SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 3
Mga Elemento ng Tula A. Tugma - nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig 2. Mga nagtatapos sa l,
m, n, ng, w, r, y B. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod C. Paksa - maraming
maaaring maging paksa ang isang tula D. Tayutay - paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad
(metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula E.
Tono/Indayog - dapat isaalang-alang ang diwa ng tula F. Persona - tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula
- una, ikalawa o ikatlong panauhan G. Kariktan ng tula - nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa
bumabasa’;
Mga Uri ng Tula
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga
saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay
nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Mga Uri Ng Tula Ang Tula ay may apat
na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang
sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang
Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula. 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) .Ang
Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at
aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at
persepsyon. URI NG TULANG LIRIKO A. Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng
tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at
ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan
itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. B. Soneto – Isang tula na karaniwang may 14
linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser
ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog
Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan,
bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga
ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang
mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos
ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng
talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga
patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan.
Panahon ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang
pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang
mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit
kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop
na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula
ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay
nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing
taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan
nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay
sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga
tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang
talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng
panrelihiyon at pangkagandahang-asal. ANG MGA MAKATA NG PANAHON ng amerikano 1. Padre
Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang
nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). 2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda
ng aklat ng Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang
nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga
tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula.
Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng
panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit. 4.
Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida
Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino
noong panahong iyon. 5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang
isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga
tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na
napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit. 7. Felipe de
Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng
panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang
Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang
Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. 8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico
Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang
sukat at taludturan ng tulang Tagalog. MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3.
Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido MGA TULANG PANDULAAN O
PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong Panahon ng
hapon Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga
dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na
"Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga
kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan.
Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-
sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga
pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa
pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan.
Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang
kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang
karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing
kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang
ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga
prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. Mga
Manunulat at Kanilang akda 1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - Mi Ultimo
Adios ( Ang Huli Kong Paalam) 2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon
ng Himagsikan Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa
Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging
makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa
pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga
kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y
patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan
sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap,
ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan
ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. Mga manunulat at
kanilang Akda 1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Emilio
Jacinto - Sa Anak ng Bayan 3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos )
4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas) panahon ng
amerikano Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa
ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang
mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May
mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang
nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa
panahong kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa
minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang
dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang
taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa
mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan
ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng
kalikasan. Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay
hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina
Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay
bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung
nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang
pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa anyong
patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa
kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga nangyayari,
nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang
tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting
gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na palasak sa
kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap"
nina Francis Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang
inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang
Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa
Edsa noong naganap ang "People's Power."

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong AdarnaRonn Rodriguez
 
Sarsuwela
SarsuwelaSarsuwela
SarsuwelaAnsabi
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesAnsabi
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAllira Orcajada
 
panitikan
panitikanpanitikan
panitikanPotreKo
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Jenita Guinoo
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturanrosemelyn
 
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonMga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonKristel Casulucan
 
Songs of the cuyonon
Songs of the cuyononSongs of the cuyonon
Songs of the cuyononabie07
 
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona Jeremiah Castro
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminJuan Miguel Palero
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogEumar Jane Yapac
 
T U L A P O W E R P O I N T
T U L A  P O W E R P O I N TT U L A  P O W E R P O I N T
T U L A P O W E R P O I N TEllyn Mae Juarez
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationJenita Guinoo
 

Was ist angesagt? (20)

Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong AdarnaKaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
Kaligirang Pangkasaysayan ng Korido at Ibong Adarna
 
Awiting - Bayan
Awiting - BayanAwiting - Bayan
Awiting - Bayan
 
Sarsuwela
SarsuwelaSarsuwela
Sarsuwela
 
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino ReyesWalang Sugat (summary) ni Severino Reyes
Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes
 
Tula/ Poem
Tula/ PoemTula/ Poem
Tula/ Poem
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorah
 
panitikan
panitikanpanitikan
panitikan
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
Malayang Taludturan
Malayang TaludturanMalayang Taludturan
Malayang Taludturan
 
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyonMga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon
 
Songs of the cuyonon
Songs of the cuyononSongs of the cuyonon
Songs of the cuyonon
 
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
T U L A P O W E R P O I N T
T U L A  P O W E R P O I N TT U L A  P O W E R P O I N T
T U L A P O W E R P O I N T
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Filipino 8 Sa Pula, Sa Puti
Filipino 8 Sa Pula, Sa PutiFilipino 8 Sa Pula, Sa Puti
Filipino 8 Sa Pula, Sa Puti
 
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint PresentationPonemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
Ponemang Suprasegmental, Gr.9-Powerpoint Presentation
 

