SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 35
Downloaden Sie, um offline zu lesen
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1-Module 1, Week 1:
Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo sa
Pagtuklas ng Katotohanan
Department of Education ● Republic of the Philippines
6
1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 1: Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo sa Pagtuklas ng
Katotohanan
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lanao.norte@deped.gov. ph
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6
Manunulat: Alito B. Delos Santos
Illustrator and Layout Artist: Albert Prieto
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Mary Grace B. Yap;
Romelyn Ventures
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Erl C. Villagonzalo, Ph.D., EPS-EsP
Norhatta Daud, Ph.D., PSDS
Amelita Bagol, Ed.D., Coordinating Principal
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Regional Evaluator: Treneben Panduma, Valencia City Division
2
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1-Module 1, Week 1:
Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo
sa Pagtuklas ng Katotohanan
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling
guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa
Departamento ng Edukasyon- dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang
lahat ng guro at mga stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag-
email sa kanilang mga puna, komento o mungkahi sa Deped-Lanao Division
sa lrmdsldn@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
3
TALAAN NG NILALAMAN
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
Talaan ng mga Nilalaman Mga Pahina
Aralin 1 – Ang Mabuting Pagsusuri
Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6
Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 9
Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 9
Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10
Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
11
11
11
Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
12
14
Aralin 2 – Ang Pagmamahal sa Katotohanan
Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15
Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 17
Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 17
Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 19
Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
20
Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
21
23
Aralin 3 – Ang Mapanuring Pag-iisip
Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 24
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 24
Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 26
Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 26
Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 28
Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
29
30
30
Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
31
33
Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 44
4
Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo sa Pagtuklas
ng Katotohanan
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO
Maligayang pagdating sa modyul na ito! Sa makabagong panahon ngayon na kung
saan laganap na ang mga fake news sa social media, minsan hindi mo na alam kung alin ang
totoo at tama at alin naman ang hindi. Dahil dito, maraming mga kabataan ngayon, katulad
mo, na maaaring malilinlang sa mga maling impormasyon at makagagawa ng mga maling
desisyon sa buhay. Kaya nararapat lamang na ikaw ay maging mas mapanuri sa mga bagay
o pangyayari na pumapaligid sa iyo. Pakatandaan mo na lahat ng iyong desisyon ay may
kaakibat na kahihinatnan—mabuti man ang mga ito o masama. Sana, sa pamamagitan ng
modyul na ito ay matututunan mo ang pagsasagawa ng mga tamang hakbang sa pagbuo ng
isang desisyon na makapagdudulot ng kabutihan para sa iyong sarili at gayundin sa iba.
Ang modyul na ito ay may apat na aralin:
• Aralin 1: Ang Mabuting Pagsusuri
• Aralin 2: Ang Pagmamahal sa Katotohanan
• Aralin 3: Ang Mapanuring Pag-iisip
• Aralin 4: Ang Katatagan ng Loob
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari
(EsP6PKPIa-i– 37)
1.1. Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip tungkol sa
mga impormasyong lumalabas sa media.
1.2. Nakapaghihinuha na ang katotohanan ang siyang nararapat na batayan sa pagbuo
ng isang mahalagang desisyon o pagggawa ng isang makabuluhang kilos.
1.3. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kakayahan na mapanuri.
1.4. Nakapagpapasiya nang mabuti gamit ang mapanuring pag-iisip at katatagan ng
loob.
Bago pa tayo magsimula, nararapat na tandaan mong maigi ang mga sumusunod:
• Huwag sulatan ang alinmang bahagi ng modyul sapagkat mayroon pang ibang mga mag-
aaral na maaaring gagamit nito. Sa halip, gumamit ng isang maliit na kuwaderno bilang
iyong REFLECTIVE JOURNAL at dito mo isusulat ang lahat ng iyong kasagutan sa bawat
gawain. Huwag kalimutang maglagay ng LABEL sa iyong mga natapos na gawain ayon sa
modyul, aralin at petsa sa paggawa mo ng mga ito.
• Ang bawat modyul ay may maikling panuto at sinusundan ito ng paglalahad ng mga
layunin. Basahin ang mga ito at sunding maigi ang mga tagubilin.
• Bago simulan ang mga gawain, sagutin muna ang PRE-TEST. Tandaan na ang bawat
gawain ay naaayon sa mga layunin ng modyul o aralin. Isiping mabuti ang bawat
kasanayan na nais mong linangin.
• Matapos ang bawat gawain, kailangan mong balikan ulit ang mga aytem na sa palagay mo
ay hindi mo napagtagumpayan.
• Sagutin ang POST TEST kung sa palagay mo ay nauunawaan mo na nang lubos ang lahat
ng mga aralin.
MODYUL 1
5
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Edukasyon sa
Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo.
Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-
aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na
kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng
lahat.
Tatas: Inaasahan na ang mga mag-aaral ay makasasagot sa mga tanong tungkol sa
pananagutang pansarili at mabuting kasapi ng pamilya.
Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:
1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37)
1.1. Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip
tungkol sa mga impormasyong lumalabas sa media.
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinaka angkop na
sagot.
1. Ano ang pinaka-angkop na tawag sa mga naririnig, napapanood, o nababasang
impormasyon sa social media na mahirap paniwalaan dahil walang ibang detalye na
sumusuporta nito?
a. balita
b. bulung-bulungan
c. fake news
d. tsismis
2. Bilang isang social media user, paano mo malalabanan ang paglaganap ng fake news?
a. Maging mapanuri sa lahat ng mga istoryang nakikita online.
Aralin
1 Ang Mabuting Pagsusuri
Subukin
Alamin
6
b. Maniwala kaagad sa mga pahayag kahit hindi ito napatotohanan.
c. Mag-share ng mga artikulo kahit hindi nababasa ang buong istorya.
d. Ang mga impormasyong nakukuha mula sa titulo ng balita ay sapat na upang
maniwala sa mga ito.
3. Tag-ulan na naman, nagbabala ang DOH na maari na namang kumalat ang sakit na
dengue fever sa inyong lugar. Anong impormasyon ang kailangan mong malikom upang
malabanan ng pamilya mo ang paglaganap ng sakit na ito?
a. pagpapatibay ng mga bubong ng bahay
b. pagsusuot ng face mask, gloves, at jacket
c. pag-iimbak ng malinis na pagkain at maiinom na tubig
d. paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok
4. Saan mo maaaring makukuha ang pinaka-tama at totoong impormasyon tungkol sa pag-
iwas sa sakit na Covid-19?
a. kaibigan mong sikat na tiktoker
b. pinsan na laging babad sa online games
c. ninong mong doktor na mahusay sa twitter
d. paboritong artista na may palabas sa youtube
5. Narinig mo sa radyo na may nagpositibo pala sa Covid-19 sa inyong barangay. Kilalang-
kilala mo ang pasyente kahit na hindi pinangalanan ito dahil isa lang naman ang bagong
nakauwing LSI (locally stranded individuals) sa inyong lugar. Ang pasyente ay ama ng
iyong kaklaseng si Bing na galit na galit ka dahil sa pagpapakalat niya ng maling
impormasyon tungkol sa iyo sa facebook noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo?
a. Ipakalat ang balitang ito sa facebook upang malaman din ng iba.
b. Iti-text sa iba pang mga kaklase ang nangyari sa pamilya ni Bing.
c. Puntahan ang bahay ni Bing upang tiyakin kung tama ba ang balita.
d. Gawin nang mas masinsinan pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit.
6. Dahil sa ipinatutupad na “new normal” ang ilan sa iyong mga kamag-aral sa ika-anim na
baitang ay naisipang doon na lang muna sa kanilang bahay mag-aral sa kasalukuyan
gamit ang Online Learning. Ang kanilang mga pamilya kasi ay may sariling kompyuter
at internet sa bahay. Inaaya ka nila na ganun din ang gawin mo dahil sigurado na maging
ligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan
ang mga magulang mo sa pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng
internet. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral?
a. Hihinto ka muna sa pag-aaral.
b. Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang gadyet.
c. Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman totoo.
d. Pisikal ka na papasok sa paaralan kasabay ang mahigpit na pagsunod sa mga
alituntunin na ipinatutupad ng pamahalaan.
7. Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang naitalang
kaso ng Covid-19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita ka na lumabas ng
bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong internet cafe at maglaro ng
inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na ipinagbilin ng iyong ina bago
pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo talagang manatili sa loob ng iyong tahanan
sa mga panahong ito. Ano ang gagawin mo?
a. Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito.
b. Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang binabalak.
c. Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama ang kaibigan.
d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay dahil sa
banta ng Covid-19.
8. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang
mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa
maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi
ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake
news. Ano ang gagawin mo?
7
a. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa.
b. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo.
c. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita.
d. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging.
9. Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-barangay
na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa kanya galing ang
naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang nababahalang netizen.
Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay upang makaiwas ka at ng buo mong
pamilya na mahawaan sa nasabing virus. Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan
mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit.
Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan?
a. Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita.
b. Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon.
c. Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita.
d. Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing nakahiligan na niya ang
pagtsi-tsismis.
10.Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa
paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang
kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay.
Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na
na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng
iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang
gagawin mo?
a. Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay.
b. Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan.
c. Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan.
d. Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulungan ang kaibigan.
Kumusta ka na? Masaya ako na nakikita kang nagsusumikap pa ring mag-aral sa
kabila ng mga di kanais-nais na bagay na maaaring nararanasan mo sa ngayon sa panahon
ng Covid-19. Siguro ay marami ka pa ring natutunan tungkol sa iyong sarili at sa iyong kapuwa
kahit na nananatili ka lang sa inyong bahay sa loob ng mahaba-habang panahon. Alam mo
ba na kahit parang napakaraming naging hadlang sa iyong pag-aaral sa panahong ito, ay
pwede ka pa rin palang matuto? Kaya, hayaan mo sana akong tulungan at gabayan ka sa
pagkamit mo sa iyong tagumpay sa pamamagitan ng modyul na ito. Kaya tara na!
May iilan akong katanungan na makikita mo sa ibaba. Nais kong basahin at pagnilayan
mo nang maigi ang mga ito at isulat ang iyong mga sagot sa iyong Reflective Journal.
1. Ano ang naaalala mo sa mga aralin sa EsP noong nakaraang taon?
2. Ano ang inaasahan mo na matutuhan ngayong taon sa EsP?
3. Ano naman ang mga kasanayan ang nais mong malinang ngayong taon?
Balikan
Tuklasin
8
Gawain 1. Suriin mo ang mga larawan na nasa itaas at sagutin ang mga sumusunod na
tanong sa iyong Reflective Journal:
1. Ano-ano ang makikita sa larawan?
2. Ano-anong mahahalagang bagay ang ibinibigay sa atin ng mga nasa larawan?
3. Dapat ba nating paniwalaan ang lahat ng mga impormasyong nababasa o napapanood
natin? Bigyang katwiran ang iyong sagot.
Gawain 2. Ngayon naman ay manood ka ng telebisyon o video sa youtube o makinig ng radyo
o magbasa ng diyaryo at pumili ng isang patalastas o anunsiyo. Pag-aralan mo ito at sagutin
ang mga sumusunod:
1. Tungkol saan ang commercial o patalastas na napanood o napakinggan mo?
2. Ano ang sinabi ng patalastas tungkol sa iyo?
3. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa sinabi ng patalastas na ito? Bakit? Bakit
hindi?
4. Ano-ano ang gamit ng impormasyon mula sa iba’t ibang source o pinanggagalingan
nito?
5. Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagsuri sa isang impormasyong nabasa,
narinig, o napanood?
Sa mabilis ng pag-angat ng teknolohiya, marahil ay nasanay ka na sa pagkuha ng
mabilisang impormasyon. Isang klik lang ay agad na mapupunta ka sa nais mong puntahan o
agad mong makikita ang nais mong tingnan. Kaya lang hindi lahat ng lumalabas ngayon sa
radio, diyaryo, at telebisyon o sa social media ay dapat paniwalaan. Sa mga panahong ito,
marami na ang mga naging biktima ng fake news o maling impormasyon. Ngunit, paano mo
ba masasabing fake news ang nakikita sa social media? Para maliwanagan ng husto, basahin
mo ang artikulo na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong.
Suriin
Radio: TV: Freepik.com Newspaper: Social Media: Freepik.com
9
Gawain 3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa artikulong nabasa:
1. Tungkol saan ang artikulo?
2. Ano ang ibig sabihin ng fake news ayon kay Danilo Arao?
3. Batay sa balitang ito, anu-ano ang mga katangian ng isang fake news?
4. Paano mo mapahinto ang pagkalat ng fake news ayon sa artikulo?
5. Ano ang ibig sabihin sa linyang ito “…maging mapanuri sa mga istroyang nakikita
online”?
6. Paano mo maipapakita ang pagkakaroon ng isang mapanuring pag-iisip? Magbigay
ng limang (5) kongkretong halimbawa.
Paano masasabing 'fake news' ang nakikita sa social media?
Published Dec 02 2019 03:33 PM
Sa panahon ngayon, napakadali nang magpakalat sa social media ng "fake
news" o maling impormasyon na ibinebenta bilang lehitimong balita at may layong
manlinlang.
Pero paano nga ba masasabing peke ang impormasyong nakikita online?
Isa sa mga katangiang nagpapahiwatig na maaaring "fake news" ang binabasa
ay kung "parang mahirap paniwalaan" ang impormasyon, ayon kay Danilo Arao, na
nagtuturo ng journalism sa University of the Philippines-Diliman.
Kaduda-duda rin daw ang istoryang nakikita kung walang mga detalye o
impormasyong sumusuporta rito.
"Walang iba pang mga impormasyon na magko-corroborate doon sa item na
'yon," ani Arao sa programang "Sakto" ng DZMM.
Kadalasan daw ay kung mahalaga ang balita ay maraming media organization
ang nag-uulat nito.
"Halimbawa, sa isang website lang nakita tapos tiningnan mo sa ibang website
tapos parang hindi mo makita 'yong same information. Usually kasi 'pag media,
mahalagang impormasyon, mahalagang balita, pare-pareho," paliwanag ni Arao.
Hindi rin gaya ng mga fake news account o website, maaari umanong panagutin
ang mga lehitimong news organization kapag naglabas ang mga ito ng maling
impormasyon dahil inilalagay kung kanino nanggagaling ang istoryang inilalathala ng
mga ito.
"Sa isang fake news site, kadalasan hindi malinaw kung kanino nanggagaling
[ang impormasyon]," ani Arao.
Kapag naglabas din ng maling impormasyon ang mga lehitimong news
organization ay agad nila itong itinatama at humihingi ng public apology, ayon kay Arao.
Ipinayo ni Arao sa mga social media user na maging mapanuri sa mga
istoryang nakikita online.
Mainam din umanong iwasan ang pag-share ng mga artikulo kung titulo lang
ang binasa at hindi ang buong istorya.
Ang palagay kasi ng iba ay kapag nag-share ng istorya ang isang tao sa social
media ay pinaniniwalaan at pinaninindigan na niya ito, ayon kay Arao.
"Basahin nang buo iyong isang bagay na ishe-share kasi hindi puwedeng
sasabihin mo na, 'Totoo ba ito?' tapos shinare mo na lang," aniya.
Source: https://news.abs-cbn.com/life/12/02/19/paano-masasabing-fake-news-ang-nakikita-sa-
social-media
10
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang
napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa
iyong Reflective Journal.
_____ 1. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
_____ 2. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o internet.
_____ 3. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo.
_____4. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa Covid-19.
_____ 5. Naniniwala ako na ang brown sugar ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19
dahil marami ang nagpapakalat ng balitang ito sa social media.
Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw o opinyon tungkol sa balitang naririnig sa
radio, nababasa sa pahayagan o internet. Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig o nababasa
ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip. Ang mapanuring pag-iisip ay
nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa suliranin, pagtitimbang ng mga maaaring
gawin, at pagpili nang pinakamabuti bago bumuo ng isang pasya.
Gawain 4. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot o tugon sa mga sitwasyon gamit ang isang mapanuring pag-iisip.
1. Nakita mo ang kapitbahay ninyo habang pinapalo ang alaga niyang aso.
Naobserbahan mo rin na madalas na hindi niya ito pinapakain at inaalagaan nang
mabuti. Alam mong mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pananakit at
pagpapabaya ng maraming uri ng hayop, kasama na ang mga inaalagaang hayop
tulad ng aso.
2. Nanawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan upang
magkampanya para sa pag-recycle ng mga plastik. Alam mong kapaki-pakinabang
ang gawaing ito at mayroon ka naming libreng oras.
3. Sinabihan ka ng nanay mo na dumalo sa pulong ng barangay tungkol sa paglilinis sa
inyong lugar. Nagdadalawang-isip ka dahil mas nais mong nasa bahay na lang at
manood ng telebisyon.
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
11
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot.
1. Ano ang pinaka-angkop na tawag sa mga naririnig, napapanood, o nababasang
impormasyon sa social media na mahirap paniwalaan dahil walang ibang detalye na
sumusuporta nito?
a. balita b. bulung-bulungan c. fake news d. tsismis
2. Bilang isang social media user, paano mo malalabanan ang paglaganap ng fake news?
a. Maging mapanuri sa lahat ng mga istoryang nakikita online.
b. Maniwala kaagad sa mga pahayag kahit hindi ito napatotohanan.
c. Mag-share ng mga artikulo kahit hindi nababasa ang buong istorya.
d. Ang mga impormasyong nakukuha mula sa titulo ng balita ay sapat na upang
maniwala sa mga ito.
3. Tag-ulan na naman, nagbabala ang DOH na maari na namang kumalat ang sakit na
dengue sa inyong lugar. Anong impormasyon ang kailangan mong malikom upang
malabanan ng pamilya mo ang paglaganap ng sakit na ito?
a. pagpapatibay ng mga bubong ng bahay
b. pagsusuot ng face mask, gloves, at jacket
c. pag-iimbak ng malinis na pagkain at maiinom na tubig
d. paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok
4. Saan mo maaaring makukuha ang pinaka-tama at totoong impormasyon tungkol sa pag-
iwas sa sakit na Covid-19?
a. kaibigan mong sikat na tiktoker
b. pinsan na laging babad sa online games
c. ninong mong doktor na mahusay sa twitter
d. paboritong artista na may palabas sa youtube
5. Narinig mo sa radyo na may nagpositibo pala sa Covid-19 sa inyong barangay. Kilalang-
kilala mo ang pasyente kahit na hindi pinangalanan ito dahil isa lang naman ang bagong
nakauwing LSI (locally stranded individuals) sa inyong lugar. Ang pasyente ay ama ng
iyong kaklaseng si Bing na galit na galit ka dahil sa pagpapakalat niya ng maling
impormasyon tungkol sa iyo sa facebook noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo?
a. Ipakalat ang balitang ito sa facebook upang malaman din ng iba.
b. Iti-text sa iba pang mga kaklase ang nangyari sa pamilya ni Bing.
c. Puntahan ang bahay ni Bing upang tiyakin kung tama ba ang balita.
d. Gawin nang mas masinsinan pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit.
6. Dahil sa ipinatutupad na “new normal” ang ilan sa iyong mga kamag-aral sa ika-anim na
baitang ay naisipang doon na lang muna sa kanilang bahay mag-aral sa kasalukuyan
