SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 6
LADY LEE

Lourd de Veyra's graduation speech for UP MassComm Class of 2012.

Lourd de Veyra: Habang nagma-martsa sa PICC ang mga miyembro ng UST Arts and Letters
batch 1995, kaming tatlo ng best friends ko ay naglalasing, nagdadalamhati na masisira na ang
buhay namin.

 (Below is the speech of Lourd de Veyra which he delivered on April 22, 2012, Sunday before
the 2012 batch of the University of the Philippines College of Mass Communication)

First time akong makaka-attend ng graduation ng college. Kahit sarili kong graduation ay hindi
ako nakadalo. Nung panahon ko ay hindi ako naka-martsa sa entablado. Hindi rin ako naka-
graduate on time.

Seven years after ko pa nakuha ang diploma ko, pero hindi na ako nag-martsa. Parang
nakakahiya na. Kaya hanggang ngayon, ay masamang-masama ang loob ng aking ina dahil hindi
kami nagkaroon ng Kodak moments. Pero wala nang Kodak ngayon. Kaya sinama ko na lang
siya dito. Ayaw niyang maniwala na ako ang graduation speaker ng UP Mass Com.

Habang nagma-martsa sa PICC ang mga miyembro ng UST Arts and Letters batch 1995, kaming
tatlo ng best friends ko ay naglalasing, nagdadalamhati na masisira na ang buhay namin.

Marami salamat sa imbitasyon. Kahit sa ‘min sa TV5 ay parang ayaw nilang maniwala.

“Bakit ikaw?” Yan din ang tanong ko. Busy siguro si Boy Abunda. Sabagay uso naman yata ang
mga patawang graduation speech. Si Will Ferrell at si Sacha Baron Cohen ay inimbatahan ng
Harvard nung 2003. Alam ko ang naiimbitahan sa ganito ay yung mga middle-age na may mga
mahalaga nang naiambag sa lipunan at sa mass media— bukod sa pag-endorse ng isang brand ng
alak at pagkakaroon ng billboard sa Edsa na may pekeng abs. Hindi rin naman masyadong
nagkakalayo ang mga edad natin.

Para sa inyong lahat: walang sisihan. At para sa lahat ng mga aktibista dito, sana ay patapusin
niyo muna akong magsalita bago kayo umakyat dito at magwagayway ng banderang “Serve the
People” (Tingnan natin kung makakapag-serve the people pa rin kayo habang nagsusulat ng
dialogue sa telenovela ni Aljur Albrenica sa susunod na taon).

Maraming salamat ulit.
Tinuturing ko itong isa sa mga pinakamatataas na karangalan ang maimbitahang magsalita sa
harap niyo— hindi nga ako gradweyt dito eh. Eh kahit nga sariling kong alma mater hindi ako
iniimbitahan magsalita. Siguro kinahihiya nila ako. Hindi rin nila ako naimbitahang magturo
ulit. Buti pa ang De La Salle University, na naanyayahan akong magturo nung huling term.

  "Para sa inyong lahat: Walang sisihan," sabi ni Lourd de Veyra, sinasagot ang tanong kung
   bakit siya ang napaunlakang magbigay ng talumpati sa mga nagtapos na estudyante sa UP
                                   College of MassComm.

Hindi ko sigurado kung ano ang gusto kong sabihin.
Pero bago ang lahat, gusto ko munang gayahin si Miriam Defensor Santiago na hihirit muna ng
pickup line bago mag-speech, lalo na dito sa UP. “Yelo ka ba? Para kasi ang sarap mong
ipukpok sa pader eh.”
Marami sa inyo ang magtatrabaho sa mass media. Marami rin sa inyo ang papasok sa
gobyerno. Malamang marami rin ang ibebenta ang kaluluwa sa advertising at gagawa ng
mga kopya tungkol sa shampoo at fried chicken. Ilan sa inyo ay mangingibang bansa. May
porsyento na mananatiling tambay. Ang ilan naman ay magkakaroon ng scandal video at
tuluyang masisira ang buhay.

