6. Walang inililihim sina Marie at Theresa sa isa’t isa...kahit
ang kanilang pinakanatatagong sikreto. Isang araw, nakita
nila ang taong hinahangaan ni Theresa...
7. Paano makatutulong ang mga pangungusap na maiwasan
ang pagtatalo at pagaaway dahil nasasabi natin nang
maayos ang nais nating ipahayag?
8. Tukuyin kung anong uri ng salita ang mga sumusunod. Isulat sa
patlang ang P kung ito ay pangngalan, H kung panghalip, U kung
pang-uri, A kung pang-abay, at D kung pandiwa.
____ 1. Kapayapaan ____ 6. Baril
____ 2. Tahimik ____ 7. Magulo
____ 3. Bukas ____ 8. Dito
____ 4. Tayo ____ 9. Sila
____ 5. Barilin ____10. Takbo
10. pangngalang may katangiang pisikal at nararanasan ng isa
sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa,
pakiramdam at pang-amoy).
Halimbawa: tubig, bundok, pagkain
11. pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na
hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal
na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan
basal.
Halimbawa: wika, yaman, buhay
12. pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan.
Maaaring maylapi ito o wala.
Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan
13. pangngalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na
pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay
na kamukha o katulad lamang.
Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na
ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan) tanga(imbis na
mangmang)
15. madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga
(hindi pa nanganganak na babaing hayop), sirena, atbp.
16. tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki -
magulang,pinsan, bata, kaibigan, atbp.
17. ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay - bagay,
laruan, mesa, sasakyan,manika, atbp.
18. pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay kapag
mga tao ang tinutukoy, at ang, ng (nang), o sa kapag mga
pangngalang pambalana. Ginagamit din ang
pamilang isang o sang, sam, at son na mga hangong salita
nito. Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa.
19. pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina, kina,
at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng
mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa: Sina
Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
20. pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na
magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong
"ka" at "an" o "han". Halimbawa: kabahayan,
kabukiran, Kabisayaan.
21. pangngalang natural na sa isang bagay at kadalasang hango
sa kalikasan. Halimbawa: apoy, lindol, ligaya
22. pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa
pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita
na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito.
Halimbawa: agham, talatinigan, sining
23. pangngalang hiniram o hinango mula sa mga salitang
banyaga. Halimbawa: demokrasya, relihiyon, butones
25. pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa
unahan, gitna, hulihan o magkabila.
Halimbawa: sinigang, inihaw, tindahan, palakasan
26. pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-
ugat lamang.
Halimbawa: tau-tauhan, bagay-bagay, bali-balita
27. pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na
pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan
nito.
Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay,
bukas-palad
28. Salitang ginagamit na
pamalit sa pangngalan
upang maiwasan ang
paguulit-ulit nito sa
pangungusap
(siya, ito, ako, atbp.).
29. Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig
na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal
pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao.
ako (me), ko, siya (he/she) mo (you)
akin (mine), kanya (hers/his) kanila (theirs)
amin, atin kayo inyo
kami (we),
30. Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa paraang
patanong.Ito ay maaring isahan o maramihan. (mula sa salitang
"tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles
bilang interrogative pronoun.
ano(what), ano-ano, sino(who), sino-sino, nino(whose), alin(which),
at alin-alin.
31. Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may
pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite
pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa
Ingles.
Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang
sumusunod: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, at "ilan"
32. Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at
iba pa na itinuturo o inihihimaton.
Halimbawa ng panghalip na pamatlig ang mga salitang ito, iyan, iyon,
nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan, doon, narito,
nariyan, at naroon
34. binubuo ng mga salitang-ugat lamang.
Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
35. Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng
mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -
in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-,
sing-, sim-, -sin, at kay-,
36. Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit
ng buong salita o bahagi ng salita. Mga
halimbawa: pulang-pula,puting-
puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit
ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
37. Ito'y binubuo ng dalawang salitang
pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-
kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-
tuko at bahag buntot.
42. Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?"
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
Si Anne ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang
suliranin.
43. Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot
sa tanong na "ano?". Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles.
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Halimbawa:
Binili ni Jomelia ang bulaklak.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
44. Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap.Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?"
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa:
Dinaraan ng tao ang kalsada.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.
45. Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Ito ay sumasagot sa tanong na "para kanino?"
(i- , -in , ipang- , ipag-)
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Pinakilala sa madla ang kampeon.
46. Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa
pamamagitan ng ano?"
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat.
Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.
47. Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "bakit?"
(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang ipinagkasakit sa puso ni
Tong.
48. Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?"
(-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng kagamitan.
50. Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong
uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
Halimbawa ng may pananda
ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na
pamanahon na mayroong pananda ang "Kailangan mo bang
pumasok nang araw-araw?".
51. Ang walang pananda ay mayroong mga salitang katulad
ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba
pa.
Halimbawa:
"Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino."
Ang pang-abay na pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong
mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba
pa.
Halimbawa:
"Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook
ng santakrusan."[
52. Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na
nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari.
Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at
gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay
tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos
sa pandiwa.
Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang
dalawin ang kanilang mga kamag-anak.
53. Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na
panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag
ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.
Samantala, ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod
ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa na ang mga pangungusap na
"Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." at ang
"Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa
kaarawan.
54. Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan
kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay
ang mga panandang nang, na, at -ng.
Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait,
atbp. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya
ako nang mahigpit", "Mahusay bumigkas ng tula ang batang si Boy".
55. Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng
hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ginagamit sa pangungusap ang mga
pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
Halimbawa ng paggamit nito ang pangungusap na "Marami
na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."
56. Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon.
Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang
halimbawa. Halimbawa ay "Talagang mabilis ang pag-unlad ng
bayan."
57. Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay
nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay
na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga.
Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang
libra."
58. Tingnan ang mga salita sa ibaba. Tukuyin kung anong
bahagi ng pananalita ang bawat isa.
1. matematika ____________
2. atin ____________
3. maganda ____________
4. langoy ____________
5. ngayon ____________
6. Brenda ____________
7. sila ____________
8. puti ___________
9. Pagmamahal
10. dalawa
59. binubuo ng mga salitang may iba’t ibang gamit (pangngalan, panghalip,
pandiwa, atbp.)
Kapag pinagsama-sama ang mga salitang ito, makabubuo tayo ng pahayag
na may diwa
Karaniwan itong nagsisimula sa malaking titik.
60. Nagsasaad ang pangungusap kung sino o ano ang gumagawa ng
isang bagay.
Mayroon itong simuno at panaguri.
Halimbawa: Lubos na mapayapa ang EDSA Revolution.
(Nagsisimula sa malaking titik ang unang salita ng bawat pangungusap.)
Maaaring magtapos ng:
tuldok (.), tandang-pananong (?) o tandangpandamdam (!).
Halimbawa: Lubos na mapayapa ang EDSA Revolution.
Nandoon ka ba sa rally? Wow, talagang kahanga-
hanga ito!
61. ay kung sino o ano ang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaaring itong
isang pangngalan o panghalip.
62. Nagsasabi naman ang panaguri tungkol sa SIMUNO. Kalimitang itong
pandiwa. Sa ibinigay na halimbawa, lubos na mapayapa ang panaguri.
Nagsasabi ito tungkol sa simuno.
63. Tukuyin at salungguhitan ang simuno sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. May kapayapaan ako sa aking sarili.
2. Hindi ako nakikipag-away sa aking mga kapatid.
3. Ayaw kong magkaroon ng mga kaaway.
4. Tahimik ang aming komunidad.
5. Ang People Power Revolution ay naganap noong 1986.
64. Halimbawa: Ang EDSA Revolution ay lubos na mapayapa.
Sa pangungusap sa itaas, simuno ang EDSA Revolution
sapagkat ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
65. Upang matukoy ang simuno ng pangungusap, hanapin
muna ang pandiwa. Pagkatapos, gumawa ng tanong
sa pamamagitan ng paglalagay ng “ano” o “sino”
sa harapan ng pandiwa. Ang sagot sa tanong na ito
ang tumatayong simuno ng pangungusap.
