1. PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa
pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at
sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang
sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang
Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pag- unlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na
ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang
Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag
ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang
panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na
katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano
nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga
Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang
Pamumuhay sa Asya 96
Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Aralin 2 Mga
Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang
Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag
ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang Pinagbatayan sa Pagbuo ng Imperyo Sinaunang
Pamumuhay 1. Konsepto ng Tradisyon,Pilosopiya at Relihiyon 2. Mahahalagang Pangyayari
mula sa Sinaunang Kabihasnan hanggang sa Ika-16 na siglo a.Pamahalaan e. Edukasyon
b.Kabuhayan f. Paniniwala c.Teknolohiya g. Pagpapahalaga d. Lipunan h. Sining at kultura 3.
Impluwensya ng mga Paniniwala,Pananaw at Tradisyon 4. Bahaging ginampanan ng mga
kababaihan sa ibat ibang uri ng pamumuhay GRAPIKONG PANTULONG SA GAWAIN 97
MGA INAASAHANG KAKAYAHAN Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa modyul na
ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang mga sumusunod 1. Mabibigyang kahulugan ang
mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa paksa 2. Makapagsuri ng mga talahanayan,
larawan at mapa at mga babasahin na magpapaliwanag ng paksa. 3. Makabubuo ng mga
konklusyon hinggil sa kalagayan,pamumuhay at debelopment ng sinaunang pamayanan. 4.
Makilahok sa kinabibilangang pangkat sa pagtupad ng iba't ibang mga gawaing pampagkatuto. 5.
Makapagsulat ng iyong repleksiyon o realisasyon tungkol sa naging pag-unlad ng pamayanan
patungo sa pagtatatag ng mga imperyo. 6. Mapapahalagahan ang mga naging ambag /
kontribusyon ng kabihasnan sa lipunan. 7. Mapapahalagahan ang naging papel ng mga
kababaihan sa Asya. ARALING PANLIPUNAN 8 Araling Asyano 1 PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN ( Grade Level Standard) Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at
pagpapahalaga sa rehiyong Asya sa mayamang katangian at kakayahan ng heograpiya,
kasaysayan, kultura, lipunan nito at sa ibat-ibang larangan ng buhay Asyano ( pampulitika, pang-ekonomiya,
pampamahalaan, at uganayan sa pagitan ng rehiyon ) mula sa sinaunang kabihasnan
patungo sa mga kasalukuyang lipunan at bansa tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. 2.
Pamantayang Pangnilalaman: ( Content Standard) Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa mga kaisipang Asyano,pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. 3. Pamantayan sa Pagganap:
(Performance Standard) Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang
Asyano,pilosopiya at relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya
sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano. 98
2. PAUNANG PAGTATAYA Subukin mo ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga paunang
pagsusulit/pagtataya na magtatakda kung ano ang iyong alam sa mga aralin. Basahing mabuti at
unawain ang bawat pahayag. Bigyan pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan
upang mabigyang linaw at malaman ang mga tamang kasagutan sa mga aralin na itatakda sa
modyul na ito. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusa. Piliin ang titik ng tamang
sagot. 1. A. B. C. D. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng ta Pamumuhay na pinaunlad
ng tao gamit ang bagong teknolohiy Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at
lamba Pamumuhay na nabago ng kapaligiran 2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan A. Sa
pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining ,arkitektura at
sistema ng pagsula B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran D. Kapag nagkaroon ng
paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan 3. Alin sa mga sumusunod na
impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda at pinakaunang
kabihasnan sa daigdig? A. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na
nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig. B. Dahil nakapagtatag ito ng mga
pamayanan at imperyo C. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political D. Dahil sila
ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent 4. Ano ang
pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pan daigdig? A. Sistema ng
pagsulat na tinawag na cuneiform B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel C. Mga seda at
porcelana D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system 5. Ano ang tawag sa templong
dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o
diyosa? A. Great Wall of China B. Taj Mahal C. Ziggurat D. Hanging Garden 99
PAUNANG PAGTATAYA 7. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na
isang organisado at planadong lipunan A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng
kabihasna B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng
kabahayan na may sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa C. Dahil hindi nagkaroon ng
anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong
nahukay sa lugar na ito 8. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin
ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer? A. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo
para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan B. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang
Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyo C. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay
nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao D. Dahil
ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon. 9. Anong
mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi
sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad? A.
Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag
panahon ng pag -ulan B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog C. Nagtatago sila at
bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim
ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang
pamayanan. 10. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang
lider ng bansa sa Asya? A.Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon
ng kanilang pamumuno. B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa
kanilang bansa. C. Pinataas nila ang kita ng bansang kanilang pinamunuan D. Binigyan ng
pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa kanilang bansa. 11. Paano
isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa Tsina bilang bahagi ng kanilang kultura? A.
3. Ang mga batang babae sa murang edad ay tinatanggalan na ng kuko at binabali ang buto ng
daliri at lalagyan ng bondage at ibabalot sa bakal o metal ang paa upang hindi ito humaba pa. B.
Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal sa paa. C. Sa murang edad ay binalot
na ng bakal ang paa at hindi pinalalabas ng bahay. D. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng
bakal sa paa. 100
PAUNANG PAGTATAYA 11. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang kultura
ng India noong sinaunang panahon? A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang
tanda ng pagmamahal B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang
lalak C. Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog D. agpapakamatay para
kasama o kasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay. 12. Isa sa apat na Noble ng
katotohanan ng Budhismo ay nagsasaad na "Buhay ay nangangahulugan na puno ng paghihirap".
Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag A. Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa
buha B. Kahit pa magsumikap ang tao ay makararanas pa rin siya ng paghihira C. Pang
habangbuhay ang paghihirap ng tao D. Bahagi na ng buhay ng tao ang paghihirap at
pagpapakasakit 13. Ang Tsina ay nagkaroon ng tinatawag na Apat na Dakilang Dinastiya? Bakit
tinawag itong dakilang dinastiya A. Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahong ito. B.
Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan at nagapi nila C. agkaroon ng pag-unlad ang Tsina sa
panahong ito sa ibat-ibang laranga D. Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya
14. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang
makabagong kultura at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura
mahihirapan itong panatilihin ng tao. Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag? A. Ibagay
ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipuna B. Isabuhay at ibahagi ang mga
magagandang kultura at tradisyon ng bans C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at
pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng bansa D. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng
bansa. 15. Matatapos ang inyong talakayan sa aralin tungkol sa relihiyon,Naatasan ka ng iyong
guro na mamuno sa paglikha ng presentasyon sa ibat-ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin
mong pamantayan sa pagbuo ng nilalaman ng presentasyon? A. Kasaysayan ng relihiyon,sino
nagtatag,saan natatag B. Kasaysayan ng relihiyon at mahahalagang aral nito C. Kasaysayan ng
relihiyon,sino ang nagtatag at ang impluwensiya nito sa bansa D. Kasaysayan ng relihiyon,mga
mahahalagang aral,impluwensiya sa bansa at kalagayan nito sa kasalukuyang panahon 101
PAUNANG PAGTATAYA 16. Kakatawanin mo ang inyong paaralan para sa isang
paligsahan ng debate tungkol sa pilosopiya at misyon ng bawat paaralan sa inyong dibisyon.
Anong paghahanda ang gagawin mo bago ang paligsahan? A. Magbasa at magsaliksik tungkol sa
magiging punto ng debate B. Magsaliksik at maghandang humarap sa karamiha C. Gumawa ng
outline ng isyu at magsaliksik at paghandaan ang mga posibleng magiging punto ng debate D.
Magbasa, manood ng balita at maghanda 17. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong
paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa kahalagahan ng mga kontribusyon
Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at Makita ng lahat ang mga nasabing kontribusyo n?
A. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay B. Collage making contes C. Open house
exhibi D. Quiz contest 18. Naatasan ka ng inyong guro na kumatawan sa pagpupulong sa inyong
paaralan na ang punto ng pag uusapan ay tungkol sa karapatan ng mga minority group.
Naipangako mo sa inyong klase na poprotektahan mo ang ilang kaklase na nabibilang sa
ganitong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong ihanda bago ka humarap sa
pagpupulong? A. Case study B. Resolusyon C. Report ng mga insidenteng may kinalaman sa
minority group sa paaralan D. Petisyon 19. Si Trisha ay napili ng dibisyon para kumatawan sa
gagawing Youth Meeting sa Singapore na dadaluhan ng piling mag-aaral ng ibat -ibang bansa sa
4. Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa problemang kinakaharap ng mga kabataan sa
Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang ihanda at isalang-alang? A. Datos na
naglalaman ng mga suliranin ng kabataang Pilipino B. Mga sanaysay na naglalaman ng
maraming kalutasan sa problema ng kabataang Pilipino C. Progress Report Chart ng bansa D.
Datos na naglalaman ng suliranin at datos na naglalaman kung paano ito nalutas ng bansa. 20. Sa
paanong paraan mo ipepresenta ang kultura,tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang
pagpupulong kung ikaw ay naatasan na kinatawan sa kabila ng ibat-ibang balita na nagbibigay
ng masamang impresyon sa ating bansa? A. Powerpoint presentation ng mga magaganda at
itinatanging kultura ng bansa B. Paghahanda at pagbasa ng ng progress report tungkol dito C.
Video presentation ng mga ipinagmamalaking kultura,tradisyon at mga taong nagpapahalaga dito
D. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi tanging tanawin at kultura ng bansa. 102
ais mo bang malaman ang tungkol sa pagsibol at pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Asya?
Sa bahaging ito ng aralin ay sisikapin nating tuklasin ang mga konsepto at kahulugan ng
kabihasnan at kung paano ito sumibol, umunlad at nagpatuloy sa kasalukuyang panahon. Lil-inangin
ang dating mga kaalaman,at pag-unawa. Magsasagawa ng mga kasanayan para sa pag-tuklas
ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pagusbong ng kabihasnan sa Asya. Marahil ay
handa ka na para sa pagtupad at pagsasagawa ng mga gawain. Kaya halina Gawain 1: Halina't
Tuklasin! Tunghayan ang ilustrasyon sa ibaba. Makikita mo ang salitang kabihasnan at sibilisas-yon.
Magbigay ka ng iyong ideya o kaalaman tungkol sa salitang nabanggit base sa iyong saril-ing
pananaw at pag-unawa. Isulat mo ito sa pamamagitan ng pangungusap na makikita sa ib-aba.
Matapos mong masagutan ay ilahad mo at ibahagi sa mga kamag-aral upang ang lahat ay
makabuo ng konsepto at kahulugan. Ano nga ba ang ka- hulugan ng kabihasnan at sibilisasyon?