gamit ang Online Learning. Ang kanilang mga pamilya kasi ay may sariling kompyuter
at internet sa bahay. Inaaya ka nila na ganun din ang gawin mo dahil sigurado na maging
ligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan
ang mga magulang mo sa pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng
internet. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral?
a. Hihinto ka muna sa pag-aaral.
b. Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang gadyet.
c. Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman totoo.
d. Pisikal na papasok sa pinakamalapit na paaralan kasabay ang mahigpit na
pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.
Tayahin
12
7. Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang naitalang
kaso ng Covid-19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita ka na lumabas ng
bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong internet cafe at maglaro ng
inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na ipinagbilin ng iyong ina bago
pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo talagang manatili sa loob ng iyong tahanan
sa mga panahong ito. Ano ang gagawin mo?
a. Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito.
b. Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang binabalak.
c. Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama ang kaibigan.
d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay dahil sa
banta ng Covid-19.
8. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang
mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa
maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi
ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake
news. Ano ang gagawin mo?
a. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa.
b. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo.
c. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita.
d. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging.
9. Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-barangay
na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa kanya galing ang
naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang nababahalang netizen.
Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay upang makaiwas ka at ng buo mong
pamilya na mahawaan sa nasabing virus. Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan
mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit.
Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan?
a. Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita.
b. Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon.
c. Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita.
d. Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing nakahiligan na niya ang
pagtsi-tsismis.
10.Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa
paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang
kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay.
Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na
na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng
iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang
gagawin mo?
a. Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay.
b. Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan.
c. Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan.
d. Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulongan ang kaibigan.
Mag-isip ng isang suliranin na naranasan mo sa buhay. Ano ang iyong ginawa upang
malutas ito? Sumulat sa journal ng isang pangako na nagpapahayag kung paano mo
haharapin ang iba’t ibang suliranin.
Karagdagang Gawain
13
Halimbawa:
Mga Sagot
Ako si ___________________________ ay nangangako at naniniwalang mahalagang
pag-iisipan kong mabuti at susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko ito
paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa
katotohanan para sa pagkakaroon ng maayos na pamayanan. Magiging modelo ako ng
tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang pinapanigan kung hindi ang katotohanan
lamang. Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.
_______________________________
Lagda ng Mag-aaral
14
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao!
Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo. Ito ay ginawa
upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga
paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang lingo.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng
lahat.
Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:
1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37)
1.1. Nakapaghihinuha na ang katotohanan ang siyang nararapat na batayan
sa pagbuo ng ng isang mahalagang desisyon o pagggawa ng isang
makabuluhang kilos
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo kapag
naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa journal.
1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo
sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Titigil sa pag-aaral
b. Babawasan ang kinakain
c. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan
d. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera
2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa
isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo?
a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan
b. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral
c. Maghahanap ng damit na maaaring magamit
d. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan
Aralin
2
Ang Pagmamahal sa
Katotohanan
Alamin
Subukin
15
3. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam
mong higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang
kaniyang kakayahan. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa kaklase na siya ang papalit sa iyo
b. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon
c. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay
d. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral
4. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan.
Ngayong taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang
papayagang dumalo. Isa ka sa napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung
paano pinamamahalaan ng mga opisyal ang sesyon, pero hindi siya kasama sa
pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo?
a. Hikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo
b. Magkunwaring hindi naririnig ang pagigiit ng kamag-aral
c. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamag-aral
d. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari
5. Ipinatawag ka ng Adviser ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas
ang kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito ng iyak ng makita ka. Natatakot siya na
mapagalitan ng inyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo
na nagkasakit. Ano ang gagawin mo?
a. Tatawagan ang magulang at ipaaalam ang nangyari
b. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid
c. Paaalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat siya nang husto
d. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kaniyang loob at
gagaling din siya kaagad
6. Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro kayo ng basketbol sa
plaza pagkagabi dahil bukod sa hindi na mainit marami pang malalakas na ilaw doon.
Kaya napagkasunduang dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala
mo na kailangan mo palang mag-aral para sa iyong pagsusulit kinabukasan. Ano ang
gagawin mo?
a. Hindi na lang magpapakita sa mga kaibigan.
b. Magdadahilan na may lakad kayo ng iyong pamilya.
c. Sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong usapan.
d. Haharapin sila nang maayos at sasabihing kailangan mong mag-aral.
7. Ngayong may pandemya naisip ng mga magulang mo na magtayo kayo ng sarili
ninyong manukan upang pandagdag sa kita ng iyong pamilya. Kaya lang marami ang
pumunta nito dahil ang puwesto na pagtatayuan nito ay malapit sa mga kabahayan.
Dapat ba ninyong ituloy ito?
a. Hindi, dahil sa maaaring ikasasama nito sa mga tao.
b. Hindi, baka magagalit pa sa inyo ang pamilya ng kaibigan mo.
c. Oo, sayang din ang kikitain nito lalong-lalo na sa panahon ng Covid-19.
d. Oo, dahil karapatan din ng pamilya ko na magkaroon ng pagkakakitaan.
8. Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Sabi nila
na sandali lang ang kanilang lakad subalit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa
sila nakabalik. Gumagabi na at nagugutom na ang iyong mga kapatid. Ano ang
gagawin mo gayong wala ka namang alam sa pagluluto?
a. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong.
b. Umalis ng bahay upang hanapin ang mga magulang.
c. Makiusap sa kapitbahay na bigyan kayo ng makakain.
d. Papatulugin ang mga kapatid, lilipas din naman ang gutom.
9. Nakita mo na nag-aaway ang mga nakababatang mong kapatid. Hindi ka na
nagdalawang-isip pa at agad mong isinumbong sila sa iyong ama na alam mong
mahigpit sa kaniyang pagdidisiplina. Kaya agad na naparusahan ang dalawa. Lingid
sa iyong kaalaman ay nagtuturuan at nagsisihan pala sila kung sino ang kumuha sa
16
imported na tsokolate na nakita at kinain mo kani-kanina lang. Tama ba ang ginawa
mong pagsusumbong agad sa iyong ama?
a. Tama, upang hindi na ulit mag-away ang magkakapatid.
b. Mali, dahil inalam mo sana muna ang pinagmulan ng away.
c. Tama, dahil dapat ay maparusahan agad sila ano pa man ang katwiran.
d. Mali, dahil mas mabuti na balewalain na lang sila sa kanilang pag-aaway.
10.Nabasa mo sa isang website na kahit bata ka pa at nasa bahay lang ay maaari ka ng
kumita ng malaki. Maaari mo na daw umpisahan kaagad ang iyong online business
kapag nakapag-deposito ka na ng limandaang piso sa nakalagay na bank account sa
internet. Nagkataon naman na may naipon ka mula sa iyong allowance. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Mag-deposito kaagad ng pera para makapagsimula.
b. Udyokan ang mga kaibigan at kaklase para makasali din.
c. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay lehitimong gawain.
d. Mag-email sa may-ari ng website para manghingi ng karagdagang impormasyon.
Sa nakaraang aralin ay natutunan mo kung gaano ka-importante ang pagkakaroon ng
isang mapanuring pag-iisip—pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa suliranin, pagtitimbang
ng mga maaaring gawin, at pagpili nang pinakamabuti bago bumuo ng isang pasya.
May iilan akong katanungan ngayon na makikita mo sa ibaba. Nais kong basahin at
pagnilayan mo nang maigi ang mga ito at isulat ang iyong mga sagot sa iyong Reflective
Journal.
1. Kailangan bang suriin muna natin ang bawat sitwasyon o pangyayari bago tayo
gagawa nang desisyon? Ipaliwanag.
2. Paano mo susuriin ang isang bagay na may kinalaman sa iyong sarili?
3. Bakit mahalaga na ang isang bata na katulad mo ay maging mapanuri?
Gawain 1. Suriin mo ang mga larawan at sagutin ang mga tanong na nasa kabilang pahina:
Cheating: Freepik.com Littering: Freepik.com Liar: Freepik.com
Patnubay na tanong:
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan?
2. Naranasan mo na bang malagay sa isa sa mga sitwasyong ipinakita?
Ano ang iyong naramdaman?
3. Ano ang iyong ginawang kilos?
Balikan
Tuklasin
17
4. Mahalaga bang palagi nating ipinapahayag ang katotohanan? Bakit oo/hindi?
5. Ano ang epekto ng hindi pagpapahayag ng katotohanan?
Gawain 2. Basahin mo ang talata at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba:
Sagutin:
1. Anong klaseng bata ang inilarawan sa kuwento?
2. Bakit kinagat ng bata ang dalawang mansanas?
3. Sang-ayon ka ba sa naisip ng ina na ang kanyang anak ay lumaking maramot?
Child Eating: Freepik.com
Sagutin:
1. May nagbago ba sa iyong pagtingin sa batang inilarawan sa kuwento? Ipaliwanag.
2. Ano ang totoong dahilan kung bakit kinagat ng bata ang dalawang mansanas?
3. Talaga bang lumaking maramot ang batang babaeng ito? Ipaliwanag.
Isang batang babae ang may hawak na dalawang mansanas sa kanyang mga kamay.
Maya-maya ay lumapit ang kanyang ina at marahang nagtanong sa kanya, “Anak, maaari
mo bang ibigay ang isa ng iyong mansanas kay Nanay?"
Tumingin ang batang babae sa kanyang ina ng ilang segundo, at pagkatapos ay
biglang kinagat ang isang mansanas, tapos kinagat din ang pangalawa. Pilit na hindi
ipinakita ng ina ang hinanakit na kanyang naramdaman sa ipinakitang asal ng kanyang
anak. At naitanong niya sa sarili, “Nagpapalaki ba siya ng isang maramot na bata?”
(Itutuloy…)
(Karugtong…)
Ilang saglit ang lumipas at ibinigay
ng batang babae ang isa sa mga kinagat
niyang mansanas sa kanyang ina, at
sinabi, "Nanay, ito po ang mansanas na
talagang matamis.”
Isinalin sa Filipino mula sa artikulong
Don't Be Too Quick to Judge! na
isinulat ni Harvey Mackay, Published
February 18, 2019
https://www.uexpress.com/harvey-
mackay/2019/2/18/dont-be-too-quick-to-
judge
18
Ang katotohanan ay may kaugnayan sa prinsipyo ng katumpakan, katamaan,
katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman at mabuting paniniwala. Sa pagtukoy sa
katotohanan, ang malawak at mapanuring pag-iisip ay kinakailangan. Hindi lahat kasi ng ating
nababasa, nakikita o naririnig ay totoo. Kaya kinakailangan ang masusing pagsusuri at ang
pag-alam ng tamang impormasyon. Subalit sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao, lalo
na ang mga kabataan, ay nalilito sa kung ano ang totoo o hindi. Kaya’t nararapat lamang na
lalo pang pag-ibayuhin ang paglinang sa pagpapahalagang pagmamahal sa katotohanan,
upang ang paggawa ng desisyon ay hindi lamang naaayon sa kagustuhan ng gumagawa nito
bagkus ay ayon sa kung ano ang tama at totoo.
Gawain 3. Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang sinasabi sa aral ni Confucius?
2. Ano-ano ang naidudulot ng katapatan sa tao?
3. Sa inyong binasa, paano matitiyak ang ganap na pagbabago? Ihalintulad ito
sa inyong sariling mag pagpupunyagi. Ano-ano ang mga ito?
Suriin
Confucius: Freepik.com
Ang Matapat ay Nagmamahal sa Katotohanan
Dolores S. Quiambao
Sa aklat na Doctrine of the Mean, ipinaliwanag ni Confucius kung ano ang
nagagawa ng katapatan sa tao at sa buong mundo:
“Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng tao. Ang taong matapat ay may
pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kinakailangang magpanggap,
nakakakilos siya nang tama. Ang taong nagmamahal sa katotohanan ay pumipili
kung ano ang mabuti, at isinasabuhay niya ito.
Ang katapatang ito ay nagiging kitang-kita. Mula sa pagiging kitang-kita, ito ay
kaniyang ikinikilos. Mula sa kanyang ikinikilos, ito ay nagiging maningning. Dahil
sa maningning, naaapektuhan nito ang iba. Dahil naaapektuhan ang iba, sila ay
nababago nito. Dahil nababago sila nito, nagiging ganap itong pagbabago. Siya
lamang na nagtataglay ng kompletong katapatan ang maaaring manatili sa langit
upang makapagbabago nang tuluyan.”
Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na maging matapat
lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon. Hindi basta-basta naniniwala as mga
sinasabi ng mga tao. Tinitiyak niya ang mga datos sa tunay na pangyayari.
19
Panuto: Suriin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. Isulat ang salitang TAMA kung ang
sitwasyon ay tama. Kung mali, isulat ang salitang MALI at itama ang nararapat na sitwasyon.
1. Ang bata ay nahuling nangongopya sa kaniyang kaklase.
2. Si Carlo ay hindi nagsasabi ng totoo sa kaniyang mga magulang.
3. Tuwing Biyernes, si Aldrin ay umaalis ng bahay upang pumasok sa paaralan ngunit hindi
siya dumederetso sa paaralan.
4. May pagkakataon ang batang si Rina ay malimit kumuha ng gamit na walang paalam.
5. Si Albert ay laging nagsasabi ng totoo sa kaniyang mga magulang at guro.
6. Ang batang si Michael ay nagmamalasakit sa mga gamit sa tahanan at paaralan ng
buong tapat.
7. Gumagawa ng tama sa lahat ng pagkakataon si Maricel kahit walang nakakakita.
8. Ang mga mag-aaral ay gumagawa ng masama dahil sa pakikisama.
9. Si Anthony ay malimit na hindi nagsasabi ng totoo dahil sa takot sa kaniyang mga
kaklase.
10. Ang batang si Francis ay laging naninindigan laban sa masamang gawa kahit magalit
ang nakararami.
Tayo ay may pananagutan sa ating sarili na siguruhing ang bawat kilos natin ay
nakabatay sa katotohanan. Ang pagmamahal sa katotohanan ay maipapakita natin sa
pamamagitan ng pagkalap ng datos sa tunay na pangyayari at paghahanap ng katiyakan ng
tamang impormasyon. Kaya nararapat lamang na tayo ay maging mapanuri sa lahat ng bagay
na ating mababasa o makikita o maririnig lalong-lalo na sa social media. Mahalaga din na tayo
ay maglaan ng sapat na panahon para suriin ang mga impormasyon—mga impormasyon na
may kaugnayan sa ating sarili, sa ating pakikipagkapuwa, at sa paggawa ng mga
importanteng desisyon sa buhay.
Gawain 4. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat kung ano ang iyong gagawin ukol
dito.
1. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na nagnakaw ng paninda sa tindahan ng
iyong tiyahin. Ang ninakaw na paninda ay nagkakahalaga ng limandaang piso. Ano
ang gagawin mo at bakit?
2. Matapos ang mural painting sa inyong paaralan na ginamitan ng halo-halong pintura,
iminungkahi ng inyong lider na itapon na lang sa kanal ang mga natirang pintura dahil
hindi na ito mapakikinabangan. Ano ang gagawin mo at bakit?
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
20
3. Pinagbantahan ka ng iyong kaklase na kailangang patutuladin mo siya sa isang
pagsusulit dahil kapag hindi mo gagawin ito ay ipagkakalat niya sa buong paaralan na
isang hamak na magbobote lamang ang iyong ama. Ano ang gagawin mo at bakit?
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo kapag
naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa journal.
1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo
sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?
a. Titigil sa pag-aaral
b. Babawasan ang kinakain
c. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan
d. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera
2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa
isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo?
a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan
b. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral
c. Maghahanap ng damit na maaaring magamit
d. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan
3. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam
mong higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang
kaniyang kakayahan. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa kaklase na siya ang papalit sa iyo
b. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon
c. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay
d. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral
4. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan.
Ngayong taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang
papayagang dumalo. Isa ka sa napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung
paano pinamamahalaan ng mga opisyal ang sesyon, pero hindi siya kasama sa
pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo?
a. Hikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo
b. Magkunwaring hindi naririnig ang pagigiit ng kamag-aral
c. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamag-aral
d. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari
5. Ipinatawag ka ng Adviser ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas
ang kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito ng iyak ng makita ka. Natatakot siya na
mapagalitan ng inyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo
na nagkasakit. Ano ang gagawin mo?
a. Tatawagan ang magulang at ipaaalam ang nangyari
b. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid
c. Paaalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat siya nang husto
d. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kaniyang loob at
gagaling din siya kaagad
Tayahin
21
6. Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro kayo ng basketbol sa
plaza pagkagabi dahil bukod sa hindi na mainit marami pang malalakas na ilaw doon.
Kaya napagkasunduang dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala
mo na kailangan mo palang mag-aral para sa iyong pagsusulit kinabukasan. Ano ang
gagawin mo?
a. Hindi na lang magpapakita sa mga kaibigan.
b. Magdadahilan na may lakad kayo ng iyong pamilya.
c. Sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong usapan.
d. Haharapin sila nang maayos at sasabihing kailangan mong mag-aral.
7. Ngayong may pandemya naisip ng mga magulang mo na magtayo kayo ng sarili
ninyong manukan upang pandagdag sa kita ng iyong pamilya. Kaya lang marami ang
pumunta nito dahil ang puwesto na pagtatayuan nito ay malapit sa mga kabahayan.
Dapat ba ninyong ituloy ito?
a. Hindi, dahil sa maaaring ikasasama nito sa mga tao.
b. Hindi, baka magagalit pa sa inyo ang pamilya ng kaibigan mo.
c. Oo, sayang din ang kikitain nito lalong-lalo na sa panahon ng Covid-19.
d. Oo, dahil karapatan din ng pamilya ko na magkaroon ng pagkakakitaan.
8. Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Sabi nila
na sandali lang ang kanilang lakad subalit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa
sila nakabalik. Gumagabi na at nagugutom na ang iyong mga kapatid. Ano ang
gagawin mo gayong wala ka namang alam sa pagluluto?
a. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong.
b. Umalis ng bahay upang hanapin ang mga magulang.
c. Makiusap sa kapitbahay na bigyan kayo ng makakain.
d. Papatulugin ang mga kapatid, lilipas din naman ang gutom.
9. Nakita mo na nag-aaway ang mga nakababatang mong kapatid. Hindi ka na
nagdalawang-isip pa at agad mong isinumbong sila sa iyong ama na alam mong
mahigpit sa kaniyang pagdidisiplina. Kaya agad na naparusahan ang dalawa. Lingid
sa iyong kaalaman ay nagtuturuan at nagsisihan pala sila kung sino ang kumuha sa
imported na tsokolate na nakita at kinain mo kani-kanina lang. Tama ba ang ginawa
mong pagsusumbong agad sa iyong ama?
a. Tama, upang hindi na ulit mag-away ang magkakapatid.
b. Mali, dahil inalam mo sana muna ang pinagmulan ng away.
c. Tama, dahil dapat ay maparusahan agad sila ano pa man ang katwiran.
d. Mali, dahil mas mabuti na balewalain na lang sila sa kanilang pag-aaway.
10.Nabasa mo sa isang website na kahit bata ka pa at nasa bahay lang ay maaari ka ng
kumita ng malaki. Maaari mo na daw umpisahan kaagad ang iyong online business
kapag nakapag-deposito ka na ng limandaang piso sa nakalagay na bank account sa
internet. Nagkataon naman na may naipon ka mula sa iyong allowance. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Mag-deposito kaagad ng pera para makapagsimula.
b. Udyokan ang mga kaibigan at kaklase para makasali din.
c. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay lehitimong gawain.
d. Mag-email sa may-ari ng website para manghingi ng karagdagang impormasyon.
Gumawa sa iyong journal ng pagsusuri sa iyong sarili. Magtala ng mga sitwasyon na
sumasalamin sa pagsasabuhay mo ng pagmamahal sa katotohanan. Ilahad ang mga
natutuhan mo.
Karagdagang Gawain
22
Mga Sagot
Sitwasyon kung saan naisasabuhay ko ang pagmamahal sa katotohanan
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________
Mga aral na natutuhan ko
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________
23
Alamin
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao!
Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo. Ito ay ginawa
upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga
paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang
matapos sa loob ng isang lingo.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang
bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat
Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:
1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37)
1.1. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kakayahan na mapanuri.
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot.
1. Tumutukoy sa _____________ ang mapanuring pag-iisip.
a. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
b. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
c. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya
2. Nakita mong nagsusunog ng plastic at iba pang mga basura ang kaibigan mo sa
bakuran nila. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang buong pamilya sa kapitan ng barangay.
b. Awayin ang kaibigan dahil sa kaniyang pagpapabaya sa kalikasan.
c. Ipaliwanag sa kaniya ang pinsalang dulot nito sa tao at sa kalikasan.
d. Pababayaan lang siya dahil sa kanilang bakuran naman nangyari ito.
Aralin
3 Ang Mapanuring Pag-iisip
Subukin
24
3. Narinig mo mula sa isang programa sa TV ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
malusog at malinis na pangangatawan. Nananawagan sila na kailangan mong
seryosohin ang pangangalaga sa iyong sarili lalo na ngayon sa pahanon ng
pandemya. Paano mo matutugunan ang panawagang ito?
a. Araw-araw maglaro ng ML at iba pang online games.
b. Palagiang magpagod sa pagtulong sa mga gawaing-bahay.
c. Gabi-gabing magpupuyat sa panood ng paboritong telenovela.
d. Piliting kumain ng mga masusustansiyang pagkain kahit hindi ito gusto.
4. May patalastas sa TV tungkol sa isang produkto na mabisang makagagamot sa
tagihawat. Hinimok ka ng iyong mga kaibigan na bumili nito upang tulad nila
masosolusyunan na rin ang matagal mo nang dinadalang problema sa balat. Alam
mong hindi ka mahihirapang bumili nito dahil maraming suplay nito sa botika. Ngunit,
may kamahalan ito at kapos ang pamilya mo sa pera ngayon. Pansamantalang natigil
kasi ang ama mo sa kaniyang trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine sa inyong
lugar. Bibili ka ba sa produktong ito?
a. Oo, dahil marami na sa iyong mga kaibigan ang gumagamit nito.
b. Oo, dahil ito na ang sagot sa matagal mo nang problema sa balat.
c. Hindi, dahil pare-parehong di-makatotohanan ang lahat ng patalastas.
d. Hindi, dahil hindi ito prayoridad na panggagamitan ng pera sa ngayon.
5. Nabalitaan mo sa radyo na sangkot daw sa pagbebenta ng shabu ang tatay ng kaklase
mo. Depensa naman ng kaklase mo na napagbintangan lang ang tatay niya sa kaso.
Paano mo ngayon pakikitunguhan ang nasabing kaklase?
a. Hindi mo na siya kikibuan magmula ngayon.
b. Pagtawanan siya at sabihing siya ay nagsisinungaling.
c. Layuan ang kaklase bago siya makaiimpluwensiya sa iyo ng masama.
d. Bigyan mo siya ng lakas ng loob dahil nahihirapan din siya sa ngayon.
6. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo paglabas mo ng paaralan. Isinasama ka
niya sa isang lugar at sinabing magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate
na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang
at guro ang kaniyang pag-anyaya. Ano ang gagawin mo?
a. Agad na babalik sa paaralan
b. Tatawagin ang guwardiya ng paaralan at sasabihin dito ang nangyari
c. Lalapit sa iba pang mag-aaral at unti-unting lalayo sa di kilalang tao
d. Lahat ng pagpipiliang sagot
7. May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong
naghihintay sa tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng P500 kapag ginawa mo ito
para sa kaniya. Ano ang gagawin mo?
a. Magsasabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
b. Hahanapin muna ang alok na P500 bago sumunod
c. Sasabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan
d. Sasabihin agad sa iyong guro at/o mga magulang ang nangyayari
8. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan.
May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang
iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan
a. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.
b. Gagawin ko ang gusto ko. Ako naman ang pipili ng kaibigan.
c. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyon mag-isa.
d. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa
kanilang anak.
9. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math.
Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang
naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo?
a. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan
b. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.
25
c. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng
mga gamit.
d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang
oras na pinag-usapan.
10.Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng iyong klase sa isang
video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka
nang maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao
b. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon
c. Kausapin sila at ipaunawa na ang pakikinig sa utos ng magulang ay mas higit pa
kaysa sa sariling kasiyahan
d. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain
Sa unang dalawang aralin ay natutunan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-
iisip na mapanuri at may pagmamahal sa katotohanan. Natutunan mo na bilang tao
kinakailangan mo ang maging mapanuri sa lahat ng bagay na iyong mababasa, makikita o
maririnig. Bukod dito, natutunan mo rin na kalakip sa pananagutan mo bilang isang tao ay ang
pagsiguro na ang bawat kilos mo ay nakabatay sa katotohanan.
May iilan akong katanungan ngayon na makikita mo sa ibaba. Nais kong basahin at
pagnilayan mo nang maigi ang mga ito at isulat ang iyong mga sagot sa iyong Reflective
Journal.
1. Paano naipakikita ang pagmamahal sa katotohanan?
2. Sa anong pagkakataon tayo inaasahan na magpapahayag ng katotohanan?
3. Magbigay pa ng ibang mga mahahalagang aral na inyong natutuhan sa nakaraang
aralin.
Book: Freepik.com PC: Freepik.com Cellphone: Freepik.com FBLogo:Freepik.com
Gawain 1. Suriin ang mga larawan na nasa itaas at sagutin ang mga sumusunod:
1. Ginagamit mo ba ang mga nasa larawan? Paano mo ito ginagamit?
2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong o nakasasama ang mga nasa larawan?
3. Paano natin mahuhubog ang mapanuring pag-iisip gamit ang mga nasa larawan?
4. Ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagkakaroon ng mapanuring pag-
iisip?
Balikan
Tuklasin
26
Gawain 2. Pag-aralan ang infographics mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at sagutin
ang mga sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang infographics na ito?
2. Ano ang sinasabi ng infographics na nararapat mong gawin upang
maiiwasan ang pagkahawa sa Covid-19? Ipaliwanag.
3. Ano ang maitutulong ng infographics na ito sa iyo at sa iyong pamilya?
Ipaliwanag.
4. Nararapat bang paniwalaan ang mga impormasyong ito? Bakit? Bakit hindi?
5. Ano ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa pag-intindi o pag-unawa
sa nilalaman na ipinakita ng infograhics na nasa itaas?
Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na mag-isip nang malinaw at makatwiran
tungkol sa kung ano ang gagawin o kung ano ang paniniwalaan. Kabilang dito ang kakayahan
upang makisali sa reflective at malayang pag-iisip. Bukod dito, ang mapanuring pag-iisip ay
Suriin
27
hindi lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Kabahagi rin dito ang mahusay at kritikal
na paggamit ng mga impormasyon upang malutas ang mga problema.
Gawain 3. Batay sa kahulugan ng mapanuring pag-iisip na nasa itaas, nais kong punan mo
ang graphic organizer na nasa ibaba ng mga katangian ng isang taong nagpapakita ng
mapanuring pag-iisip:
Sagutin:
1. Ano-ano ang katangian ng taong may mapanuring pag-iisip?
2. Ikaw ba ay nagtataglay rin ng mga katangiang ito? Ipaliwanag.
3. Paano maisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa tahanan? sa paaralan? sa
paggamit ng mass media?
Panuto. Basahin ang kuwento at alamin kung nagtataglay ba ng mapanuring pag-iisip ang
tauhan nito. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba.
Pagyamanin
Taong may
mapanuring pag-iisip
28
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anong uri ng gansa ang inaalagaan ng matandang babae?
2. Bakit naisipan ng matandang babae na patayin ang kanyang gansa?
3. Maituturing ba na may mapanuring pag-iisip ang matandang babae? Bakit?
Bakit hindi?
4. Kung ikaw ang nasa katayuan ng babae, gagawin mo ba rin ang kanyang
ginawa?
5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang mapanuring pag-iisip? Ipaliwanag.
Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan ng tao na gumawa ng isang maingat na
pag-iisip o pangangatwiran gamit ang sapat at maaasahang ebidensiya o impormasyon. Sa
pamamagitan ng mapanuring pag-iisip ay maiiwasan ng tao ang padalos-dalos at maling
pagdedesisyon sa buhay.
Isaisip
Ang Gansang Nangitlog ng Ginto
May isang matandang babae na nag-aalaga ng Gansa. Ang Gansa ay
nangingitlog paminsan-minsan.
Isang araw ay nagulat ang matanda nang mapansing nangingintab ang itlog
ng Gansa. Dali-dali niya itong pinulot at sinuri. Mabigat na mabigat ang itlog at
nagniningning na parang ginto.
"Gintong itlog!" tuwang-tuwang nagsisisigaw ang matanda. "Nangingitlog ng
ginto ang Gansa ko! Gintong itlog! Gintong itlog!"
Masayang-masaya ang matanda sa gintong itlog na bigay ng Gansa. Lalo
siyang natuwa sapagkat araw-araw nangingitlog ang alaga niya. Naging mayaman
ang matanda. Nakabili siya ng malawak na lupa at nakapagpatayo ng malaking
bahay at nakapamuhay nang masagana.
Hindi naging lubos ang kaligayahan ng matanda. Para sa kanya
napakabagal ng araw-araw na pangingitlog ng Gansa. Malalim siyang nag-isip.
May sapantaha ang matandang tiyak na marami ang gintong itlog sa loob ng tiyan
ng Gansa.
"Nakatitiyak ako," ngingisi-ngising hula ng matanda, "na kung papatayin ko
ang Gansang ito at kukunin ko ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging
pinakamayaman ako sa komunidad na ito!"
Pinatay nga ng ganid na matanda ang Gansa. Nanghinayang siya sapagkat
wala kahit isa man lamang na gintong itlog siyang nakita.
Huli na ang lahat sapagkat hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng
kaniyang alaga na nagbigay sa kaniya ng yaman at tuwa.
Source:https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-gansang-nangitlog-ng-ginto/
29
Ang isang tao na may mga kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip ay magagawang
gawin ang sumusunod:
1. maunawaan ang mga lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideya
2. kilalanin, suriin, at buuin ang mga argumento
3. tuklasin ang hindi pagkakapare-pareho at mga karaniwang pagkakamali sa
pagdadahilan
4. malutas ang mga problema sa sistematikong paraan
5. makilala ang kaugnayan at kahalagahan ng mga ideya
6. masasalamin ang pagbibigay-katarungan ng sariling paniniwala at mga halaga
Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Ang
isang tao na may mapanuring pag-iisip ay may kaalaman din kung paano niya gagamitin ang
mga impormasyon na nasa sa kanyang mga kamay sa paglutas ng mga problema sa sarili at
sa iba.
Gawain 4. Pag-aralan at suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa Reflective Journal ang
iyong saloobin at kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga patnubay na tanong.
Patnubay na tanong:
1. Ano ang naramdaman mo habang sinusuri ang bawat sitwasyon?
2. Ano ang masasabi mo sa mga sitwasyong nabanggit?
3. Ano ang isinasaalang-alang mo sa pagbuo ng pasya?
4. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip? Bakit oo/hindi?
5. Ano-ano pa ang paraan upang magkaroon ng mapanuring pag-iisip?
Isagawa
Sitwasyon 1
Isang araw habang abala sa panonood si Roger ay biglang tumunog ang
kanilang telepono at nagsasabing siya ay isang bastos at walang pinag-aralan
bagamat maayos naman ang kaniyang pakikipag usap sa kabilang linya.
Sitwasyon 2
Si Aldrin ay isang batang masipag mag-aral. Araw-araw wala siyang ginagawa
kung hindi magbasa at mag-aral. Subalit isang araw, nabalitaan niya na nagkakalat
ng maling balita ang kaniyang kaibigan. Ipinagkakalat daw nito na kaya matataas
ang kaniyang marka ay dahil siya ay nangongopya lamang sa kaniyang matalinong
katabi.
Sitwasyon 3
Sa araw-araw, walang ginawa si Carla kundi mag-facebook. Isang araw, hindi
inaasahang nakabasa siya ng isang post sa facebook na mawawalan ng pasok
kinabukasan sa kanilang lugar.
30
Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot.
1. Tumutukoy sa _____________ ang mapanuring pag-iisip.
a. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
b. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon
c. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya
2. Nakita mong nagsusunog ng plastic at iba pang mga basura ang kaibigan mo sa
bakuran nila. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang buong pamilya sa kapitan ng barangay.
b. Awayin ang kaibigan dahil sa kaniyang pagpapabaya sa kalikasan.
c. Ipaliwanag sa kaniya ang pinsalang dulot nito sa tao at sa kalikasan.
d. Pababayaan lang siya dahil sa kanilang bakuran naman nangyari ito.
3. Narinig mo mula sa isang programa sa TV ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
malusog at malinis na pangangatawan. Nananawagan sila na kailangan mong
seryosohin ang pangangalaga sa iyong sarili lalo na ngayon sa pahanon ng
pandemya. Paano mo matutugunan ang panawagang ito?
a. Araw-araw maglaro ng ML at iba pang online games.
b. Palagiang magpagod sa pagtulong sa mga gawaing-bahay.
c. Gabi-gabing magpupuyat sa panood ng paboritong telenovela.
d. Piliting kumain ng mga masusustansiyang pagkain kahit hindi ito gusto.
4. May patalastas sa TV tungkol sa isang produkto na mabisang makagagamot sa
tagihawat. Hinimok ka ng iyong mga kaibigan na bumili nito upang tulad nila
masosolusyunan na rin ang matagal mo nang dinadalang problema sa balat. Alam
mong hindi ka mahihirapang bumili nito dahil maraming suplay nito sa botika.
Ngunit, may kamahalan ito at kapos ang pamilya mo sa pera ngayon. Pansamantalang
natigil kasi ang ama mo sa kaniyang trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine sa
inyong lugar. Bibili ka ba sa produktong ito?
a. Oo, dahil marami na sa iyong mga kaibigan ang gumagamit nito.
b. Oo, dahil ito na ang sagot sa matagal mo nang problema sa balat.
c. Hindi, dahil pare-parehong di-makatotohanan ang lahat ng patalastas.
d. Hindi, dahil hindi ito prayoridad na panggagamitan ng pera sa ngayon.
5. Nabalitaan mo sa radyo na sangkot daw sa pagbebenta ng shabu ang tatay ng kaklase
mo. Depensa naman ng kaklase mo na napagbintangan lang ang tatay niya sa kaso.
Paano mo ngayon pakikitunguhan ang nasabing kaklase?
a. Hindi mo na siya kikibuan magmula ngayon.
b. Pagtawanan siya at sabihing siya ay nagsisinungaling.
c. Layuan ang kaklase bago siya makaiimpluwensiya sa iyo ng masama.
d. Bigyan mo siya ng lakas ng loob dahil nahihirapan din siya sa ngayon.
6. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo paglabas mo ng paaralan. Isinasama ka
niya sa isang lugar at sinabing magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate
na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang
at guro ang kaniyang pag-anyaya. Ano ang gagawin mo?
a. Agad na babalik sa paaralan
b. Tatawagin ang guwardiya ng paaralan at sasabihin dito ang nangyari
Tayahin
31
c. Lalapit sa iba pang mag-aaral at unti-unting lalayo sa di kilalang tao
d. Lahat ng pagpipiliang sagot
7. May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong
naghihintay sa tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng P500 kapag ginawa mo ito
para sa kaniya. Ano ang gagawin mo?
a. Magsasabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
b. Hahanapin muna ang alok na P500 bago sumunod
c. Sasabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan
d. Sasabihin agad sa iyong guro at/o mga magulang ang nangyayari
8. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan.
May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang
iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan
a. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin.
b. Gagawin ko ang gusto ko. Ako naman ang pipili ng kaibigan.
c. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyon mag-isa.
d. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para
sa kanilang anak.
9. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math.
Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang
naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo?
a. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan
b. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.
c. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng
mga gamit.
d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang
oras na pinag-usapan.
10. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng iyong klase sa isang
video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka
nang maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo?
a. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao
b. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon
c. Kausapin sila at ipaunawa na ang pakikinig sa utos ng magulang ay mas higit pa
kaysa sa sariling kasiyahan
d. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain
Gawin ang mga sumusunod:
1. Gumupit o gumuhit ng limang (5) larawan ng mga bagay na madalas mong
ginagamit sa paaralan o sa bahay at idikit ito sa iyong kwaderno. Isulat kung
paano mo ito ginagamit upang mahubog ang iyong mapanuring pag-iisip?
2. Sumulat ng isang sitwasyon na nangangailangan ng isang mapanuring pag-iisip
upang makabuo ng tamang desisyon sa buhay na isinaalang-alang ang kabutihan
ng pamilya at ng lipunang ginagalawan.
Karagdagang Gawain
32
Mga Sagot
33
Talasanggunian
Mga Aklat
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
(Batayang Aklat). Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon
(Manwal ng Guro). Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016
Mga Artikulo mula sa Internet
“Ang Gansang Nangitlog ng Ginto,” Pinoy Edition, accessed May 23, 2020
https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-gansang-nangitlog-ng-ginto/
“Don’t Be Too Quick to Judge,” Uexpress, published Feb. 18, 2019
https://bit.ly/2BsJhlo
“Ilang estudyante sa Zamboanga del Norte, buwis-buhay para lang makapag-aral,”
GMA News Online, published August 2, 2015,
https://bit.ly/2Z25jU6
“Paano masasabing 'fake news' ang nakikita sa social media?” ABS-CBN News,
published Dec 02 2019,
https://bit.ly/2YqlpYx
Downloaded Resources
Department of Education – Regional Office No. 8. ESP– Grade 6 Teacher’s Guide.
May 18, 2020. https://www.slideshare.net/RiginoMacunayJr/esp-6- k12-
teachers-guide-quarter-1.pdf.
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 6. May 18, 2020.
https://depedbatangascity.org/resources/deped-batangas-city-learning-
materials/pdf.
Aralin 1 Mapanuring Pag-iisip. May 18, 2020.
https://depedbatangascity.org/resources/deped-batangas-city-learning-
materials/pdf.
Grade 6 ESP, May 18, 2020.
https://www.depedk12.com/2019/07/edukasyon-sa-pagpapakatao-1-6-
dll.html/pdf.
Mga Larawan mula sa Internet
Freepik. Accessed May 23, 2020, www.freepik.com
DOH Investigates Case of Pneumonia. Accessed May 23, 2020, doh.gov.ph
34
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Ugnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bungaUgnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bunga
Janette Diego
 
Pangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunianPangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunian
Irene Paz
 

Was ist angesagt? (20)

Filipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at BungaFilipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at Bunga
 
Pangngalan at Kailanan ng Pangngalan
Pangngalan at Kailanan ng PangngalanPangngalan at Kailanan ng Pangngalan
Pangngalan at Kailanan ng Pangngalan
 
Ugnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bungaUgnayang sanhi at bunga
Ugnayang sanhi at bunga
 
Filipino 6 Grade 6 1st Quarter Week 1
Filipino 6 Grade 6 1st Quarter Week 1 Filipino 6 Grade 6 1st Quarter Week 1
Filipino 6 Grade 6 1st Quarter Week 1
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
Pang ukol
Pang ukolPang ukol
Pang ukol
 
Pangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunianPangkalahatang sanggunian
Pangkalahatang sanggunian
 
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop saPaggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
 
Ang mga Tuntunin ng Paaralan
Ang mga Tuntunin ng PaaralanAng mga Tuntunin ng Paaralan
Ang mga Tuntunin ng Paaralan
 
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
 
Panghalip pamatlig
Panghalip pamatligPanghalip pamatlig
Panghalip pamatlig
 
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITOPANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
 
Q4 WEEK 3 MONDAY.pptx
Q4 WEEK 3 MONDAY.pptxQ4 WEEK 3 MONDAY.pptx
Q4 WEEK 3 MONDAY.pptx
 
Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)
Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)
Bahagi ng pangungusap (Simuno at Panaguri)
 
Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6Pang- Angkop Grade 6
Pang- Angkop Grade 6
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
 
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungatFilipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
 
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT- FILIPINO GRADE 4
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT- FILIPINO GRADE 4URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT- FILIPINO GRADE 4
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT- FILIPINO GRADE 4
 
Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga oTungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
Tungkulin sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
 

Mehr von Mat Macote (14)

Dm 267
Dm 267Dm 267
Dm 267
 
Filipino6 q1 mod1_paggamitng_pangngalan _v5
Filipino6 q1 mod1_paggamitng_pangngalan _v5Filipino6 q1 mod1_paggamitng_pangngalan _v5
Filipino6 q1 mod1_paggamitng_pangngalan _v5
 
Tle6 q1 mod4_agriculture_propagating_trees_fruit-bearingtreesusingscientificp...
Tle6 q1 mod4_agriculture_propagating_trees_fruit-bearingtreesusingscientificp...Tle6 q1 mod4_agriculture_propagating_trees_fruit-bearingtreesusingscientificp...
Tle6 q1 mod4_agriculture_propagating_trees_fruit-bearingtreesusingscientificp...
 
Tle6 q1 mod1_agriculture_planting_propagating_trees_fruit-bearingtrees_v5
Tle6 q1 mod1_agriculture_planting_propagating_trees_fruit-bearingtrees_v5Tle6 q1 mod1_agriculture_planting_propagating_trees_fruit-bearingtrees_v5
Tle6 q1 mod1_agriculture_planting_propagating_trees_fruit-bearingtrees_v5
 
Tle6 q1 mod2_agriculture_uses_technologyintheconductofsurveyinpropagatingtree...
Tle6 q1 mod2_agriculture_uses_technologyintheconductofsurveyinpropagatingtree...Tle6 q1 mod2_agriculture_uses_technologyintheconductofsurveyinpropagatingtree...
Tle6 q1 mod2_agriculture_uses_technologyintheconductofsurveyinpropagatingtree...
 
Tle6 q1 mod3_agriculture_conduct_a_surveyonthetypesoforchardfarm_v5
Tle6 q1 mod3_agriculture_conduct_a_surveyonthetypesoforchardfarm_v5Tle6 q1 mod3_agriculture_conduct_a_surveyonthetypesoforchardfarm_v5
Tle6 q1 mod3_agriculture_conduct_a_surveyonthetypesoforchardfarm_v5
 
Waiver
WaiverWaiver
Waiver
 
Student inc
Student incStudent inc
Student inc
 
Student inc instructor
Student inc instructorStudent inc instructor
Student inc instructor
 
Student inc instructor 1
Student inc instructor 1Student inc instructor 1
Student inc instructor 1
 
Student inc dean
Student inc deanStudent inc dean
Student inc dean
 
Student inc dean 1
Student inc dean 1Student inc dean 1
Student inc dean 1
 
Student inc affidavit
Student inc affidavitStudent inc affidavit
Student inc affidavit
 
A corrections (recovered 1)
A corrections (recovered 1)A corrections (recovered 1)
A corrections (recovered 1)
 

Kürzlich hochgeladen

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 

Kürzlich hochgeladen (20)

curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 

Copy of es p6 q1_mod1_mapanuringpag_iisip_v5

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 1-Module 1, Week 1: Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo sa Pagtuklas ng Katotohanan Department of Education ● Republic of the Philippines 6
  • 2. 1 Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 6 Alternative Delivery Mode Quarter 1 - Module 1: Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo sa Pagtuklas ng Katotohanan Unang Edisyon 2020 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplenaria, CESO V Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________ Department of Education – Division of Lanao del Norte Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109 E-mail Address: lanao.norte@deped.gov. ph Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6 Manunulat: Alito B. Delos Santos Illustrator and Layout Artist: Albert Prieto Proofreader, In-House Content and Language Editors: Mary Grace B. Yap; Romelyn Ventures Management Team Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V Schools Division Superintendent Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera Assistant Schools Division Superintendent Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief Erl C. Villagonzalo, Ph.D., EPS-EsP Norhatta Daud, Ph.D., PSDS Amelita Bagol, Ed.D., Coordinating Principal Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager Jocelyn R. Camiguing, Librarian II Myles M. Sayre, PDO II Regional Evaluator: Treneben Panduma, Valencia City Division
  • 3. 2 6 Edukasyon sa Pagpapakatao Quarter 1-Module 1, Week 1: Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo sa Pagtuklas ng Katotohanan Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling guro, punong guro, tagamasid pampurok at tagamasid pansangay sa Departamento ng Edukasyon- dibisyon ng Lanao del Norte. Hinihikayat ang lahat ng guro at mga stakeholders sa edukasyon sa pamamagitan ng pag- email sa kanilang mga puna, komento o mungkahi sa Deped-Lanao Division sa lrmdsldn@gmail.com. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
  • 4. 3 TALAAN NG NILALAMAN COVER PAGE COPYRIGHT PAGE TITLE PAGE Talaan ng mga Nilalaman Mga Pahina Aralin 1 – Ang Mabuting Pagsusuri Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6 Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 6 Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 9 Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 9 Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10 Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 11 11 11 Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 12 14 Aralin 2 – Ang Pagmamahal sa Katotohanan Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15 Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 15 Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 17 Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 17 Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 19 Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 20 Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 21 23 Aralin 3 – Ang Mapanuring Pag-iisip Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 24 Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 24 Balikan- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 26 Tuklasin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 26 Suriin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 28 Pagyamanin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Isagawa- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 29 30 30 Tayahin- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Karagdagang Gawain- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 31 33 Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 44
  • 5. 4 Mapanuring Pag-iisip, Gabay Tungo sa Pagtuklas ng Katotohanan TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO Maligayang pagdating sa modyul na ito! Sa makabagong panahon ngayon na kung saan laganap na ang mga fake news sa social media, minsan hindi mo na alam kung alin ang totoo at tama at alin naman ang hindi. Dahil dito, maraming mga kabataan ngayon, katulad mo, na maaaring malilinlang sa mga maling impormasyon at makagagawa ng mga maling desisyon sa buhay. Kaya nararapat lamang na ikaw ay maging mas mapanuri sa mga bagay o pangyayari na pumapaligid sa iyo. Pakatandaan mo na lahat ng iyong desisyon ay may kaakibat na kahihinatnan—mabuti man ang mga ito o masama. Sana, sa pamamagitan ng modyul na ito ay matututunan mo ang pagsasagawa ng mga tamang hakbang sa pagbuo ng isang desisyon na makapagdudulot ng kabutihan para sa iyong sarili at gayundin sa iba. Ang modyul na ito ay may apat na aralin: • Aralin 1: Ang Mabuting Pagsusuri • Aralin 2: Ang Pagmamahal sa Katotohanan • Aralin 3: Ang Mapanuring Pag-iisip • Aralin 4: Ang Katatagan ng Loob Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: 1. Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37) 1.1. Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip tungkol sa mga impormasyong lumalabas sa media. 1.2. Nakapaghihinuha na ang katotohanan ang siyang nararapat na batayan sa pagbuo ng isang mahalagang desisyon o pagggawa ng isang makabuluhang kilos. 1.3. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kakayahan na mapanuri. 1.4. Nakapagpapasiya nang mabuti gamit ang mapanuring pag-iisip at katatagan ng loob. Bago pa tayo magsimula, nararapat na tandaan mong maigi ang mga sumusunod: • Huwag sulatan ang alinmang bahagi ng modyul sapagkat mayroon pang ibang mga mag- aaral na maaaring gagamit nito. Sa halip, gumamit ng isang maliit na kuwaderno bilang iyong REFLECTIVE JOURNAL at dito mo isusulat ang lahat ng iyong kasagutan sa bawat gawain. Huwag kalimutang maglagay ng LABEL sa iyong mga natapos na gawain ayon sa modyul, aralin at petsa sa paggawa mo ng mga ito. • Ang bawat modyul ay may maikling panuto at sinusundan ito ng paglalahad ng mga layunin. Basahin ang mga ito at sunding maigi ang mga tagubilin. • Bago simulan ang mga gawain, sagutin muna ang PRE-TEST. Tandaan na ang bawat gawain ay naaayon sa mga layunin ng modyul o aralin. Isiping mabuti ang bawat kasanayan na nais mong linangin. • Matapos ang bawat gawain, kailangan mong balikan ulit ang mga aytem na sa palagay mo ay hindi mo napagtagumpayan. • Sagutin ang POST TEST kung sa palagay mo ay nauunawaan mo na nang lubos ang lahat ng mga aralin. MODYUL 1
  • 6. 5 Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag- aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat. Tatas: Inaasahan na ang mga mag-aaral ay makasasagot sa mga tanong tungkol sa pananagutang pansarili at mabuting kasapi ng pamilya. Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na: 1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37) 1.1. Nakikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip tungkol sa mga impormasyong lumalabas sa media. Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinaka angkop na sagot. 1. Ano ang pinaka-angkop na tawag sa mga naririnig, napapanood, o nababasang impormasyon sa social media na mahirap paniwalaan dahil walang ibang detalye na sumusuporta nito? a. balita b. bulung-bulungan c. fake news d. tsismis 2. Bilang isang social media user, paano mo malalabanan ang paglaganap ng fake news? a. Maging mapanuri sa lahat ng mga istoryang nakikita online. Aralin 1 Ang Mabuting Pagsusuri Subukin Alamin
  • 7. 6 b. Maniwala kaagad sa mga pahayag kahit hindi ito napatotohanan. c. Mag-share ng mga artikulo kahit hindi nababasa ang buong istorya. d. Ang mga impormasyong nakukuha mula sa titulo ng balita ay sapat na upang maniwala sa mga ito. 3. Tag-ulan na naman, nagbabala ang DOH na maari na namang kumalat ang sakit na dengue fever sa inyong lugar. Anong impormasyon ang kailangan mong malikom upang malabanan ng pamilya mo ang paglaganap ng sakit na ito? a. pagpapatibay ng mga bubong ng bahay b. pagsusuot ng face mask, gloves, at jacket c. pag-iimbak ng malinis na pagkain at maiinom na tubig d. paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok 4. Saan mo maaaring makukuha ang pinaka-tama at totoong impormasyon tungkol sa pag- iwas sa sakit na Covid-19? a. kaibigan mong sikat na tiktoker b. pinsan na laging babad sa online games c. ninong mong doktor na mahusay sa twitter d. paboritong artista na may palabas sa youtube 5. Narinig mo sa radyo na may nagpositibo pala sa Covid-19 sa inyong barangay. Kilalang- kilala mo ang pasyente kahit na hindi pinangalanan ito dahil isa lang naman ang bagong nakauwing LSI (locally stranded individuals) sa inyong lugar. Ang pasyente ay ama ng iyong kaklaseng si Bing na galit na galit ka dahil sa pagpapakalat niya ng maling impormasyon tungkol sa iyo sa facebook noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo? a. Ipakalat ang balitang ito sa facebook upang malaman din ng iba. b. Iti-text sa iba pang mga kaklase ang nangyari sa pamilya ni Bing. c. Puntahan ang bahay ni Bing upang tiyakin kung tama ba ang balita. d. Gawin nang mas masinsinan pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit. 6. Dahil sa ipinatutupad na “new normal” ang ilan sa iyong mga kamag-aral sa ika-anim na baitang ay naisipang doon na lang muna sa kanilang bahay mag-aral sa kasalukuyan gamit ang Online Learning. Ang kanilang mga pamilya kasi ay may sariling kompyuter at internet sa bahay. Inaaya ka nila na ganun din ang gawin mo dahil sigurado na maging ligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng internet. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral? a. Hihinto ka muna sa pag-aaral. b. Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang gadyet. c. Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman totoo. d. Pisikal ka na papasok sa paaralan kasabay ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin na ipinatutupad ng pamahalaan. 7. Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang naitalang kaso ng Covid-19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita ka na lumabas ng bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong internet cafe at maglaro ng inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na ipinagbilin ng iyong ina bago pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo talagang manatili sa loob ng iyong tahanan sa mga panahong ito. Ano ang gagawin mo? a. Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito. b. Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang binabalak. c. Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama ang kaibigan. d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay dahil sa banta ng Covid-19. 8. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo?
  • 8. 7 a. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa. b. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo. c. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita. d. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging. 9. Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-barangay na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa kanya galing ang naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang nababahalang netizen. Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay upang makaiwas ka at ng buo mong pamilya na mahawaan sa nasabing virus. Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit. Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan? a. Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita. b. Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon. c. Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita. d. Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing nakahiligan na niya ang pagtsi-tsismis. 10.Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay. Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo? a. Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay. b. Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan. c. Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan. d. Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulungan ang kaibigan. Kumusta ka na? Masaya ako na nakikita kang nagsusumikap pa ring mag-aral sa kabila ng mga di kanais-nais na bagay na maaaring nararanasan mo sa ngayon sa panahon ng Covid-19. Siguro ay marami ka pa ring natutunan tungkol sa iyong sarili at sa iyong kapuwa kahit na nananatili ka lang sa inyong bahay sa loob ng mahaba-habang panahon. Alam mo ba na kahit parang napakaraming naging hadlang sa iyong pag-aaral sa panahong ito, ay pwede ka pa rin palang matuto? Kaya, hayaan mo sana akong tulungan at gabayan ka sa pagkamit mo sa iyong tagumpay sa pamamagitan ng modyul na ito. Kaya tara na! May iilan akong katanungan na makikita mo sa ibaba. Nais kong basahin at pagnilayan mo nang maigi ang mga ito at isulat ang iyong mga sagot sa iyong Reflective Journal. 1. Ano ang naaalala mo sa mga aralin sa EsP noong nakaraang taon? 2. Ano ang inaasahan mo na matutuhan ngayong taon sa EsP? 3. Ano naman ang mga kasanayan ang nais mong malinang ngayong taon? Balikan Tuklasin
  • 9. 8 Gawain 1. Suriin mo ang mga larawan na nasa itaas at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong Reflective Journal: 1. Ano-ano ang makikita sa larawan? 2. Ano-anong mahahalagang bagay ang ibinibigay sa atin ng mga nasa larawan? 3. Dapat ba nating paniwalaan ang lahat ng mga impormasyong nababasa o napapanood natin? Bigyang katwiran ang iyong sagot. Gawain 2. Ngayon naman ay manood ka ng telebisyon o video sa youtube o makinig ng radyo o magbasa ng diyaryo at pumili ng isang patalastas o anunsiyo. Pag-aralan mo ito at sagutin ang mga sumusunod: 1. Tungkol saan ang commercial o patalastas na napanood o napakinggan mo? 2. Ano ang sinabi ng patalastas tungkol sa iyo? 3. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa sinabi ng patalastas na ito? Bakit? Bakit hindi? 4. Ano-ano ang gamit ng impormasyon mula sa iba’t ibang source o pinanggagalingan nito? 5. Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagsuri sa isang impormasyong nabasa, narinig, o napanood? Sa mabilis ng pag-angat ng teknolohiya, marahil ay nasanay ka na sa pagkuha ng mabilisang impormasyon. Isang klik lang ay agad na mapupunta ka sa nais mong puntahan o agad mong makikita ang nais mong tingnan. Kaya lang hindi lahat ng lumalabas ngayon sa radio, diyaryo, at telebisyon o sa social media ay dapat paniwalaan. Sa mga panahong ito, marami na ang mga naging biktima ng fake news o maling impormasyon. Ngunit, paano mo ba masasabing fake news ang nakikita sa social media? Para maliwanagan ng husto, basahin mo ang artikulo na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong. Suriin Radio: TV: Freepik.com Newspaper: Social Media: Freepik.com
  • 10. 9 Gawain 3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa artikulong nabasa: 1. Tungkol saan ang artikulo? 2. Ano ang ibig sabihin ng fake news ayon kay Danilo Arao? 3. Batay sa balitang ito, anu-ano ang mga katangian ng isang fake news? 4. Paano mo mapahinto ang pagkalat ng fake news ayon sa artikulo? 5. Ano ang ibig sabihin sa linyang ito “…maging mapanuri sa mga istroyang nakikita online”? 6. Paano mo maipapakita ang pagkakaroon ng isang mapanuring pag-iisip? Magbigay ng limang (5) kongkretong halimbawa. Paano masasabing 'fake news' ang nakikita sa social media? Published Dec 02 2019 03:33 PM Sa panahon ngayon, napakadali nang magpakalat sa social media ng "fake news" o maling impormasyon na ibinebenta bilang lehitimong balita at may layong manlinlang. Pero paano nga ba masasabing peke ang impormasyong nakikita online? Isa sa mga katangiang nagpapahiwatig na maaaring "fake news" ang binabasa ay kung "parang mahirap paniwalaan" ang impormasyon, ayon kay Danilo Arao, na nagtuturo ng journalism sa University of the Philippines-Diliman. Kaduda-duda rin daw ang istoryang nakikita kung walang mga detalye o impormasyong sumusuporta rito. "Walang iba pang mga impormasyon na magko-corroborate doon sa item na 'yon," ani Arao sa programang "Sakto" ng DZMM. Kadalasan daw ay kung mahalaga ang balita ay maraming media organization ang nag-uulat nito. "Halimbawa, sa isang website lang nakita tapos tiningnan mo sa ibang website tapos parang hindi mo makita 'yong same information. Usually kasi 'pag media, mahalagang impormasyon, mahalagang balita, pare-pareho," paliwanag ni Arao. Hindi rin gaya ng mga fake news account o website, maaari umanong panagutin ang mga lehitimong news organization kapag naglabas ang mga ito ng maling impormasyon dahil inilalagay kung kanino nanggagaling ang istoryang inilalathala ng mga ito. "Sa isang fake news site, kadalasan hindi malinaw kung kanino nanggagaling [ang impormasyon]," ani Arao. Kapag naglabas din ng maling impormasyon ang mga lehitimong news organization ay agad nila itong itinatama at humihingi ng public apology, ayon kay Arao. Ipinayo ni Arao sa mga social media user na maging mapanuri sa mga istoryang nakikita online. Mainam din umanong iwasan ang pag-share ng mga artikulo kung titulo lang ang binasa at hindi ang buong istorya. Ang palagay kasi ng iba ay kapag nag-share ng istorya ang isang tao sa social media ay pinaniniwalaan at pinaninindigan na niya ito, ayon kay Arao. "Basahin nang buo iyong isang bagay na ishe-share kasi hindi puwedeng sasabihin mo na, 'Totoo ba ito?' tapos shinare mo na lang," aniya. Source: https://news.abs-cbn.com/life/12/02/19/paano-masasabing-fake-news-ang-nakikita-sa- social-media
  • 11. 10 Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan, o internet at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa iyong Reflective Journal. _____ 1. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita. _____ 2. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o internet. _____ 3. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo. _____4. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa Covid-19. _____ 5. Naniniwala ako na ang brown sugar ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19 dahil marami ang nagpapakalat ng balitang ito sa social media. Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw o opinyon tungkol sa balitang naririnig sa radio, nababasa sa pahayagan o internet. Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip. Ang mapanuring pag-iisip ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa suliranin, pagtitimbang ng mga maaaring gawin, at pagpili nang pinakamabuti bago bumuo ng isang pasya. Gawain 4. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa kuwaderno ang iyong sagot o tugon sa mga sitwasyon gamit ang isang mapanuring pag-iisip. 1. Nakita mo ang kapitbahay ninyo habang pinapalo ang alaga niyang aso. Naobserbahan mo rin na madalas na hindi niya ito pinapakain at inaalagaan nang mabuti. Alam mong mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pananakit at pagpapabaya ng maraming uri ng hayop, kasama na ang mga inaalagaang hayop tulad ng aso. 2. Nanawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan upang magkampanya para sa pag-recycle ng mga plastik. Alam mong kapaki-pakinabang ang gawaing ito at mayroon ka naming libreng oras. 3. Sinabihan ka ng nanay mo na dumalo sa pulong ng barangay tungkol sa paglilinis sa inyong lugar. Nagdadalawang-isip ka dahil mas nais mong nasa bahay na lang at manood ng telebisyon. Pagyamanin Isaisip Isagawa
  • 12. 11 Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ano ang pinaka-angkop na tawag sa mga naririnig, napapanood, o nababasang impormasyon sa social media na mahirap paniwalaan dahil walang ibang detalye na sumusuporta nito? a. balita b. bulung-bulungan c. fake news d. tsismis 2. Bilang isang social media user, paano mo malalabanan ang paglaganap ng fake news? a. Maging mapanuri sa lahat ng mga istoryang nakikita online. b. Maniwala kaagad sa mga pahayag kahit hindi ito napatotohanan. c. Mag-share ng mga artikulo kahit hindi nababasa ang buong istorya. d. Ang mga impormasyong nakukuha mula sa titulo ng balita ay sapat na upang maniwala sa mga ito. 3. Tag-ulan na naman, nagbabala ang DOH na maari na namang kumalat ang sakit na dengue sa inyong lugar. Anong impormasyon ang kailangan mong malikom upang malabanan ng pamilya mo ang paglaganap ng sakit na ito? a. pagpapatibay ng mga bubong ng bahay b. pagsusuot ng face mask, gloves, at jacket c. pag-iimbak ng malinis na pagkain at maiinom na tubig d. paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok 4. Saan mo maaaring makukuha ang pinaka-tama at totoong impormasyon tungkol sa pag- iwas sa sakit na Covid-19? a. kaibigan mong sikat na tiktoker b. pinsan na laging babad sa online games c. ninong mong doktor na mahusay sa twitter d. paboritong artista na may palabas sa youtube 5. Narinig mo sa radyo na may nagpositibo pala sa Covid-19 sa inyong barangay. Kilalang- kilala mo ang pasyente kahit na hindi pinangalanan ito dahil isa lang naman ang bagong nakauwing LSI (locally stranded individuals) sa inyong lugar. Ang pasyente ay ama ng iyong kaklaseng si Bing na galit na galit ka dahil sa pagpapakalat niya ng maling impormasyon tungkol sa iyo sa facebook noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo? a. Ipakalat ang balitang ito sa facebook upang malaman din ng iba. b. Iti-text sa iba pang mga kaklase ang nangyari sa pamilya ni Bing. c. Puntahan ang bahay ni Bing upang tiyakin kung tama ba ang balita. d. Gawin nang mas masinsinan pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit. 6. Dahil sa ipinatutupad na “new normal” ang ilan sa iyong mga kamag-aral sa ika-anim na baitang ay naisipang doon na lang muna sa kanilang bahay mag-aral sa kasalukuyan gamit ang Online Learning. Ang kanilang mga pamilya kasi ay may sariling kompyuter at internet sa bahay. Inaaya ka nila na ganun din ang gawin mo dahil sigurado na maging ligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng internet. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral? a. Hihinto ka muna sa pag-aaral. b. Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang gadyet. c. Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman totoo. d. Pisikal na papasok sa pinakamalapit na paaralan kasabay ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan. Tayahin
  • 13. 12 7. Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang naitalang kaso ng Covid-19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita ka na lumabas ng bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong internet cafe at maglaro ng inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na ipinagbilin ng iyong ina bago pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo talagang manatili sa loob ng iyong tahanan sa mga panahong ito. Ano ang gagawin mo? a. Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito. b. Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang binabalak. c. Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama ang kaibigan. d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay dahil sa banta ng Covid-19. 8. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo? a. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa. b. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo. c. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita. d. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging. 9. Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-barangay na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa kanya galing ang naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang nababahalang netizen. Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay upang makaiwas ka at ng buo mong pamilya na mahawaan sa nasabing virus. Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit. Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan? a. Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita. b. Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon. c. Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita. d. Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing nakahiligan na niya ang pagtsi-tsismis. 10.Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay. Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo? a. Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay. b. Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan. c. Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan. d. Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulongan ang kaibigan. Mag-isip ng isang suliranin na naranasan mo sa buhay. Ano ang iyong ginawa upang malutas ito? Sumulat sa journal ng isang pangako na nagpapahayag kung paano mo haharapin ang iba’t ibang suliranin. Karagdagang Gawain
  • 14. 13 Halimbawa: Mga Sagot Ako si ___________________________ ay nangangako at naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko ito paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa pagkakaroon ng maayos na pamayanan. Magiging modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang pinapanigan kung hindi ang katotohanan lamang. Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha. _______________________________ Lagda ng Mag-aaral
  • 15. 14 Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang lingo. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat. Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na: 1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37) 1.1. Nakapaghihinuha na ang katotohanan ang siyang nararapat na batayan sa pagbuo ng ng isang mahalagang desisyon o pagggawa ng isang makabuluhang kilos Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo kapag naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa journal. 1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo? a. Titigil sa pag-aaral b. Babawasan ang kinakain c. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan d. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera 2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo? a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan b. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral c. Maghahanap ng damit na maaaring magamit d. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan Aralin 2 Ang Pagmamahal sa Katotohanan Alamin Subukin
  • 16. 15 3. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam mong higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kaniyang kakayahan. Ano ang gagawin mo? a. Sasabihin sa kaklase na siya ang papalit sa iyo b. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon c. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay d. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral 4. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan. Ngayong taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang dumalo. Isa ka sa napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano pinamamahalaan ng mga opisyal ang sesyon, pero hindi siya kasama sa pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo? a. Hikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo b. Magkunwaring hindi naririnig ang pagigiit ng kamag-aral c. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamag-aral d. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari 5. Ipinatawag ka ng Adviser ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas ang kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito ng iyak ng makita ka. Natatakot siya na mapagalitan ng inyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo na nagkasakit. Ano ang gagawin mo? a. Tatawagan ang magulang at ipaaalam ang nangyari b. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid c. Paaalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat siya nang husto d. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kaniyang loob at gagaling din siya kaagad 6. Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro kayo ng basketbol sa plaza pagkagabi dahil bukod sa hindi na mainit marami pang malalakas na ilaw doon. Kaya napagkasunduang dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangan mo palang mag-aral para sa iyong pagsusulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo? a. Hindi na lang magpapakita sa mga kaibigan. b. Magdadahilan na may lakad kayo ng iyong pamilya. c. Sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong usapan. d. Haharapin sila nang maayos at sasabihing kailangan mong mag-aral. 7. Ngayong may pandemya naisip ng mga magulang mo na magtayo kayo ng sarili ninyong manukan upang pandagdag sa kita ng iyong pamilya. Kaya lang marami ang pumunta nito dahil ang puwesto na pagtatayuan nito ay malapit sa mga kabahayan. Dapat ba ninyong ituloy ito? a. Hindi, dahil sa maaaring ikasasama nito sa mga tao. b. Hindi, baka magagalit pa sa inyo ang pamilya ng kaibigan mo. c. Oo, sayang din ang kikitain nito lalong-lalo na sa panahon ng Covid-19. d. Oo, dahil karapatan din ng pamilya ko na magkaroon ng pagkakakitaan. 8. Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Sabi nila na sandali lang ang kanilang lakad subalit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa sila nakabalik. Gumagabi na at nagugutom na ang iyong mga kapatid. Ano ang gagawin mo gayong wala ka namang alam sa pagluluto? a. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong. b. Umalis ng bahay upang hanapin ang mga magulang. c. Makiusap sa kapitbahay na bigyan kayo ng makakain. d. Papatulugin ang mga kapatid, lilipas din naman ang gutom. 9. Nakita mo na nag-aaway ang mga nakababatang mong kapatid. Hindi ka na nagdalawang-isip pa at agad mong isinumbong sila sa iyong ama na alam mong mahigpit sa kaniyang pagdidisiplina. Kaya agad na naparusahan ang dalawa. Lingid sa iyong kaalaman ay nagtuturuan at nagsisihan pala sila kung sino ang kumuha sa
  • 17. 16 imported na tsokolate na nakita at kinain mo kani-kanina lang. Tama ba ang ginawa mong pagsusumbong agad sa iyong ama? a. Tama, upang hindi na ulit mag-away ang magkakapatid. b. Mali, dahil inalam mo sana muna ang pinagmulan ng away. c. Tama, dahil dapat ay maparusahan agad sila ano pa man ang katwiran. d. Mali, dahil mas mabuti na balewalain na lang sila sa kanilang pag-aaway. 10.Nabasa mo sa isang website na kahit bata ka pa at nasa bahay lang ay maaari ka ng kumita ng malaki. Maaari mo na daw umpisahan kaagad ang iyong online business kapag nakapag-deposito ka na ng limandaang piso sa nakalagay na bank account sa internet. Nagkataon naman na may naipon ka mula sa iyong allowance. Ano ang dapat mong gawin? a. Mag-deposito kaagad ng pera para makapagsimula. b. Udyokan ang mga kaibigan at kaklase para makasali din. c. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay lehitimong gawain. d. Mag-email sa may-ari ng website para manghingi ng karagdagang impormasyon. Sa nakaraang aralin ay natutunan mo kung gaano ka-importante ang pagkakaroon ng isang mapanuring pag-iisip—pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa suliranin, pagtitimbang ng mga maaaring gawin, at pagpili nang pinakamabuti bago bumuo ng isang pasya. May iilan akong katanungan ngayon na makikita mo sa ibaba. Nais kong basahin at pagnilayan mo nang maigi ang mga ito at isulat ang iyong mga sagot sa iyong Reflective Journal. 1. Kailangan bang suriin muna natin ang bawat sitwasyon o pangyayari bago tayo gagawa nang desisyon? Ipaliwanag. 2. Paano mo susuriin ang isang bagay na may kinalaman sa iyong sarili? 3. Bakit mahalaga na ang isang bata na katulad mo ay maging mapanuri? Gawain 1. Suriin mo ang mga larawan at sagutin ang mga tanong na nasa kabilang pahina: Cheating: Freepik.com Littering: Freepik.com Liar: Freepik.com Patnubay na tanong: 1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan? 2. Naranasan mo na bang malagay sa isa sa mga sitwasyong ipinakita? Ano ang iyong naramdaman? 3. Ano ang iyong ginawang kilos? Balikan Tuklasin
  • 18. 17 4. Mahalaga bang palagi nating ipinapahayag ang katotohanan? Bakit oo/hindi? 5. Ano ang epekto ng hindi pagpapahayag ng katotohanan? Gawain 2. Basahin mo ang talata at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba: Sagutin: 1. Anong klaseng bata ang inilarawan sa kuwento? 2. Bakit kinagat ng bata ang dalawang mansanas? 3. Sang-ayon ka ba sa naisip ng ina na ang kanyang anak ay lumaking maramot? Child Eating: Freepik.com Sagutin: 1. May nagbago ba sa iyong pagtingin sa batang inilarawan sa kuwento? Ipaliwanag. 2. Ano ang totoong dahilan kung bakit kinagat ng bata ang dalawang mansanas? 3. Talaga bang lumaking maramot ang batang babaeng ito? Ipaliwanag. Isang batang babae ang may hawak na dalawang mansanas sa kanyang mga kamay. Maya-maya ay lumapit ang kanyang ina at marahang nagtanong sa kanya, “Anak, maaari mo bang ibigay ang isa ng iyong mansanas kay Nanay?" Tumingin ang batang babae sa kanyang ina ng ilang segundo, at pagkatapos ay biglang kinagat ang isang mansanas, tapos kinagat din ang pangalawa. Pilit na hindi ipinakita ng ina ang hinanakit na kanyang naramdaman sa ipinakitang asal ng kanyang anak. At naitanong niya sa sarili, “Nagpapalaki ba siya ng isang maramot na bata?” (Itutuloy…) (Karugtong…) Ilang saglit ang lumipas at ibinigay ng batang babae ang isa sa mga kinagat niyang mansanas sa kanyang ina, at sinabi, "Nanay, ito po ang mansanas na talagang matamis.” Isinalin sa Filipino mula sa artikulong Don't Be Too Quick to Judge! na isinulat ni Harvey Mackay, Published February 18, 2019 https://www.uexpress.com/harvey- mackay/2019/2/18/dont-be-too-quick-to- judge
  • 19. 18 Ang katotohanan ay may kaugnayan sa prinsipyo ng katumpakan, katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman at mabuting paniniwala. Sa pagtukoy sa katotohanan, ang malawak at mapanuring pag-iisip ay kinakailangan. Hindi lahat kasi ng ating nababasa, nakikita o naririnig ay totoo. Kaya kinakailangan ang masusing pagsusuri at ang pag-alam ng tamang impormasyon. Subalit sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao, lalo na ang mga kabataan, ay nalilito sa kung ano ang totoo o hindi. Kaya’t nararapat lamang na lalo pang pag-ibayuhin ang paglinang sa pagpapahalagang pagmamahal sa katotohanan, upang ang paggawa ng desisyon ay hindi lamang naaayon sa kagustuhan ng gumagawa nito bagkus ay ayon sa kung ano ang tama at totoo. Gawain 3. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang sinasabi sa aral ni Confucius? 2. Ano-ano ang naidudulot ng katapatan sa tao? 3. Sa inyong binasa, paano matitiyak ang ganap na pagbabago? Ihalintulad ito sa inyong sariling mag pagpupunyagi. Ano-ano ang mga ito? Suriin Confucius: Freepik.com Ang Matapat ay Nagmamahal sa Katotohanan Dolores S. Quiambao Sa aklat na Doctrine of the Mean, ipinaliwanag ni Confucius kung ano ang nagagawa ng katapatan sa tao at sa buong mundo: “Napakahalaga ng katapatan sa buhay ng tao. Ang taong matapat ay may pagmamahal sa katotohanan. Hindi niya kinakailangang magpanggap, nakakakilos siya nang tama. Ang taong nagmamahal sa katotohanan ay pumipili kung ano ang mabuti, at isinasabuhay niya ito. Ang katapatang ito ay nagiging kitang-kita. Mula sa pagiging kitang-kita, ito ay kaniyang ikinikilos. Mula sa kanyang ikinikilos, ito ay nagiging maningning. Dahil sa maningning, naaapektuhan nito ang iba. Dahil naaapektuhan ang iba, sila ay nababago nito. Dahil nababago sila nito, nagiging ganap itong pagbabago. Siya lamang na nagtataglay ng kompletong katapatan ang maaaring manatili sa langit upang makapagbabago nang tuluyan.” Ang pagmamahal sa katotohanan ay nakatutulong sa mga tao na maging matapat lalo sa pangangalap ng tamang impormasyon. Hindi basta-basta naniniwala as mga sinasabi ng mga tao. Tinitiyak niya ang mga datos sa tunay na pangyayari.
  • 20. 19 Panuto: Suriin ang katotohanan sa bawat sitwasyon. Isulat ang salitang TAMA kung ang sitwasyon ay tama. Kung mali, isulat ang salitang MALI at itama ang nararapat na sitwasyon. 1. Ang bata ay nahuling nangongopya sa kaniyang kaklase. 2. Si Carlo ay hindi nagsasabi ng totoo sa kaniyang mga magulang. 3. Tuwing Biyernes, si Aldrin ay umaalis ng bahay upang pumasok sa paaralan ngunit hindi siya dumederetso sa paaralan. 4. May pagkakataon ang batang si Rina ay malimit kumuha ng gamit na walang paalam. 5. Si Albert ay laging nagsasabi ng totoo sa kaniyang mga magulang at guro. 6. Ang batang si Michael ay nagmamalasakit sa mga gamit sa tahanan at paaralan ng buong tapat. 7. Gumagawa ng tama sa lahat ng pagkakataon si Maricel kahit walang nakakakita. 8. Ang mga mag-aaral ay gumagawa ng masama dahil sa pakikisama. 9. Si Anthony ay malimit na hindi nagsasabi ng totoo dahil sa takot sa kaniyang mga kaklase. 10. Ang batang si Francis ay laging naninindigan laban sa masamang gawa kahit magalit ang nakararami. Tayo ay may pananagutan sa ating sarili na siguruhing ang bawat kilos natin ay nakabatay sa katotohanan. Ang pagmamahal sa katotohanan ay maipapakita natin sa pamamagitan ng pagkalap ng datos sa tunay na pangyayari at paghahanap ng katiyakan ng tamang impormasyon. Kaya nararapat lamang na tayo ay maging mapanuri sa lahat ng bagay na ating mababasa o makikita o maririnig lalong-lalo na sa social media. Mahalaga din na tayo ay maglaan ng sapat na panahon para suriin ang mga impormasyon—mga impormasyon na may kaugnayan sa ating sarili, sa ating pakikipagkapuwa, at sa paggawa ng mga importanteng desisyon sa buhay. Gawain 4. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat kung ano ang iyong gagawin ukol dito. 1. Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na nagnakaw ng paninda sa tindahan ng iyong tiyahin. Ang ninakaw na paninda ay nagkakahalaga ng limandaang piso. Ano ang gagawin mo at bakit? 2. Matapos ang mural painting sa inyong paaralan na ginamitan ng halo-halong pintura, iminungkahi ng inyong lider na itapon na lang sa kanal ang mga natirang pintura dahil hindi na ito mapakikinabangan. Ano ang gagawin mo at bakit? Pagyamanin Isaisip Isagawa
  • 21. 20 3. Pinagbantahan ka ng iyong kaklase na kailangang patutuladin mo siya sa isang pagsusulit dahil kapag hindi mo gagawin ito ay ipagkakalat niya sa buong paaralan na isang hamak na magbobote lamang ang iyong ama. Ano ang gagawin mo at bakit? Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga sitwasyon. Ano ang gagawin mo kapag naharap ka sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng iyong sagot sa journal. 1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo? a. Titigil sa pag-aaral b. Babawasan ang kinakain c. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan d. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera 2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa isang palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo? a. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan b. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral c. Maghahanap ng damit na maaaring magamit d. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan 3. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam mong higit na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kaniyang kakayahan. Ano ang gagawin mo? a. Sasabihin sa kaklase na siya ang papalit sa iyo b. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon c. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay d. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral 4. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan. Ngayong taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang dumalo. Isa ka sa napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano pinamamahalaan ng mga opisyal ang sesyon, pero hindi siya kasama sa pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo? a. Hikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo b. Magkunwaring hindi naririnig ang pagigiit ng kamag-aral c. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribilehiyo sa kamag-aral d. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari 5. Ipinatawag ka ng Adviser ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas ang kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito ng iyak ng makita ka. Natatakot siya na mapagalitan ng inyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo na nagkasakit. Ano ang gagawin mo? a. Tatawagan ang magulang at ipaaalam ang nangyari b. Hindi magsasalita ngunit titingnan nang masama ang kapatid c. Paaalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat siya nang husto d. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kaniyang loob at gagaling din siya kaagad Tayahin
  • 22. 21 6. Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na maglaro kayo ng basketbol sa plaza pagkagabi dahil bukod sa hindi na mainit marami pang malalakas na ilaw doon. Kaya napagkasunduang dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangan mo palang mag-aral para sa iyong pagsusulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo? a. Hindi na lang magpapakita sa mga kaibigan. b. Magdadahilan na may lakad kayo ng iyong pamilya. c. Sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong usapan. d. Haharapin sila nang maayos at sasabihing kailangan mong mag-aral. 7. Ngayong may pandemya naisip ng mga magulang mo na magtayo kayo ng sarili ninyong manukan upang pandagdag sa kita ng iyong pamilya. Kaya lang marami ang pumunta nito dahil ang puwesto na pagtatayuan nito ay malapit sa mga kabahayan. Dapat ba ninyong ituloy ito? a. Hindi, dahil sa maaaring ikasasama nito sa mga tao. b. Hindi, baka magagalit pa sa inyo ang pamilya ng kaibigan mo. c. Oo, sayang din ang kikitain nito lalong-lalo na sa panahon ng Covid-19. d. Oo, dahil karapatan din ng pamilya ko na magkaroon ng pagkakakitaan. 8. Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Sabi nila na sandali lang ang kanilang lakad subalit hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa sila nakabalik. Gumagabi na at nagugutom na ang iyong mga kapatid. Ano ang gagawin mo gayong wala ka namang alam sa pagluluto? a. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong. b. Umalis ng bahay upang hanapin ang mga magulang. c. Makiusap sa kapitbahay na bigyan kayo ng makakain. d. Papatulugin ang mga kapatid, lilipas din naman ang gutom. 9. Nakita mo na nag-aaway ang mga nakababatang mong kapatid. Hindi ka na nagdalawang-isip pa at agad mong isinumbong sila sa iyong ama na alam mong mahigpit sa kaniyang pagdidisiplina. Kaya agad na naparusahan ang dalawa. Lingid sa iyong kaalaman ay nagtuturuan at nagsisihan pala sila kung sino ang kumuha sa imported na tsokolate na nakita at kinain mo kani-kanina lang. Tama ba ang ginawa mong pagsusumbong agad sa iyong ama? a. Tama, upang hindi na ulit mag-away ang magkakapatid. b. Mali, dahil inalam mo sana muna ang pinagmulan ng away. c. Tama, dahil dapat ay maparusahan agad sila ano pa man ang katwiran. d. Mali, dahil mas mabuti na balewalain na lang sila sa kanilang pag-aaway. 10.Nabasa mo sa isang website na kahit bata ka pa at nasa bahay lang ay maaari ka ng kumita ng malaki. Maaari mo na daw umpisahan kaagad ang iyong online business kapag nakapag-deposito ka na ng limandaang piso sa nakalagay na bank account sa internet. Nagkataon naman na may naipon ka mula sa iyong allowance. Ano ang dapat mong gawin? a. Mag-deposito kaagad ng pera para makapagsimula. b. Udyokan ang mga kaibigan at kaklase para makasali din. c. Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay lehitimong gawain. d. Mag-email sa may-ari ng website para manghingi ng karagdagang impormasyon. Gumawa sa iyong journal ng pagsusuri sa iyong sarili. Magtala ng mga sitwasyon na sumasalamin sa pagsasabuhay mo ng pagmamahal sa katotohanan. Ilahad ang mga natutuhan mo. Karagdagang Gawain