66. Maaaring payak o tambalan ang simuno.
Ang PAYAK na simuno ay isang pangngalan o panghalip
lamang na walang kasamang salitang naglalarawan.
Halimbawa: Napakatahimik ng aming komunidad.
(Ang buong simuno ay “ang aming komunidad” at ang payak ay “komunidad”
lamang.)
67. Ang TAMBALANG simuno naman ay payak na simunong
binubuo ng higit sa isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Nagtutulung-tulong ang United Nations at iba
pang mga organisasyong internasyonal sa pagpapanatili
ng kapayapaan sa mundo.
(Ang mga pangngalang bumubuo ng tambalang simuno ay “United Nations”
at “organisasyong internasyonal.”)
68. Tukuyin at salungguhitan ang panaguri sa mga
sumusunod na pangungusap.
1. Libu-libong tao ang dumalo sa EDSA Revolution.
2. Pagkakaisa at kooperasyon ang kinakailangan sa
pagkakaroon ng kapayapaan.
3. Sumisira ng buhay at ari-arian ang mga digmaan.
4. Mahirap makamit ang kapayapaan.
5. Mapayapa akong nakikitungo sa lahat.
69. Katulad ng simuno, maaaring payak o tambalan ang
panaguri.
Ang PAYAK na panguri ay pandiwang nagsasaad
kung ano ang ginagawa ng simuno.
Halimbawa: Sumisira ng buhay ang mga digmaan.
(Ang buong panaguri rito ay “sumisira ng buhay.” Ang payak na
panaguri naman ay ang pandiwang “sumisira.”)
70. Ang TAMBALANG panaguri ay may higit sa isang
pandiwang nagsasaad ng ginagawa ng simuno.
Halimbawa: Gumugulo at sumisira sa buhay ang mga
digmaan ng mga tao.
(Ang mga pandiwang bumubuo ng tambalang panaguri ay
“gumugulo” at “sumisira.”)
71. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Salungguhitan ng
isang beses ang simuno at dalawang beses ang panaguri. Tukuyin
kung payak o tambalan ang mga ito. Isulat sa patlang ang PS
para sa payak na simuno o TS para sa tambalan. Isulat din ang
PP para sa payak na panaguri at TP para sa tambalan.
____1. Pinakamapayapang pag-aalsa ang EDSA Revolution.
____2. Pagkakaisa at kooperasyon ang kailangan sa pagkakaroon
ng kapayapaan.
____3. Dapat tayong magtrabaho at gumawa ng ating mga
tungkulin sa pagkakaroon ng mapayapang komunidad.
____4. Makakamit ang kapayapaan ng isipan kung wala tayong
kaaway.
____5. Dapat magmahalan at kumalinga sa isa’t isa ang mga
miyembro ng pamilya.
72. ang mga salitang ginagamit sa pagdurugtong ng tambalang simuno at
panaguri sa pangungusap.
73. • Halimbawa:
Pagkakaisa at kooperasyon ang kailangan sa pagkakaroon ng kapayapaan.
(Ang pangatnig na “at” ang nagdurugtong sa mga salitang “pagkakaisa” at
“kooperasyon” na bahagi ng tambalang simuno.)
Bukod sa “at,” may iba pang mga pangatnig na maaaring gamitin. Kabilang
sa mga ito ang pero, subalit, ngunit, kung, dahil, kasi, kaya, kung kaya,
pagkatapos, habang, sapagkat, bago, habang, kung saan, paano, minsan,
kaysa, hanggang, noon, samantala, kapwa...at, parehong...at, hindi...ni,
hindi lamang...kundi, nang, nang sa gayon, datapwat, atbp.
