Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

Mga anyong lupa at anyong tubig

32.313 Aufrufe

Veröffentlicht am

Mga anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas

Veröffentlicht in: Bildung

Mga anyong lupa at anyong tubig

  1. 1. MGA ANYONG –TUBIG SA PILIPINAS 1. Karagatan – ang pinakamalaking anyong tubig. Inuugnay nito ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa daigdig. KARAGATANG PASIPIKO
  2. 2. 2. Dagat – ay anyong tubig na mas maliit kaysa karagatan. Higit itong malapit sa bahaging lupa. DAGAT NG SULU
  3. 3. 3. Look- ay bahagi ng dagat na nakadikit sa anyong lupa. Ito ang nagsisilbing daan kung saan lumalabas at pumapasok ang tubig mula sa kaugnay na dagat. Karaniwan ang mga look ay ginagawang piyer o daungan ng mga sasakyang- dagat. LOOK NG MAYNILA
  4. 4. 4. Lawa- ay anyong tubig na pilaliligiran ng lupa . Ibinibilang ito na panloob na bahaging-tubig. Maaaring ang lawa ay natural o ginawa ng tao. Ang lawa ng Taal ay natural. LAWA NG TAAL
  5. 5. 5. Ilog –ay anyong tubig na umaagos papunta sa lawa, look o dagat. Ito ay maaring mahaba at malawak o kaya naman ay makipot at maikli. ILOG NG CAGAYAN
  6. 6. 6. Talon- ay anyong tubig na bumabagsak mulasa bundok o mataas na lugar. Malaki ang naitutulong ng Talon ng Maria Cristina sa pagkakaroon ng kuryente sa pook na ito. Ginagamit ang enerhiya ng tubig upang makakuha ng kuryente. TALON NG MARIA CRISTINA
  7. 7. MGA ANYONG- LUPA SA PILIPINAS 1. Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkan ng Pinatubo. BULKAN NG MAYON BULKAN NG PINATUBO
  8. 8. 2. Kapatagan - isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
  9. 9. 3. Bundok - isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol. BUNDOK BANAHAW BUNDOK APO
  10. 10. 4. Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. CHOCOLATE HILLS
  11. 11. 5. Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. LAMBAK NG CAGAYAN
  12. 12. 6. Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito. TALAMPAS NG LUNGSOD NG BAGUIO
  13. 13. 7. Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig. PULO NG SULU

×