AP7_Q4_A1_Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (2).pdf
1. Aralin 1
Unang Yugto ng
Imperyalismo At
Kolonyalismo sa
Silangan at Timog
Silangang Asya
A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 I K A A P A T N A M A R K A H A N
2. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Mga Aralin
Mga bansa sa Silangan at Timog
Silangang Asya na sinakop noong
unang yugto ng imperyalismong
kanluranin.
Mga dahilan na nagbunsod sa mga
kanluranin na manakop sa mga
bansa sa Asya.
Mga patakaran na ipinatupad ng mga
kanluranin sa kanilang nasakop na
bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya.
3. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7 I K A A P A T N A M A R K A H A N
Panimula
Upang mas mapalawak pa ang iyong
kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga
dahilan at iba’t-ibang paraan ng
pananakop ng mga kanluranin sa
Silangan at Timog-Silangang Asya,
basahin at unawain mo ang sumusunod
na teksto.
5. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Sa loob ng mahabang panahon ay
mayroon nang ugnayan ang Silangang
Asya sa mga bansang kanluranin dahil sa
mga sinaunang rutang pangkalakalan.
Bunga nito, nabatid ng mga kanluranin
ang karangyaan ng mga bansa sa
Silangang Asya. Bagamat maraming
naghangad na ito ay masakop, hindi
gaanong naapektuhan ang Silangang Asya
ng unang yugto ng imperyalismong
kanluranin dahil na rin sa matatag na
pamahalaan ng mga bansa rito.
6. CHINA
Sa ikalawang yugto ng
imperyalismong
kanluranin, maraming
bansa ang nag-unahang
masakop ang bansang
China.
7. PORTUGAL
Isa ang bansang Portugal sa mga
kanluraning bansang naghangad
na magkaroon ng kolonya sa
Silangang Asya partikular sa China.
Nakuha ng Portugal ang mga
daungan ng Macao sa China at
Formosa (Taiwan). Hindi nagtagal
ay nilisan din ng Portugal ang mga
nabanggit na himpilan.
9. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong
naapektuhan, iba naman ang naging
kapalaran ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya noong unang yugto ng
imperyalismong kanluranin. Karamihan ng
daungan sa rehiyong ito ay napasakamay
ng mga kanluranin.
10. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Ang mataas na paghahangad na
makontrol ang kalakalan ng mga
pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang
nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog-
Silangang Asya. Nauna ang bansang
Portugal at Spain sa pananakop ng mga
lupain. Nang lumaya ang Netherlands mula
sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng
mga kolonya sa Timog-Silangang Asya.
Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga
bansang England at France
11. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
MGA BANSA SA
TIMOG-SILANGANG ASYA
NA SINAKOP NOONG
UNANG YUGTO NG
IMPERYALISMONG
KANLURANIN
14. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
PILIPINAS
Mananakop: ESPANYA
Mga Lugar na Sinakop:
HALOS KABUUAN NG LUZON AT
VISAYAS AT ILANG BAHAGI NG
MINDANAO
Dahilan:
MAYAMAN ANG PILIPINAS SA
GINTO. MAY MAHUSAY
ITONG DAUNGAN KATULAD
NG MAYNILA.
15. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
FERDINAND MAGELLAN
Nasyonalidad: PORTUGES
Narating niya ang Silangan
gamit ang rutang
pakanluran. Napatunayan
sa kanyang paglalakbay na
bilog ang mundo
16. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
FERDINAND MAGELLAN
Naglayag para sa Hari ng
Espanya noong Marso 16,
1521. Nabigo siyang
masakop ang Pilipinas dahil
napatay siya ng mga
tauhan ni Lapu-Lapu sa
labanan sa Mactan.
17. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Nagtagumpay na masakop ang
bansa sa pamamagitan ng
pakikipagsanduguan sa mga
lokal na pinuno at paggamit ng
dahas.
MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI
Itinayo ang unang
pamayanang Espanyol sa Cebu
noong Abril 27, 1565.
18. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Sinakop din ang iba pang lupain
tulad ng Maynila na itinuturing na
isa sa pinakamagandang daungan at
sentro ng kalakalan sa Asya.
MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI
Natuklasan din ng mga Espanyol
ang karangyaan ng Pilipinas sa
ginto lalo na sa mga lugar ng Ilocos,
Camarines, Cebu, at Butuan sa
Mindanao.
19. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
KRISTIYANISMO
Ito ang relihiyong ipinalaganap ng
mga Espanyol. Isa ito sa mga
paraang kanilang ginamit sa
pananakop sa Pilipinas.
Nakatulong ang mga misyonero na
mapalaganap ang Kristiyanismo
pagkatapos maisakatuparan ang
patakarang reduccion.
20. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Ito ay naglalayong
mailipat ang mga
katutubong naninirahan
sa malalayong lugar
upang matiyak ang
kanilang kapangyarihan
sa kolonya.
REDUCCION
21. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Pormal na paraan ng
pakikipagkaibigan sa mga
lokal na pinuno.
SANDUGUAN
Pag-inom ng lokal na
pinuno at pinunong
Espanyol ng alak na
hinaluan ng kani-kanilang
dugo.
22. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Hindi tulad ng
Luzon at Visayas,
ilang bahagi
lamang ng
Mindanao ang
nasakop ng mga
Espanyol dahil sa
matagumpay na
pakikipaglaban ng
mga Muslim.
MINDANAO
25. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Napasailalim sa pamumuno ng
mga Espanyol ang halos
kabuuan ng bansa. Itinalaga ng
Hari ng Espanyol bilang
kanyang kinatawan sa Pilipinas
ang Gobernador Heneral.
SENTRALISADONG
PAMAMAHALA
HARI
GOBERNADOR-HENERAL
26. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Siya ang pinakamataas na
pinunong Espanyol sa Pilipinas.
GOBERNADOR
HENERAL
Nawala sa kamay ng mga katutubo
ang karapatang pamunuan ang
kanilang sariling lupain. Pinayagan
silang maglingkod sa pamahalaan
subalit sa pinakamababang
posisyon.
27. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Naging makapangyarihan din
ang mga Espanyol na pari at
kura-paroko noong panahon
ng pananakop ng mga
Espanyol.
SIMBAHANG
KATOLIKO
28. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
PANGKABUHAYAN
29. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Dahil sa pag-aabuso sa
pangongolekta, maraming
katutubo ang naghirap at
nawalan ng kabuhayan.
Sapilitang pagbabayad ng buwis.
TRIBUTO
Ilan sa maaaring ipambayad ay
ginto, mga produkto, at mga ari-
arian.
30. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Pinapagawa sila ng tulay,
kalsada, simbahan, gusaling
pampamahalaan at iba pa.
Marami sa kanila ang
nahiwalay at namatay sa hirap.
Sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang
pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad 16
hanggang 60.
POLO Y SERVICIO
31. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Kinokontrol ng mga Espanyol ang
kalakalan. Hinawakan nila ang
pagbebenta ng mga produktong
nabili sa Europa tulad ng tabako.
Kumita din sila nang malaki sa
kalakalang Galyon.
Maraming pamilya ang
nagutom dahil hindi na sila
nakapagtanim ng kanilang
makakain.
MONOPOLYO
32. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
PANGKULTURA
33. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Niyakap ng mga katutubo ang
Kristiyanismo. Ipinapatay ang mga
pinuno ng mga katutubong
relihiyon.
Dahil dito, maraming katutubo
ang naging Kristiyano at mas
madaling napasunod ng mga
Espanyol.
PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO
34. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
Natuto ang mga katutubo ng wikang
Espanyol. Idinaos din ang mga
taunang pagdiriwang tulad ng piyesta
ng bayan, Santacruzan, Araw ng mga
patay, at Pasko.
Kadalasan, ang mga
pagdiriwang ay may
kaugnayan sa relihiyon.
WIKA AT MGA PAGDIRIWANG
36. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
INDONESIA
Mananakop:
PORTUGAL
NETHERLANDS
ENGLAND
37. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
INDONESIA
MGA LUGAR NA SINAKOP:
TERNATE SA MOLUCCAS
Nasakop ng Portugal
AMBOINA AT TIDORE
inagaw ng Netherlands mula sa Portugal
BATAVIA (JAKARTA)
Nasakop din ng Netherlands
38. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
INDONESIA
DAHILAN:
Mayaman sa mga
pampalasa, mga sentro
ng kalakalan at may
maayos na daungan.
39. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
PARAAN NG PANANAKOP
Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan sa Ternate sa
Moluccas at nagsimulang palaganapin ang relihiyong
Kristiyanismo.
Pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges noong 1655
at sinakop ang mga isla ng Amboina at Tidore sa
Moluccas gamit ang mas malakas na pwersang
pandigma
40. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
DIVIDE AND RULE POLICY
Isang paraan ng pananakop kung saan
ay pinag-aaway-away ng mananakop
ang mga lokal na pinuno o mga
naninirahan sa isang lugar
Ginamit upang mapasunod at masakop ang
mga nabanggit na isla. Dahil dito nagkaroon
ng monopolyo sa kalakalan ng mga
pampalasa ang mga Dutch.
41. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
DIVIDE AND RULE POLICY
Lalo pang napatatag ng
Netherlands ang monopolyo nang
itatag nito ang Dutch East India
Company. Pansamantalang
nakuha ng England ang Moluccas
dahil sa epekto ng Napoleonic
Wars subalit nabalik din ito sa
mga Dutch matapos ang digmaan.
43. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
MALAYSIA
Mananakop:
PORTUGAL
NETHERLANDS
ENGLAND
44. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
MALAYSIA
Layunin ng Pananakop:
Ang pagkontrol sa mga
sentro ng kalakalan.
45. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
MALAYSIA
Layunin ng Pananakop:
Palaganapin ang Kristiyanismo sa
mga daungan na kanilang nasakop
subalit hindi sila nagtagumpay
dahil sa malakas na impluwensya
ng Islam sa rehiyon.
46. A R A L I N G P A N L I P U N A N 7
MALAYSIA
Layunin ng Pananakop:
Hindi gaanong naimpluwensyahan
ng mga bansang Netherlands at
England ang kultura ng Malaysia.
Maraming katutubo ang naghirap
dahil sa pagkontrol ng mga
nabanggit na bansa sa mga sentro
ng kalakalan sa Malaysia.