74. May isang sugnay na makapag-iisa. Ang sugnay na makapag-iisa ay grupo
ng mga salitang nagtutulung-tulong at naglalaman ng simuno at panaguri.
Maaari itong makatayong mag-isa o kaya’y maintindihan nang walang
kakailanganing tulong.
75. Halimbawa:
A. Hindi ako sang-ayon sa digmaan.
(Ang simuno ay “ako” at ang panaguri ay “di sang-ayon sa digmaan.”)
B. Ang aking mga magulang ay sumali sa rally sa EDSA noong 1986.
(Sumali sa rally ang sugnay na makapag-iisa ang aking mga magulang.” Ang
simuno nito ay “aking mga magulang” at ang panaguri ay “ sumali.”)
76. Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa sa bawat payak na
pangungusap. Pagkatapos, tukuyin kung ito ay simuno o panaguri ng
sugnay.
1. Pitong taon pa lamang ako nang maganap ang EDSA Revolution.
2. Napakahirap makamit ang kapayapaan sa mundo.
3. Makapagdudulot ang digmaan ng labis na kalungkutan sa mga tao.
4. Napanood mo ba ang sineng In Love and War?
5. Nagsasabi sa atin ang kasaysayan ng mga epektong dulot ng
digmaan.
77. May dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa.
Pinagdurugtong ang mga ito ng mga pangatnig tulad ng: at, ngunit,
datapwat, pero, subalit, kaya, o, ni.
78. Halimbawa:
Lubhang magastos ang mga digmaan at nagdudulot ito ng pagkasira ng buhay at
ari-arian.
(Ang pangungusap na ito ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa:
“Lubhang magastos ang mga digmaan” at “Nagdudulot ito ng pagkasira ng buhay
at ari-arian.” Pinagdurugtong ang mga ito ng pangatnig na “at,”subalit maaari
rin silang tumayong mag-isa. Maiintindihan natin ang dalawang sugnay na ito
kahit pinaghiwalay pa sila. Halimbawa, “Lubhang magastos ang mga digmaan”
isa nang kumpletong pangungusap gayundin ang “ Nagdudulot ang mga ito ng
pagkasira ng buhay at ari-arian.”)
79. Hindi makapagdudulot ng mabuti ang mga digmaan kanino man subalit patuloy
pa rin ang mga tao sa pagsasagawa nito.
(Sa halimbawang ito, ang mga sugnay na makapag-iisa ay: “Hindi
makapagdudulot nang mabuti kanino man ang mga digmaan”. “Patuloy pa rin
ang mga tao sa pagsasagawa nito.” Ang dalawang sugnay na ito ay kapwa
maaaring tumayo nang magisa.)
80.
81. May isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di
makapag-iisa.
Ang sugnay na di makapag-iisa ay hindi maaaring tumayo nang mag-isa.
Kailangang may kakabit itong sugnay na makapag-iisa upang maintindihan.
Kalimitan itong nagsisimula sa pagkatapos, kahit na, dahil, bago, paano,
kung, kaysa, na, hanggang, nang, kung saan, habang, upang, kapag.
82. Halimbawa:
Pagkatapos ng digmaan, maraming ari-arian ang nasira.
(Ang sugnay na makapag-iisa ay “maraming ariarian ang
nasira.” Maaaring itong tumayong mag-isa at di na
nangangailangan ng iba pang mga salita upang maunawaan.
Subalit ang “Pagkatapos ng digmaan” ay di makapag-iisa
dahil hindi ito mauunawaan kung hindi kakabitan ng iba pang
mga salita. Ito ang sugnay na di makapag-iisa at nagsisimula
sa pangatnig na “pagkatapos.”)
83. Halimbawa:
Upang makamit natin ang kapayapaan sa mundo, kailangan
nating matutong tumanggap sa isa’t isa.
(Ang sugnay na makapag-iisa ay “kailangan nating matutong
tumanggap sa isa’t isa,” samantalang ang sugnay na di
makapag-iisa ay “upang makamit natin ang kapayapaan sa
mundo.”)