Hindi ko na siguro kailangang sabihin kung gaano kayo kapalad na mapabilang sa
henerasyon. Nabubuhay kayo sa mundo na wala ka nang karapatang maging tanga,
maging mangmang. Dapat may maglabas ng ganyang slogan sa advertising, “BAWAL
MAGING TANGA.” Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon.

Pero hindi pa rin maiiwasan na may magtanong sa Twitter kung ano daw ang capital ng
Pakistan. Kung may Internet connection ka, you could have saved yourself the humiliation
of being called stupid and instead make GMG: “Google mo, gago!”

Pero ito ang problema. Iba ang impormasyon sa karunungan — ganap na talino at dunong.

Hindi lahat ng may impormasyon ay may talino. Ang impormasyon ay phone number ni Coco
Martin. Pero ang karunungan ay si Coco Martin mismo. Siya at ang kanyang katawan. Yaaa-
meeee.

Sa mundong umaapaw sa datos, wala na tayong excuse maging mangmang. Pero kahit si
Christopher Lao ay ganap na abogado ngayon, he was still not informed. Minsan, sa pagnanais
nating makakuha ng impormasyon, nakakalimutan natin ang talino, ay ang may saysay.

Eksampol na lang nito ang panonood ng concert habang nagvi-video ng performance.

Para kang tanga: ilang oras kang nakahawak sa cellphone mo, nakataas ang kamay, at sa proseso
ay nalimutan mo ang dapat mong pakay: ang mag-enjoy sa konsyerto.

Ang hinaharap nating hamon ay kung paano humubog ng saysay mula sa bundok-bundok ng
impormasyong ito. Uulitin ko. Napakapalad ninyo.

Kung alam niyo lang. Kung alam niyo lang kung paano ang buhay kolehiyo namin noon.
Ngayon halos lahat na bahay ay may computer at Internet connection. Dati umaarkila pa kami ng
computer—kung hindi sa Cubao, sa Pasay— para lang makagamit ng sinaunang Microsoft
Word. Ang thesis ko pa ay sinulat sa electric typewriter.

Twenty years ago, on exactly this month, ay tinatiyaga ko ang maglakad sa ilalim ng init ng araw
para manghiram lang ng libro sa Thomas Jefferson Library at British Council. Ngayon, ang
kailangan niyo lang gawin ay “GMG.”

Twenty years ago, pauso pa lang ang grunge, at kinailangan pa naming bumiyahe papuntang
Pasay para manghiram lang ng cassette tapes. Ngayon, GMG lang at…. Download. Ni hindi mo
na kelangang lumabas ng bahay.

Huwag niyo sanang sayangin ang swerte. But speaking of swerte….

Tumigil na akong maniwala sa pagpaplano ng buhay.
Corny mang pakinggan, mas naniniwala ako sa tadhana. Kung totoo na talino at galing ang
sekreto sa tagumpay, dapat wala ako dito ngayon. Hindi ako ang pinakamahusay na manunulat
sa aming kolehiyo. At higit na mas marami ang mas magaling mag-isip kesa sa akin.

May paborito akong kasabihan mula sa idolo kong nobelistang si Kurt Vonnegut. “Unannounced
changes in life’s itinerary are like dancing lessons from God.” Napakagandang ideya. Napaka-
akmang metapora. Dancing lesson.

Sa dancing lesson, wala kang ibang pwedeng gawin kundi sumunod. Pag hinila ka dito, sunod ka
na lang. Pag binaba ka, bumaba ka rin. Pag hinagis ka, magpagaan ka ng katawan.

Susugan din ito ng isa pang quote mula kay Voltaire: “I refuse to believe in a God who does not
know how to dance.” Ang pagsayaw ay isang ekspresyon ng ligaya, ng laro, ng kalayaan ng
katawan at diwa na mayroon pa ring sistema. Pero ako mismo ay literal na hindi marunong
sumayaw.

Heto ang maiksing kwento ng buhay ko.

Pagkatapos ng kolehiyo, diretso sa trabaho sa diyaryo bilang reporter at editor. Umatend ng
sandamukal na writing workshops. Nagtrabaho sa isang creative writing center. Rumaket sa iba’t
ibang mga magazines. Nagtayo ng banda at nag-record ng apat na albums.