103
Maaari mo ring gamitin ang diagram para sa pagbibigay mo ng kahulugan ng mga salitang
kabihasnan at sibilisasyon. Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa mga naisulat mong konsepto, ano
ang maipapakahulugan mo sa salitang kabihasnan at sibilisasyon? Ang kabihasnan ay
______________________________________________________________________. Ang
sibilisasyon ay
_______________________________________________________________________. 2.
Mayroon kaya silang mga pagkakaiba? Anu-ano ang mga ito? Gawain 2: Larawan-Suri
Tunghayan ang mga bagay na nasa larawan. Suriin mo at bigyan kahulugan kung ano ano ang
mga ito. Bigyan mo ng kahulugan at kung ano ang naging halaga nito sa Sinaunang Asyano.
Matapos mong masuri ay sagutin mo ang mga katanungan na nasa ibaba 104
Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga bagay na nasa larawan? 2. Ano ang
kaugnayan ng mga larawan sa sinaunang kabihasnan? 3. Bakit kaya kinailangan ng mga
sinaunang tao ang mga bagay na ito? 4. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong
sinaunang panahon? Gawain 3: Suriin Natin Nais mo bang marating ang mga ilog at lambak na
ito? Subalit bago mo marating ang mga lugar na ito ay dapat mong malaman ang mga kwento at
kasaysayan tungkol sa mga ilog at lambak na makikita. Surin mo ang mga larawan at alamin
kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat isa.Saan kaya matatagpuan ang mga ito?
Ano kaya ang kinalaman ng mga ilog at lambak sa pag - usbong at pag-unlad ng kabihasnan at
sibilisasyon? Tigris—Euprates Huang—Ho Indus Valley River 105
Pamprosesong Tanong: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang
ipinakikita ng mga larawan? 2. Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawan sa mga sinaunang
kabihasnang nabuo o umusbong sa Asya? 3. Ano ano ang mga salik o batayan sa pagbuo ng
kabihasnan? 4. Paano umusbong ang mga kabihasnan at sibilisasyon sa mga ilog at lambak sa
5. Asya? 4. Paano nakaimpluwensya ang sinaunang kabihasnan sa pagbuo at pag-unlad ng mga
pamayanan at estado? Gawain 4: Bahagdan ng Aking Pag Unlad Matapos mong matukoy at
mabuo ang mga konsepto at kahulugan ng kabihasnan pati na ang mahahalagang lugar sa Asya
ay marahil nais mo nang malaman kung bakit naging mahalaga ang mga ito noong sinaunang
panahon. Subalit bago tayo magpatuloy sa pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin
ang itinakdang gawain na nasa ibaba. Panuto: Sagutan ang unang kahon na Ang aking Alam at
ang ikalawang kahon Nais malaman. Samantala,ang ikatlong kahon Mga Natutuhan ay
mapupuna na may takip at kalakip na tandang pananong dahil masasagutan mo lamang ito kapag
natapos mo na ang pag aaral sa paksa kaya't ito ay muli mong babalikan BINABATI KITA!
Matapos matimbang at masuri ang iyong kaalaman tungkol sa mga konsepto ng kabihasnan at
sibilisasyon ay marahil nais mo pang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol dito, at
maraming katanungan ang nabuo sa iyong isipan at sarili na nais mong masagot at matuklasan.
Ang mga katanungang nabuo sa iyong isipan ay masasagot na sa susunod na bahagi ng modyul
na ito sa pamamagitan ng ibat ibang gawain na may kaugnayan sa aralin. Surin mo rin kung ang
dating kaalaman ay tutugma sa bagong kaalaman na matutuklasan mo at matututuhan. 106
a bahaging ito ay inaasahan na malilinang at matututuhan mo ang mga bagong kaalaman kung
paano nagsimula at umunlad ang Sinaunang Kabihasnan sa Asya. Maaring balikan ang mga
katanungan sa unang bahagi upang masagot ito matapos ang pag-aaral sa bahaging ito ng
modyul. Inaasahan din na maitatama na kung mayroong mali o di katanggap tanggap na mga pag
unawa sa pagtalakay sa paksa. Gawain 5: Basa-Suri-Unawa Basahin, suriin at unawain mo ang
nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at sibi- lisasyon. Matapos mong mabasa ay sagutan
ang mga gawain na itinakda para sa bahaging ito. Sinasabing ang sibilisasyon at kabihasnan ay
umiiral kapag ang tao ay marunong nang bumasa at sumulat pati na ang kakayahan at talino sa
pagtatala ng kasay- sayan ng kanilang pamumuhay. Nakakamit ito dahil sa pag-unlad ng
kanilang pagkatao. Ang sama-samang kakayahan ang pinanggalingan ng sibilisasyon. Bi- nubuo
ito ng kaugalian,organisadong lipunan,mataas na antas ng teknolo- hiya,kakayahan sa mga
gawaing panlipunan, sining at agrikultura pati na ang reli- hiyon.Lahat ng ito ay umiral sa Asya
dahil sa sunod sunod at magkakaugnay na pangyayari. 107
Gawain 6: Venn Diagram Matapos mabasa at masuri ang tungkol sa sibilisasyon at kabihasnan
at sa tulong ng mga lara- wan ay sagutan mo ang mga gawain upang matukoy ang kahulugan ng
paksa gamit ang venn diagram Sa bilang na 1at 2- ibigay ang katangian ng kabihasnan at
sibilisasyon Sa bilang na 3 - ibigay ang pagkakatulad ng dalawa. 1 2 3 Ngayon naman ay isulat
mo sa bawat kahon sa susunod na pahina ang mga salik at batayan sa pag- buo ng Pamprosesong
Tanong: 1. Ano ano ang mga katangian ng kabihasnan? 2. Balik mahalaga ang mga salik o
batayan sa pagbuo ng kabihasnan? 3. Kung mawala ang isang salik o batayan, masasabi mo pa
bang isang kabihasnan o sibilisasyon ang mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang sagot. 108
Isa-isahin mong buuin at isalaysay ang mga pangyayari at pagbabagong naganap sa bawat
pana- hon, kapaligiran at mga tao na naging dahilan ng pag usbong ng kabihasnan. Isulat mo ito
sa ladder web upang makita ang naging pag-unlad mula sa panahong paleolitiko hanggang
panahong metal. Ano nga ba ang nangyari o pagbabago sa paglipas ng panahon? Masasabing
parasitiko sa kapaligi- ran ang mga tao noong panahong Paleolitiko,umaasa lamang sila sa kung
anong biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang araw araw
na pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito. Nomadiko ang ganitong
pamumuhay.Kahit ganito pa man ang kanilang sis- tema nalinang ang kasanayan nila sa paggawa
ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato at kalaunan ay nagamit sa pangangaso.
Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkakatuklas ng apoy.Nagpatuloy ang pagbabago dahil
6. sa pag agapay sa pagbabago ng kapaligiran.Natutong mag paamo ng hayop ,gumawa ng mga
damit na galing sa mga balat ng hayop bilang proteksyon sa kanilang katawan, naganap ito sa
pana- hong mesolitiko na naging transisyon sa panahong neolitiko. Kakaiba ang nangyari
nooong panahong neo- litiko kung saan natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga
tao. Malawakan ang naging pag- tatanim kaya tinawag itong Rebolusyong Neolithic. Naging
dahilan ito ng mga tao para manatili sa isang lugar upang mabantayan ang mga pananim at
alagang hayop. Dito nagsimulang mabuo ang pamaya- nan.Nagkaroon ng kakayahan ang mga
tao sa ibat ibang kasanayan o aspeto ng pamumuhay at nagkaroon ng pag-uuri sa
lipunan.Nagsimula ang ibat ibang hanapbuhay ng tao at nabuo ang pundasyon ng isang
kabihasnan.Bunsod ng patuloy na pagbabago sa lipunan, nabuo ang panahong Metal kung saan
ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay napalitan ng tanso.
Ngunit dahil sa salat sa mapagkukunan ng tanso napalitan naman ito ng bakal na siyang
ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan na nagpapalawak ng pamumuhay. Gamit na yari sa
bato Gamit sa Pagsasaka Gamit na yari sa metal 109
Pamprosesong Tanong: 1. Ano anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon? 2. Paano
binago ng kapaligiran ang pamumuhay ng mga Unang Asyano? 3. Paano sumabay sa
pagbabagong ito ang mga sinaunang Asyano upang makapamuhay ng maayos? Ipaliwanag ang
sagot. 4. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya sa pagbuo ng kabihasnan?
Ipaliwanag ang sagot. Gawain 8 : Mapa-Tukoy Suriin mo ang mapa at tukuyin kung anong mga
kabihasnan ang umusbong at umunlad dito. Sa iyong pagsusuri ay unawain mo ang mga naging
dahilan ng Unang Asyano sa pananatili nila dito. Matapos ang gawain ay sagutan mo ang mga
tanong sa ibaba na magpapalawak ng iyong kaala- man tungkol sa sinaunang
kabihasnan.Maaring gamitin ang legend upang mas madali ang iyong gagawing pagtukoy sa mga
lugar. Sa mga ilog, lambak nagsimula ang mga kauna- una han g k abi has n an ng Asya. Mga
lupaing naaangkop sa pagsasaka upang makapagtanim at m aging perm anenteng panirahan. Sa
Mesopota- mia na nasa pagitan ng Tigris at Eu- Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang katangian ng
mga lugar kung saan unang umusbong ang mga kabihasnan sa Asya? prates,namuhay ang mga
Sumerians,Huang Ho na nasa China umunlad ang pamayanang Shang at sa mga baybayin ng
Ilog In- dus nagsimulang bumuo ng perrmanenteng panira- han ang mga Indus. Nalinang ang
mga ka- sanayan sa ibat ibang la- rangan na nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Sa mga ilog na
ito hinarap ng mga sinaunang tao ang ham on n g k alik asan upang mabuhay. 2. Bakit umusbong
ang mga sinaunang kabihasnan sa mga ilog at lambak sa Asya? 3. Ano anong kabihasnan ang
umusbong sa mga lugar ng Mesopotamia,Indus Valley at China? 110
Gawain 8: Kabihasnan—Ano Ka? Matapos mong matutuhan ang mga lugar na naging
panirahan ng Unang Asyano ay tuk- lasin mo naman ang naging kasaysayan at katayuan ng mga
kabihasnang itinatag o nabuo ng mga Unang Asyano. Pagkatapos maari mong sagutin ang mga
katanungan na magbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman. Ang Kabihasnang Sumer Ang
Mesopotamia ang kinilala bilang "cradle of civilization' dahil dito umusbong ang unang
sibilisadong lipunan ng tao .Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na
Fertile Crescent,(Iraq) isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng ibat ibang grupo ng tao
mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Sa lugar na ito
matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang kabihasnan. Noong
panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa Israel at Catal Huyuk sa Anatolia at mga
kalat- kalat na pamayanan sa Zagros. Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na naging
sentro ng kabihasnang Mesopotamia. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur,
Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo
7. sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos na
nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong
petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari. Sa pag-unlad na ito sa sining natala ang mga
mito,mahahalagang tradisyon,epiko na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay
nito ang Epiko ng Gilgamesh. Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod- estado na
malaya at nagsasarili, subalit hindi naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway. Sinamantala ng ibang
lungsod tulad ng Akkadian ang mga pangyayaring ito at nasakop ang mga Sumerian sa
pamumuno ni Sargon na nagtatag ng pinakaunang imperyo sa kasaysayan. Marahil naging
masaklap din ang pagwawakas ng mga Akkadian dahil sa pagsakop ng Babylon na gumamit ng
kaguluhan at digmaan sa pagsakop na pinamunuan ni Hammurabi na nagpatupad ng mga batas
na hango sa "Code of Hammurabi". Matapos ang mga Babylon sunod sunod na ang mga
nanakop dito, ang mga Hittite na kilala sa imperyong gumagamit ng kasangkapang bakal na
pandigma, ang mga Chaldean at mga Assyrian na kilala bilang matatapang na mandirigma.
