ko na nag aaral pa ay
mai kakayahan nang mag desisyon kung anong tama o mali ,pero hindi lahat ng mga bagay
bagay dito sa ating bansa ay alam ng isang batang mamamayan kung bakit ito’y nangyayari.
Kaya biling mag-aaral ay dapat nating unawain ang ekonomiks hindi lamang para maka pasa sa
marka kundi para mahubog natin ang ating mga sarili biling isang mabuting mamamayan sa
kinabukasan.
Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga
pangangailangan at walang katapusang luho ng tao,kung paano maaaring maimpluwensyiyahan
ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya , produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa at
lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo kaya sa madaling salita ang ekonomiks ang
nakakasagot sa lahat ng aking tanong kung paano nabubuhay ang isang tao sa lipunan. Hindi
natin maipagkakaila na marami tayong tanong katulad ng bakit maraming tao ang naghihirap ,
kung bakit kailangang mag tipid, kung mag kano ang tax ng ating mga magulang , kung papaano
mag widraw at deposite sa bangko, kung paano kumikita ang isang negosyante at kung paano
maging isang matalinong mamimili. Lahat ng mga tanong at nakakagulo sa isipan mo ukol sa
ating lipunan at papaano gumagana ang ating ekonomiya ay maibabahagi lamang ng pag aaral
ng ekonomiks.Kagaya ko, sa aking pag-aaral ng ekonomiks ay may apat na aral akong natutunan
na talagang mababaon ko sa pag laki at magagamit ko bilang isang reponsableng mamamayan.
Una natututo akong maging isang responsableng mamimili o mabuting prodyuser ,napag-
iisipan ko kung paano gagamitin ng maayos ang salapi at natututunan ko ang kahalagahan ng
pagbabadyet. Ikalawa nauunawaan kuna ang mga pangyayari na naganap at nagaganap na
nakaiimpluwensiya sa ating pamumuhay at ng buong bansa. Pangatlo natutunan kong
makagawa ng isang matalinong desisyon upang matulungan ko ang aking mga magulang sa
suliraning may kinalaman sa aming kabuhayan. At pang huli ay kung papaano maging isang
mahusay na botante sa kinabukasan dahil alam natin na ang mga leader na ating ibinuboto ay
siyang mamamahala sa pagpapatakbo ng ekonomiya kaya kailangan ng isang tapat at
responsableng leader.
Alam kung sa pag-aaral ko ng ekonomiks ay maraming aral tong naibahagi saakin kaya
sigurado ako na kung kayo ay mag aaral ng ekonomiks ay marami kayong matututunan. Hindi
lamang sa ating lipunan kundi nakatutulong bilang isang mabuti, maayos at responsableng
mamamayan ng ating bansa.