SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 38
Downloaden Sie, um offline zu lesen
3
Science
Unang Markahan
LEARNER’S MATERIAL
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.
PIVOT 4A CALABARZON
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa
pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng CLMD
CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang
nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual
Property Rights para sa karapatang pagkatuto.
Mga Tagasuri
Science Ikatlong Baitang
PIVOT 4A Learner’s Material
Unang Markahan
Unang Edisyon, 2020
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON
Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes
Science
Ikatlong Baitang
Schools Division Development Team: Josephine T. Natividad, Imelda C. Raymundo,
Anicia J. Villaruel, Generosa F. Zubieta, Azela C. King, Lailah De Chavez,
Agnes A. Lagdameo, Maria Christen Pareñas Acyatan, Anna Rose Cruz Wakis,
Roselyn Q. Golfo, Georgia P. Talabong, Roy O. Natividad, Azela C. King, Jeewel L. Cabriga,
Sayre M. Dialola, Ceejay G. Santos at Maria Imeelyn M. Zamora
Regional Office Development Office: Job S. Zape Jr., Romyr L. Lazo, Fe M. Ong-ongowan,
Lhovie A. Cauilan, Jason A. Orozco, Jonuel Benedict Reyna, Harry Monzon at
Sonny Bhoy L. Flores
Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga
mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
Agham. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa
mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga
mag-aaral ng tamang paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong
maitutulong sa pag-unlad nila sa pag-unawa sa pagpapakita ng
kakayahan nang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga
sumusonod na aralin.
Salamat sa iyo!
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
3. Maging tapat at may integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito!
4
PIVOT 4A CALABARZON
PIVOT 4A CALABARZON
5
Mga Bahagi ng PIVOT Modyul
Bahagi ng LM Nilalaman
Alamin
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng
aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na
halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan
para sa aralin.
Suriin
Subukin
Ang bahaging ito ay naghahanap ng mga aktibidad,
gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
mag-aaral, karamihan sa mga gawain ay umiinog
lamang sa mga konseptong magpapaunlad at
magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na ang
bahaging ito ay nagbibigay ng oras para makita ng
mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa
ang gusto niyang malaman at matutuhan.
Tuklasin
Pagyamanin
Isagawa
Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kailangang Knowledge
Skills and Attitude (KSA). Pinahihintulutan ng guro ang mga
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga KSA upang
makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kanilang mga
natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa D. Inilalantad
ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/
gawain ng buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes
upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya
ang kanilang pagganap o lumikha ng isang produkto o
gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga
kasanayan at konsepto.
Linangin
Iangkop
Isaisip
Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng proseso
na maipakikita nila ang mga ideya, interpretasyon,
pananaw, o pagpapahalaga at makalikha ng mga
piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kanilang
kaalaman sa pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o
paggamit nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o
konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mga
mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal
na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong pagsamahin
ang mga bago at lumang natutuhan.
Tayahin
Panimula
Pakikipagpalihan
Pagpapaunlad
Paglalapat
Ang araling ito ang tutulong sa iyo upang tuklasin at unawain ang
mga bagay o matter na iyong nakikita, nararamdaman, naaamoy,
nalalasahan at naririnig. Ang bawat aralin na nakapaloob dito ang
magtuturo sa iyo kung paano maging isang batang scientist. Ikaw ay
inaasahang mag isip, magsiyasat, magsaliksik, at mag-imbestiga.
Sa tulong ng bawat araling napapaloob dito, unti-unti mong
malalaman at matututuhan ang tungkol sa katangian ng matter.
Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang
makapaglalarawan ng iba’t ibang bagay ayon sa mga katangian nito.
(MELC 1 PIVOT 4A)
Tingnan ang larawan. Ano ang makikita mo dito? Ano ano ang
mga bagay na puwede mong ilarawan dito? Ang lahat ng nakikita, sa
larawan ay tinatawag na matter.
Ano ano ang mga bagay na makikita mo sa inyong bahay na
ginagamit pag kumakain? O mga bagay sa hapag kainan?
Basahin mong mabuti ang mga susunod na impormasyon
tungkol sa katangiang pisikal ng matter upang malaman mo ang
detalye tungkol sa katangian ng mga solid, liquid at gas.
PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS
1-2
I
6
Mga Katangian ng Solid, Liquid at Gas
Aralin
Mga Katangiang Pisikal ng mga Bagay
Tayo ay napapaligiran ng makukulay na bagay dahil ang mundo ay
sadyang nilikha ng Diyos na maganda at makulay. Katulad ng berdeng
dahon, makukulay na bulaklak, puting ulap, at bughaw na dagat. Ang
mga bagay na ito ay may iba’t ibang hugis, tekstura at laki. Nagkakaiba at
nagkakatulad din ang mga bagay ayon sa kanilang laki, bigat o weight,
tekstura at hugis.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Magkakaiba o magkakapareho ba
ang laki, hugis at tekstura nila?
Ang iba’t ibang bagay ay may tinatawag din na ease of flow.
Ang ease of flow ay ang kalayaang pagdaloy o paggalaw ng mga
molecules sa loob ng lalagyan. Ang iba ay may tiyak na hugis sapagkat
ang molecules nito ay dikit-dikit at siksik. Ang iba naman ay may
bahagyang hiwa-hiwalay kaya nakukuha ang hugis ng kinalalagyan
nito. Mayroon ding mga bagay na ang molecules ay magkakalayo at
tumatalbog. Nakukuha nito ang hugis ng kanilang lalagyan.
May tatlong pangunahing uri ang matter. Ito ay ang solid, liquid at
gas. Ang mga ito ay may iba’t ibang katangian upang iyong matukoy
ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat isa.
Ang iyong mga pandama o senses ang tumutulong upang ang
mga bagay na ito ay iyong mailarawan at higit na maunawaan.
PIVOT 4A CALABARZON
7
1. Ang solid ay may kulay.
Isa sa mga pisikal na kaanyuan nito ay ang kulay. Sa tulong ng
liwanag, ang iyong mga mata ang ginagamit na organ, upang
makita ang mga kulay ng bagay sa paligid katulad ng pula, dilaw,
puti, itim, asul rosas, lila at kahel.
2. Ang solid ay may mga hugis
Ang hugis ng solid ay hindi nababago. Ang molecules ng solid
ay bahagya lamang ang paggalaw dahil sa ito ay dikit-dikit at siksik.
Ang ilan sa mga halimbawa ng hugis ng solid ay bilog, bilohaba,
tatsulok, parihaba at parisukat.
3. Ang solid ay may tekstura.
Ang tekstura ay tumutukoy sa
panlabas o ibabaw na katangian ng isang
bagay. Katulad ng hugis, maaari mo ring
matukoy ang tekstura ng solid sa
pamamagitan ng paghawak dito. Ang
mga tekstura ay maaaring malambot,
matigas, makinis at magaspang.
4. Ang solid ay may sukat.
Ang mass ay likas na katangian ng isang bagay. Ito ay
tumutukoy sa dami o laki ng materyal na taglay ng isang bagay.
Tingnan ang larawan ng dalawang lapis.
Masasabing ang lapis A ay nagtataglay ng higit na mass dahil sa
mas malaki o madami ang materyal na ginamit dito upang mabuo ang
lapis (A) kaysa sa lapis B). Ang mga instrumentong ruler, meter stick at
medida ay maaaring gamitin kung nais mong makuha ang sukat nito.
A B
PIVOT 4A CALABARZON
8
Mga Katangian ng Solid
5. Ang solid ay may timbang.
Ang timbangan o weighing scale naman ang ginagamit kung gusto
mong malaman ang bigat ng mga solid na bagay. Kilogram (kg) o
grams (g) ang unit na ginagamit dito. Kapag mababa ang timbang ito ay
nangangahulugan na magaan ang solid at kung mataas ang timbang ito
ay mabigat.
6. Ang solid ay may volume.
Kung nais mo namang makuha ang laki o liit ng nasasakop ng isang
regular na hugis ng solid sa isang espasyo, kinakailangan mong makuha
ng volume nito. Ang volume ay tumutukoy sa sukat ng nasasakop ng isang
bagay sa espasyo. Nakukuha ang volume sa pamamagitan ng
pag-multiply ng haba, lapad at taas nito.
6
9
haba
4
PIVOT 4A CALABARZON
9
Volume= haba x lapad x taas
Tingnan kung paano nakuha ang 216.
Volume= haba x lapad x taas (6 x 4 x 9)
6 inches (haba)
X 4 inches (lapad)
24 inches
X 9 inches (taas)
216 inches
lapad
taas
Mga Katangian ng Liquid
Ang liquid ay isang uri ng matter. Ito ay dumadaloy. Ang ilan sa
mga halimbawa ng liquid ay juice, pabango, gatas, luha at marami pang
iba. Malaki ang pagkakaiba ng liquid sa solid subalit may ilan din itong
ilang pisikal na katangian na natutulad sa solid.
1. Ang liquid ay may kulay.
Ang juice, kape, at coke ay ilan lamang sa maraming halimbawa
ng liquid na may kulay, subalit may ilan ding liquid na walang kulay tulad
ng malinis na tubig. Ito ay walang kulay at walang amoy dahil ito ang
ating iniinom at kailangan ng katawan. Ito ay mahalaga sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Ginagamit din ito sa pagluluto,
pagliligo, paglilinis ng bahay at marami pang iba.
2. Ang liquid ay walang tiyak na hugis.
Ang liquid ay dumadaloy. Sumusunod ito o umaayon sa hugis ng
lalagyan. Kung ano ang hugis ng lalagyan ay siya ring magiging hugis ng
liquid. Tingnan ang larawan sa ibaba.
Ang juice sa loob ng Flask
Ang hugis ng juice sa larawan ay tatsulok dahil ang lalagyan nito
ay hugis tatsulok.Sumusunod ito sa hugis ng lalagyan dahil sa katangian
ng molecules nito. Ang molecules nito ay layo-layo, dumudulas at
nag-uumpugan sa isa’t isa.
PIVOT 4A CALABARZON
10
Kape Soda Juice Tubig
3. Ang liquid ay may iba’t ibang paraan ng pagdaloy.
Ang liquid ay maaaring mabagal, mabilis o napakabilis ang
pagdaloy. Viscosity ang tawag sa paraan ng pagdaloy nito. Kung iyong
hihipuin ang mga liquid na may mabagal na pagdaloy, ito ay may malagkit
o malapot na tekstura. Samantalang ang mga liquid na mabibilis ang
pagdaloy ay malabnaw ang tekstura.
4. Ang liquid ay may lasa.
Ang liquid ay may iba’t ibang lasa, may matamis, maalat, maasim,
mapait at mahalang. Ang iyong dila ang ginagamit upang iyong malaman
ang lasa ng mga liquid. Subalit, hindi lahat ng liquid ay maaaring tikman
dahil maaari itong makapinsala sa iyong katawan.
5. Ang liquid ay may amoy.
Ang liquid ay maaaring mabango, mabaho at walang amoy. Ang
iyong ilong ang ginagamit na organ upang matukoy ang amoy ng isang
bagay. Kinakailangan ding mag-ingat sa pag-amoy ng mga bagay dahil ito
ay maaari ring makapinsala o magdulot ng aksidente sa iyong katawan.
6. Ang liquid ay may volume.
Maaring masukat ang volume ng liquid sa pamamagitan ng lalagyan
tulad ng measuring cups, graduated cylinder, test tube, flask at iba pa.
Litre (L) at millilitre (ml) ang unit na gagamit dito. Tingnan ang larawan. Ano
ang masasabi mo?
A B
PIVOT 4A CALABARZON
11
1. Ang gas ay walang kulay.
Ang hangin ay natural na walang kulay, subalit kapag ito ay
nahaluan ng kemikal ito ay nagkakakulay. Ang hangin ay mahalaga sa
atin. Panatilihin natin itong malinis sa pamamagitan ng pagtatanim ng
mga puno, iwasan ang pagsusunog ng mga basura marami pang ibang
paraan upang luminis ang hangin.
2. Ang gas ay walang tiyak na hugis.
Katulad ng liquid, ang gas ay wala ring tiyak na hugis. Tingnan ang
larawan sa ibaba.
A B
Ang hugis ng gas sa larawan A ay bilohaba dahil ang lobo ay
hugis bilohaba. Samantalang ang hugis ng gas sa larawan B ay puso
dahil ang lobo ay hugis puso. Ang gas ay sumusunod sa hugis ng
lalagyan. Ang molecules nito ay malayang nakakagalaw at tumatalbog
kung kaya’t nauukopa nito ang ating buong paligid.
3. Ang gas ay may timbang.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Ang nasa kaliwa ay lobo na
walang hangin samantalang ang nasa kanan ay lobo na may hangin.
Mapapansin na ang timbangan ay umangat sa kaliwa dahil ang lobo
ay walang laman. Ito ay nangangahulugan na ang gas ay may
