ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
MAPEH 4-SIMS
1. NENITA M. MENTE
TEACHER II
LANDSCAPE NG
PAMAYANANG KULTURAL
STRATEGIC INTERVENTION MATERIALS IN MAPEH 4
SECOND QUARTER
Department of Education
National Capital Region
Division of Pasig City
School District I (Pasig I)
ILUGIN ELEMENTARY SCHOOL
4. GUIDE CARD
Ang bawat pamayanang
kultural ay may
natatanging uri ng
tahanan at paraan ng
pamumuhay sa kanilang
komunidad.
5. GUIDE CARD
Ito ay katulad ng isang komunidad kung saan tayo ay naninirahan.
May iba pang mga komunidad sa ating bansa kung
saan mga pangkat-etniko ang naninirahan.
7. GUIDE CARD
Ang kanilang mga
tahanan ay maituturing na
lumang estraktura sa
Batanes. Ito ay yari sa
limestone at coral habang
ang bubungan ay mula sa
cogon grass na sadyang
binuo sa pangunahing
layunin na magbigay
proteksyon laban sa
kalamidad tulad ng bagyo.
8. GUIDE CARD
Ang mga babaeng
Ivatan ay nagsusuot
naman ng headgear
na tinatawag na vakul.
Ito ay yari sa abaka na
inilalagay sa ulo bilang
kanilang proteksyon sa
araw at ulan.
10. GUIDE CARD
Ang mga hagdang-
hagdang palayan ang
pangunahing atraksyon
sa lugar ng Cordillera.
Ang salitang Ifugao
ay nagmula sa
katagang “i-pugo” na
nangangahulugang
“mga tao sa burol” o
“people of the hill”.
11. GUIDE CARD
Ang kanilang tahanan na may
kuwadradong sukat na
natutukuran ng apat na
matitibay na posteng kahoy at
ito ay nakaangat mula sa lupa
na may humigit-kumulang apat
na talampakan. Walang bintana
at ang dingding ay yari sa
matibay na mga kahoy. Mayroon
itong hagdan na inaalis sa gabi
upang di-makapasok ang
kaaway o mabangis na hayop.
13. GUIDE CARD
Ang katawagang Maranao ay
nangangahulugang “people of
tha lake” dahil sila ay
namumuhay sa may lawa ng
Lanao.
Ang kanilang pangunahing
paraan ng pamumuhay ay
pangingisda at nakasentro ang
kanilang mga gawain sa paligid
ng lawa.
14. GUIDE CARD
Ang mga Maranao ay
nakilala sa kanilang
pambihirang disenyo na
tinatawag na “okir”.
15. GUIDE CARD
Ito ay “torogan”,
tahanan ng mga
datu o may mataas na
katayuan sa lipunann ng
mga Maranao .
Makikita ang mga inukit
na disenyong “okir” sa
mga nililok na panolong
ng isang torogan.
16. GUIDE CARD
Anong bagay sa larawan
ang pinakamalapit?
Anong bagay ang
pinakamaliit?
Anong bagay ang
pinakamalaki?
Pagmasdan ang larawan.
17. GUIDE CARD
Nagagawa ng pintor na malapit o malayo ang
mga bagay sa kaniyang likhang-sining sa
pamamagitan ng espasyo..
Ang espasyo, bilang elemento ng sining, ay
ang distansiya o agwat sa pagitan ng bawat
bagay sa isang likhang-sining.
Para sa ating pintor, ang anyong mabubuo ng
espasyo ay kasinghalaga rin ng hugis ng mga
bagay na kanyang iginuhit.
18. GUIDE CARD
Ang tamang espasyo ng
mga bagay sa isa’t isa ay
naipapakita sa
pamamagitan ng
paglalagay ng foreground,
middle ground, at back
ground.
19. GUIDE CARD
FOREGROUND –mga bagay na kadalasang
malalaki at pinakamalapit sa tumitingin.
BACKGROUND –mga bagay na nasa likod at
kadalasan na maliit.
MIDDLE GROUND –mga bagay na may
katamtamang laki na nasa pagitan ng
foreground at background.
25. ASSESSMENT CARD
PUNAN NG TAMANG SAGOT NA MAPIPILI SA KABILANG KAHON.
1. Pangkat-etnikong namumuhay
sa may Lanao Lake
2. Proteksyon sa araw at ulan ng
mga Ivatan
3. Taga-bulubundukin sila ng
Cordillera
4. Kakaibang disenyo ng mga
Maranao
5. Sila ay mga taga-Batanes
okir
Ifugao
Ivatan
Maranao
torogan
vakul