1. Ito ay tinatawag din sa wikang Tagalog na
Kathambuhay. Katha sapagkat likha ng panulat. At
Buhay sapagkat ang mga kasaysayan ngang
isinasalaysay, kung hindi man lubos na gawa sa isip, ay
hinahango sa mga pangyayaring tunay na naganap sa
buhay na maaaring nasaliksik, nasaksihan o
naobserbahan, napanayam, o kaya’y naranasan.
2. Ang katagang nobela ay buhat sa salitang Kastila na
Novella na binaybay-Tagalog at pinanatili ayon na rin
sa dikta ng kasaysayan dahil ang mga Kastila ang
nagdala ng sangay na ito ng panitikan sa kapuluan na
lalong nagpatingkad sa kanilang pananakop.
Ito rin ay isang masining na sangay ng mga
pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na
rin sa mga karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa
kanyang kapaligiran.
3. Ang salitang nobela ay nanggaling din sa salitang
Latin na Novelus, at itinuturing na supling o kaugnay
ng Kasaysayan o Istorya pagkat dito isinasalaysay ng
saksi ang mga kaalamang kanyang namasid, kung
hindi man walang labis o kulang, nababawasan o
nadaragdagan, kung hindi man pinatitingkad,
pinalulungkot o pinasasaya. (Servando de los Angeles,
1974).
4. Panahon ng Hapon -Hindi naging maunlad ang
nobela dahil sa kakulangan ng materyales.
•Halimbawa
•Luha ng Buwaya- Amado V. Hernandez
•Tatlong Mari- Jose Esperanza Cruz
•Sa Lundo ng Pangarap- Gervacio Santiago
•Lumubog ang Bituin- Isidro Castillo
•Ibong Mandaragit- Amado V. Hernandez
•Daluyong- Lazaro Francisco
5. Ang panahong ito ay isang kasalatan sa
larangan ng nobela.
Mga nobelang nalathala sa Magasing
Aliwan:
Luha at Luwalhati (Antonio Sempio, 1942)
Igorota sa Baguio (Fausto Galauran, 1945)
Sa Lundo ng Pangarap (Gervacio Santiago)
6. Zenaida (Adriano P. Landico)
Lumubog Ang Bituin (Isidra Zarraga-Castillo)
Tatlong Maria (Jose Esperanza Cruz)