3. Si Bb. NBSB
Wika niya na masarap daw magmahal dahil ang mga taong minamahal niya
sa buhay ang nakapagbibigay sa kanya ng inspirasyon. Sila ang nagiging dahilan
kung bakit siya nanatiling nakatayo sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na
pinagdaraanan niya sa buhay.
May iba-ibang mga pangyayari din sa buhay niya na hindi niya
makakalimutan: bilang mag-aaral ay nang nakapagtapos siya sa kanyang Master's
Degree sa Cebu Technological University-Main Campus noong Abril 2017; bilang
achiever naman ay nang nakakuha siya ng Academic Excellence Award noong
Hunyo 2017; bilang isang coach ay nang sumali sila sa Regional Schools Press
Conference noong Disyembre 2017 at Nobyembre 2018; at bilang fan ni Sandara
Park ay nang nakapanood siya ng free movie premiere ng "One Step" kasama ang
ibang mga Daralings at sobrang saya niya daw dahil hindi niya inakalang
makakapanood siya ng movie kasama ang kanyang ina, kapatid at pamangkin at
nakatanggap din sila ng mga freebies tulad ng mga pagkain, softdrinks, caps,
stickers, pictures, DVD, banners, damit at marami pang iba.
Sa ngayon ay wala siyang pinagsisisihan sa buhay nya. Kung sakaling may
mag aalok sa kanya ng iba pang trabaho bukod sa pagiging guro ay tatanggapin niya
raw ito dahil gusto niyang maranasan ang ibang trabaho dahil simula nang
makatapos siya ng kolehiyo, pagtuturo na ang naging una niyang trabaho. Siya ay si
Bb. Merra Mae Ramos, ang gurong ni kahit minsan ay hindi nagkaroon ng
kasintahan.
4.
5. Tamis ng Pagmamahalan
Ang sabi niya,
“Napakasarap
magmahal sa taong
mahal ka rin.” Sa
katunayan nga ang
kauna-unahan at
kahuli-hulihang lalaki
na naging kasintahan
niya ay Si G. Agassi
Karl Saballa. Siya ang
lalaking bumihag at
nagpatibok sa kanyang
puso. Sila ay ikinasal
noong Disyembre 8,
2018.
Maraming
nangyari sa kanyang
buhay ngunit ang
hindi niya
makakalimutan ay
nang nag-propose sa kanya si G. Saballa noong Disyembre 31, 2017.
Wala daw siyang pinagsisihan sa mga ginawa niya sa kanyang buhay
dahil alam niya na ang lahat ng ‘yon ay plano ng Diyos para sa kanya.
Sa ngayon ay nagtuturo siya sa D.T. Durano Memorial
Integrated School (DTDMIS). Kung mayroon mang magandang
trabaho na iaalok sa kanya ay hindi niya ito tatanggapin dahil
napamahal na siya sa pagtuturo at sa ngalan ng pagmamahal na ito ay
hinding-hindi niya ito iiwan. Napakaswerte ng gurong ito dahil hindi
lang siya mabait at matalino, kundi maganda pa. Siya ay si Gng. Ivy
Mechelle Mata-Saballa.
6.
7. Ang Kabuluhan ng Buhay
Bata pa lamang
ay talagang matalino na
siya. Dahil sa talinong
biyaya ng Diyos sa
kanya ay narating niya
ang Japan ng libre dahil
siya ang itinanghal na
kampeon sa “essay
writing contest” na
sinalihan niya. Para sa
kanya, ‘yon ang
pinakamagandang
nangyari sa kanyang
buhay. Hindi madali ang
manalo sa contest na
‘yon dahil puno ito ng
mga pagsubok, pero
baliwala lang ‘yon sa
kanya dahil alam niya
na kasama niya ang
Diyos sa mga hakbang
na kanyang gagawin.
Sa ngayon ay nagtuturo siya sa D.T. Durano Memorial Integrated
School (DTDMIS) at kung meron man daw na mag-aalok sa kanya ng
trabaho na mas maganda pa sa pagiging guro ay tatanggapin daw niya ito
dahil hindi lamang sa pagtuturo nakikita ang tunay na kabuluhan ng buhay.
Ang gurong ito ay walang iba kundi si Bb. Nikki Martee B. Apao, ang anak
ni Gng. Leah B. Apao na Assistant Schools Division Superintendent ng
Cebu Province.
10. PUNONG PATNUGOT:
MERRA MAE RAMOS, LPT., MAED.
MGA KONTRIBUTORS:
JOSE BUDDY REMEGIO
MARY JASHLYN PERAME
NICOLETTE FERNAN
JENIEL JOY BLASCO
ALVEN JOHN GARBO
ANGELENE BAYO
CYRUS REX MATUGAS
CHRISTIAN JAMES ABARQUEZ
JOHN FRETZ AMANCIO
Grade 8 St. Veronica
S.Y. 2018-2019