Nakapagsulat ng apat na libro ng tula sa Ingles, isang aklat ng essays, at isang nobela. Naka-
tsamba ng ilang writing awards along the way. Tatlong taong gumagawa ng mga maiiksing
dokumentaryo at video opinion pieces para sa TV5. Kaya heto ako ngayon, weather presentor
ng Aksyon prime news.

Weather? Ang labo no? Hindi ko inakala na mag-a-ala Amado Pineda o Ernie Baron o Kuya
Kim ako.

By the way, kahapon ang record ng pinakamainit na temperatura sa Metro Manila sa taong ito.
35.9 degrees Celsius. Dahil pa rin yan sa ridge of high pressure area na umiiral diyan sa
Hilagang Luzon.

Nung ako’y nasa elementarya pa, akala ko magiging pintor ako. Kung hindi pintor, sundalo.
Nung high school naman, gusto kong maging gitarista. Pero gusto ni Erpat… abugado.

At hanggang ngayon, feeling ng tatay ko ay hindi ako ganap na matagumpay dahil walang “A-T-
T-Y” sa simula ng pangalan ko. Hindi ko naman inakala na gusto ko palang magsulat.

At hindi ko rin namang inakalang marunong pala ako magsulat hanggang second-year college.
Late bloomer ako pagdating sa panitikan. Nagtrabaho ako sa diyaryo ng anim na taon. Naging
editor ng magazine ng mahaba-haba ring panahon. Sino bang mag-aakalang lalabas ako sa
telebisyon?

Ngayon, may tatlo akong programa: ang Aksyon (kung saan ako nagwe-weather), ang talk show
na Wasak sa Aksyon TV 41 (dito iniinterbyu namin lahat, mula kay Rico J. Puno hanggang kay
Gringo Honasan), at ang Word of the Lourd.

Napasok ako sa TV taong 2009, nang tawagan ako ni Patrick Paez, isa sa mga bosing ng News
and Public Affairs department ng singko— noong mga panahong nagdarahop pa ang istasyon
(Oo, naranasan kong magtulak ng isang bulok na Toyota Revo na walang umasikaso ng baterya).
Inalok niya ako ng isang segment sa late-night programang The Evening News. Bahala daw ako
kung ano ang gusto kong gawin.

“Ano nga ba ang gusto kong gawin?” tanong ko sa sarili. Eh ang kaunting nalalaman ko sa TV
production ay limitado lamang sa music video. Paano kaya kung makagawa ng paraan na
pagsamahin ang elemento ng MTV at ang satirikong panulat?

Dito na pinanganak ang Word of the Lourd. Medyo blasphemous; wala na akong ibang maisip na
title. Ninais nitong talakayin mga paksang hindi pinag-uusapan ng “seryosong” media.

Pero sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na minuto. Hindi kailangang sundin ang mga
kumbensyon ng isang mainstream report—dahil hindi naman siyang obhektibong pag-uulat.

Walang resource speaker o case study na iinterbyuhin, dahil, bakit pa? Ang mga unang paksa ay
tungkol sa pagkakaroon ng abs, ang pagkahumaling ng Pinoy sa pagpapaputi ng kutis, at ang
hygiene ng mga Pinoy. Di nagtagal, ang nunal ni Gloria hanggang buhok ni Noynoy, at tumagal
hanggang sa pagka-macho ni Papa Piolo at ang tili ni Midas Marquez.

Kung hindi mainit na political issue, isang paksang may kinalaman sa kultura’t kasaysayan—
gaya na lang ng balahurang asal sa social media, relihiyon, pagdura, pag-utot, mga mababantot
na apelyido, Rizal trivia at iba pang mga historical tsismis, etc.

Hindi ko alam kung bakit siya hit. Pero dito ngayon pumapasok ang pagkaka-pareho namin nila
Justin Bieber at Charice Pempengco.

Pero dito naman ako nagpapasalamat sa Internet, lalo na sa Youtube.