Ziggurat Cuneiform Clay Tablet 111
Ang Kabihasnang Indus S a T i m o g A s ya makikta ang lambak-ilog ng Indus at Ganges.
Tulad din ng Ilog Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taun taon dahil sa pagkatunaw ng yelo
sa Himalayas na nag iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agrikultural nito. Bago pa
man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang natatag noong panahon ng
Neolitiko. Ito ang pamayanang Mhergah na nasa kanluran ng Ilog Indus. Masasabing sedentaryo
at agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. May dalawang
importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at Mohenjo-
Daro.(www.youtube.com/watch? v=RAyKZAXTAea Mohenjo Darro and Harrapa). Pinalagay
na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat sa likas na yaman ang Indus tulad
ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian
natuto rin silang makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf. Dahil sa
istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado sa
sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at
organisado at sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian. Mahiwaga ang kabihasnang Indus
dahil maraming katanungan ang hindi masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi
maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus na pictogram; May mga
artefact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig maglibang at maglaro ang mga
Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng
digmaan . Hindi rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na
maaring may matinding kalamidad na nangyari dito. Harrapa Mojenjo-Daro Unicorn Seal of
Harrapa Mojenjo-Daro Pot 112
Kabihasnang Shang Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag
ding Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na
lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing a g r ik u lt u r a l n a m a l a p it d it o . An g taunang
pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng
mga dike. May mga pam a yanan g s um ilang dito) . Pagtatanim ang pangunahing gawain sa
panahong ito. Ang Longshan ay naging tr ans is yon t ungo s a Kabihasnang Shang. May mga
hinalang naunang dinastiya na natatag dito ang Xia o Hsia subalit wala itong basehan o
ebidensyang arkeolohikal. Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino.
8. Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino. Ginamit
na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bones. Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga
mahihinang hari ay bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya.
Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga
sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw
nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo. Calligraphy Oracle Bones Ruins
of Ancient Shang Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat
kabihasnan? Saang aspeto sila nagkakatulad? 2. Paano nalutas ng bawat kabihasnan ang mga
hamon ng kalikasan? 3. Bakit itinuring na mahiwaga ang kabihasnang umusbong sa Indus?
Paano ito naglaho? Ipaliwanag ang iyong sagot. 4. Bakit napakahalaga ng ilog Huang Ho sa
kabihasnang Shang? Paano nagwakas ang kabihasnang ito? 113
Gawain 10: Likumin ang Datos Ngayong nalaman mo na ang lahat ng impormasyon sa mga
Sinaunang Kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sagot ang talahanayan ng mga natutuhan mo
mula sa pagtalakay sa paksa. Sikapin na maisulat ang lahat. Mga Kabihasnan Lugar na
Pinagmulan Mga Katangian Mahalagang Ambag/kontribusyon Sumer Indus Shang
Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ang iyong
lubusang hinangaan? Bakit? 2. Paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga
kabihasnan na nakatulong ng malaki sa kasalukuyang panahon? 3. Bakit pinanatili ng mga Tsino
ang ambag na sistema ng pagsulat ng kanilang kabihasnan ? Ano ang naging malaking tulong
nito sa kanila hanggang sa ngayon? 4.Sa iyong palagay may epekto kaya ang mga katangian ng
mga unang kabihasnan sa katangian ngayon ng mga estado at imperyo sa Asya? Ipaliwanag ang
sagot. Gawain 11: Magtala Tayo Sa paglipas ng panahon ay nagpatuloy ang pag-unlad ng mga
kabihasnan mula sa payak na pamumuhay patungo sa pagtatatag ng mga bagong estado at
imperyo sa Asya. Sa gawaing ito ay alamin mo at itala ang mga Kaisipang Asyano na naging
batayan o pundasyon sa pag- buo ng mga pamayanan,estado at imperyo sa Asya. Itala ito sa
ilustrasyon sa ibabang bahagi. Basahin at unawain ang tungkol sa kaisipang Asyano na umiral sa
Asya. 114
Panuto para sa gawain: (Indibidwal ) Tingnan ang tsart sa susunod na pahina at isulat ang
hinihingi sa mga sumusunod: 1. Kaisipang Asyano - sa unang mga kahon sa banding itaas. 2.
Mga rehiyon,bansa kung saan ito nagmula - sa bawat bilog 3. Mga paniniwala kaugnay ng mga
kaisipang Asyano - ikatlong bahagi ng mga kahon 4. Ang impluwensya nito sa pagbuo at pag-unlad
ng mga estado at imperyo pati na sa buhay ng mga Asyano - sa ikaapat at huling kahon.
