1. Wagas na pag-ibig ay mananatili hanggang wakas….
Filipino 10
Aralin 1.1
Cupid at Psyche
(Mitolohiya ng Rome-Italy)
2. Pakitang Turo sa Filipino 10
(K to 12 Regional Mass Training,UM, Davao City)
ni LEILANI C. AVILA
Mayo 15, 2015
Banghay Aralin
Aralin 1.1 Mitolohiya mula sa Rome – Italy
Halimbawang Teksto: Cupid at Psyche
Isinalaysay ni Apuleius
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma Ambat
Retorika: Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksiyon, Karanasan at
Pangyayari
Sanggunian: TG pp. 3-10, LM pp. 14-24
Kagamitan: Aklat, ICT atbp.
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
metolohiya sa tulong ng teknolohiya at mga kaugnay na pamamaraan at kung papaano
mabisang magagamit ang mga pandiwa sa pagpapahayag ng aksyon, karanasan at
pangyayari.
Pamantayang Pagganap
Nakapagsasalaysay ng nasaliksik na mito o kauri nito.
Panimula
Matapos ang pangkaraniwang gawain bago magsimula ang klase ipaalam sa
mga mag-aaral ang mga inaasahang magawa/gagawin pagtapos ng aralin mula sa
panitikan at sa gramatika.
Banggitin sa klase ang madalas marinig na matalinghagang pahayag mula sa
Rome. Gawin itong kawiliwili.
Yugto ng Pagkatuto
3. (Unang Araw)
1. Tuklasin
Mga Pokus na Tanong
Panitikan: Paano nakatutulong ang mitolohiya mula sa Rome sa pagpapaunlad
ng panitikang Pilipino?
Gramatika at Retorika: Paano mabisang magagamit ang pandiwa bilang
aksiyon, karanasan at pangyayari sa pagsasalaysay ng mito o kauri nito?
Pagpukaw sa dating kaalaman ng mga mag-aaral at bahagian ng mga ito
Pagsasagawa ng Gawain 2
Panonood ng Video
2. Linangin
2.1 Panitikan
Dugtungan Pagbabasa
Paglinang ng Talasalitaan (Gawain 4)
(Ikalawang Araw)
Kuwentuhang Dugtong-dugtong! (Pangkatan/Pabanghay)
Pagsusuri ng mga tauhan at Pagkukuro-kuro (Gawain 5)
Pagtukoy sa masasalaming kultura ng mga taga-Rome sa akdang binasa
(Gawain 8)
2.2 Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Pagbabasa ng akdang “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”
Malayang Talakayan
(Ikatlong Araw)
Get’s Mo! Magpamalas ng pantomime sa ilang piling tagpo sa akda
(Pangkatang Gawain) at ipahula kung anong kilos at pangyayari ang
isinasaad ng pantomime. Kunin ang feedback ng mga mag-aaral kung
naging madali ba sa kanila ang pagtukoy sa tiyak na kilos at pangyayari
sa tagpo.
Iugnay ito sa pandiwa at talakayin kung paano mabisang magagamit ang
mga pandiwa sa pagpapahayag ng kilos, pangyayari, atbp.
Isagawa ang Pagsasanay 1 bilang 1-5
Ibigay bilang karagdagan na gawain ang Pagsasanay 3
(Ikaapat na Araw)
3. Pagnilayan at Unawain
4. Balikan ang Gawain 2 at punan ang bahaging Natutuhan.
Magkaroon ng pagbahagian ng natutuhan
Pagbuo ng graphic organizer na magpapakita kung paano nakatutulong
ang mitolohiya ng Rome sa panitikang Pilipino
Feedback ng guro
(Ikalima-Ikapitong Araw)
4. Ilipat
G – Makapagsasaliksik ng mito sa sariling rehiyon upang
muling buhayin at mapanatili ang sinaunang panitikan ng Pilipinas..
R – Tagapagsaliksik, Manunulat, Tagapagsalaysay at Aktor
A – Kapwa mag-aaral at guro
S – Kadayawan Festival
P – Informance
S – 1. Kuwento
Nilalaman - 10 puntos
Oraganisasyon - 10 puntos
Gramatika - 10 puntos
Kabuuan……………….30 puntos
2. Informance
Husay ng Paglalahad - 15 puntos
Pag-arte - 15 puntos
Kasuotan/Pagkamalikhain - 10 puntos
Hikayat sa Madla - 10 puntos
Kabuuan - 50 puntos
Tagamasid:
PHELMA CAMACHO EDWIN GARCIA
Tagapagsanay Tagapagsanay