MAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdf
Mga Iba't - Ibang
Mga Iba't - Ibang
Sistema ng Ekonomiya
Sistema ng Ekonomiya
ARALING
PANLIPUNAN 9
PRESENTED BY: MARY LINET P. MAGALLANES
PANALANGIN
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
ninyong panibagong pagkakataon upang kami
ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas
na isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang mga
aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.
Alituntunin at Regulasyon sa Online Class:
Maghanap ng komportableng lugar
Panatilihing bukas ang camera
Panatilihing naka "off" ang inyong mikropono.
Magbigay galang sa nagsasalita.
Itaas ang virtual hand kung nais magsalita o mag
tanong sa guro.
Gamitin ang chatbox kung may nais sabihin.
Naitatalakay ang mga iba’t – ibang sistema ng ekonomiya.
LAYUNIN
Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t-ibang sistemang
pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan
Naitatanghal ang kahalagahan ng mga iba’t-ibang sistema ng
ekonomiya sa ating pang araw-araw na pamumuhay
Nakagagawa ng masining na presentasyon sa pamamagitan ng
“Scrapbook"
Mga Iba't - Ibang
Mga Iba't - Ibang
Sistema ng Ekonomiya
Sistema ng Ekonomiya
Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang aspeto
ng bansa kung saan binibigyang-katugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang
pang-ekonomiya upang matugunan ang mga
suliraning nakapaloob sa produksiyon at
alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Ang
sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat
na pangunahing katanungan.
ANG SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA
Traditional Economy
Traditional Economy
Ang unang anyo ng sistemang pang-
ekonomiya ay ang Traditional Economy. Ang
kasagutan sa pangunahing katanungang
pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon,
kultura at paniniwala. Ang tanong na ano
ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap
sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao
ay umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at
tirahan.
Traditional Economy
Traditional Economy
Maging ang suliranin kung paano lilikha ng
produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil
ang paraan ng produksiyon ay batay sa
sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda
sapagkat sa Traditional Economy, bagama’t
walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may
maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa
paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang
malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat
gumamit.
Mga bansang sakop ng Traditional Economy.
Pinamamahalaan ng customs ang mga desisyong pang-
ekonomiya na ginawa
Ang pagsasaka, pangangaso at pagtitipon ay ginagawa
sa parehong paraan tulad ng henerasyon noon
Ang mga gawaing pang-ekonomiya ay nakasentro sa
pamilya o ethnic unit
Ang mga lalaki at babae ay binibigyan ng iba't ibang
tungkulin at gawain sa ekonomiya.
Haiti, Brazil, Alaska, Yemen, Canada, Greenland
Vanuatu , Belarus at Africa
TRADITIONAL ECONOMY
TRADITIONAL ECONOMY
Market Economy
Market Economy
Isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga
indibidwal, sa halip na ang estado, ang nagmamay-ari
ng karamihan sa mga mapagkukunan. Kabilang dito
ang lupa, paggawa, at kapital. Sa isang ekonomiya ng
merkado, kinokontrol ng mga indibidwal ang paggamit
at presyo ng mga mapagkukunang ito sa pamamagitan
ng mga boluntaryong desisyon na ginawa sa
pamilihan.
Market Economy
Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing
katanungang pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat kalahok-
konsyumer at prodyuser, kumikilos alinsunod sa kanilang
pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang
mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang
nais na papasukang trabaho. Ang market economy ay
nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital,
pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo,
pangangasiwa ng mga gawain
MARKET ECONOMY
MARKET ECONOMY
Ang supply at demand ng mga produkto at serbisyo ay tumutukoy
kung ano ang ginawa at ang presyo na sisingilin.
Advantage—kumpetisyon upang magkaroon ng pinakamahusay na
mga produkto at serbisyo
Disadvantage—malaking alitan sa pagitan ng mayaman at mahirap
Tinatawag ding Free Market Economy o Free Enterprise Economy
Ang mga negosyo at mamimili ay nagpapasya kung ano ang kanilang
gagawin at bibilhin at kung anong dami
Ang mga desisyon ay ginawa ayon sa batas ng supply at demand.
