5. Pamilihang may Kompetisyong Ganap
ANG MGA PRODUKTO AY PAREHO SA KLASE
Ang Apat na Katangian:
1. Maraming Mamimili at Nagtitinda
2. May Malayang Inpormasyon
3. Freedom of Entry and Exit
4. Magkakauri (Homogenous) na produkto
6. Maraming Mamimili at Nagtitinda
Kailangan maraming kumpanya ang nagtitinda
para hindi lamang isa ang magtatakda ng
presyo.
Gayundin, kailangang maraming mamimili
upang hindi lamang isa ang magtatakda ng
presyo.
7. Halimbawa:
Mapapansin ito sa mga street foods na nakapila sa
palengke. Kung ang presyo ng fishball sa market A
ay P1.50, kailangan ang presyo sa market B ay
kapareho o malapit lamang sa P1.50 dahil ito ang
SRP nila. Kung tumaas ng P3 ang isang fishball,
maaaring konti lang ang tatangkilik sayo dahil lahat
na katabi mo ay P1.50. Sa sitwasyong ito, hindi
maaaring magtakda ng presyo ang nagtitinda.
8. May Malayang Impormasyon
Gaya ng sa fishball kanina, may
karapatan ang mga mamimili na
magtanong upang malaman
ang pangyayari sa operasyon
nito upang matiyak ang kalidad
ng bibilhin. Ang ganito ay
mahalaga sa pamimili sa mga
supermarket gaya ng SM Malls.
9. Freedom of Entry and Exit
May karapatan magbenta
ang isang kumpanya sa
isang pamilihan.
Gayundin, may karapatan
din siyang tigilin ang
operasyon nito kung
nanaisin.
10. Magkakauri na Produkto (Homogenous)
Sa mga magkakauri na produkto, kailangan
magkapareho ang kalidad ng mga materyales.
Gaya ng sa walis: Ang walis ni Mang Kanor ay
dapat kapareho sa kalidad nang kay Aling Cora.
Sa pamamagitan nito, ang posibilidad na pipiliin
ang kanilang produkto ay pantay.
11. Magkakauri na Produkto (Homogenous)
Ito ay karaniwan sa agrikultura.
Kung sa pagkain naman na parehas ang putahe,
kailangang mapantayan ni Aling Coring ang luto
ni Aling Sally upang pantay ang posibilidad ng
pagtangkilik sa kanila. Kung di gaano kasarap
ang luto ni Aling Sally, hindi siya gaano
tatangkilikin.
16. Pamilihang may Kompetisyong
Monopolistiko
Halimbawa, pumunta ka ng SM upang mamili
ng sapatos. Ngunit nang napadaan ka sa Von
Dutch, nakita mo ang isang napakagandang
damit at napagisipang bilhin ito kapalit ng
sapatos. Dahil dito, nagkakaroon ng
kompetisyong monopolistiko.
17. Pamilihang may Kompetisyong
Monopolistiko
Upang makahawi ng
costumer, kailangang
dumali sa pamamagitan
ng packaging, distribution,
service, lokasyon, variety,
and guarantees gaya ng
warranty.
19. Pamilihang may Kompetisyong Oligopolyo
Tumutukoy sa mga higanteng kumpanya o
negosyanteng may magkakaiba o
magkakaparehong produkto.
Dahil higante ang kumpanya, MATAAS ANG
KAPITAL para makipagkumpitensya sa ibang
higanteng kumpanya.
20. Pamilihang may Kompetisyong Oligopolyo
Ngunit sa pagtatakda ng presyo, kailangang
magkaroon ng mutual interdependence.
Halimbawa ay sa telecommunications. Kung
ang 1Mbps plan ng Globe ay P1999 at ang
SMART ay P2999, mas tatangkilikin ang GLOBE
dahil parehas naman ang bilis at serbisyo at
sobrang mahal ng SMART.
21. Pamilihang may Kompetisyong Oligopolyo
Kaya kailangang
magusap-usap sila
ng itatakdang
presyo. Ito ang
mutual
interdependence.
23. Pamilihang may Kompetisyong
Monopolyo
Ito ay may iisa o dominanteng
prodyuser. Nananatili itong
mag-isa dahil IMPOSIBLE
ANG PAGPASOK DITO. Kaya
kung may balak pumasok
dito, kailangang pigilan ang
pagpasok nito.
25. Natural na Hadlang
Sitwasyon kung saan mas kapaki-pakinabang na
iisa lamang ang prodyuser kaysa sa maraming
maliliit na prodyuser.
Dahil kung madaming produsyer, tataas ang
presyo at hindi natin gusto iyon dahil ito y
tungkol sa ating pangunahing pangangailangan
gaya ng tubig at kuryente.
26. Natural na Hadlang
Ang NAPOCOR ay nag-iisa
na nagsusuplay sa Pilipinas.
Dito kumukuha ang maliliit
na kumpanya gaya ng
Meralco at Batelec.
27. Artipisyal na Hadlang
Ang pagpaparehistro ng kumpanya para maging
exclusive ito. Halimbawa ay ang IBM noong
1980 at ang Microsoft program noong 1990.
28. Artipisyal na Hadlang
KARTEL.
May pagkakataon
na nagsasama ang
mga negosyante
para sa artipisyal at
walang batayan na
pagtaas ng presyo.
29. Artipisyal na Hadlang
Tinatawag na
profiteering ang
pagbebenta ng
pangunahing bilihin na
mas mataas pa sa
aktwal na presyo nito.
30. Artipisyal na Hadlang
Gayunpaman, ang
pamahalaan ay naglalagay
minsan ng mandated price
ceiling. Pwede rin ang
automatic price ceiling na
pipigil sa mga presyo sa
loob ng 60 araw.
31. Artipisyal na Hadlang
Napataw lamang ang automatic price ceiling
kung may:
1. State of clamity
2. Supension of writ of habeas corpus
3. Batas militar
4. State of rebellion o digmaan
32. Artipisyal na Hadlang
Ang pagkontrol sa
presyo ng mga
pangunahing
pangangailangan at
bilihin ay
nakapaloob sa
Consumer Price Act.