1. Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito
sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na
aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Taimtim na pinakinggan ang kanyang
awitin hanggang sa huling nota.
2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito
sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad
na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
Agad napalalambot ng musika ang isang
matigas na kalooban.
3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa
pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng
pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
Umawit si Nelsa sa isang amateur
singng contest sa radyo.
4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito
ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
Halimbawa:
Tila nagwagi siya ng unang gantimpala.
5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito
sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa.
Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.
Halimbawa:
Kaunti ang sumali sa paligsahan ng
pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay
nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa:
Opo, mahusay sumayaw si Gabby.
7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng
pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng
mga tao.
8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa
pagtutulad ng dalawang bagay.
Halimbawa:
Higit na magaling sumayaw si Anna
kaysa kay Nena.