timbang. Subalit ang gas ay walang volume. Hindi mo maaaring
malaman kung gaano kadami ang bilang ng hangin sa loob ng
lalagyan.
Napansin mo ba ang katangian ng gas? May pagkakatulad ba
ito sa liquid? Maari mo rin ba itong isa-isahin?
PIVOT 4A CALABARZON
12
Mga Katangian ng Gas
Ang gas ay isang uri ng matter. Hindi ito nakikita, hindi rin nahahawakan
ngunit ito ay nararamdaman. Ang halimbawa ng gas ay hangin.
PIVOT 4A CALABARZON
Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang katangian ng mga sumusunod na
bagay. Tukuyin kung solid, liquid o gas.
Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Kopyahin ang talaan. Gamitin ang mga
larawan sa Gawaing Pagkatuto Bilang 1. Tukuyin ang katangian ng bawat
bagay. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Mga Bagay Hugis Kulay Tekstura
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang hugis ng mga larawan sa
Gawaing Pagkatuto Bilang 1. Tukuyin ang katangian ng bawat bagay.
Gawin ito sa sa iyong kuwaderno.
1 2 3
4 5 6
1 2 3
4 5 6
13
Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Nais kong banggitin mo kung anong
bagay ang mga ito. Ilarawan at tukuyin kung solid, liquid o gas ang
mga ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Tingnan ang mga larawan sa ibaba at
sagutan ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
1. Ano ang kulay ng kamatis?
Ano naman ang kulay ng talong?
2. Ilang kilo ang kamatis? Ilan naman ang kilo ng talong?
3. Ano ang hugis ng kamatis? Ano naman ang hugis ng talong?
4. Ano ang tekstura ng kamatis? Ano naman ang sa talong?
Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Kilalanin ang salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Isulat sa iyong kuwaderno kung ito ay solid, liquid o
gas.
________1. Ang tubig ay walang tiyak na hugis.
________2. Ang aklat ay bagay na nahahawakan.
________3. Ang simoy ng hangin ay malamig.
________4. Ang kendi ay matamis.
________5. Ang ulan ay pumapatak.
PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS
3-8
D
14
Lapis Mantika Tubig sa Baso Mga Lobo
A (Mga Kamatis) B (Mga Talong)
Gawaing Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang mga katangian ng
matter. Isulat sa iyong kwaderno kung anong uri ng matter
ang tinutukoy nito.
1. Ito ay may amoy at lasa ngunit walang tiyak na hugis.
2. Ito ay may tiyak na hugis, kulay, tekstura at sukat.
3. Ito ay hindi nakikita ngunit nararamdaman.
4. Ang molecules nito ay dikit-dikit at siksik.
Gawaing Pagkatuto Bilang 5:
A. Sa gawaing ito, maaari kang makaalala o makapagmasid gamit
ang iyong mga pandama. Magtala ng tatlong bagay na
matatagpuan sa labas ng silid-aralan, sa loob ng tahanan at
kantina.
Labas ng Silid –Aralan Loob ng Tahanan Kantina
B.Tukuyin ang mga katangian ng mga sumusunod na mga bagay sa
paligid.
Bagay Kulay Hugis Tekstura Amoy
lapis
alcohol
bulak
buhangin
shampoo
PIVOT 4A CALABARZON
15
Gawaing Pagkatuto Bilang 6: Tukuyin ang bawat larawan kung ito ay
solid, liquid o gas. Tukuyin ang mga katangian nito. Gumawa ng
dalawang kahon at pagsamahin ang magkakaparehong bagay. Iguhit
ito sa iyong kuwaderno.
Gawaing Pagkatuto Bilang 7: Ilarawan ang bawat bagay ayon sa
weight nito.
1. _______ kg. 4. _________kg.
2. _________kg. 5. _______ kg.
3. ________kg.
1 2 3 4
PIVOT 4A CALABARZON
16
Gawaing Pagkatuto Bilang 8: Kopyahin ang kahon sa
kuwaderno. Gumuhit ng dalawang bagay na solid, liquid o gas
na matatagpuan sa inyong tahanan, sa inyong bakuran o
kapitbahay.
Solid Liquid Gas
PIVOT 4A CALABARZON
E
17
Gawaing Pagkatuto Bilang 10: Basahin ang paraan ng pagluluto ng
kanin. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga uri ng matter na
matatagpuan sa talata. Tukuyin kung ito ay solid, liquid o gas.
Paraan ng Pagluluto ng Kanin
1. Ilagay ang bigas sa kaldero.
2. Hugasan ito ng tubig ng tatlong beses.
3. Matapos hugasan, lagyan muli ito ng tubig upang
maging sabaw ng bigas sa pagluluto.
4. Sukatin ang dami ng bigas para malaman kung gaano
karami ang tubig na ilalagay. Kung ano ang sukat ng
bigas ay siya ring sukat o dami ng tubig.
5. Ilagay sa kalan at hintayin itong maluto.
Gawaing Pagkatuto Bilang 9: Gamit ang mga naiguhit na larawan,
tukuyin ang mga hugis nito.
Ang mga bagay ay maaaring matagpuan sa ating paligid. Ang
mga bagay ay may iba’t ibang kulay, hugis, sukat, bigat at tekstura.
Ang mga bagay ay may iba’t ibang paraan ng pagdaloy ng
molecules o ease of flow.
Gawaing Pagkatuto Bilang 12: Basahin at unawain ang sumusunod
na tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang iba pang paraan bukod sa pagtingin upang malaman
ang hugis ng isang bagay kahit hindi ito nakikita?
A. tikman B. hawakan C. amuyin D. pakinggan
2. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
A. bula B. asul C. bughaw D. bilog
3. Ano ang tawag sa kalayaang paggalaw o pagdaloy ng mga
molecules sa loob ng lalagyan?
A. ease of flow C. paggalaw
B. pagbuo D. pagkilos
4. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng bagay ang pareho ang
tekstura?
A. baso, mesa, upuan C. luya, kamatis, papel
B. bakal, pako, panghilod D. liha, espongha,panghilod
5. Anong parehong katangian meron ang toyo, suka at patis?
A. hugis B. ease of flow C. kulay D. tekstura
PIVOT 4A CALABARZON
A
WEEK
4
WEEK
4
18
Gawaing Pagkatuto Bilang 11: Isulat sa sagutang papel ang MN kung ang
molecules ng larawan ay malayang nakagagalaw, BN kung bahagyang
nakagagalaw at DN kung hindi nakagagalaw.
dalandan
1.
bato
2.
tubig sa gripo
3.
lobo
4.
6. Anong uri ng matter ang sumusunod ang hugis sa lalagyan at
may iba’t ibang paraan ng pagdaloy?
A.gas B. solid C. liquid D. plasma
7. Ano ang pagkakaayos ng molecules ng gas?
A. nagtitinginan
B. dikit-dikit at siksik
C. malaya at tumatalbog
D. nag-uumpugan at dumudulas
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang
paglalarawan sa solid?
A. ang mga solid ay iisa ang kulay.
B. ang mga solid ay may tiyak na kulay.
C. ang mga solid ay hindi nagkakakulay
D. ang mga solid ay may ibat ibang kulay.
9. Aling ang tamang pagkakapangkat ng mga solid?
A. usok, hangin, sabaw C. pinggan, sabaw, kutsara
B. sabaw, tinidor, hangin D. pinggan, kutsara, tinidor
10. Anong uri ng matter ang oxygen, hangin at usok?
A.gas B. liquid C. solid D. plasma
PIVOT 4A CALABARZON
19
Gawain Pagkatuto Bilang 13: Ilarawan kung paano isasalin ang liquid
(mantika) sa mga lalagyan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga pagpapabagong
nangyayari sa solid, liquid at gas. Tingnan ang mga larawan. Banggitin
ang mga ito.
Ang mga solid, liquid, at gas na iyong makikita sa paligid ay mga uri
ng matter na maaaring mabago ang pisikal na kaanyuan dahil sa epekto
ng init at lamig ng temperatura. Ang mga malalamig na bagay katulad
ng paborito mong sorbetes ay may mababang temperatura habang ang
mga maiinit na bagay naman na kagaya ng mainit na kape na iniinom
mo sa malamig na umaga ay may mataas na temperatura. Ang
thermometer ay kagamitang panukat sa temperatura (init o lamig) ng
bagay. Ito ay isinusulat sa digri Celcius o centigrade (°C) at Fahrenheit (°F).
Sa araling ito, inaasahan na mailalarawan mo ang epekto ng
temperatura sa solid, liquid at gas para makita ang mga pagbabago ng
solid patungo sa liquid , liquid patungo sa solid at liquid patungo sa gas.
PIVOT 4A CALABARZON
I
WEEKS
5-8
20
Mga Pagbabago sa Solid, Liquid at
Gas bunga ng Temperatura
Aralin
Basahin at pag-aralan ang maikling kuwento. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong.
Isang araw ng Sabado noon. Mainit ang panahon. Nasa labas ng
bahay ang magkapatid na Kim at Sophia. Masaya silang naglalaro at
minsan ay naghahabulan pa. Hanggang sa sila ay mapagod, naisipan
nilang maupo sa tabi na puno na nasa labas ng bahay. Sa kanilang
pagkakaupo doon ay napatingin sila sa gate ng kanilang kapitbahay at
doon ay nakita nila ang nakasulat na “Ice Candy for Sale Here”.
Nang sumunod na araw ay naisipan nilang gumawa ng sariling
ice candy. Nagpaturo sila sa kanilang nanay kung paano gumawa nito.
Naghanda sila ng apat na baso ng tubig, isang tasa ng asukal at
gatas na evaporada at hiniwang maliliit na mangga bilang flavor.
Pinagsama-sama nila ang mga ito at hinalo. Pagkatapos inilagay nila ito
sa plastic ng ice candy. Sinabi na nanay nila na ilagay nila ito sa freezer
para sa susunod na araw ay puwede na nilang kainin.
PIVOT 4A CALABARZON
Kumuha ng ilang barya si Kim sa kanyang bulsa at bumili ng
dalawang pirasong ice candy. “Ang sarap naman nito”, ang sabi ni
Sophia. Ang tigas, malamig at matamis din. Lasang mangga, at parang
may gatas pa” dagdag naman ni Kim.
21
Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.
1. Nasa anong anyo ng matter ang biniling ice candy ng magkapatid
na Kim at Sophia?
2. Ano ang mga liquid na ginamit nina Kim at Sophia sa paggawa ng
ice candy?
3. Ano ang ginamit na solids sa paggawa ng ice candy?
4. Paano nagbago at naging solid ang ice candy?
5. Anong klaseng temperatura ang kailangan upang ang liquid ay
magbago tungo sa pagiging solid?
Mga Pagbabagong Nagaganap sa Solid, Liquid at Gas
Ang pisikal na anyo ng solid, liquid at gas ay maaaring magbago
kapag naiinitan o nalalamigan. Ito ay tinatawag na physical change. Ang
physical change ay pagbabago ng isa o higit pang mga pisikal na
katangian ng bagay. Ang mga proses na nagdudulot ng pisikal na
pagbabago ay ang melting, freezing condensation, evaporation at
sublimation.
MELTING
(Solid to Liquid)
Tunaw na tsokolate Tunaw na sorbetes
Kung ang temperature ay mainit, ang ilang solid ay natutunaw at
nagiging liquid. Ang prosesong ito ay tinatawag na melting. Isang
halimbawa nito ay ang sorbetes.
Ang melting ay ang isang proseso ng pagbabago mula solid
patungong liquid. Ang mataas na temperatura ang nakakaapekto ng
pagbabagong pisikal ng solid. Maliban sa sorbetes mayroon pang
karaniwang bagay na natutunaw dahil sa init tulad ng tsokolate,
mantekilya, kandila at yelo.
PIVOT 4A CALABARZON
22
FREEZING
(Liquid to Solid))
Kung ang temperature ay malamig, ang ilang liquid ay nabubuo
at nagiging solid. Ang prosesong ito ay tinatawag na freezing. Ang
mababang temperature ang nakakaapekto sa pagbabagong pisikal ng
liquid. Ang yelo at sorbetes na nasa larawan ay mga halimbawa ng mga
bagay na pisikal na nagbabago dulot ng malamig na emperature. Ang
tubig (liquid) kapag nasa mababang temperature ay nagiging solid.
Ang mga natuyong damit mula sa pagkakasampay ay isang
halimbawa ng evaporation. Dahil sa init na dulot ng sikat ng araw, ang
tubig o liquid na nasa damit ay nagbabagong anyo at nagiging gas o
singaw, dahilan upang matuyo ang damit na isinampay.
Tubig
Mga basang damit
PIVOT 4A CALABARZON
23
EVAPORATION
(Liquid to Solid)
CONDENSATION
(Gas to Liquid)
Baso na may malamig na tubig
Makikita sa isang basong may malamig na tubig ang butil-butil na
tubig. Ito ay nagmula sa loob ng lalagyan na nag-anyong water vapor
o singaw. Ang singaw o water vapor ay nasa anyong gas at nagiging
liquid kapag ito ay lumamig. Ito ay nabubuo dahil sa mainit na
temperature at mabilis din bumabalik sa pagiging liquid kung malamig
ang temperatura. Ang prosesong ito ay tinatawag na condensation.
Ang condensation ay isang proseso ng pisikal na pagbabago na kung
saan ang gas ay nagiging liquid. Ang malamig na temperature ang
lubos na nakaapekto sa pagbabagong pisikal ng gas.
Ang sublimation ay proseso ng pagbabago ng pisikal na anyo ng
solid patungong gas na hindi dumadaan o sumasailalim sa pagiging
liquid.
SUBLIMATION
PIVOT 4A CALABARZON
24
Ang mothballs ay isang halimbawa na nagpapakita ng prosesong
sublimation. Ito ay inilalagay sa loob ng damitan upang makaiwas sa mga
insekto na maaaring kumapit o makasira sa mga damit. Hindi lahat ng solid
ay nagsusublimate. Ang mothballs ay gawa sa naphthalene at mabilis na
nagbabago mula sa pagiging solid patungo sa pagiging gas. Malinaw na
ba sa iyo ang ating aralin?
Ang mga kagamitang makikita natin sa tahanan at paaralan ay
mga bagay na nabibilang sa solid, liquid at gas. Ang mga bagay sa ating
tahanan at paaralan ay may kaanyuang solid, liquid at gas. Maaaring
uriin ang mga ito ayon sa kanilang mga katangian sa pamamagitan ng