Matapos ang gawain ay ilahad ito sa klase para sa talakayan. Para sa pangkatang gawain; 1.
Suriin ang mga Kaisipang Asyano na nabasa ninyo. 2. Isa-isahing alamin at ipaliwanag ang mga
kaisipang Asyano batay sa mga estratehiya na gagawin at napagkasunduan ng grupo.
Halimbawa: Unang Pangkat : Maglalahad at magpapaliwanag sa pamamagitan ng kwento
Ikalawa Pangkat: Sa pamamagitan ng role play Ikatlong Pangkat : Sa pamamagitan ng mga
paglikha ng drawing batay sa pagkaunawa sa mga kwento. 115
Pamprosesong Tanong: 1. Paano nakaapekto ang mga kaisipang Asyano sa pagbuo ng mga
imperyo sa Asya? 2. Ang mga kaisipang Asyano ba ay may malaki ring epekto sa naging pag-
Uugali ng mga Asyano sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ang sagot. 3.
Paano nakatulong ang mga kaisipang ito sa pag-unlad ng mga estado sa kasalukuyang panahon?
4. Alin sa mga kaisipang Asyano ang sa tingin mo at pananaw ay nananatili pa hanggang sa
kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag. 116
Gawain 12: Feedback Tools! Bigyan ang bawat mag-aaral ng "feedback tool face"
(naglalarawan ng nararamda man).Matapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at
9. kaalaman sa naging aralin ay dito malalaman mo kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral
tungkol sa mga kabi- hasnan nagsimula sa Asya. Ipaskil sa pisara ang bawat pahayag na
isa-isahing babasahin ng mag-aaral at dito ay ididikit nila ang tool face base sa kanilang naging
pagsusuri at pag-unawa. Maaring itala ng guro ang resulta upang malaman kung babalik o
magpapatuloy sa susunod na gawain. Mga Pahayag/Kaalaman 1. Dahil sa pagbabago ng
kapaligiran natutong magtanim ang mga Unang Asyano at nanatili sa isang lugar upang linangin
ang mga lupain 2.Kapag nakontrol na ng tao ang likas na yaman masasabing sibilisado na ang
tao at magkakaroon ng kabihasnan. 3.Nagsimula ang kabihasnan sa mga ilog at lambak sa Asya.
4.Maituturing na malaking ambag ng kabihasnan ang sistema ng pagsulat sa China. 5.May mga
kaisipang Asyano ang nananatili sa kasalukuyan lalo na sa Si- langang Asya. Naunawaan Hindi
Naunawaan Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang lahat ng gawain, sa puntong ito ay
nagtatapos na ang bahagi ng Paglinang. Ngayong nalaman mo na at naunawaan kung paano
sumibol/ umusbong at umunlad ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay maari ka nang
tumungo sa susunod na bahagi ng modyul upang mas higit na mabigyan ng malalim at malawak
na pag unawa ang mga bagay at kaala- man tungkol sa paksa. 117
a bahaging ito ng modyul ay palalawakin at pagtitibayin ang nabuong pag-unawa at pag-susuri
tungkol sa Sinaunang Kabihasnan sa Asya at ang mga naging pag-unlad nito patungo sa
kasalukuyang panahon.Mas malalim na pagtalakay sa kahalagahan ng kabihasnan upang
maihanda ang iyong sarili sa paglalapat ng lahat ng natutuhan. Gawain 13: Talasaysayan Sa
gawaing ito ay mararanasan mo at mararamdaman kung ano ang naging buhay ng mga tao noong
sinaunang panahon sa pamamagitan pagsulat ng kasaysayan. Panuto: A. Isipin mo na isa kang
scribe o tagatala ng mga mahahalagang pangyayari o kaganapan noong unang panahon.Matapos
mong maitala o maisulat ang lahat ng mahalagang impormasyon ay sagutin mo ang mga
katanungan. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang mga
gawain? 2. Mahalaga ba ang papel na ginampanan ng mga scribe sa Sinaunang Kabihasnan
Sumer? Sa kasalukuyang panahon kaya, mahalaga pa ba sila? 3. Kung wala ang mga scribe, ano
kaya ang nangyari sa sinaunang kabihasnan? 4. Ano ang pagkakaiba ng paraan ng pagsulat noon
at ngayon? Ihambing sa Pilipinas o sa ibang bansa sa Asya na nais mo. B. Maituturing na isa sa
pinakamahalagang ambag ng kabihasnan ang Epiko ng Gilgamesh. Maari mo itong panoorin
(www.youtube.com/watch?v=oSZg5DTW7Hw The Epic of Gilgamesh-An Animation) upang
mapagyaman mo ang iyong kaalaman at mapahalagahan ang mga iniwang pamana ng Unang
Asyano.Suriin mo ang nilalaman nito at ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang
kabihasnan. Gumawa ng isang reaction paper tungkol sa napanood na epiko. Ang iyong
magiging grado ay batay sa iyong malalim na pagkaunawa,paglalahad ng datos,kaalaman sa
naganap na pangyayari at pag-uugnay ng mga pangyayari sa mga kaisipang Asyano. 119
Pamantayan Natatangi Mahusay Medyo Hindi Mahusay (4) (3) Mahusay(2) (1) Naunawaan
ang ka- buuang mensahe ng paksa Nailahad ang mataas na antas ng pagsusuri sa pamamagitan
ng maayos na paglalahad ng datos. Kaalaman sa panahon kung kalian naganap ang pangyayari.