   De Veyra: Nabubuhay kayo sa mundo na wala ka nang karapatang maging tanga, maging
   mangmang. Dapat may maglabas ng ganyang slogan sa advertising, “BAWAL MAGING
           TANGA.” Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon. (Sari Dalena)

Dahil sampung tao lang yata ang nanonood ng Channel 5 noon, nagdesisyon ang isang editor na
i-upload ang mga sinaunang episodes ng Word of the Lourd. Kung di dahil sa Youtube, sampung
tao pa rin ang nakakapanood ngayon ng programang ito. Akala nga ng iba: sa Youtube ito unang
umeere—kaya naiimbitahan ako lagi sa mga forum tungkol sa “alternative media.”

Anong alternative media pinagsasabi niyo diyan? May pera na kami ngayon. Ini-edit sa
mamahaling computer ang video namin. Sosyal ang nire-rentahan naming van.

Hindi ko pa rin ang alam kung bakit siya nag-click—o kung matatawag nga itong “click” dahil
mas marami pa ring views ang videos ni Petra Halimuyak at yung mga videos ng mga pagong na
kumakanta.

Gayunpaman, ang swerte ko pa rin dahil sa kalayaang binigay sa akin ng mga boss na isulat ang
gusto kong isulat—wag lang libelous. Nagpapasalamat din ako sa Gloria Macapagal Arroyo at
Kris Aquino sa walang humpay na materyal na binibigay nila. Buti na lang at hindi ako
brodkaster sa probinsiya— sa mga ganun, walang sense of humor ang mga politiko.
So, muli, sa inyong lahat, congratulations. Sana lang, wag tayo lahat matusta ng rocket ng North
Korea. May dahilan kung bakit tinawag itong “commencement exercises.”

Commencement dahil magsisimula pa lang kayo sa biyahe niyo sa buhay. Kaya heto na ang payo
portion.

Obvious naman: pero kailangan uling sabihin. Mahalin mo ang ginagawa mo. Huwag magtatagal
sa isang trabahong hindi mo gusto? Bakit mo naman gagawin yun? Dahil sa salapi?

Darating din yan, basta buhos mo lang ang kaya mo, kesyo indie film man yan o isang artikulo
tungkol sa pagkain o paglalabada.

May kwento tungkol sa isang monghe sa monasteryo. Napansin ng isang bisita na walang
ginawa ang monghe na ito kundi magtrabaho sa hardin buong araw.

“Bakit daw hindi nagdadasal ang mongheng ito?” Sagot sa kanya, dahil buong isip at diwa ng
mongheng ito ay nakalaan sa pagdilig at pagtabas at pagtanim sa halaman, mas taimtim pa daw
ang dasal nito kesa sa mga nakaluhod sa loob ng simbahan.

Wag seryosohin ang sarili. Pero teka, kelangang klarohin ko ito. Okay lang ang serious, huwag
lang solemn. Walang bagay sa mundo ang hindi napapagaan ng pagkakaroon ng sense of humor.

At pinakahuli sa lahat, matutong magtimpla ng kape. At hindi lang basta kape—dapat ito ang
pinakamasarap na kape sa buong mundo. Hindi na siguro uso ngayon ang uutusan kang
magtimpla ng kape ng boss mo pag ikaw ay nagsisimula pa lang.

At sigurado akong may teacher kayong nagpayo sa inyo na huwag na huwag kayong papayag na
patimplahin kayo ng kape ng boss ninyo. May punto naman sila. Pero parang Karate Kid lang
yan eh.

Galit na galit at takang-taka ang batang disipulong si Ralph Macchio: “Nagte-training ako ng
karate, di ba? Bakit inuutusan ako ng matandang guro na maglinis ng kotse niya? Bakit niya ako
inuutusang magpintura ng bakod ng bahay niya?” Sa huli, naintindihan niya rin kung bakit. Wax
on. Wax off. At kung ikaw ay fan ng mga kung fu movies, ang ganitong tila-mababang
pagsasanay ay pangkaraniwang arketipo. Paano ka pagtitiwalaan ng mas malaking responsibilad
kung ang isang maliit na gawain ay di mo magawa nang maayos?

Okey, ituring lang na simbolo ang pagtitimpla ng kape. Kung hindi kape, malamang pabibilhin
ka ng blank DVD, o may ipapahatid sa iyong papeles o P2 card.

Kung ayaw mo namang magka-boss, aba…. Madali lang yan. Andiyan naman ang You Tube.
Libre naman ang magbukas ng blog (Aba, maraming kumikita diyan; lalo na pag tungkol sa
pagkain— kahit hindi ka marunong magsulat).