Mga bansang sakop ng Market Economy : Japan, United States,
Australia, New Zealand, Switzlerland
Command Economy
Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay
nasa ilalim ng komprehensibong kontrol
at regulasyon ng pamahalaan. Ang
pagkontrol ay alinsunod sa isang planong
nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya (central planning
agencies).
Ang patakaran sa command economy ay
ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa
kasalukuyan, nanatiling may ganitong
sistemang pang-ekonomiya sa Cuba at
North Korea
Lumilikha ang pamahalaan ng isang sentral na plano sa ekonomiya.
Inilalaan ng pamahalaan ang lahat ng mapagkukunan ayon sa sentral na plano.
Ang sentral na plano ay nagtatakda ng mga priyoridad para sa produksyon ng
lahat ng mga produkto at serbisyo. ...
Ang gobyerno ay nagmamay-ari ng monopolyong negosyo
Ang mga nakaplanong ekonomiya ay maaaring mabilis na mapakilos ang mga
mapagkukunang pang-ekonomiya sa isang malaking sukat
. Maaari silang magsagawa ng malalaking proyekto, lumikha ng
kapangyarihang pang-industriya, at makamit ang mga layuning panlipunan.
Hindi sila pinabagal ng mga demanda mula sa mga indibidwal o mga pahayag
sa epekto sa kapaligiran
Apat na Katangian ng isang Command Economy
Mga bansang sakop ng Command Economy : Cuba, Iran, Libya, North Korea,
Russia.
Advantage :
COMMAND ECONOMY
COMMAND ECONOMY
Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na pinagsasama
ang mga katangian ng market, command at
tradisyunal na ekonomiya.
Ang pinaghalong sistemang pang-ekonomiya ay isang
sistema na pinagsasama ang mga aspeto ng parehong
kapitalismo at sosyalismo. Pinoprotektahan ng
pinaghalong sistemang pang-ekonomiya ang
pribadong pag-aari at pinapayagan ang isang antas ng
kalayaang pang-ekonomiya sa paggamit ng kapital,
ngunit pinapayagan din ang mga pamahalaan na
makialam sa mga aktibidad na pang-ekonomiya
upang makamit ang mga layuning panlipunan.
MIXED ECONOMY
MIXED ECONOMY
Inaasikaso ng gobyerno ang
pangangailangan ng mga tao
Ang marketplace ay nangangalaga sa mga
kagustuhan ng mga tao.
Karamihan sa mga bansa ay may
magkahalong ekonomiya: United States,
England, Australia, England, France, India,
China Germany, Russia
Advantage —balanse ng mga
pangangailangan at kagustuhang
natutugunan ng pamahalaan at sa pamilihan
Disadvantage—kailangang magbayad ng
buwis ang mga mamamayan
GAWAING
AKTIBIDAD
(UNANG PANGKAT) - Punan ang talaan sa kaliwa kung saang
sistemang pang-ekonomiya ito nabibilang sa mga halimbawang
ibinigay sa ikalawang hanay.
(IKALAWANG PANGKAT) - Magsaliksik ukol sa mga bansang
sumasailalim sa mga sistemang pangekonomiya na nasa
kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlong bansa at isulat
sa kabilang patlang.
PANUTO :
YOU NEED TO FIND ME ! : CROSS
WORD PUZZLE ACTIVITY
Hanapin sa crossword puzzle ang mga salitang makikita sa
kahon. Pagkatapos hanapin at maglista. Pumili ng isang salitang
gagawan niyo ng repleksyon o hinuha sa isang pangungusap (1
sentence). Hal : Ekonomiya – Ang ekonomiya ng Pilipinas ay
apektado ngayon dahil sa pagtaas ng presyo ng sibuyas.
Link :
https://puzzel.org/wordseeker/play?p=-NPq5thN85TtPFAuKFpL
Gumawa ng scrapbook na kung saan maaari mong
ipaliwanag ang iba't ibang uri ng Ekonomiya, dapat
kang pumili ng mga bansang hindi binanggit sa
inyong aralin, at dapat ninyo matukoy ang
pagkakaiba ng GDP at GNP.
SCRAPBOOK MAKING