ating pandama o senses.
Ang mga solid ay may tiyak na kulay, hugis, tekstura, sukat, timbang
at volume. Ang mesa, silya, tabo, pinggan, kutsilyo, kutsara at tinidor ay
mga halimbawa ng solid na matatagpuan sa tahanan. Ang aklat, pisara,
lapis, bolpen at armchair ay mga halimabawa ng solid na matatagpuan
sa paaralan.
Ang liquid ay maaring mabagal, mabilis, o napakabilis ng daloy.
Ang liquid ay walang tiyak na hugis. Sinusundan nito ang hugis ng
lalagyan. Ito ay may volume, iba’t ibang lasa at amoy. Ang tubig,
alcohol, juice, toyo, mantika at ketsup ay mga halimbawa ng liquid na
maaaring matagpuan sa tahanan at paaralan. Tingnan ang tsart ng mga
hugis, tekstura at kulay para gamitin mo sa paglalarawan ng mga solid,
liquid at gas kapag ang mga ito ay nagbabago.
Mga Kulay Mga Hugis Mga Tekstura
Puti
Pula
Dilaw
Lila
Kahel
Itim
Kayumanggi
Berde
Asul
Rosas
Bilog
Obalo
Tatsulok
Parihaba
Parisukat
Pentagono
Eksagono
Oktagono
Malambot
Matigas
Madulas
Magaspang
PIVOT 4A CALABARZON
25
Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Maaari ka bang magbigay ng iba pang
mga halimbawa ng solid, liquid at gas na matatagpuan sa iyong
tahanan o paaralan? Kopyahin ang talahanayan at isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
Mga bagay sa bahay na Solid, Liquid at Gas Mga Katangian
1.
2.
3.
4.
5.
Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang Tama tungkol sa solid?
A. Ang solid ay hindi nakikita.
B. Ang solid ay walang bigat.
C. Ang solid ay walang tiyak na hugis.
D. Ang solid ay may sariling hugis, kulay at tekstura.
2. Alin sa mga sumusunod na solid ang matigas?
A. lapis B. papel C. upuan D. bato
3. Ang mga sumusunod ay katangian ng solid maliban sa isa, alin
ito?
A. dumadaloy C. may sariling hugis
B. nahahawakan D. may tekstura
4. Ang buhangin, papel de liha, langka ay mga bagay na inuri sa
pamamagitan ng_____.
A. hugis B. tekstura C. kulay D. sukat
5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng solid maliban sa isa,
alin ito?
A. pisara B. krayola C. holen D. gatas na evaporada
6. Kapag ang tubig sa baso ay inilagay mo sa freezer, ano ang
mangyayari dito?
A. titigas B. matutunaw C. liliit D. mawawala
PIVOT 4A CALABARZON
WEEK
6
26
D
7.Ano ang nangyari sa kandilang natutunaw kapag ito ay lumamig?
A. lumambot B. naglaho C. tumigas D. nag-iba ang kulay
8. Ang mga sumusunod ay maaaring magpalit ng anyo kapag
pinalamig maliban sa isa, alin ito?
A. tubig B. ice candy C. tinunaw na floor wax D. bakal
9.Alin sa mga sumusunod na proseso ang tawag sa pagbabagong
anyong liquid tungo sa solid?
A. evaporation B. freezing C. melting D. sublimation
10.Ano ang mangyayari sa tinunaw na mantekilya kapag inilagay ito
sa freezer?
A. magbabagong anyo ito tungo sa solid
B. magbabagong anyo ito tungo sa gas
Ang sinaunang paraan ng pagluluto sa ating tahanan ay
ginagamitan ng kahoy (solid). Ito ay sinisindihan upang mag-apoy o
magningas. Ang apoy ay isang halimbawa ng gas.
Sa ngayon, marami nang gumagamit ng LPG o liquified petroleum
gas sa pagluluto. Ang nasa loob ng tangke ng LPG ay liquid, kapag ito ay
binuksan na at nabawasan ang presyon sa loob ng tangke ang liquid ay
nagiging gas at ito na ang lumalabas sa kalan na nagiging apoy.
PIVOT 4A CALABARZON
27
Ang mga solid, liquid at gas ay nakatutulong sa ating mga
gawaing pangtahanan at pampaaralan. Ngunit, mayroong mga bagay
na kinakailangan ng tama at ibayong pag-iingat sa paggamit ng mga
bagay na ito.
Gawaing Pagkatuto Bilang 4: Tingnan ang mga larawan. Alin sa mga
larawan ang solid, liquid, at gas?
Gawaing Pagkatuto Bilang 5: Sagutan ang talahanayan gamit ang
larawan sa itaas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga bagay Solid/Liquid/Gas May Pagbabagong Pisikal
PIVOT 4A CALABARZON
mothballs
sorbetes tubig
langis tsokolate hangin
28
Gawaing Pagkatuto Bilang 6: Ang mga bagay ay nagbabago ang
pisikal na anyo dahil sa init at lamig ng temperature, gamit ang limang uri
ng pisikal na pagbabago ng solid, liquid at gas, magtala ng mga
gawaing bahay na nakikitaan ng ganitong mga pagbabago.
Melting Solid Liquid
Freezing Liquid Solid
Evaporation Liquid Gas
Condensation Gas Liquid
Sublimation Solid Gas
Pahalang
3. Pagbabagong pisikal mula liquid
patungong solid
4. Pagbabagong pisikal mula solid
patungong gas
5.Pagbabagong pisikal mula liquid
patungong gas
Pababa
1. Pagbabagong pisikal mula solid
patungong liquid
2. Pagbabagong pisikal mula gas
patungong liquid
Gawaing Pagkatuto Bilang 8: Ilarawan ang pagbabago sa mga bagay
batay sa epekto ng temperatura. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1.
tsokolate
2.
mothballs
PIVOT 4A CALABARZON
WEEK
7
Gawaing Pagkatuto Bilang 7: Kopyahin at buoin ang crossword puzzle sa
pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nakasulat sa ilalim. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
29
mantikilya tubig
tubig
3. 4.
5.
Gawaing Pagkatuto Bilang 9 : Buoin ang pangungusap. Tukuyin ang
maaring pagbabago sa bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel.
1. Pagtitinda ng ice candy ang pinagkakakitaan ni Lina ngayong
bakasyon. Nagiipon siya upang may baon sa darating na pasukan. Sa
hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng kuryente.
Kinabukasan ay binuksan niya ang freezer at nakita niyang
____________.
2. _______________ ang tsokolateng kinakain ni Lito dahil sa init ng
panahon. Inilagay niya ito sa freezer upang tumigas.
3. Pagkatapos maligo, nakasanayan na ni Nena ang _____________ ng
buhok gamit ang blower.
4. Si Aling Nena ay bumili ng “solid air fresheners” para sa kanilang bahay.
Ang kanyang anak na si Lily ay nagtataka kung bakit ____________ ang
solid air fresheners sa paglipas ng araw.
5. Madalas mapansin ni Lena ang mga __________ damo sa kanilang
hardin tuwing umaga. Kapag tiningnan niya ang lupa, hindi naman
umulan kinagabihan.
PIVOT 4A CALABARZON
E
30
Gawaing Pagkatuto Bilang 10 : Isulat kung mainit na temperatura o
malamig na temperatura ang nakaapekto sa mga bagay na nasa
larawan.
Tunaw na krayola bintana na may hamog
Pagpaplantsa solid air fresher
1. 2.
3. 4.
Gawaing Pagkatuto Bilang 11: Magbahagi ng maikling kuwento tungkol sa
isang simpleng aktibidad na nagawa mo na naging daan upang
matutuhan mo ang pagbabagong nagaganap sa ilang liquid tungo sa
pagiging solid? Isulat mo ang iyong kuwento. Gayahin ang sumusunod na
bahagi.
Pamagat:
Pangyayari at detalye:
Nasasaksihan sa pangyayari:
PIVOT 4A CALABARZON
31
Gawaing Pagkatuto Bilang 12 : Maglista ng limang (5) halimbawa ng
liquids na nagiging solid at ipaliwanag kung paano ito nagbabago.
1.
2.
3.
4.
5.
Gawaing Pagkatuto Bilang 13: Ang sumusunod na pangungusap ay
may mga mahahalagang konsepto na dapat mong tandaan. Kopyahin
ang mga pangungusap sa sagutang papel at alisin ang salitang
nagpapamali ng ideya ng pangungusap.
1. May ilang bagay na nakikita sa tahanan o paaralan na maaaring
solid, liquid o gas.
2. Ang mga kagamitang makikita sa palengke ay may masamang
naidudulot sa ating pang araw-araw na gawain.
3. May mga bagay na mayroong masamang dulot sa mga tao, hayop
at halaman kung ito ay wasto ang pagkakagamit.
4. Huwag tayong maingat sa paggamit ng mga bagay na matutulis,
matatalim, maiinit, mabibigat at ginagamitan ng kuryente.
5. Mahalagang malaman at isaisip ang wastong paggamit ng solid,
liquid at gas upang maiwasan ang aksidente at mabuting dulot ng
mga ito.
PIVOT 4A CALABARZON
A
32
Gawaing Pagkatuto Bilang 14: Pag-aralang mabuti ang mga larawan.
Isulat sa iyong kuwaderno ang mga bagay na nagbabago ang pisikal na
anyo kapag mainit ang temperatura.
Gawaing Pagkatuto Bilang 15: Pag-aralang mabuti ang mga larawan.
Isulat sa iyong kuwaderno ang mga bagay na nagbabago ang pisikal na
anyo kapag malamig ang temperatura.
ubas Tubig tunaw na
tsokolate
Sorbetes
dalandan lapis orange juice gatas
sorbetes kandila Mga basang
damit
tsokolate
PIVOT 4A CALABARZON
33
Gawaing Pagkatuto Bilang 16: Isulat ang mga hakbang o paraan kung
ano ang nais o kaya mong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Nakita mo sa inyong kusina ang mga tirang pagkain na nasira,
mga ginamit sa pagluluto, at mga lata at bote na sama sama sa
isang plastik. Ano ang gagawin mo?
2. Araw-araw na nakikita mo ang mga tuyong dahon na
nakatambak sa damuhan. Sama sama din ang mga plastik sa
nawalis sa inyong bakuran. Ano ang gagawin mo?
3. Nakita mo ang mga kapwa mo bata na nagtatapon ng basura
sa ilog malapit sa inyong bahay. Ano ang sasabihin mo?
PIVOT 4A CALABARZON
34
Susi
sa
pagwawasto
1
1.
Lapis-solid
2.
Langis-liquid
3.
Tubig-liquid
4.
Lobo-gas
I
Susi
sa
pagwawasto
2
1.
berde-lila
2.
3
kilo–
1
kilo
3.
bilog–
pahaba
4.
makinis-makinis
5.
oo—oo
D
Susi
sa
pagwawasto
3
1.
Liquid
2.
Solid
3.
Gas
4.
Solid
Susi
sa
pagwawasto
4
Silid–
Aralin
Loob
ng
tahanan
Kantina
pisara
kama
upuan
mesa
bintana
baso
upuan
plurera
mesa
Susi sa Pagwawasto
Susi
sa
pagwawasto
6
1.
tv
2.
hangin
sa
electric
fun
3.ulan
4.
tinidor
at
kutsara
Susi
sa
pagwawasto
5
dilaw–
pahaba–makinis-wala
wala-wala-wala-wala
puti-wala-pino-wala
maitim-pabilog-magaspang-wala
puti-wala-madulas-mabango
Susi
sa
pagwawasto
7
1.
100
kg
2.
120
kg
3.
250
kg
4.
1
kg
5.
200
kg
Weeks 1–2
Susi
sa
pagwawasto
2
Mga
bagay
Hugis
Kulay
Tekstura
1.
aklat
2.
Lapis
3.
Kahon
4.
Kape
sa
tasa
5.
Lobo
na
may
hangin
6.
Liquid
soup
Parihaba
Parihaba
Parisukat
Bilog
Bilog
Walang
hugis
Itim
Dilaw
Kayumangi
Itim
Pula
Dilaw
Makinis
Makinis
Magaspang
Walang
tekstura
Makinis
Madulas
1.
parisukat
2.
parihaba
3.
parisukat
4.
silindro
5.
lobo
6.
pabilog
Susi
sa
pagwawasto
3
Week s 3-4
D
Susi
sa
pagwawasto
1
1.
Aklat—solid
2.
Lapis—solid
3.
Kape
sa
tasa–
liquid
4.
Lobo
na
may
hangin
—gas
5.
Liquid
soup–
liquid
E
Susi
sa
pagwawasto
8
Solid–
baso,
papel
Liquid–
tubig,
manitika
Gas–
gasolina,
alcohol
Susi
sa
pagwawasto
9
1.
bigas-S
kaldero-S
2.
tubig-L
3.
tubig-L
4.
tubig–
L
bigas-S
5.
kalan-S
Susi
sa
pagwawasto
10
1.
DN
2.
DN
3.
MN
4.
BM
A
Susi
sa
pagwawasto
11
1.
B
6.
C
2.
D
7.
D
3.
A
8.
D
4.
D
9.
D
5.
B
10.
A
Week 5-8
Susi
sa
pagwawasto
1
1.
solid
2.
gatas/tubig
3.
asukal
4.
ilagay
sa
freezer
5.
32
degrees
Susi
sa
pagwawasto
2
1.
mesa-mahaba,
matigas
2.
upuan-matigas
3.
kanin-
malambot,maputi
4.
baso-walang
kulay,
walang
kulay
5.
gas-walang
kulay,
I
Susi
sa
pagwawasto
3
1
.
D
6.
A
2.
D
7.C
3.
A
8.C
4.
B
9.
B
Susi
sa
pagwawasto
4
S–
sorbets,
mothballs,
tsokolate
L–
tubig,
langis
Susi
sa
pagwawasto
5
1.
sorbets–
S–
tekstura
2.
mothballs–
S–
hugis
3.
tubig—L–
hugis
4.
langis-L-hugis
5.
tsokolate-S–
hugis
Susi
sa
pagwawasto
6
Melting–
keso
na
inilagay
sa
tinapay
na
mainit
Freezing-tubig
na
nilagay
sa
freezer
Evaporation–
na-
tapon
na
alcohol
35
PIVOT 4A CALABARZON
36
Susi
sa
pagwawasto
8
1.solid
to
liquid
2.
solid
to
gas
3.
solid
to
liquid
4.
liquid
to
liquid
5.liquid
to
solid
Susi
sa
pagwawasto
9
1.
natunaw
ang
ice
candy
2.
malambot
3.
magpatuyo
4.
natunaw
5.
basa
Susi
sa
pagwawasto
11
Ang
pagawa
ng
yelo
Ang
yelo
sa
loob
ng
freezer
Ang
pagbalot
ng
yelo
Ang
paglagay
ng
tubig
sa
plastik
Susi
sa
pag-
waawasto
10
1.
mainit
2.
malamig
3.
mainit
4.
malamig
Susi
sa
pagwawasto
7
Pababa
1.
melting
2.
condensation
Pahalang
3.
freezing
4.
sublimation
5.
evaporation
Susi
sa
pagwawasto
13
1.
may
ilan
2.
masama
3.
wasto
4.
huwag
5.
mabuti
Susi
sa
pagwawasto
14
sorbets
kandila
tsokolate
Susi
sa
pagwawasto
15
tubig
tunaw
na
tsokolate
sorbets
orange
juice
Gatas
A
I E
PIVOT 4A CALABARZON
37
Online Resources
De Jesus, Esperanza. Science Module 3. https://lrmds.deped.gov.ph.
Balatayo, Mevyn J. Instructional Materials in Science 3.
https://lrmds.deped.goh.ph
Science and Health Matter.DepEd Beam Distance Learning Program.
https://lrmds.deped.gov.ph.
Let’s Explore Science for Daily Use 3: Unit 1 Learner’s Material – Matter
Published on 2014 March 19th. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5460
Science Module 3. Published on 2019 December 16th.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16524
Sanggunian
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal
Landline: 02-8682-5773, locals 420/421
Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

aralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdf
aralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdfaralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdf
aralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdf
JirahBanataoGaano
 
English4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdf
English4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdfEnglish4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdf
English4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdf
yrrallarry
 
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualEdukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Jane Basto
 
Wastong pagpapahayag ng_damdamin
Wastong pagpapahayag ng_damdaminWastong pagpapahayag ng_damdamin
Wastong pagpapahayag ng_damdamin
keanziril
 

Was ist angesagt? (20)

Araling Panlipunan 3 Yunit I Aralin 1 Mga Simbolo ng Mapa
Araling Panlipunan 3 Yunit I Aralin 1 Mga Simbolo ng MapaAraling Panlipunan 3 Yunit I Aralin 1 Mga Simbolo ng Mapa
Araling Panlipunan 3 Yunit I Aralin 1 Mga Simbolo ng Mapa
 
PPT-FILIPINO-Pagtukoy-ng-tambalang-salita.pptx
PPT-FILIPINO-Pagtukoy-ng-tambalang-salita.pptxPPT-FILIPINO-Pagtukoy-ng-tambalang-salita.pptx
PPT-FILIPINO-Pagtukoy-ng-tambalang-salita.pptx
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
Filipino 3 Yunit III Aralin 2 Pagsasabi ng Sariling Ideya tungkol sa Napaking...
 