Basta, keep it real, ika nga ng kasabihan. Minsan sa makabagong mundo, sa virtual na realidad,
minsan nakakalimutan natin kung saan tayo nakatungtong, kung saan tayo kumikilos.

Bilang pangtapos, gusto kong basahin ang isang tula ni Jose F. Lacaba.

NAKATINGIN SA BITUIN
Di naman panay dilim
ang gabing walang buwan
pagkat maraming bituin
akong nakita noon,
paglakad sa lansangan
nakatingin sa bituin.

Mga hiyas sa langit
(‘ka nga) nagkikislapan,
wala ni isang pangit,
wala akong makita
paglakad sa lansangan
nakatingin sa bituin.

Di ko tuloy napansin
ang dinadaanan,
kalsadang walang ningning,
pagkat talagang abala
paglakad sa lansangan
nakatingin sa bituin.

Nasalpok ko tuloy,
nasalpok ng isang paa,
ang isang tambak ng
taeng kalabaw sa daan:
paglakad sa lansangan
nakatingin sa bituin.
Santambak na kumalat
Sa kalsada’t paa ko,
Paalala ng lupa
Na paa’y nakatapak,
Paglakad sa lansangan
Nakatingin sa bituin

Sa Batch 2012, congratulations at good luck, at sana ay huwag kayong makaapak ng tae ng
kalabaw sa landas niyong tatahakin. Kung sakali man, sumayaw ka na lang.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Gilbert Joyosa
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
LAZ18
 

Was ist angesagt? (20)

Panitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng haponPanitikan sa panahon ng hapon
Panitikan sa panahon ng hapon
 
Ako ang Daigdig
Ako ang DaigdigAko ang Daigdig
Ako ang Daigdig
 
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at AralBarlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
Barlaan At Josaphat Buod, Tauhan, Tagpuan, at Aral
 
Talumpati
Talumpati Talumpati
Talumpati
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
 
Pagbuo-ng-Talata.pptx
Pagbuo-ng-Talata.pptxPagbuo-ng-Talata.pptx
Pagbuo-ng-Talata.pptx
 
Noli me tangere kabanata 9
Noli me tangere kabanata 9Noli me tangere kabanata 9
Noli me tangere kabanata 9
 
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
Isang libo’t isang gabi,grade 9 (aralin 3.5)
 
Elemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysayElemento ng sanaysay
Elemento ng sanaysay
 
Ang Aking Talambuhay
Ang Aking TalambuhayAng Aking Talambuhay
Ang Aking Talambuhay
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46Noli me tangere kabanata 46
Noli me tangere kabanata 46
 
TALUMPATI
TALUMPATITALUMPATI
TALUMPATI
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Kabanata 5
Kabanata 5Kabanata 5
Kabanata 5
 
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoMaikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Pakikipagpanayam
PakikipagpanayamPakikipagpanayam
Pakikipagpanayam
 
Column writing
Column writingColumn writing
Column writing
 

Andere mochten auch

【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever
【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever
【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever
Ryan Hsieh
 
Republic act 9006
Republic act 9006Republic act 9006
Republic act 9006
Lady Lee
 
Respondents, interpretation, recomendation, conclusion
Respondents, interpretation, recomendation, conclusionRespondents, interpretation, recomendation, conclusion
Respondents, interpretation, recomendation, conclusion
Lady Lee
 
Powerpoint presentation
Powerpoint presentationPowerpoint presentation
Powerpoint presentation
Lady Lee
 

Andere mochten auch (8)

Design Principles of Web Design
Design Principles of Web DesignDesign Principles of Web Design
Design Principles of Web Design
 
【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever
【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever
【URS partner x 交點】市集,你我的交集 - 張心 - Weekend Fever
 
Modeling101- Week 1
Modeling101- Week 1Modeling101- Week 1
Modeling101- Week 1
 
Republic act 9006
Republic act 9006Republic act 9006
Republic act 9006
 
Respondents, interpretation, recomendation, conclusion
Respondents, interpretation, recomendation, conclusionRespondents, interpretation, recomendation, conclusion
Respondents, interpretation, recomendation, conclusion
 
