More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
Manual for K-12
1. MGA BUGTONG
Tanong:
Buhok ni Adan, hindi mabilang.
Sagot:
Ulan
Tanong:
Bibingka ng Hari, hindi mo mahati.
Sagot:
Tubig
Tanong:
Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot:
Banig
Tanong:
Iisa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot:
Baro/Damit
Tanong:
Dalawang pipit nag titimbangan sa isang siit.
Sagot:
Hikaw
2. Alamat ng Bigas
Noong unang panahon ang mga tao ay walang palay. Ang kanilang
kinakain ay gulay, bungang-kahoy, isda, at mga hayop. Sila ay nangangaso sa
gubat at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Maligaya na sila roon.
Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga
bungang-kahoy. Nalungkot ang mga tao.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila’y pagod na pagod at gutom
na gutom. Sila’y pagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang
mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mangangaso ay kinumbida ng mga engkadata at sila’y
nagpunta sa yungib. Napakarami pala ang engkandata rito at may reyna sila.
Nagsaya silo noon, nag awitan, at nagsayaw.
Nagkaroon din ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking
tagayan. Ito ay punong-puno ng mga pagkain na puting-puti. Noon lamang sila
nakakita ng puting pagkain.
Matapos ang kainan, ang mga lalaki ay nagging bata. Pinainom sila ng
putting alak at sila’y nagging matalino.
Gusto na umuwi ng mga mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, “ Kayo’y
bibigyan ko ng butil. Itanim ninyo ito sa tag-ulan. Alam kong kayo ay
mabubuti kaya iyan ang sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang
bunga.”
“Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. ang butyl ay magiging
bigas. Lutuin ninyo ito at iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga
tao. Hala, umuwi na kayo.”
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang
kanin sa daigdaig.