Maayos na naiugnay ang mga kaalaman sa paksa. Kabuuang Marka Gawain 14: Quiet Time
Bigyan mo ang sarili ng pagkakataon na makapag-isip at makapagsulat ng isang replek- syon
essay at reyalisasyon tungkol sa mga paksang napag-aralan o natutuhan mula sa mga ga- wain at
kaalamang naunawaan sa Sinaunang Kabihasnang Asyano hanggang sa naging pag- unlad nito sa
kasalukuyang panahon. Maaring isulat ang repleksyon essay mo sa isang buong papel o kaya
naman ay sa iyong reflection journal. Maglagay ng ilang datos sa mga patlang sa ibaba bilang
iyong panimulang balangkas: ________________________________________________
________________________________________________
10. ________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________ Binabati kita! Mahusay mong
naisagawa at nagampanan ang mga Gawain sa bahagi ng pagpapalalim sa modyul na ito.
Ngayong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga impluwen- sya ng Sinaunang Kabihasnan
sa pagbuo at pag-unlad ng mga pamayanan at estado ay maaari ka ng tumungo sa mga gawain sa
huling bahagi ng mo- dyul upang mailapat ang lahat ng yong natutuhan. 120
a bahaging ito ay isasagawa mo ang mga nararapat na pagganap bilang patunay na naunawaan
mo ang kabuuan ng aralin o paksa. Gawain 15: Portfolio Ngayon ay maaari mo nang balikan ang
unang Gawain 1 (Ang Aking Natutunan ) upang maitala ang lahat ng bagay at impormasyon na
iyong natutuhan. Ilagay o isulat sa isang buong papel at ipunin sa inyong Portfolio. Ang Aking
Natutunan Gawain 16: Story Board Ko—Like Mo Ba? Sa mga natutuhan mo, nalikom na
impormasyon mula sa pag-aaral ng paksa ay pag- yamin mo ito sa pamamagitan ng paglikha ng
isang presentasyon ( Story Board ) na magpa- paliwanag at magpapakita ng naging pag usbong
at pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnang Asyano sa pamamagitan ng mga larawan na iyong
lilikhain. Basahin ang panuto para sa ga- wain mo. 1. Gumawa ng isang presentasyon sa
pamamagitan ng sarili mong paglikha (drawing) na maglalarawan ng pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnan. 2. Gamitin ang iyong pagiging malikhain sa pagpapaliwanag ng mga mahahalagang
datos o impormas- yon. 3. Kapag natapos mo na ang paglikha ay maari mo itong ipost sa
facebook upang makita ng ibang kamag-aral upang makalikom ka ng pag -sangayon nila. 4.
Kung hindi naman maipopost sa facebook ay maari mo itong ipakita sa klase at ilahad ang mga
paliwanag mo tungkol sa nabuo mong proyekto.Ang magiging grado mo ay ibabatay sa mga
pamanta- yan tulad ng nilalaman,pagkamalikhain,presentasyon at kaangkupan ng impormasyon.
121
Indikador Natatangi Mahusay Medyo Ma- Hindi Mahusay Marka husay (1) (4) (3) (2)
Naipaliwanag at nai- Naipakita ang Hindi gaanong Hindi naipakita Nilalaman pakita ang lahat
ng lahat na dapat nakita ang da- at naipaliwanag dapat tunguhin ng lamanin ng pat lamanin ng
ang mga dapat proyekto. proyekto ngunit proyekto at lamanin ng kulang sa pali- dapat na pali-proyekto
wanag. wanag Pagkamalikhain Ang likha ay orihinal. Ang likha ay Ang likha ay Ang
likha ay original subalit hindi orihinal at hindi orihinal at kulang sa kaa- kulang sa kaa- walang
tungu- yusan. yusan. hin. Presentasyon Naging Maayos ang Hindi naging Hindi
maayos,maliwanag presentasyon maayos ang naunawaan at mahalaga ang ka- subalit kulang
presentasyon ang dapat tun- buuang presen- sa mahaha- at kulang ang guhin ng pre- tasyon.
lagang datos mga datos. sentasyon. Kaangkupan ng Malinaw at angkop Malinaw ang Hindi
malinaw Hindi Impormasyon sa paksa ang pre- mga impormas- ang mga im- naunawaan
sentasyon. yon subalit ku- pormasyon at ang mga impor- lang sa walang masyon na nais
kaangkupan. kaangkupan. ipahiwatig. 122
Calligraphy Cuneiform Divine Origin Kabihasnan Scribe Sibilisasyon Sinocentrism Pictogram
Ziggurat Sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Sistema ng pagsulat na imbensiyon ng mga
Sumerian Paniniwala ng mga Hapones sa kabanalan at buhay na simbolo ng panginoon sa
kanilang mga hari. Pamumuhay na kinagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Mga
tagatala ng pangyayari at kasaysayan sa panahon ng Sinaunang kabihasnan. Masalimuot na
11. pamumuhay sa mga lungsod. Ang pananaw ng mga tsino na sila ang superiyor sa lahat. Sistema
ng pagsulat ng Kabihasnang Indus. Templo ng mga sinaunang Mesopotamia tulad ng Sumerian
na pinan- iniwalang panirahan ng mga diyos. 123
Mga Mungkahing Babasahin: Grace Estela Mateo.et al., Asya Pag-Usbong ng Kabihasnan Ma.