Arts gr.3 tagalog q1
Arts gr.3 tagalog   q1Arts gr.3 tagalog   q1
Arts gr.3 tagalog q1
 
Esp 2 activity sheet q4 w1
Esp 2 activity sheet q4 w1Esp 2 activity sheet q4 w1
Esp 2 activity sheet q4 w1
 
Filipino 6 pagbibigay hinuha
Filipino 6 pagbibigay hinuhaFilipino 6 pagbibigay hinuha
Filipino 6 pagbibigay hinuha
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
aralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdf
aralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdfaralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdf
aralingpanlipunan1_q4_mod6_payaknamapamulasatahananpatungosapaaralan_v1 (1).pdf
 
Grade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers GuideGrade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers Guide
 
K to 12 Grade 2 DLL Filipino (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 2 DLL Filipino  (Q1 – Q4)K to 12 Grade 2 DLL Filipino  (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 2 DLL Filipino (Q1 – Q4)
 
February-22-2021-Lesson.pptx
February-22-2021-Lesson.pptxFebruary-22-2021-Lesson.pptx
February-22-2021-Lesson.pptx
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwaFilipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
 
Grade 3 A.P. Teachers Guide
Grade 3 A.P. Teachers GuideGrade 3 A.P. Teachers Guide
Grade 3 A.P. Teachers Guide
 
English4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdf
English4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdfEnglish4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdf
English4_Q2_Mod1_What Do You Mean__v3.pdf
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualEdukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
 
Wastong pagpapahayag ng_damdamin
Wastong pagpapahayag ng_damdaminWastong pagpapahayag ng_damdamin
Wastong pagpapahayag ng_damdamin
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...
 
pagsipi ng talata
pagsipi ng talatapagsipi ng talata
pagsipi ng talata
 
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
 

Ähnlich wie Science Grade 3 Q1.pdf

EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
MarjhieValuis1
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS29
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
jashemar1
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
EDITHA HONRADEZ
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
EDITHA HONRADEZ
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
EDITHA HONRADEZ
 

Ähnlich wie Science Grade 3 Q1.pdf (20)

Clmd4 a espg7
Clmd4 a espg7Clmd4 a espg7
Clmd4 a espg7
 
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
CLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdfCLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
 
CLMD4A_APG7.pdf
CLMD4A_APG7.pdfCLMD4A_APG7.pdf
CLMD4A_APG7.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 
Es p 3 tg draft complete
Es p 3 tg draft completeEs p 3 tg draft complete
Es p 3 tg draft complete
 
Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014Es p 3 tg draft 4.10.2014
Es p 3 tg draft 4.10.2014
 

Kürzlich hochgeladen

FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 

Kürzlich hochgeladen (20)

POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 

Science Grade 3 Q1.pdf

  • 2. Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. PIVOT 4A CALABARZON Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng CLMD CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights para sa karapatang pagkatuto. Mga Tagasuri
  • 3. Science Ikatlong Baitang PIVOT 4A Learner’s Material Unang Markahan Unang Edisyon, 2020 Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Patnugot: Wilfredo E. Cabral Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes Science Ikatlong Baitang Schools Division Development Team: Josephine T. Natividad, Imelda C. Raymundo, Anicia J. Villaruel, Generosa F. Zubieta, Azela C. King, Lailah De Chavez, Agnes A. Lagdameo, Maria Christen Pareñas Acyatan, Anna Rose Cruz Wakis, Roselyn Q. Golfo, Georgia P. Talabong, Roy O. Natividad, Azela C. King, Jeewel L. Cabriga, Sayre M. Dialola, Ceejay G. Santos at Maria Imeelyn M. Zamora Regional Office Development Office: Job S. Zape Jr., Romyr L. Lazo, Fe M. Ong-ongowan, Lhovie A. Cauilan, Jason A. Orozco, Jonuel Benedict Reyna, Harry Monzon at Sonny Bhoy L. Flores
  • 4. Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learner’s Material Para sa Tagapagpadaloy Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang Agham. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa mga ibinigay na layunin. Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng tamang paraan ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pag-unawa sa pagpapakita ng kakayahan nang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusonod na aralin. Salamat sa iyo! Para sa Mag-aaral Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 3. Maging tapat at may integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi sa MELC. Kaya mo ito! 4 PIVOT 4A CALABARZON
  • 5. PIVOT 4A CALABARZON 5 Mga Bahagi ng PIVOT Modyul Bahagi ng LM Nilalaman Alamin Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. Suriin Subukin Ang bahaging ito ay naghahanap ng mga aktibidad, gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral, karamihan sa mga gawain ay umiinog lamang sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC lalo na ang bahaging ito ay nagbibigay ng oras para makita ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. Tuklasin Pagyamanin Isagawa Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kailangang Knowledge Skills and Attitude (KSA). Pinahihintulutan ng guro ang mga mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga KSA upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kanilang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/ gawain ng buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kanilang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. Linangin Iangkop Isaisip Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng proseso na maipakikita nila ang mga ideya, interpretasyon, pananaw, o pagpapahalaga at makalikha ng mga piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kanilang kaalaman sa pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o paggamit nang epektibong nito sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mga mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na nagbibigay sa kanila ng pagkakataong pagsamahin ang mga bago at lumang natutuhan. Tayahin Panimula Pakikipagpalihan Pagpapaunlad Paglalapat
  • 6. Ang araling ito ang tutulong sa iyo upang tuklasin at unawain ang mga bagay o matter na iyong nakikita, nararamdaman, naaamoy, nalalasahan at naririnig. Ang bawat aralin na nakapaloob dito ang magtuturo sa iyo kung paano maging isang batang scientist. Ikaw ay inaasahang mag isip, magsiyasat, magsaliksik, at mag-imbestiga. Sa tulong ng bawat araling napapaloob dito, unti-unti mong malalaman at matututuhan ang tungkol sa katangian ng matter. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapaglalarawan ng iba’t ibang bagay ayon sa mga katangian nito. (MELC 1 PIVOT 4A) Tingnan ang larawan. Ano ang makikita mo dito? Ano ano ang mga bagay na puwede mong ilarawan dito? Ang lahat ng nakikita, sa larawan ay tinatawag na matter. Ano ano ang mga bagay na makikita mo sa inyong bahay na ginagamit pag kumakain? O mga bagay sa hapag kainan? Basahin mong mabuti ang mga susunod na impormasyon tungkol sa katangiang pisikal ng matter upang malaman mo ang detalye tungkol sa katangian ng mga solid, liquid at gas. PIVOT 4A CALABARZON WEEKS 1-2 I 6 Mga Katangian ng Solid, Liquid at Gas Aralin
  • 7. Mga Katangiang Pisikal ng mga Bagay Tayo ay napapaligiran ng makukulay na bagay dahil ang mundo ay sadyang nilikha ng Diyos na maganda at makulay. Katulad ng berdeng dahon, makukulay na bulaklak, puting ulap, at bughaw na dagat. Ang mga bagay na ito ay may iba’t ibang hugis, tekstura at laki. Nagkakaiba at nagkakatulad din ang mga bagay ayon sa kanilang laki, bigat o weight, tekstura at hugis. Tingnan ang larawan sa ibaba. Magkakaiba o magkakapareho ba ang laki, hugis at tekstura nila? Ang iba’t ibang bagay ay may tinatawag din na ease of flow. Ang ease of flow ay ang kalayaang pagdaloy o paggalaw ng mga molecules sa loob ng lalagyan. Ang iba ay may tiyak na hugis sapagkat ang molecules nito ay dikit-dikit at siksik. Ang iba naman ay may bahagyang hiwa-hiwalay kaya nakukuha ang hugis ng kinalalagyan nito. Mayroon ding mga bagay na ang molecules ay magkakalayo at tumatalbog. Nakukuha nito ang hugis ng kanilang lalagyan. May tatlong pangunahing uri ang matter. Ito ay ang solid, liquid at gas. Ang mga ito ay may iba’t ibang katangian upang iyong matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat isa. Ang iyong mga pandama o senses ang tumutulong upang ang mga bagay na ito ay iyong mailarawan at higit na maunawaan. PIVOT 4A CALABARZON 7
  • 8. 1. Ang solid ay may kulay. Isa sa mga pisikal na kaanyuan nito ay ang kulay. Sa tulong ng liwanag, ang iyong mga mata ang ginagamit na organ, upang makita ang mga kulay ng bagay sa paligid katulad ng pula, dilaw, puti, itim, asul rosas, lila at kahel. 2. Ang solid ay may mga hugis Ang hugis ng solid ay hindi nababago. Ang molecules ng solid ay bahagya lamang ang paggalaw dahil sa ito ay dikit-dikit at siksik. Ang ilan sa mga halimbawa ng hugis ng solid ay bilog, bilohaba, tatsulok, parihaba at parisukat. 3. Ang solid ay may tekstura. Ang tekstura ay tumutukoy sa panlabas o ibabaw na katangian ng isang bagay. Katulad ng hugis, maaari mo ring matukoy ang tekstura ng solid sa pamamagitan ng paghawak dito. Ang mga tekstura ay maaaring malambot, matigas, makinis at magaspang. 4. Ang solid ay may sukat. Ang mass ay likas na katangian ng isang bagay. Ito ay tumutukoy sa dami o laki ng materyal na taglay ng isang bagay. Tingnan ang larawan ng dalawang lapis. Masasabing ang lapis A ay nagtataglay ng higit na mass dahil sa mas malaki o madami ang materyal na ginamit dito upang mabuo ang lapis (A) kaysa sa lapis B). Ang mga instrumentong ruler, meter stick at medida ay maaaring gamitin kung nais mong makuha ang sukat nito. A B PIVOT 4A CALABARZON 8 Mga Katangian ng Solid
  • 9. 5. Ang solid ay may timbang. Ang timbangan o weighing scale naman ang ginagamit kung gusto mong malaman ang bigat ng mga solid na bagay. Kilogram (kg) o grams (g) ang unit na ginagamit dito. Kapag mababa ang timbang ito ay nangangahulugan na magaan ang solid at kung mataas ang timbang ito ay mabigat. 6. Ang solid ay may volume. Kung nais mo namang makuha ang laki o liit ng nasasakop ng isang regular na hugis ng solid sa isang espasyo, kinakailangan mong makuha ng volume nito. Ang volume ay tumutukoy sa sukat ng nasasakop ng isang bagay sa espasyo. Nakukuha ang volume sa pamamagitan ng pag-multiply ng haba, lapad at taas nito. 6 9 haba 4 PIVOT 4A CALABARZON 9 Volume= haba x lapad x taas Tingnan kung paano nakuha ang 216. Volume= haba x lapad x taas (6 x 4 x 9) 6 inches (haba) X 4 inches (lapad) 24 inches X 9 inches (taas) 216 inches lapad taas
  • 10. Mga Katangian ng Liquid Ang liquid ay isang uri ng matter. Ito ay dumadaloy. Ang ilan sa mga halimbawa ng liquid ay juice, pabango, gatas, luha at marami pang iba. Malaki ang pagkakaiba ng liquid sa solid subalit may ilan din itong ilang pisikal na katangian na natutulad sa solid. 1. Ang liquid ay may kulay. Ang juice, kape, at coke ay ilan lamang sa maraming halimbawa ng liquid na may kulay, subalit may ilan ding liquid na walang kulay tulad ng malinis na tubig. Ito ay walang kulay at walang amoy dahil ito ang ating iniinom at kailangan ng katawan. Ito ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ginagamit din ito sa pagluluto, pagliligo, paglilinis ng bahay at marami pang iba. 2. Ang liquid ay walang tiyak na hugis. Ang liquid ay dumadaloy. Sumusunod ito o umaayon sa hugis ng lalagyan. Kung ano ang hugis ng lalagyan ay siya ring magiging hugis ng liquid. Tingnan ang larawan sa ibaba. Ang juice sa loob ng Flask Ang hugis ng juice sa larawan ay tatsulok dahil ang lalagyan nito ay hugis tatsulok.Sumusunod ito sa hugis ng lalagyan dahil sa katangian ng molecules nito. Ang molecules nito ay layo-layo, dumudulas at nag-uumpugan sa isa’t isa. PIVOT 4A CALABARZON 10 Kape Soda Juice Tubig
  • 11. 3. Ang liquid ay may iba’t ibang paraan ng pagdaloy. Ang liquid ay maaaring mabagal, mabilis o napakabilis ang pagdaloy. Viscosity ang tawag sa paraan ng pagdaloy nito. Kung iyong hihipuin ang mga liquid na may mabagal na pagdaloy, ito ay may malagkit o malapot na tekstura. Samantalang ang mga liquid na mabibilis ang pagdaloy ay malabnaw ang tekstura. 4. Ang liquid ay may lasa. Ang liquid ay may iba’t ibang lasa, may matamis, maalat, maasim, mapait at mahalang. Ang iyong dila ang ginagamit upang iyong malaman ang lasa ng mga liquid. Subalit, hindi lahat ng liquid ay maaaring tikman dahil maaari itong makapinsala sa iyong katawan. 5. Ang liquid ay may amoy. Ang liquid ay maaaring mabango, mabaho at walang amoy. Ang iyong ilong ang ginagamit na organ upang matukoy ang amoy ng isang bagay. Kinakailangan ding mag-ingat sa pag-amoy ng mga bagay dahil ito ay maaari ring makapinsala o magdulot ng aksidente sa iyong katawan. 6. Ang liquid ay may volume. Maaring masukat ang volume ng liquid sa pamamagitan ng lalagyan tulad ng measuring cups, graduated cylinder, test tube, flask at iba pa. Litre (L) at millilitre (ml) ang unit na gagamit dito. Tingnan ang larawan. Ano ang masasabi mo? A B PIVOT 4A CALABARZON 11
  • 12. 1. Ang gas ay walang kulay. Ang hangin ay natural na walang kulay, subalit kapag ito ay nahaluan ng kemikal ito ay nagkakakulay. Ang hangin ay mahalaga sa atin. Panatilihin natin itong malinis sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, iwasan ang pagsusunog ng mga basura marami pang ibang paraan upang luminis ang hangin. 2. Ang gas ay walang tiyak na hugis. Katulad ng liquid, ang gas ay wala ring tiyak na hugis. Tingnan ang larawan sa ibaba. A B Ang hugis ng gas sa larawan A ay bilohaba dahil ang lobo ay hugis bilohaba. Samantalang ang hugis ng gas sa larawan B ay puso dahil ang lobo ay hugis puso. Ang gas ay sumusunod sa hugis ng lalagyan. Ang molecules nito ay malayang nakakagalaw at tumatalbog kung kaya’t nauukopa nito ang ating buong paligid. 3. Ang gas ay may timbang. Tingnan ang larawan sa ibaba. Ang nasa kaliwa ay lobo na walang hangin samantalang ang nasa kanan ay lobo na may hangin. Mapapansin na ang timbangan ay umangat sa kaliwa dahil ang lobo ay walang laman. Ito ay nangangahulugan na ang gas ay may timbang. Subalit ang gas ay walang volume. Hindi mo maaaring malaman kung gaano kadami ang bilang ng hangin sa loob ng lalagyan. Napansin mo ba ang katangian ng gas? May pagkakatulad ba ito sa liquid? Maari mo rin ba itong isa-isahin? PIVOT 4A CALABARZON 12 Mga Katangian ng Gas Ang gas ay isang uri ng matter. Hindi ito nakikita, hindi rin nahahawakan ngunit ito ay nararamdaman. Ang halimbawa ng gas ay hangin.
