3. Ano ang Maikling Kwento?
- isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng
isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang
- isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay
ng pangunahing tauhan
- Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na
"Ama ng Maikling Kuwento."
5. 1.Tagpuan
Tumutukoy ito sa pook at
panahong pinangyarihan ng mga tagpo
sa akda, naglalarawan ito ng
ginagalawan o kapaligiran ng mga
tauhan. Inilalarawan ito nang buong
linaw, pati na ang kaugalian ng mga
nasa kapaligiran ay masisinag sa
mabisang pamamaraan.
6. 2. Tauhan
Tumutukoy sa pangunahing tauhan
at iba pang nasasangkot sa mga
pangyayari sa kwento
7. 3. Banghay
Tumutukoy ito sa pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari. Dapat itong
maging maayos at magkakaugnay upang
maging matatag at kapani-paniwala.
Gaano man kapayak o karaniwan ang
mga pangyayari, ang pagiging kawili-
wili nito ay nakasalalay sa makatwirang
pagkakasunud-sunod na “magpapadulas
sa daloy ng salaysay.
8. 4. Pananalita
Buhay at diwa ng mga tauhan at ng
mga pangyayari sa kwento
9. 5. Tema
Paksa o kaisipang hangad maibahagi
ng manunulat sa mambabasa
11. SIMULA
•Tauhan
•Tagpuan
•Sulyap sa Suliranin
- problemang haharapin ng
pangunahing tauhan
12. GITNA
•Saglit na Kasiglahan
- naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin
•Tunggalian
- pakikitunggali o pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa
kalikasan
•Kasukdulan
- pinakamadulang bahagi kung saan
makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban
13. WAKAS
•Kakalasan
- nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na pangyayari sa kasukdulan
•Katapusan
- bahaging kababasahan ng
magiging resolusyon ng kuwento. Maaring
masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo
15. Kwento ng Katutubong Kulay
- binibigyang-diin ang kapaligiran
at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing
pook.
17. Kwento ng Kababalaghan
- pinag-uusapan ang mga
salaysaying hindi kapanipaniwala o
mga katatakutan ang binibigyang-diin
18. Kwento ng Tauhan
- inilalarawan ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng isang mambabasa
20. Kwento ng Pag-ibig
- ukol sa pag-iibigan ng
pangunahing tauhan at ng kanyang
katambal na katauhan ang diwa
21. Kwento ng Kaisipan o
Sikolohiko
- ipinadarama sa mga
mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan
- bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan
22. Kwento ng Talino
- pumupuno ng suliraning
hahamon sa katalinuhan ng babasa
- karaniwang walang katapusan
23. Kwento ng Pampagkakataon
- isinulat para sa tiyak na
pangyayari gaya ng Pasko, Bagong
Taon, at iba pa
24. Kwento ng Kapaligiran
- mga pangyayaring mahalaga sa
lipunan
- kadalasang mga kwento
patungkol sa kalikasan
28. Emilio Jacinto
isang rebolusyonaryong Pilipino noong
panahon ng Himagsikan (1896) na naging
isa sa mga magagaling na lider ng
Katipunan
tinaguriang “Utak ng Katipunan”
nagsulat ng Kartilya ng Katipunan at nag-
edit ng Kalayaan--ang dyaryo na ginamit ng
Katipunan sa pagpapamahagi ng
impormasyon
29. Emilio Jacinto
isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa
Trozo, Tondo, Maynila
nag-aral sa Colegio de San Juan de
Letran at kumuha ng abogasya
sa Unibersidad ng Santo Tomas
naging isa sa mga pinuno
ng Katipunan at naging tagapayo, kalihim
at piskal ni Andres Bonifacio sa edad na 19
30. Emilio Jacinto
ipinagpatuloy ang paglaban sa mga
Kastila bagamat hindi sumali sa puwersa
ni Emilio Aguinaldo
binawian ng buhay sa sakit na malaria
noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23
(Sa isang sagupaan sa Majahjay, Laguna)
31. Ang Ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa
paningin!
Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang
mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-
bagay.
Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na
sikat ng araw ay nagniningning, ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na
dumampot.
32. Ang ningning ay nakakapandaraya!
Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag
mabighani sa ningning. Sa katunayan ng
masamang kaugalian; nagdaraan ang isang
karuwahen maningning na hinihila ng
kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao na nakalulan.
Datapuuwa’y marahil naman isang
magnanakaw, marahil sa ilalim ng kaniyang
ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na
tinataglay ay nagtatago ng pusong sukaban!
33. Nagdaraan ang isang maralita na
nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y
mapapangiti at isasaloob: "Saan niya
ninakaw?" Datapwa’y Maliwanag nating
makikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo
ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa
sipag at kapagalang tunay!
Ay! Sa atin ngang ugali ay lubhang nangapit sa
pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag
34. Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya
ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa
hinagpis at dalita!
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga
loob ay inaakay na kapalaluan at ng kasakiman
ay nagpupumilit na lumitaw na maningning,
lalung lalo na nga ang mga Hari at mga Pinuno
na pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng
kanilang mga kampon, ay walang ibang nasa
kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang
ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa
kanila ng kapangyarihang ito.
35. Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag
nating pagtakahang ang ibig mabuhay sa dugo
ng ating mga ugat ay magbalatkayong
maningning!
Ay! Kung ating dinudulugan at hinahayinan ng
puspos ng galang ay ang maliwanag at
magandang asal at matapat na loob, ang kahit
sino ay walang magpapaningning pagkat hindi
natin pahahalagahan, at ang mga isip at
akalang anupaman ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
36. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay
humahanap ng ningning upang huwag
mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang
kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at
ang pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin at
maliwanag na napatatanaw sa paningin.
Ang lumipas na pinanginoon ng Tagalog ay
labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.
37. Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay
matututo kaya na kumuhang halimbawa at
lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang
kaapihan?
38.
39. - nagmula sa salitang “taong
SANAY sa pagsususlat ng
SALAYSAY”
- essay sa Inggles
- isang uri ng panitikan na
kalimitang naglalaman ng
hinuha ng may akda tungkol sa
iba't ibang bagay
40. • Alejandro G. Abadilla
- kilalang makata at mananaysay
- ang sanaysay at kuha sa
kahulugan ng pagsasalaysay ng
isang sanay o nakasulat na
karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
42. • Genoveva E. Matute
-premyadong manunulat at mananaysay
-Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay
pagtataya sa isang pakasa sa paraang tuluyan at
sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan,
kuru-kuro, palgay at ng kasiyahan ng
sumusulat, upang umaliw, magbibigay
kaalaman o magturo.
-idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa
na sa mga anyong higit na nagpapaisip,
nagpapalawak ay nagpapalalim sa pang-unawa,
bumubuo at nagpapatibay sa ispa’t
damdaminng-bayan.
46. PORMAL
• tinatawag ding “maanyo”
• makatotohanang impormasyon, piling mga
salita at maingat na tinatalakay ang paksa
• pinag-aralan at pinag-ukulan ng matinding
pagsasaliksik upang mabigyang linaw ang
paksang nais talakayan ng may akda
• may maayos na balangkas
• umaakay na mag-isip at sumuri nang
malalim o “critical thinking”
47. DI-PORMAL
• tinatawag ding “pamilyar”, “palagayang
sanaysay” o “impormal”
• maituturing na mas malaya kung ang
pag-uusapan ay ang mga paksang
maaaring talakayin at ang mga salitang
maaaring gamitin
• magbigay-aliw sa mga mambabasa o
magbahagi ng sariling opinyon o
karanasan tungkol sa isang bagay