2. Quiz
1-4 . Ibigay ang mga sub-sektor ng
paglilingkod
5-6. Uri ng paglilingkod
7-10. Magbigay ng mga ahensiya na
tumutulong sa sektor ng paglilingkod
3. Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan o tinutukoy sa Hanay
A.
1. Ang lahat ng regular na manggagawa ay kinakailangang
bigyan ng ng sick leave at vacation leave.
2. Karapatan ng sinumang Pilipino na makakuha ng mga
benepisyo, pinansiyal, pangkalusugan, at iba pa na
katumbas ng lahat ng taon ng kaniyang ginawang
pagseserbisyo.
3. Layunin ng batas na ito na itaas ang ng sahod ng mga
manggagawa ng pamahalaan.
4. Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng labor-only
contracting, kung ang manggagawa at maypagawa ay
napagigitnaan ng isang agency na nakikinabang sa
bahagdan ng sahod ng manggagawa.
5. Ang kababaihang nagdadalang tao ay may karapatan na
magkaroon ng bayad na mga leave, upang magbigay ng
panahon para sa kanilang pagbubuntis at panganganak.
A. Special leave
B. Maternity leave
C. Retirement
D. Salary Standardization
E. DOLE Department Order
No. 174
F. Resignation
4. Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pangungusap o pahayag.
___________ 1. Pagpasok ng 2010, tinatayang 19 milyong Pilipino ang may
trabaho sa loob
ng sektor ng paglilingkod.
___________ 2. Ang paglago ng sektor ng paglilingkod ay nalilimitahan ng
paggalaw ng lokal na pamilihan, mababang halaga ng mga pamumuhunan
sa mga impraestruktura, edukasyon, at hindi produktibong business climate.
___________ 3. Isang mahalagang salik ng pag-unlad ng sektor ng
paglilingkod sa bansa ay ang napakalaking bilang ng mga Overseas Filipino
Workers.
___________ 4. Ang resignation ay ang pagtigil mula sa pagtatrabaho
matapos sumapit sa itinakdang edad.
___________ 5. Ang maternity leave ay ginagawa upang masiguro na
mapanatili ang maayos na pisikal at mental na kalusugan ng mga
manggagawa.
5. Tukuyin ang suliranin sa sektor ng paglilingkod.
A. industriyalisasyon
B. pambansang regulasyon
C. programa at serbisyo ng pamahalaan
D. upskilling
________________________ 1. Kinakailangan ang multilateral
principles, upang magkaroon ng produktibong kompetisyon at
pag-unlad sa pakikipagkalakalan at paglilingkod.
________________________ 2. Ang hindi maayos na mga
regulasyon ng isang bansa ay nagdudulot ng low productivity,
pagtaas ng halaga ng puhunan, hindi maayos na alokasyon ng
mga likas na yaman, at mababang kalidad ng serbisyo.
6. ________________________ 3. Nararapat lamang na magbigay tuon
din ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng mga common service
sectors, katulad ng edukasyon at kalusugan, upang makagawa ng mga
mas epektibong polisiya at patakaran para sa mga manggagawa at
service provider.
________________________ 4. Ang pagpapaunlad ng sektor ng
paglilingkod ay nakabatay sa human capital. Ang isang
komprehensibong polisiya sa edukasyon ay susi sa patuloy na
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga manggagawa.
________________________ 5. Ang isyung ito ay nagiging balakid
hindi lamang sa personal at indibiduwal na pag-unlad ng mga
manggagawa kung hindi pati sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng
bansa.