Andere mochten auch

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonGilbert Joyosa
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tularosemelyn
 
May Bagyo ma't May Rilim
May Bagyo ma't May RilimMay Bagyo ma't May Rilim
May Bagyo ma't May RilimMontecriZz
 
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog
Mga anyong tula ng panitikang tagalog qayku
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Mary Rose Ablog
 
Philippine literature during the enlightenment period
Philippine literature during the enlightenment periodPhilippine literature during the enlightenment period
Philippine literature during the enlightenment periodschool
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikaldionesioable
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tulaKaira Go
 
Pagsasaling-Wika: Poesya o Tula
Pagsasaling-Wika: Poesya o TulaPagsasaling-Wika: Poesya o Tula
Pagsasaling-Wika: Poesya o TulaDante Teodoro Jr.
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoNoel Tan
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauralorelyn ortiza
 
Ang pag-ibig-kay-flerida
Ang pag-ibig-kay-fleridaAng pag-ibig-kay-flerida
Ang pag-ibig-kay-fleridaMary Rose Ablog
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 

Andere mochten auch (16)

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
Tula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nitoTula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nito
 
May Bagyo ma't May Rilim
May Bagyo ma't May RilimMay Bagyo ma't May Rilim
May Bagyo ma't May Rilim
 
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
 
Filipino group 3-gawain-6
Filipino group 3-gawain-6Filipino group 3-gawain-6
Filipino group 3-gawain-6
 
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
Dalawang ama-tunay-na-magkaiba (1)
 
Filipino 8 Bayani ng Bukid
Filipino 8 Bayani ng BukidFilipino 8 Bayani ng Bukid
Filipino 8 Bayani ng Bukid
 
Philippine literature during the enlightenment period
Philippine literature during the enlightenment periodPhilippine literature during the enlightenment period
Philippine literature during the enlightenment period
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
 
Pagsasaling-Wika: Poesya o Tula
Pagsasaling-Wika: Poesya o TulaPagsasaling-Wika: Poesya o Tula
Pagsasaling-Wika: Poesya o Tula
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 
Mga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at lauraMga tauhan ng florante at laura
Mga tauhan ng florante at laura
 
Ang pag-ibig-kay-flerida
Ang pag-ibig-kay-fleridaAng pag-ibig-kay-flerida
Ang pag-ibig-kay-flerida
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 

Ähnlich wie Mga elemento ng tula a

Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaNikko Mamalateo
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...RanjellAllainBayonaT
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanSCPS
 
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptxKalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptxJonalynCabaero
 
Panitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docxPanitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docxBacsainFranziene
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxMarife Culaba
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfAngelaTaala
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoMark Arce
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 

Ähnlich wie Mga elemento ng tula a (20)

Panitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastilaPanitikan sa panahon ng kastila
Panitikan sa panahon ng kastila
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Panitikan ppt
Panitikan pptPanitikan ppt
Panitikan ppt
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikan
 
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptxKalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
Kalagayan-at-Katangian-ng-Panitikan-ng-Bawat-Panahon (1).pptx
 
Panitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docxPanitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docx
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptx
 
Ilocano
IlocanoIlocano
Ilocano
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1Dula 111213051254-phpapp01-1
Dula 111213051254-phpapp01-1
 
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
 

Kürzlich hochgeladen

AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...jaysonvillano
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaHelenMaeParacale
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.niquomacarampat2
 

Kürzlich hochgeladen (20)

AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 

Mga elemento ng tula a

  • 1. Mga Elemento ng Tula A. Tugma - nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma 1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig 2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y B. Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod C. Paksa - maraming maaaring maging paksa ang isang tula D. Tayutay - paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula E. Tono/Indayog - dapat isaalang-alang ang diwa ng tula F. Persona - tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula - una, ikalawa o ikatlong panauhan G. Kariktan ng tula - nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa’; Mga Uri ng Tula Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Mga Uri Ng Tula Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring ito ay may kaniya-kaniyang bahagi.Ang mga uri ng tula ay ang sumusunod.Tulang Liriko o Tulang Damdamin, Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles, Tulang Patnigan at Tulang Pantanghalan o Padula. 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) .Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. URI NG TULANG LIRIKO A. Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. B. Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. Panahon ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay
  • 2. sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal. ANG MGA MAKATA NG PANAHON ng amerikano 1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). 2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit. 4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino noong panahong iyon. 5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit. 7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. 8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog. MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3. Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong Panahon ng hapon Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud- sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. Mga Manunulat at Kanilang akda 1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam) 2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon ng Himagsikan Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap,
  • 3. ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. Mga manunulat at kanilang Akda 1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan 3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos ) 4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas) panahon ng amerikano Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang "People's Power."