Carmelita B. Samson.et.al., Pana-Panahon Michael D. Pante et.al.Kasaysayan ng Daigdig
McDougal Littell ,World History www.wikipidia.com www.google images.com
www.yahooimages.com Mga Mungkahing Panoorin:
www.youtube.com/watch?v=w8v2vRILL58 (Mesopotamia, Sumerian First Civilization on
Earth) www.youtube.com/watch?v=RAyKZAXTAeA (Mohenjo-Darro and Harrapa)
www.youtube.com/watch?v=OSZg5DTW7Hw(The Epic of Gilgamesh- An Animation)
TRANSISYON SA SUSUNOD NA ARALIN Inilahad sa unang aralin ang mga konsepto at
kahulugan ng mga kabihasnan at sibilisas- yon, ang mga pagbabago at pag unlad ng tao para sa
kanyang kapakanan mula sa panahong paleolitiko hanggang sa panahong metal ay nagbunga ng
mas higit na pag unlad para sa pamu- muhay. Hindi matatawaran ang mga kabihasnang
umusbong sa lupain ng Asya tulad ng Sumer,Indus at Shang na nag iwan ng malaking ambag sa
sangkatauhan na kahit hinamon o sinubok ng panahon nanatili pa rin at dito rin nakapagsimula
ng mas matatag na lipunan tulad ng mga imperyo. Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang mga
naging pamumuhay ng mga natatag na im- peryo,batay sa mga pananaw,tradisyon at paniniwala
na nagsilbing haligi ng kanilang pag unlad at higit sa lahat ang naging impluwensya nang
nasabing mga pananaw at paniniwalang ito sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano. 124
a modyul na ito ay iyong tatahakin ang pag-unawa sa kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano. Bagamat may kaniya kaniyang katangian ang kultura ng bawat bansa
sa Asya, mababakas din ang ilang pagkakatulad ng mga ito sa isa't isa. Tutuk- lasin din sa
modyul na ito ang impluwensiya ng mga bansa sa isa't isa kung paano nagbunga ang kanilang
pakikipag-ugnayan sa kalapit na rehiyon at bansa. Pagkatapos makuha ang kinakailangang mga
kaalaman ikaw ay inaasahang kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at
relihiyon na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pag-kakakilanlang
Asyano. Gawain 1: K-W-H-L Chart Panuto: Sagutan ang hanay na K kung ano na
ang alam sa paksa . Samantala, masasagutan mo lamang ang iba pang bahagi ng chart sa ibang
bahagi ng modyul at bago matapos ang modyul na ito. Ang paksa ay : Sinaunang Pamumuhay .
K Alam sa paksa W Nais malaman sa paksa H Mga dapat na malaman sa paksa L Natutuhan
Pagkatapos masuri ang iyong kahandaan sa mga kaalaman tungkol sa Sinau- nang Pamumuhay.
Natitiyak kong nais mong malaman ang mga sagot sa iyong katanungan. Malalaman mo ang mga
kasagutan sa susunod na bahagi ng modyul na ito. Sa iyong pagtupad sa iba't ibang gawain sa
susunod na bahagi ng modyul, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga
bagong kaalaman na iyong matututuhan sa modyul na ito. 125
agkatapos masuri ang iyong kahandaan sa mga kaalaman tungkol sa Sinaunang Pamumu- hay.
Natitiyak kong nais mong malaman ang mga sagot sa iyong katanungan. Malalaman mo ang mga
kasagutan sa susunod na bahagi ng modyul na ito. Sa iyong pagtupad sa iba't ibang gawain sa
susunod na bahagi ng modyul, suriin kung tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga
bagong kaalaman na iyong matututuhan sa modyul na ito. Gawain 1: Salamin ng kasaysayan
Suriin ang kasunod na mga larawan . Ano ang iyong masasalamin sa mga larawan ? Ipali- wanag
ang naging batayan mo sa ipinahahayag ng mga larawan. Kilalanin at ilarawan kung ito ay
tradisyon,pilosopiya, relihiyon, pananaw o paniniwala. 1 3 2 4 5 126
12. Pamprosesong Tanong: Mga naging batayan ko sa ipinahahayag ng mga larawan ay ang
sumusunod : Ang unang larawan ay __________________________sapa gkat
__________________________ _____________________________
_____________________________ Ang ikalawang larawan ay--
________________________________ _____sapagkat____________________
________________________________ Ang ikatlong larawan ay
______________________________________________
___sapagkat____________________________________
______________________________________________
______________________________________________ ___________
______________________________________________ Ang ikaapat na larawan
ay_______________________________ ___sapagkat______________________
________________________________ ________________________________ Ang ikalimang
larawan ay__________________________ sapag- kat_________________________ 126
Ang aking nabuong konsepto sa buong larawan ay
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________ Pamprosesong Tanong: 1.
Ano ano ang mga mensahe na ipinararating ng mga larawan? 2. Ano ang iyong pakahulugan sa
paniniwala, pilosopiya, relihiyon, tradisyon at pananaw? 3. Magbigay ng mga halimbawa ng
sariling paniniwala, pilosopiya,relihiyon. 4. Bakit kaya nag kakaiba- iba ang pilosopiya ng tao?
5. Gaano kahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao? 6. Sa iyong pananaw, paano makatutulong ang
tradisyon, pilosopiya at relihiyon sa paghubog ng sinaunang pamumuhay ng mga Asyano?
Gawain 3: Libre ang Magtanong Suriin ang mga larawan sa gawain 2 at gawain 3 . Pag-ugnay-ugnayin
ang mga larawang ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong na sasaklaw sa lahat
ng ito. Isulat ang mga ta- nong mula sa simple hanggang sa mahirap na antas. 3 1 2 127
4 5 6 Pagkatapos kong suriin ang mga larawan sa gawain 2 at 3 , ang aking mga tanong
ay.