Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Bob Ong REcipe
1.
2. 1. Bago ang lahat, alamin muna ang tamang
dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo
ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan
ka ng minamahal mo, hindi ka dapat
magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao
na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay
pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng
pag asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay
karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng
cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng
sinehan .
3. 2. Kung desidido ka na gagawin mo at sa tingin mo ay meron
kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong
hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagkakamatay. Ang
mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag inom ng
lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso,
kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglaslas ng
pulso. Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas
na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga.
Tandaan na maaari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa
pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa
na hiyang sa ‘yo. Bukod diyan, marami rin sa mga paraan na
ito angxmakalat at nakakapangit. Dyahe naman kung
pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos
mukha kang dehydrated na langaw.
4. 3. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito
pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang
magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong
tapusin ang iyong buhay, kaso lang bad trip sila
lahat. Pero ‘wag ding kalimutan humingi ng tawad
sa bandang huli para mas cool pag ginawang
pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. At
tandaan, importante ang suicide note para
malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at
hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng
PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay
bilang suspect.
5. 4. Pumili ng theme song. Banggitin
ang iyong special request sa
suicide note. Ipagbilin na
patugtugin ito sa prusisyon ng
iyong libing. Iwasan ang mga
kanta ng Salbakutah. Dapat
medyo mellow at meaningful…
tulad ng mga kanta ng Sexbomb.
6. 5. Isulat nang maayos ang suicide
note. Gumamit ng scented
stationery at #1 Mongol Pencil.
Lagdaan. Huwag gumamit ng
sticker. Ilagay ang suicide note sa
lugar na madaling makita. Idikit sa
noo.
7. 6. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang
mamamatay, kaya dapat memorable ang
get-up. Pumili ng mga telang hindi
umuurong o makati sa katawan. Magbaon
ng dalawang pares pampalit pag
pinagpawisan ka.
9. 7. Kumuha ng de-kalidad na ataul.
Maganda ang kulay puti dahil
malamig at kumportable kahit tag-
init. Huwag magtipid. Mas
makakamura kung bibili na ng
cable-ready, kesa magpapalit pa
balang araw.
10. 8. Pumili ng magandang pwesto sa
sementeryo. Ang punto ng mga taong
ipinanganak sa year of the Rat,
Dragon,Rabbit, Snake, Tiger, Chicken, Pork,
at Beef ay dapat nakaharap sa Fiesta
Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang
taon ay dapat i-cremate at gawing foot
powder, para gumaan ang pasok ng pera.
11. 9. Itaon ang araw ng libing
sa unang dalawang linggo
ng buwan, o di kaya’y sa
huling dalawang linggo,
para gumaan ang pasok ng
pera.
12. 10. Kung meron ka nang NBI at police
clearance, affidavit of loss, voter’s ID,
cedula, promissory note, original copy ng
birth certificate, at urine sample, pwede
mo nang isagawa ang kalugod-lugod na
gawain. Siguraduhin lang na hindi ka
mababalita sa tabloid, katabi ng mga
article tungkol sa kabayong may tatlong
ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay.
Para gumaan ang pasok ng pera.