  • 13. PIVOT 4A CALABARZON Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang katangian ng mga sumusunod na bagay. Tukuyin kung solid, liquid o gas. Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Kopyahin ang talaan. Gamitin ang mga larawan sa Gawaing Pagkatuto Bilang 1. Tukuyin ang katangian ng bawat bagay. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Mga Bagay Hugis Kulay Tekstura 1. 2. 3. 4. 5. 6. Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Iguhit ang hugis ng mga larawan sa Gawaing Pagkatuto Bilang 1. Tukuyin ang katangian ng bawat bagay. Gawin ito sa sa iyong kuwaderno. 1 2 3 4 5 6 1 2 3 4 5 6 13
  • 14. Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Nais kong banggitin mo kung anong bagay ang mga ito. Ilarawan at tukuyin kung solid, liquid o gas ang mga ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sagutan ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. Ano ang kulay ng kamatis? Ano naman ang kulay ng talong? 2. Ilang kilo ang kamatis? Ilan naman ang kilo ng talong? 3. Ano ang hugis ng kamatis? Ano naman ang hugis ng talong? 4. Ano ang tekstura ng kamatis? Ano naman ang sa talong? Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Kilalanin ang salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa iyong kuwaderno kung ito ay solid, liquid o gas. ________1. Ang tubig ay walang tiyak na hugis. ________2. Ang aklat ay bagay na nahahawakan. ________3. Ang simoy ng hangin ay malamig. ________4. Ang kendi ay matamis. ________5. Ang ulan ay pumapatak. PIVOT 4A CALABARZON WEEKS 3-8 D 14 Lapis Mantika Tubig sa Baso Mga Lobo A (Mga Kamatis) B (Mga Talong)
  • 15. Gawaing Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang mga katangian ng matter. Isulat sa iyong kwaderno kung anong uri ng matter ang tinutukoy nito. 1. Ito ay may amoy at lasa ngunit walang tiyak na hugis. 2. Ito ay may tiyak na hugis, kulay, tekstura at sukat. 3. Ito ay hindi nakikita ngunit nararamdaman. 4. Ang molecules nito ay dikit-dikit at siksik. Gawaing Pagkatuto Bilang 5: A. Sa gawaing ito, maaari kang makaalala o makapagmasid gamit ang iyong mga pandama. Magtala ng tatlong bagay na matatagpuan sa labas ng silid-aralan, sa loob ng tahanan at kantina. Labas ng Silid –Aralan Loob ng Tahanan Kantina B.Tukuyin ang mga katangian ng mga sumusunod na mga bagay sa paligid. Bagay Kulay Hugis Tekstura Amoy lapis alcohol bulak buhangin shampoo PIVOT 4A CALABARZON 15
  • 16. Gawaing Pagkatuto Bilang 6: Tukuyin ang bawat larawan kung ito ay solid, liquid o gas. Tukuyin ang mga katangian nito. Gumawa ng dalawang kahon at pagsamahin ang magkakaparehong bagay. Iguhit ito sa iyong kuwaderno. Gawaing Pagkatuto Bilang 7: Ilarawan ang bawat bagay ayon sa weight nito. 1. _______ kg. 4. _________kg. 2. _________kg. 5. _______ kg. 3. ________kg. 1 2 3 4 PIVOT 4A CALABARZON 16
  • 17. Gawaing Pagkatuto Bilang 8: Kopyahin ang kahon sa kuwaderno. Gumuhit ng dalawang bagay na solid, liquid o gas na matatagpuan sa inyong tahanan, sa inyong bakuran o kapitbahay. Solid Liquid Gas PIVOT 4A CALABARZON E 17 Gawaing Pagkatuto Bilang 10: Basahin ang paraan ng pagluluto ng kanin. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga uri ng matter na matatagpuan sa talata. Tukuyin kung ito ay solid, liquid o gas. Paraan ng Pagluluto ng Kanin 1. Ilagay ang bigas sa kaldero. 2. Hugasan ito ng tubig ng tatlong beses. 3. Matapos hugasan, lagyan muli ito ng tubig upang maging sabaw ng bigas sa pagluluto. 4. Sukatin ang dami ng bigas para malaman kung gaano karami ang tubig na ilalagay. Kung ano ang sukat ng bigas ay siya ring sukat o dami ng tubig. 5. Ilagay sa kalan at hintayin itong maluto. Gawaing Pagkatuto Bilang 9: Gamit ang mga naiguhit na larawan, tukuyin ang mga hugis nito.
  • 18. Ang mga bagay ay maaaring matagpuan sa ating paligid. Ang mga bagay ay may iba’t ibang kulay, hugis, sukat, bigat at tekstura. Ang mga bagay ay may iba’t ibang paraan ng pagdaloy ng molecules o ease of flow. Gawaing Pagkatuto Bilang 12: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang iba pang paraan bukod sa pagtingin upang malaman ang hugis ng isang bagay kahit hindi ito nakikita? A. tikman B. hawakan C. amuyin D. pakinggan 2. Alin ang hindi kabilang sa grupo? A. bula B. asul C. bughaw D. bilog 3. Ano ang tawag sa kalayaang paggalaw o pagdaloy ng mga molecules sa loob ng lalagyan? A. ease of flow C. paggalaw B. pagbuo D. pagkilos 4. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng bagay ang pareho ang tekstura? A. baso, mesa, upuan C. luya, kamatis, papel B. bakal, pako, panghilod D. liha, espongha,panghilod 5. Anong parehong katangian meron ang toyo, suka at patis? A. hugis B. ease of flow C. kulay D. tekstura PIVOT 4A CALABARZON A WEEK 4 WEEK 4 18 Gawaing Pagkatuto Bilang 11: Isulat sa sagutang papel ang MN kung ang molecules ng larawan ay malayang nakagagalaw, BN kung bahagyang nakagagalaw at DN kung hindi nakagagalaw. dalandan 1. bato 2. tubig sa gripo 3. lobo 4.
  • 19. 6. Anong uri ng matter ang sumusunod ang hugis sa lalagyan at may iba’t ibang paraan ng pagdaloy? A.gas B. solid C. liquid D. plasma 7. Ano ang pagkakaayos ng molecules ng gas? A. nagtitinginan B. dikit-dikit at siksik C. malaya at tumatalbog D. nag-uumpugan at dumudulas 8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tamang paglalarawan sa solid? A. ang mga solid ay iisa ang kulay. B. ang mga solid ay may tiyak na kulay. C. ang mga solid ay hindi nagkakakulay D. ang mga solid ay may ibat ibang kulay. 9. Aling ang tamang pagkakapangkat ng mga solid? A. usok, hangin, sabaw C. pinggan, sabaw, kutsara B. sabaw, tinidor, hangin D. pinggan, kutsara, tinidor 10. Anong uri ng matter ang oxygen, hangin at usok? A.gas B. liquid C. solid D. plasma PIVOT 4A CALABARZON 19 Gawain Pagkatuto Bilang 13: Ilarawan kung paano isasalin ang liquid (mantika) sa mga lalagyan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
  • 20. Sa araling ito ay matutuhan mo ang mga pagpapabagong nangyayari sa solid, liquid at gas. Tingnan ang mga larawan. Banggitin ang mga ito. Ang mga solid, liquid, at gas na iyong makikita sa paligid ay mga uri ng matter na maaaring mabago ang pisikal na kaanyuan dahil sa epekto ng init at lamig ng temperatura. Ang mga malalamig na bagay katulad ng paborito mong sorbetes ay may mababang temperatura habang ang mga maiinit na bagay naman na kagaya ng mainit na kape na iniinom mo sa malamig na umaga ay may mataas na temperatura. Ang thermometer ay kagamitang panukat sa temperatura (init o lamig) ng bagay. Ito ay isinusulat sa digri Celcius o centigrade (°C) at Fahrenheit (°F). Sa araling ito, inaasahan na mailalarawan mo ang epekto ng temperatura sa solid, liquid at gas para makita ang mga pagbabago ng solid patungo sa liquid , liquid patungo sa solid at liquid patungo sa gas. PIVOT 4A CALABARZON I WEEKS 5-8 20 Mga Pagbabago sa Solid, Liquid at Gas bunga ng Temperatura Aralin
  • 21. Basahin at pag-aralan ang maikling kuwento. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Isang araw ng Sabado noon. Mainit ang panahon. Nasa labas ng bahay ang magkapatid na Kim at Sophia. Masaya silang naglalaro at minsan ay naghahabulan pa. Hanggang sa sila ay mapagod, naisipan nilang maupo sa tabi na puno na nasa labas ng bahay. Sa kanilang pagkakaupo doon ay napatingin sila sa gate ng kanilang kapitbahay at doon ay nakita nila ang nakasulat na “Ice Candy for Sale Here”. Nang sumunod na araw ay naisipan nilang gumawa ng sariling ice candy. Nagpaturo sila sa kanilang nanay kung paano gumawa nito. Naghanda sila ng apat na baso ng tubig, isang tasa ng asukal at gatas na evaporada at hiniwang maliliit na mangga bilang flavor. Pinagsama-sama nila ang mga ito at hinalo. Pagkatapos inilagay nila ito sa plastic ng ice candy. Sinabi na nanay nila na ilagay nila ito sa freezer para sa susunod na araw ay puwede na nilang kainin. PIVOT 4A CALABARZON Kumuha ng ilang barya si Kim sa kanyang bulsa at bumili ng dalawang pirasong ice candy. “Ang sarap naman nito”, ang sabi ni Sophia. Ang tigas, malamig at matamis din. Lasang mangga, at parang may gatas pa” dagdag naman ni Kim. 21
  • 22. Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot. 1. Nasa anong anyo ng matter ang biniling ice candy ng magkapatid na Kim at Sophia? 2. Ano ang mga liquid na ginamit nina Kim at Sophia sa paggawa ng ice candy? 3. Ano ang ginamit na solids sa paggawa ng ice candy? 4. Paano nagbago at naging solid ang ice candy? 5. Anong klaseng temperatura ang kailangan upang ang liquid ay magbago tungo sa pagiging solid? Mga Pagbabagong Nagaganap sa Solid, Liquid at Gas Ang pisikal na anyo ng solid, liquid at gas ay maaaring magbago kapag naiinitan o nalalamigan. Ito ay tinatawag na physical change. Ang physical change ay pagbabago ng isa o higit pang mga pisikal na katangian ng bagay. Ang mga proses na nagdudulot ng pisikal na pagbabago ay ang melting, freezing condensation, evaporation at sublimation. MELTING (Solid to Liquid) Tunaw na tsokolate Tunaw na sorbetes Kung ang temperature ay mainit, ang ilang solid ay natutunaw at nagiging liquid. Ang prosesong ito ay tinatawag na melting. Isang halimbawa nito ay ang sorbetes. Ang melting ay ang isang proseso ng pagbabago mula solid patungong liquid. Ang mataas na temperatura ang nakakaapekto ng pagbabagong pisikal ng solid. Maliban sa sorbetes mayroon pang karaniwang bagay na natutunaw dahil sa init tulad ng tsokolate, mantekilya, kandila at yelo. PIVOT 4A CALABARZON 22
  • 23. FREEZING (Liquid to Solid)) Kung ang temperature ay malamig, ang ilang liquid ay nabubuo at nagiging solid. Ang prosesong ito ay tinatawag na freezing. Ang mababang temperature ang nakakaapekto sa pagbabagong pisikal ng liquid. Ang yelo at sorbetes na nasa larawan ay mga halimbawa ng mga bagay na pisikal na nagbabago dulot ng malamig na emperature. Ang tubig (liquid) kapag nasa mababang temperature ay nagiging solid. Ang mga natuyong damit mula sa pagkakasampay ay isang halimbawa ng evaporation. Dahil sa init na dulot ng sikat ng araw, ang tubig o liquid na nasa damit ay nagbabagong anyo at nagiging gas o singaw, dahilan upang matuyo ang damit na isinampay. Tubig Mga basang damit PIVOT 4A CALABARZON 23 EVAPORATION (Liquid to Solid)
  • 24. CONDENSATION (Gas to Liquid) Baso na may malamig na tubig Makikita sa isang basong may malamig na tubig ang butil-butil na tubig. Ito ay nagmula sa loob ng lalagyan na nag-anyong water vapor o singaw. Ang singaw o water vapor ay nasa anyong gas at nagiging liquid kapag ito ay lumamig. Ito ay nabubuo dahil sa mainit na temperature at mabilis din bumabalik sa pagiging liquid kung malamig ang temperatura. Ang prosesong ito ay tinatawag na condensation. Ang condensation ay isang proseso ng pisikal na pagbabago na kung saan ang gas ay nagiging liquid. Ang malamig na temperature ang lubos na nakaapekto sa pagbabagong pisikal ng gas. Ang sublimation ay proseso ng pagbabago ng pisikal na anyo ng solid patungong gas na hindi dumadaan o sumasailalim sa pagiging liquid. SUBLIMATION PIVOT 4A CALABARZON 24