  • 23. 22 Mga Sagot Sitwasyon kung saan naisasabuhay ko ang pagmamahal sa katotohanan ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ___________________________________________ Mga aral na natutuhan ko ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ___________________________________________
  • 24. 23 Alamin Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 ng pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Unang Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang lingo. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng lahat Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na: 1. Makapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari (EsP6PKPIa-i– 37) 1.1. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng kakayahan na mapanuri. Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Tumutukoy sa _____________ ang mapanuring pag-iisip. a. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin b. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon c. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya 2. Nakita mong nagsusunog ng plastic at iba pang mga basura ang kaibigan mo sa bakuran nila. Ano ang gagawin mo? a. Isusumbong ang buong pamilya sa kapitan ng barangay. b. Awayin ang kaibigan dahil sa kaniyang pagpapabaya sa kalikasan. c. Ipaliwanag sa kaniya ang pinsalang dulot nito sa tao at sa kalikasan. d. Pababayaan lang siya dahil sa kanilang bakuran naman nangyari ito. Aralin 3 Ang Mapanuring Pag-iisip Subukin
  • 25. 24 3. Narinig mo mula sa isang programa sa TV ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malusog at malinis na pangangatawan. Nananawagan sila na kailangan mong seryosohin ang pangangalaga sa iyong sarili lalo na ngayon sa pahanon ng pandemya. Paano mo matutugunan ang panawagang ito? a. Araw-araw maglaro ng ML at iba pang online games. b. Palagiang magpagod sa pagtulong sa mga gawaing-bahay. c. Gabi-gabing magpupuyat sa panood ng paboritong telenovela. d. Piliting kumain ng mga masusustansiyang pagkain kahit hindi ito gusto. 4. May patalastas sa TV tungkol sa isang produkto na mabisang makagagamot sa tagihawat. Hinimok ka ng iyong mga kaibigan na bumili nito upang tulad nila masosolusyunan na rin ang matagal mo nang dinadalang problema sa balat. Alam mong hindi ka mahihirapang bumili nito dahil maraming suplay nito sa botika. Ngunit, may kamahalan ito at kapos ang pamilya mo sa pera ngayon. Pansamantalang natigil kasi ang ama mo sa kaniyang trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine sa inyong lugar. Bibili ka ba sa produktong ito? a. Oo, dahil marami na sa iyong mga kaibigan ang gumagamit nito. b. Oo, dahil ito na ang sagot sa matagal mo nang problema sa balat. c. Hindi, dahil pare-parehong di-makatotohanan ang lahat ng patalastas. d. Hindi, dahil hindi ito prayoridad na panggagamitan ng pera sa ngayon. 5. Nabalitaan mo sa radyo na sangkot daw sa pagbebenta ng shabu ang tatay ng kaklase mo. Depensa naman ng kaklase mo na napagbintangan lang ang tatay niya sa kaso. Paano mo ngayon pakikitunguhan ang nasabing kaklase? a. Hindi mo na siya kikibuan magmula ngayon. b. Pagtawanan siya at sabihing siya ay nagsisinungaling. c. Layuan ang kaklase bago siya makaiimpluwensiya sa iyo ng masama. d. Bigyan mo siya ng lakas ng loob dahil nahihirapan din siya sa ngayon. 6. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo paglabas mo ng paaralan. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro ang kaniyang pag-anyaya. Ano ang gagawin mo? a. Agad na babalik sa paaralan b. Tatawagin ang guwardiya ng paaralan at sasabihin dito ang nangyari c. Lalapit sa iba pang mag-aaral at unti-unting lalayo sa di kilalang tao d. Lahat ng pagpipiliang sagot 7. May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong naghihintay sa tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng P500 kapag ginawa mo ito para sa kaniya. Ano ang gagawin mo? a. Magsasabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao b. Hahanapin muna ang alok na P500 bago sumunod c. Sasabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan d. Sasabihin agad sa iyong guro at/o mga magulang ang nangyayari 8. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan. May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan a. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin. b. Gagawin ko ang gusto ko. Ako naman ang pipili ng kaibigan. c. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyon mag-isa. d. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa kanilang anak. 9. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo? a. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan b. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit.
  • 26. 25 c. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit. d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan. 10.Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng iyong klase sa isang video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo? a. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao b. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon c. Kausapin sila at ipaunawa na ang pakikinig sa utos ng magulang ay mas higit pa kaysa sa sariling kasiyahan d. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain Sa unang dalawang aralin ay natutunan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag- iisip na mapanuri at may pagmamahal sa katotohanan. Natutunan mo na bilang tao kinakailangan mo ang maging mapanuri sa lahat ng bagay na iyong mababasa, makikita o maririnig. Bukod dito, natutunan mo rin na kalakip sa pananagutan mo bilang isang tao ay ang pagsiguro na ang bawat kilos mo ay nakabatay sa katotohanan. May iilan akong katanungan ngayon na makikita mo sa ibaba. Nais kong basahin at pagnilayan mo nang maigi ang mga ito at isulat ang iyong mga sagot sa iyong Reflective Journal. 1. Paano naipakikita ang pagmamahal sa katotohanan? 2. Sa anong pagkakataon tayo inaasahan na magpapahayag ng katotohanan? 3. Magbigay pa ng ibang mga mahahalagang aral na inyong natutuhan sa nakaraang aralin. Book: Freepik.com PC: Freepik.com Cellphone: Freepik.com FBLogo:Freepik.com Gawain 1. Suriin ang mga larawan na nasa itaas at sagutin ang mga sumusunod: 1. Ginagamit mo ba ang mga nasa larawan? Paano mo ito ginagamit? 2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong o nakasasama ang mga nasa larawan? 3. Paano natin mahuhubog ang mapanuring pag-iisip gamit ang mga nasa larawan? 4. Ano-ano ang dapat nating isaalang-alang sa pagkakaroon ng mapanuring pag- iisip? Balikan Tuklasin
  • 27. 26 Gawain 2. Pag-aralan ang infographics mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Tungkol saan ang infographics na ito? 2. Ano ang sinasabi ng infographics na nararapat mong gawin upang maiiwasan ang pagkahawa sa Covid-19? Ipaliwanag. 3. Ano ang maitutulong ng infographics na ito sa iyo at sa iyong pamilya? Ipaliwanag. 4. Nararapat bang paniwalaan ang mga impormasyong ito? Bakit? Bakit hindi? 5. Ano ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa pag-intindi o pag-unawa sa nilalaman na ipinakita ng infograhics na nasa itaas? Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na mag-isip nang malinaw at makatwiran tungkol sa kung ano ang gagawin o kung ano ang paniniwalaan. Kabilang dito ang kakayahan upang makisali sa reflective at malayang pag-iisip. Bukod dito, ang mapanuring pag-iisip ay Suriin
  • 28. 27 hindi lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Kabahagi rin dito ang mahusay at kritikal na paggamit ng mga impormasyon upang malutas ang mga problema. Gawain 3. Batay sa kahulugan ng mapanuring pag-iisip na nasa itaas, nais kong punan mo ang graphic organizer na nasa ibaba ng mga katangian ng isang taong nagpapakita ng mapanuring pag-iisip: Sagutin: 1. Ano-ano ang katangian ng taong may mapanuring pag-iisip? 2. Ikaw ba ay nagtataglay rin ng mga katangiang ito? Ipaliwanag. 3. Paano maisasabuhay ang mapanuring pag-iisip sa tahanan? sa paaralan? sa paggamit ng mass media? Panuto. Basahin ang kuwento at alamin kung nagtataglay ba ng mapanuring pag-iisip ang tauhan nito. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Pagyamanin Taong may mapanuring pag-iisip
  • 29. 28 Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Anong uri ng gansa ang inaalagaan ng matandang babae? 2. Bakit naisipan ng matandang babae na patayin ang kanyang gansa? 3. Maituturing ba na may mapanuring pag-iisip ang matandang babae? Bakit? Bakit hindi? 4. Kung ikaw ang nasa katayuan ng babae, gagawin mo ba rin ang kanyang ginawa? 5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang mapanuring pag-iisip? Ipaliwanag. Ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan ng tao na gumawa ng isang maingat na pag-iisip o pangangatwiran gamit ang sapat at maaasahang ebidensiya o impormasyon. Sa pamamagitan ng mapanuring pag-iisip ay maiiwasan ng tao ang padalos-dalos at maling pagdedesisyon sa buhay. Isaisip Ang Gansang Nangitlog ng Ginto May isang matandang babae na nag-aalaga ng Gansa. Ang Gansa ay nangingitlog paminsan-minsan. Isang araw ay nagulat ang matanda nang mapansing nangingintab ang itlog ng Gansa. Dali-dali niya itong pinulot at sinuri. Mabigat na mabigat ang itlog at nagniningning na parang ginto. "Gintong itlog!" tuwang-tuwang nagsisisigaw ang matanda. "Nangingitlog ng ginto ang Gansa ko! Gintong itlog! Gintong itlog!" Masayang-masaya ang matanda sa gintong itlog na bigay ng Gansa. Lalo siyang natuwa sapagkat araw-araw nangingitlog ang alaga niya. Naging mayaman ang matanda. Nakabili siya ng malawak na lupa at nakapagpatayo ng malaking bahay at nakapamuhay nang masagana. Hindi naging lubos ang kaligayahan ng matanda. Para sa kanya napakabagal ng araw-araw na pangingitlog ng Gansa. Malalim siyang nag-isip. May sapantaha ang matandang tiyak na marami ang gintong itlog sa loob ng tiyan ng Gansa. "Nakatitiyak ako," ngingisi-ngising hula ng matanda, "na kung papatayin ko ang Gansang ito at kukunin ko ang lahat ng gintong itlog nito ay magiging pinakamayaman ako sa komunidad na ito!" Pinatay nga ng ganid na matanda ang Gansa. Nanghinayang siya sapagkat wala kahit isa man lamang na gintong itlog siyang nakita. Huli na ang lahat sapagkat hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kaniyang alaga na nagbigay sa kaniya ng yaman at tuwa. Source:https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-gansang-nangitlog-ng-ginto/
  • 30. 29 Ang isang tao na may mga kritikal na mga kasanayan sa pag-iisip ay magagawang gawin ang sumusunod: 1. maunawaan ang mga lohikal na koneksyon sa pagitan ng mga ideya 2. kilalanin, suriin, at buuin ang mga argumento 3. tuklasin ang hindi pagkakapare-pareho at mga karaniwang pagkakamali sa pagdadahilan 4. malutas ang mga problema sa sistematikong paraan 5. makilala ang kaugnayan at kahalagahan ng mga ideya 6. masasalamin ang pagbibigay-katarungan ng sariling paniniwala at mga halaga Ang mapanuring pag-iisip ay hindi lamang tungkol sa pagkalap ng impormasyon. Ang isang tao na may mapanuring pag-iisip ay may kaalaman din kung paano niya gagamitin ang mga impormasyon na nasa sa kanyang mga kamay sa paglutas ng mga problema sa sarili at sa iba. Gawain 4. Pag-aralan at suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa Reflective Journal ang iyong saloobin at kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga patnubay na tanong. Patnubay na tanong: 1. Ano ang naramdaman mo habang sinusuri ang bawat sitwasyon? 2. Ano ang masasabi mo sa mga sitwasyong nabanggit? 3. Ano ang isinasaalang-alang mo sa pagbuo ng pasya? 4. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip? Bakit oo/hindi? 5. Ano-ano pa ang paraan upang magkaroon ng mapanuring pag-iisip? Isagawa Sitwasyon 1 Isang araw habang abala sa panonood si Roger ay biglang tumunog ang kanilang telepono at nagsasabing siya ay isang bastos at walang pinag-aralan bagamat maayos naman ang kaniyang pakikipag usap sa kabilang linya. Sitwasyon 2 Si Aldrin ay isang batang masipag mag-aral. Araw-araw wala siyang ginagawa kung hindi magbasa at mag-aral. Subalit isang araw, nabalitaan niya na nagkakalat ng maling balita ang kaniyang kaibigan. Ipinagkakalat daw nito na kaya matataas ang kaniyang marka ay dahil siya ay nangongopya lamang sa kaniyang matalinong katabi. Sitwasyon 3 Sa araw-araw, walang ginawa si Carla kundi mag-facebook. Isang araw, hindi inaasahang nakabasa siya ng isang post sa facebook na mawawalan ng pasok kinabukasan sa kanilang lugar.
  • 31. 30 Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Tumutukoy sa _____________ ang mapanuring pag-iisip. a. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin b. pagtatanong sa iyong guro ng kaniyang opinyon c. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya 2. Nakita mong nagsusunog ng plastic at iba pang mga basura ang kaibigan mo sa bakuran nila. Ano ang gagawin mo? a. Isusumbong ang buong pamilya sa kapitan ng barangay. b. Awayin ang kaibigan dahil sa kaniyang pagpapabaya sa kalikasan. c. Ipaliwanag sa kaniya ang pinsalang dulot nito sa tao at sa kalikasan. d. Pababayaan lang siya dahil sa kanilang bakuran naman nangyari ito. 3. Narinig mo mula sa isang programa sa TV ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malusog at malinis na pangangatawan. Nananawagan sila na kailangan mong seryosohin ang pangangalaga sa iyong sarili lalo na ngayon sa pahanon ng pandemya. Paano mo matutugunan ang panawagang ito? a. Araw-araw maglaro ng ML at iba pang online games. b. Palagiang magpagod sa pagtulong sa mga gawaing-bahay. c. Gabi-gabing magpupuyat sa panood ng paboritong telenovela. d. Piliting kumain ng mga masusustansiyang pagkain kahit hindi ito gusto. 4. May patalastas sa TV tungkol sa isang produkto na mabisang makagagamot sa tagihawat. Hinimok ka ng iyong mga kaibigan na bumili nito upang tulad nila masosolusyunan na rin ang matagal mo nang dinadalang problema sa balat. Alam mong hindi ka mahihirapang bumili nito dahil maraming suplay nito sa botika. Ngunit, may kamahalan ito at kapos ang pamilya mo sa pera ngayon. Pansamantalang natigil kasi ang ama mo sa kaniyang trabaho dahil sa ipinatutupad na quarantine sa inyong lugar. Bibili ka ba sa produktong ito? a. Oo, dahil marami na sa iyong mga kaibigan ang gumagamit nito. b. Oo, dahil ito na ang sagot sa matagal mo nang problema sa balat. c. Hindi, dahil pare-parehong di-makatotohanan ang lahat ng patalastas. d. Hindi, dahil hindi ito prayoridad na panggagamitan ng pera sa ngayon. 5. Nabalitaan mo sa radyo na sangkot daw sa pagbebenta ng shabu ang tatay ng kaklase mo. Depensa naman ng kaklase mo na napagbintangan lang ang tatay niya sa kaso. Paano mo ngayon pakikitunguhan ang nasabing kaklase? a. Hindi mo na siya kikibuan magmula ngayon. b. Pagtawanan siya at sabihing siya ay nagsisinungaling. c. Layuan ang kaklase bago siya makaiimpluwensiya sa iyo ng masama. d. Bigyan mo siya ng lakas ng loob dahil nahihirapan din siya sa ngayon. 6. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo paglabas mo ng paaralan. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro ang kaniyang pag-anyaya. Ano ang gagawin mo? a. Agad na babalik sa paaralan b. Tatawagin ang guwardiya ng paaralan at sasabihin dito ang nangyari Tayahin
  • 32. 31 c. Lalapit sa iba pang mag-aaral at unti-unting lalayo sa di kilalang tao d. Lahat ng pagpipiliang sagot 7. May lalaking nagsabi sa iyo na ibigay ang isang maliit na pakete sa isang taong naghihintay sa tindahan. Nangako siyang bibigyan ka ng P500 kapag ginawa mo ito para sa kaniya. Ano ang gagawin mo? a. Magsasabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao b. Hahanapin muna ang alok na P500 bago sumunod c. Sasabihin sa kamag-aral mo na samahan ka sa tindahan d. Sasabihin agad sa iyong guro at/o mga magulang ang nangyayari 8. Madalas na pinapayuhan ka ng iyong mga magulang na pumili ng tamang kaibigan. May mga pagkakataon na gusto mong magdesisyong mag-isa. Susundin mo ba ang iyong mga magulang tungkol sa pagpili ng kaibigan a. Depende sa mga kaibigan na ayaw nila akong pasamahin. b. Gagawin ko ang gusto ko. Ako naman ang pipili ng kaibigan. c. Pag-iisipan ko. Gusto ko rin kasi ang magdesisyon mag-isa. d. Susundin ko. Naniniwala ako na mabuti ang hangad ng lahat ng magulang para sa kanilang anak. 9. Papunta ka sa silid-aklatan nang hiramin ng kaibigan mo ang aklat mo sa Math. Ipinangako niyang isasauli iyon pagkaraan ng dalawang oras. Matagal kang naghintay, pero hindi bumalik ang kaibigan mo. Ano ang magiging reaksiyon mo? a. Hindi ko na siya ituturing na kaibigan b. Magpapahiram lamang ng mga gamit kung sa tabi ko lang siya gagamit. c. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang pagpapahiram ng mga gamit. d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pagsasauli ng hiniram sa takdang oras na pinag-usapan. 10. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng iyong klase sa isang video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo. Ano ang gagawin mo? a. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao b. Ipaalam sa magulang ang sitwasyon c. Kausapin sila at ipaunawa na ang pakikinig sa utos ng magulang ay mas higit pa kaysa sa sariling kasiyahan d. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain Gawin ang mga sumusunod: 1. Gumupit o gumuhit ng limang (5) larawan ng mga bagay na madalas mong ginagamit sa paaralan o sa bahay at idikit ito sa iyong kwaderno. Isulat kung paano mo ito ginagamit upang mahubog ang iyong mapanuring pag-iisip? 2. Sumulat ng isang sitwasyon na nangangailangan ng isang mapanuring pag-iisip upang makabuo ng tamang desisyon sa buhay na isinaalang-alang ang kabutihan ng pamilya at ng lipunang ginagalawan. Karagdagang Gawain
  • 34. 33 Talasanggunian Mga Aklat Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon (Batayang Aklat). Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016 Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon (Manwal ng Guro). Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016 Mga Artikulo mula sa Internet “Ang Gansang Nangitlog ng Ginto,” Pinoy Edition, accessed May 23, 2020 https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-gansang-nangitlog-ng-ginto/ “Don’t Be Too Quick to Judge,” Uexpress, published Feb. 18, 2019 https://bit.ly/2BsJhlo “Ilang estudyante sa Zamboanga del Norte, buwis-buhay para lang makapag-aral,” GMA News Online, published August 2, 2015, https://bit.ly/2Z25jU6 “Paano masasabing 'fake news' ang nakikita sa social media?” ABS-CBN News, published Dec 02 2019, https://bit.ly/2YqlpYx Downloaded Resources Department of Education – Regional Office No. 8. ESP– Grade 6 Teacher’s Guide. May 18, 2020. https://www.slideshare.net/RiginoMacunayJr/esp-6- k12- teachers-guide-quarter-1.pdf. Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 6. May 18, 2020. https://depedbatangascity.org/resources/deped-batangas-city-learning- materials/pdf. Aralin 1 Mapanuring Pag-iisip. May 18, 2020. https://depedbatangascity.org/resources/deped-batangas-city-learning- materials/pdf. Grade 6 ESP, May 18, 2020. https://www.depedk12.com/2019/07/edukasyon-sa-pagpapakatao-1-6- dll.html/pdf. Mga Larawan mula sa Internet Freepik. Accessed May 23, 2020, www.freepik.com DOH Investigates Case of Pneumonia. Accessed May 23, 2020, doh.gov.ph
  • 35. 34 For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – Division of Lanao del Norte Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109 E-mail Address : lrmdsldn@gmail.com