2. ANO ANG TRAFFICKING IN PERSONS?
Ang TRAFFICKING IN PERSON ay isang paglabag sa karapatan ng
bata kung saan nire-recruit, kinukuha, binabyahe, dinadala, itinatago o
ibinabahay ang biktima nang sapilitan, may pahintulot man o wala, sa
loob o labas ng kanyang bansa. Ang mga biktima ay pinipilit, kinikidnap,
niloloko o nililinlang, inaabuso, dinadaan sa sindak ng taong mas
mataas ang posisyon, pinagsamantalahan ang kahinaan o sinuhulan
para pumayag. Layon ng maysala ang magsamantala; kabilang na dito
ang prostitusyon at iba pang uri ng sekswal na pagsasamantala (kagaya
ng pornograpiya) , forced labor o iba pang katulad na serbisyo, pangaalipin, pagpapagawa ng mabibigat na trabaho, at pagtanggal at
pagbenta ng mga bahagi ng katawan (organs)
3. CHILD TRAFFICKING?
Batay sa karanasan, karamihan sa mga nabibiktima ng
trafficking ay lugmok sa kahirapan at mababa ang pinagaralan; ang iba’y nakaranas ng sekswal at pisikal na pangaabuso o pinipilit ng pamilya. Kadalasan mababa ang tingin
ng mga nambibiktima sa mga bata. Tinuturing na pag-aari
ang bata, na pwedeng ikalakal at pagkakitaan.
4. R.A. 9208?
Ang Republic Act 9208 (R.A. 9208) o Anti-trafficking in
Person Act of 2003 ay isang batas na ipinasa para wakasan
ang trafficking in persons, lalo na sa mga babae’t mga bata.
Layon ng batas na magpatupad ng mga patakaran at
paraan para protektahan at suportahan ang mga biktima ng
trafficking at maparusahan ang mga lumalabag sa batas na
ito.
5. BINIBIGYANG-SALA SA R.A. 9208?
Bukod sa mga pananamantalang mga gawain katulad ng illegal
recruitment, prostitusyon, pornograpiya, pang-aalipin, sapilitang
pagtatrabaho, pagtatangal at pagbebenta ng mga bahagi ng katawan,
kabilang din dito ang bride trade, sex tourism, sapilitang paninilbihan ng
tao bilang kabayaran sa utang, at pag-recruit o pag-ampon ng bata para
sumali sa hukbo.
May parusa rin para sa mga gawaing nagtataguyod sa trafficking.
Halimbawa nito ay ang paggamit sa serbisyo ng biktima, pagtago o
pagpapatira sa biktima ng trafficking, pag-imprenta o pagpapakalat ng
pornographic na mga larawan o video na ipinapakita ang biktima, ang
pagtulong para madaling makapasok o makalabas ng bansa ang
biktima, pagtatago ng pasaporte o mga ligal na dokumento ng biktima
para ikulong siya, at ang pagbibigay ng pondo sa mga gawain ng
trafficking.
6. CHILD TRAFFICKING!
Huwag basta magtitiwala sa kahit na sino. Ipagbigay alam
sa mga kamag-anak, kaibigan at sa inyong barangay ang
pangalan at iba pang impormasyon tungkol sa mga
kahinahinalang taong nagre-recruit ng mga bata sa inyong
lugar. Tiyaking may contact number kayo ng mga
mapagkakatiwalaang tao na maaring tawagan sakaling
mangailangan kayo ng tulong. Alamin ang inyong mga
karapatan at ipaglaban ang mga ito!
7. QUALIFIED TRAFFICKING
IN PERSONS?
Maituturing na pinakamabigat na kaso g trafficking ang
qualified trafficking in persons. Masasabing qualified
trafficking ang kaso kung ang biktima ay bata, kung ang
biktima ay nagkaroon ng HIV-AIDS, kung ang maysala ay
kamag-anak ng biktima o may relasyon sa biktima, kung
malaking sindikato ang nagpapatakbo nito o kung mahigit
sa tatlong tao ang naging biktima ng maysala, kung ang
biktima’y inilako sa militar o ibang alagad ng batas, kung
ang nambiktima ay militar, alagad ng batas o opisyal ng
pamahalaan o institusyon.
8. ANO ANG PARUSA SA MGA MAYSALA?
Ang maysala ay maaring parusahan ng pagkakakulong nang mula sa
anim (6) na taon ang pinakamababa, hanggang habambuhay ang
pinakamataas at pagbayarin ng multang P 500,000 ang pinakamababa
hanggang P 5,000,000 ang pinakamataas. Nagbabago ang parusa
depende sa bigat ng partisipasyon sa trafficking. Paparusahan din ang
mga taong gumamit ng serbisyo ng mga taong na-traffick; magbibigay
sila ng anim na buwang community service at magbabayad sila ng
P50,000 na multa sa unang pagkakasala. Paglumabag uli sila sa batas,
ang multa’y magiging P100,000 na. May karampatang parusa para sa
mga sindikato, dayuhan at opisyal ng pamahalaang lumabag sa R.A.
9208. Ang qualified trafficking in persons ay papatawan ng
pinakamabigat na parusa – habambuhay na pagkabilanggo at multa ng
dalawang milyon hanggang limang milyong piso.
9. SINO ANG PWEDENG MAGREKLAMO, MAGSUMBONG O
MAGSAMPA NG KASO
Maaring magsumbong ang nabiktima ng trafficking,
ang asawa niya, ang mga magulang o ligal na
tagapangalaga (legal guardian), kapatid, anak, o
kahit na sinong taong may kaalaman tungkol sa
nagaganap na trafficking.
10. SAAN PWEDENG MAGSUMBONG KUNG MAY ALAM
KANG LUMALABAG SA R.A. 9208?
Maaaring lumapit sa lokal na barangay, pulis, (Philippine
National Police o PNP), social worker (lokal branch ng
Department of Social Welfare and Development o DSWD) o
sa lokal na opisina ng PACT, kung mayroon a inyong lugar.
Maari ring makipag-ugnayan sa lokal na opisina ng InterAgency Council Against Trafficking (IACAT), na
pinapamunuan ng kalihim ng Department of Justice (DOJ)
at ng DSWD.
11. PAANO MATUTULUNGAN ANG MGA NABIBIKTIMA
NG TRAFFICKING IN PERSONS?
Sa ilalim ng R.A. 9208, ang mga biktima ng trafficking ay
maaaring bigyan ng pansamantalang shelter, payo ng
abogado, sebisyong medikal at sikolohikal o counselling,
skills training o pagsasanay para sa kabuhayan at
educational assistance para sa batang na-traffick.
12. TIP ACTION LINE
1343 - Manila
02 (1343) – Outside Manila
632 (1343) – Outside Philippines