  • 25. Ang mothballs ay isang halimbawa na nagpapakita ng prosesong sublimation. Ito ay inilalagay sa loob ng damitan upang makaiwas sa mga insekto na maaaring kumapit o makasira sa mga damit. Hindi lahat ng solid ay nagsusublimate. Ang mothballs ay gawa sa naphthalene at mabilis na nagbabago mula sa pagiging solid patungo sa pagiging gas. Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Ang mga kagamitang makikita natin sa tahanan at paaralan ay mga bagay na nabibilang sa solid, liquid at gas. Ang mga bagay sa ating tahanan at paaralan ay may kaanyuang solid, liquid at gas. Maaaring uriin ang mga ito ayon sa kanilang mga katangian sa pamamagitan ng ating pandama o senses. Ang mga solid ay may tiyak na kulay, hugis, tekstura, sukat, timbang at volume. Ang mesa, silya, tabo, pinggan, kutsilyo, kutsara at tinidor ay mga halimbawa ng solid na matatagpuan sa tahanan. Ang aklat, pisara, lapis, bolpen at armchair ay mga halimabawa ng solid na matatagpuan sa paaralan. Ang liquid ay maaring mabagal, mabilis, o napakabilis ng daloy. Ang liquid ay walang tiyak na hugis. Sinusundan nito ang hugis ng lalagyan. Ito ay may volume, iba’t ibang lasa at amoy. Ang tubig, alcohol, juice, toyo, mantika at ketsup ay mga halimbawa ng liquid na maaaring matagpuan sa tahanan at paaralan. Tingnan ang tsart ng mga hugis, tekstura at kulay para gamitin mo sa paglalarawan ng mga solid, liquid at gas kapag ang mga ito ay nagbabago. Mga Kulay Mga Hugis Mga Tekstura Puti Pula Dilaw Lila Kahel Itim Kayumanggi Berde Asul Rosas Bilog Obalo Tatsulok Parihaba Parisukat Pentagono Eksagono Oktagono Malambot Matigas Madulas Magaspang PIVOT 4A CALABARZON 25
  • 26. Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Maaari ka bang magbigay ng iba pang mga halimbawa ng solid, liquid at gas na matatagpuan sa iyong tahanan o paaralan? Kopyahin ang talahanayan at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Mga bagay sa bahay na Solid, Liquid at Gas Mga Katangian 1. 2. 3. 4. 5. Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang Tama tungkol sa solid? A. Ang solid ay hindi nakikita. B. Ang solid ay walang bigat. C. Ang solid ay walang tiyak na hugis. D. Ang solid ay may sariling hugis, kulay at tekstura. 2. Alin sa mga sumusunod na solid ang matigas? A. lapis B. papel C. upuan D. bato 3. Ang mga sumusunod ay katangian ng solid maliban sa isa, alin ito? A. dumadaloy C. may sariling hugis B. nahahawakan D. may tekstura 4. Ang buhangin, papel de liha, langka ay mga bagay na inuri sa pamamagitan ng_____. A. hugis B. tekstura C. kulay D. sukat 5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng solid maliban sa isa, alin ito? A. pisara B. krayola C. holen D. gatas na evaporada 6. Kapag ang tubig sa baso ay inilagay mo sa freezer, ano ang mangyayari dito? A. titigas B. matutunaw C. liliit D. mawawala PIVOT 4A CALABARZON WEEK 6 26 D
  • 27. 7.Ano ang nangyari sa kandilang natutunaw kapag ito ay lumamig? A. lumambot B. naglaho C. tumigas D. nag-iba ang kulay 8. Ang mga sumusunod ay maaaring magpalit ng anyo kapag pinalamig maliban sa isa, alin ito? A. tubig B. ice candy C. tinunaw na floor wax D. bakal 9.Alin sa mga sumusunod na proseso ang tawag sa pagbabagong anyong liquid tungo sa solid? A. evaporation B. freezing C. melting D. sublimation 10.Ano ang mangyayari sa tinunaw na mantekilya kapag inilagay ito sa freezer? A. magbabagong anyo ito tungo sa solid B. magbabagong anyo ito tungo sa gas Ang sinaunang paraan ng pagluluto sa ating tahanan ay ginagamitan ng kahoy (solid). Ito ay sinisindihan upang mag-apoy o magningas. Ang apoy ay isang halimbawa ng gas. Sa ngayon, marami nang gumagamit ng LPG o liquified petroleum gas sa pagluluto. Ang nasa loob ng tangke ng LPG ay liquid, kapag ito ay binuksan na at nabawasan ang presyon sa loob ng tangke ang liquid ay nagiging gas at ito na ang lumalabas sa kalan na nagiging apoy. PIVOT 4A CALABARZON 27
  • 28. Ang mga solid, liquid at gas ay nakatutulong sa ating mga gawaing pangtahanan at pampaaralan. Ngunit, mayroong mga bagay na kinakailangan ng tama at ibayong pag-iingat sa paggamit ng mga bagay na ito. Gawaing Pagkatuto Bilang 4: Tingnan ang mga larawan. Alin sa mga larawan ang solid, liquid, at gas? Gawaing Pagkatuto Bilang 5: Sagutan ang talahanayan gamit ang larawan sa itaas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mga bagay Solid/Liquid/Gas May Pagbabagong Pisikal PIVOT 4A CALABARZON mothballs sorbetes tubig langis tsokolate hangin 28
  • 29. Gawaing Pagkatuto Bilang 6: Ang mga bagay ay nagbabago ang pisikal na anyo dahil sa init at lamig ng temperature, gamit ang limang uri ng pisikal na pagbabago ng solid, liquid at gas, magtala ng mga gawaing bahay na nakikitaan ng ganitong mga pagbabago. Melting Solid Liquid Freezing Liquid Solid Evaporation Liquid Gas Condensation Gas Liquid Sublimation Solid Gas Pahalang 3. Pagbabagong pisikal mula liquid patungong solid 4. Pagbabagong pisikal mula solid patungong gas 5.Pagbabagong pisikal mula liquid patungong gas Pababa 1. Pagbabagong pisikal mula solid patungong liquid 2. Pagbabagong pisikal mula gas patungong liquid Gawaing Pagkatuto Bilang 8: Ilarawan ang pagbabago sa mga bagay batay sa epekto ng temperatura. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. 1. tsokolate 2. mothballs PIVOT 4A CALABARZON WEEK 7 Gawaing Pagkatuto Bilang 7: Kopyahin at buoin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nakasulat sa ilalim. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 29
  • 30. mantikilya tubig tubig 3. 4. 5. Gawaing Pagkatuto Bilang 9 : Buoin ang pangungusap. Tukuyin ang maaring pagbabago sa bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel. 1. Pagtitinda ng ice candy ang pinagkakakitaan ni Lina ngayong bakasyon. Nagiipon siya upang may baon sa darating na pasukan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan ng kuryente. Kinabukasan ay binuksan niya ang freezer at nakita niyang ____________. 2. _______________ ang tsokolateng kinakain ni Lito dahil sa init ng panahon. Inilagay niya ito sa freezer upang tumigas. 3. Pagkatapos maligo, nakasanayan na ni Nena ang _____________ ng buhok gamit ang blower. 4. Si Aling Nena ay bumili ng “solid air fresheners” para sa kanilang bahay. Ang kanyang anak na si Lily ay nagtataka kung bakit ____________ ang solid air fresheners sa paglipas ng araw. 5. Madalas mapansin ni Lena ang mga __________ damo sa kanilang hardin tuwing umaga. Kapag tiningnan niya ang lupa, hindi naman umulan kinagabihan. PIVOT 4A CALABARZON E 30
  • 31. Gawaing Pagkatuto Bilang 10 : Isulat kung mainit na temperatura o malamig na temperatura ang nakaapekto sa mga bagay na nasa larawan. Tunaw na krayola bintana na may hamog Pagpaplantsa solid air fresher 1. 2. 3. 4. Gawaing Pagkatuto Bilang 11: Magbahagi ng maikling kuwento tungkol sa isang simpleng aktibidad na nagawa mo na naging daan upang matutuhan mo ang pagbabagong nagaganap sa ilang liquid tungo sa pagiging solid? Isulat mo ang iyong kuwento. Gayahin ang sumusunod na bahagi. Pamagat: Pangyayari at detalye: Nasasaksihan sa pangyayari: PIVOT 4A CALABARZON 31
  • 32. Gawaing Pagkatuto Bilang 12 : Maglista ng limang (5) halimbawa ng liquids na nagiging solid at ipaliwanag kung paano ito nagbabago. 1. 2. 3. 4. 5. Gawaing Pagkatuto Bilang 13: Ang sumusunod na pangungusap ay may mga mahahalagang konsepto na dapat mong tandaan. Kopyahin ang mga pangungusap sa sagutang papel at alisin ang salitang nagpapamali ng ideya ng pangungusap. 1. May ilang bagay na nakikita sa tahanan o paaralan na maaaring solid, liquid o gas. 2. Ang mga kagamitang makikita sa palengke ay may masamang naidudulot sa ating pang araw-araw na gawain. 3. May mga bagay na mayroong masamang dulot sa mga tao, hayop at halaman kung ito ay wasto ang pagkakagamit. 4. Huwag tayong maingat sa paggamit ng mga bagay na matutulis, matatalim, maiinit, mabibigat at ginagamitan ng kuryente. 5. Mahalagang malaman at isaisip ang wastong paggamit ng solid, liquid at gas upang maiwasan ang aksidente at mabuting dulot ng mga ito. PIVOT 4A CALABARZON A 32
  • 33. Gawaing Pagkatuto Bilang 14: Pag-aralang mabuti ang mga larawan. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga bagay na nagbabago ang pisikal na anyo kapag mainit ang temperatura. Gawaing Pagkatuto Bilang 15: Pag-aralang mabuti ang mga larawan. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga bagay na nagbabago ang pisikal na anyo kapag malamig ang temperatura. ubas Tubig tunaw na tsokolate Sorbetes dalandan lapis orange juice gatas sorbetes kandila Mga basang damit tsokolate PIVOT 4A CALABARZON 33
  • 34. Gawaing Pagkatuto Bilang 16: Isulat ang mga hakbang o paraan kung ano ang nais o kaya mong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon. 1. Nakita mo sa inyong kusina ang mga tirang pagkain na nasira, mga ginamit sa pagluluto, at mga lata at bote na sama sama sa isang plastik. Ano ang gagawin mo? 2. Araw-araw na nakikita mo ang mga tuyong dahon na nakatambak sa damuhan. Sama sama din ang mga plastik sa nawalis sa inyong bakuran. Ano ang gagawin mo? 3. Nakita mo ang mga kapwa mo bata na nagtatapon ng basura sa ilog malapit sa inyong bahay. Ano ang sasabihin mo? PIVOT 4A CALABARZON 34
  • 35. Susi sa pagwawasto 1 1. Lapis-solid 2. Langis-liquid 3. Tubig-liquid 4. Lobo-gas I Susi sa pagwawasto 2 1. berde-lila 2. 3 kilo– 1 kilo 3. bilog– pahaba 4. makinis-makinis 5. oo—oo D Susi sa pagwawasto 3 1. Liquid 2. Solid 3. Gas 4. Solid Susi sa pagwawasto 4 Silid– Aralin Loob ng tahanan Kantina pisara kama upuan mesa bintana baso upuan plurera mesa Susi sa Pagwawasto Susi sa pagwawasto 6 1. tv 2. hangin sa electric fun 3.ulan 4. tinidor at kutsara Susi sa pagwawasto 5 dilaw– pahaba–makinis-wala wala-wala-wala-wala puti-wala-pino-wala maitim-pabilog-magaspang-wala puti-wala-madulas-mabango Susi sa pagwawasto 7 1. 100 kg 2. 120 kg 3. 250 kg 4. 1 kg 5. 200 kg Weeks 1–2 Susi sa pagwawasto 2 Mga bagay Hugis Kulay Tekstura 1. aklat 2. Lapis 3. Kahon 4. Kape sa tasa 5. Lobo na may hangin 6. Liquid soup Parihaba Parihaba Parisukat Bilog Bilog Walang hugis Itim Dilaw Kayumangi Itim Pula Dilaw Makinis Makinis Magaspang Walang tekstura Makinis Madulas 1. parisukat 2. parihaba 3. parisukat 4. silindro 5. lobo 6. pabilog Susi sa pagwawasto 3 Week s 3-4 D Susi sa pagwawasto 1 1. Aklat—solid 2. Lapis—solid 3. Kape sa tasa– liquid 4. Lobo na may hangin —gas 5. Liquid soup– liquid E Susi sa pagwawasto 8 Solid– baso, papel Liquid– tubig, manitika Gas– gasolina, alcohol Susi sa pagwawasto 9 1. bigas-S kaldero-S 2. tubig-L 3. tubig-L 4. tubig– L bigas-S 5. kalan-S Susi sa pagwawasto 10 1. DN 2. DN 3. MN 4. BM A Susi sa pagwawasto 11 1. B 6. C 2. D 7. D 3. A 8. D 4. D 9. D 5. B 10. A Week 5-8 Susi sa pagwawasto 1 1. solid 2. gatas/tubig 3. asukal 4. ilagay sa freezer 5. 32 degrees Susi sa pagwawasto 2 1. mesa-mahaba, matigas 2. upuan-matigas 3. kanin- malambot,maputi 4. baso-walang kulay, walang kulay 5. gas-walang kulay, I Susi sa pagwawasto 3 1 . D 6. A 2. D 7.C 3. A 8.C 4. B 9. B Susi sa pagwawasto 4 S– sorbets, mothballs, tsokolate L– tubig, langis Susi sa pagwawasto 5 1. sorbets– S– tekstura 2. mothballs– S– hugis 3. tubig—L– hugis 4. langis-L-hugis 5. tsokolate-S– hugis Susi sa pagwawasto 6 Melting– keso na inilagay sa tinapay na mainit Freezing-tubig na nilagay sa freezer Evaporation– na- tapon na alcohol 35
  • 37. PIVOT 4A CALABARZON 37 Online Resources De Jesus, Esperanza. Science Module 3. https://lrmds.deped.gov.ph. Balatayo, Mevyn J. Instructional Materials in Science 3. https://lrmds.deped.goh.ph Science and Health Matter.DepEd Beam Distance Learning Program. https://lrmds.deped.gov.ph. Let’s Explore Science for Daily Use 3: Unit 1 Learner’s Material – Matter Published on 2014 March 19th. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5460 Science Module 3. Published on 2019 December 16th. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/16524 Sanggunian
  • 38. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph