2. Tauhan
Binibigyang-buhay ng manunulat sa
kaisipan ng mga mambabasa.
Dapat gumagalaw nang alinsunod sa
hinihingi ng tunay na buhay.
3. Tagpuan
Tumutulong sa pagbibigay ng linaw sa
paksa, sa banghay at sa tauhan.
Hal. :
barong-barong sa gilid ng estero
maharlikang palasyo ng hari
4. Banghay
Ito ang salaysay o mga pangyayaring
bumubuo sa akda o mga
pangyayaring tungkol sa salaysay.
Balangkas ng mga pangyayari na
inayos at pinag-ugnay ng isip.
5. paraan ng pagsulat ng nobela
Paano sinulat ang nobela .
Maligoy, mabulaklak o direkta ang
pagkakapahayag ng manunulat sa
kanyang pananalita .
Makabuluhan ba ang kanyang
ginagamit na salita.
6. Haba
Gaano kahaba ang nobela.
Ang haba ng nobela ay naaangkop rin
.
Katangian ng kaakit-akit na nobela
1. Mahusay na pagpili ng mga salita.
2. May bahaging masaya.
3. May sariling tatak ng kumatha.
8. Kasaysayang pampag-ibig
Ipinopokus dito ang karanasan sa
pag-ibig ng mga tampok na tauhan.
Ang pangunahing suliranin ay tungkol
sa pagtatagumpay ng pag-ibig ng
pangunahing tauhan.
Hal. :
Anak na Ligaw (1972) ni Dr. Fausto
Galaman
9. NOBELANG HISTORIKAL
Nakatuon sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring naganap sa nakaraan
ng isang bansa o lugar ang banghay
sa nobelang ito.
10. Nobela ng tauhan
Ang mga pangyayari ay umiikot sa
pangunahing tauhan at iba pang
tauhang nakaapekto sa kanyang
buhay.
Hal. :
Nena at Neneng ni Valeriano Pena
11. Nobela ng pagbabago
Binibigyang diin dito ang layunin ng
may-akda o ang kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan
at sa pamahalaan.
Hal. :
Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni
Dr. Jose P. Rizal
12. Nobelang pulitikal
Tumatalakay sa isyung pulitikal noong
panahon ng amerikano.
Hal. :
Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar
13. Nobelang moral
Nauuri sa dalawa :
a) isang kasaysayan ng babaeng may
madilim na nakaraan ngunit may
ginintuang puso.
b) Ang katapatan at pagtataksil ng isang
asawa.
Hal. :
Ang Tunay na Pag-ibig (1913)
Sampaguita Walang Bango (1918) ni Inigo
Ed Regalado
14. Nobelang pang-ekonomiya at
isyu sa paggawa
Tumatalakay sa isyung ekonomiya at
paggawa.
Hal. :
Banaag at Sikat (1905) ni Lope K.
Santos
Anak Dalita (1911) ni Patricio Mariano
15. Nobelang layunin
Binibigyang-diin ang mga pilosopiya,
simulain, mga balyu sa moralidad at
pananaw ng mga pangunahing
tauhan.
Ang suliranin ay nilulutas batay sa
pinahihintulutang kaugalian ng
lipunan.
16. Nobelang makasining
Nagbibigay ng malaking pansin sa
mahusay na pagtalakay at
paghahanay ng mga pangyayari at
paglalarawan ng mga tauhan.