Portfolio sawasdeeidea
Portfolio sawasdeeideaPortfolio sawasdeeidea
Portfolio sawasdeeidea
 
交點台中Vol.19 - 焄榕 - change
交點台中Vol.19 - 焄榕 - change交點台中Vol.19 - 焄榕 - change
交點台中Vol.19 - 焄榕 - change
 
Powerpoint presentation
Powerpoint presentationPowerpoint presentation
Powerpoint presentation
 

Ähnlich wie Lourd de veyra

PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
JohnQuidulit2
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
CharmaineCanono
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
CharmaineCanono
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahanLearning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Francis Kim Tanay
 

Ähnlich wie Lourd de veyra (20)

Ap iii
Ap iiiAp iii
Ap iii
 
Fil 7
Fil 7Fil 7
Fil 7
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Portfolio sa piling larang
Portfolio sa piling larangPortfolio sa piling larang
Portfolio sa piling larang
 
kaalamang bayannnnn.pptx
kaalamang bayannnnn.pptxkaalamang bayannnnn.pptx
kaalamang bayannnnn.pptx
 
Quisha
QuishaQuisha
Quisha
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
 
Barayti ng wika
Barayti ng wikaBarayti ng wika
Barayti ng wika
 
aralin1angamagrade9.pptx
aralin1angamagrade9.pptxaralin1angamagrade9.pptx
aralin1angamagrade9.pptx
 
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptxaralin1angamagrade9-160425141233.pptx
aralin1angamagrade9-160425141233.pptx
 
Joel partosa[1]
Joel partosa[1]Joel partosa[1]
Joel partosa[1]
 
Compilation of academic write ups in piling larang
Compilation of academic write ups in piling larangCompilation of academic write ups in piling larang
Compilation of academic write ups in piling larang
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
C4 T9 Sarmiento ppt.pptx
C4 T9 Sarmiento ppt.pptxC4 T9 Sarmiento ppt.pptx
C4 T9 Sarmiento ppt.pptx
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahanLearning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
 

Mehr von Lady Lee

Letter 1 mr. jose cheung
Letter 1  mr. jose cheungLetter 1  mr. jose cheung
Letter 1 mr. jose cheung
Lady Lee
 
Research matrix
Research matrixResearch matrix
Research matrix
Lady Lee
 
Questionnaire station manager
Questionnaire  station managerQuestionnaire  station manager
Questionnaire station manager
Lady Lee
 
(THESIS) Uplifting Science & research2
(THESIS) Uplifting Science & research2(THESIS) Uplifting Science & research2
(THESIS) Uplifting Science & research2
Lady Lee
 
(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers
(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers
(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers
Lady Lee
 
Utv commercial 1
Utv commercial 1Utv commercial 1
Utv commercial 1
Lady Lee
 
Teleserye plot
Teleserye plotTeleserye plot
Teleserye plot
Lady Lee
 
Week 8 local artist campaign
Week 8  local artist campaignWeek 8  local artist campaign
Week 8 local artist campaign
Lady Lee
 
Utv program planning outline
Utv program planning outlineUtv program planning outline
Utv program planning outline
Lady Lee
 
Utv national anthem
Utv national anthemUtv national anthem
Utv national anthem
Lady Lee
 
Ultimate cooking challenge reality program
Ultimate cooking challenge reality programUltimate cooking challenge reality program
Ultimate cooking challenge reality program
Lady Lee
 
Radio program format
Radio program formatRadio program format
Radio program format
Lady Lee
 
Questionaire lady lee
Questionaire lady leeQuestionaire lady lee
Questionaire lady lee
Lady Lee
 
Psa dev broad
Psa dev broadPsa dev broad
Psa dev broad
Lady Lee
 
News update
News updateNews update
News update
Lady Lee
 
Media law & ethics
Media law & ethicsMedia law & ethics
Media law & ethics
Lady Lee
 
Landscape photography tips and techniques
Landscape photography tips and techniquesLandscape photography tips and techniques
Landscape photography tips and techniques
Lady Lee
 
Landscape photography
Landscape photographyLandscape photography
Landscape photography
Lady Lee
 
Ladylee topic
Ladylee topicLadylee topic
Ladylee topic
Lady Lee
 
Ladylee about me
Ladylee about meLadylee about me
Ladylee about me
Lady Lee
 

Mehr von Lady Lee (20)

Letter 1 mr. jose cheung
Letter 1  mr. jose cheungLetter 1  mr. jose cheung
Letter 1 mr. jose cheung
 
Research matrix
Research matrixResearch matrix
Research matrix
 
Questionnaire station manager
Questionnaire  station managerQuestionnaire  station manager
Questionnaire station manager
 
(THESIS) Uplifting Science & research2
(THESIS) Uplifting Science & research2(THESIS) Uplifting Science & research2
(THESIS) Uplifting Science & research2
 
(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers
(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers
(THESIS) Bsu Mentoring Thesis Writers
 
Utv commercial 1
Utv commercial 1Utv commercial 1
Utv commercial 1
 
Teleserye plot
Teleserye plotTeleserye plot
Teleserye plot
 
Week 8 local artist campaign
Week 8  local artist campaignWeek 8  local artist campaign
Week 8 local artist campaign
 
Utv program planning outline
Utv program planning outlineUtv program planning outline
Utv program planning outline
 
Utv national anthem
Utv national anthemUtv national anthem
Utv national anthem
 
Ultimate cooking challenge reality program
Ultimate cooking challenge reality programUltimate cooking challenge reality program
Ultimate cooking challenge reality program
 
Radio program format
Radio program formatRadio program format
Radio program format
 
Questionaire lady lee
Questionaire lady leeQuestionaire lady lee
Questionaire lady lee
 
Psa dev broad
Psa dev broadPsa dev broad
Psa dev broad
 
News update
News updateNews update
News update
 
Media law & ethics
Media law & ethicsMedia law & ethics
Media law & ethics
 
Landscape photography tips and techniques
Landscape photography tips and techniquesLandscape photography tips and techniques
Landscape photography tips and techniques
 
Landscape photography
Landscape photographyLandscape photography
Landscape photography
 
Ladylee topic
Ladylee topicLadylee topic
Ladylee topic
 
Ladylee about me
Ladylee about meLadylee about me
Ladylee about me
 

Lourd de veyra

  • 1. LADY LEE Lourd de Veyra's graduation speech for UP MassComm Class of 2012. Lourd de Veyra: Habang nagma-martsa sa PICC ang mga miyembro ng UST Arts and Letters batch 1995, kaming tatlo ng best friends ko ay naglalasing, nagdadalamhati na masisira na ang buhay namin. (Below is the speech of Lourd de Veyra which he delivered on April 22, 2012, Sunday before the 2012 batch of the University of the Philippines College of Mass Communication) First time akong makaka-attend ng graduation ng college. Kahit sarili kong graduation ay hindi ako nakadalo. Nung panahon ko ay hindi ako naka-martsa sa entablado. Hindi rin ako naka- graduate on time. Seven years after ko pa nakuha ang diploma ko, pero hindi na ako nag-martsa. Parang nakakahiya na. Kaya hanggang ngayon, ay masamang-masama ang loob ng aking ina dahil hindi kami nagkaroon ng Kodak moments. Pero wala nang Kodak ngayon. Kaya sinama ko na lang siya dito. Ayaw niyang maniwala na ako ang graduation speaker ng UP Mass Com. Habang nagma-martsa sa PICC ang mga miyembro ng UST Arts and Letters batch 1995, kaming tatlo ng best friends ko ay naglalasing, nagdadalamhati na masisira na ang buhay namin. Marami salamat sa imbitasyon. Kahit sa ‘min sa TV5 ay parang ayaw nilang maniwala. “Bakit ikaw?” Yan din ang tanong ko. Busy siguro si Boy Abunda. Sabagay uso naman yata ang mga patawang graduation speech. Si Will Ferrell at si Sacha Baron Cohen ay inimbatahan ng Harvard nung 2003. Alam ko ang naiimbitahan sa ganito ay yung mga middle-age na may mga mahalaga nang naiambag sa lipunan at sa mass media— bukod sa pag-endorse ng isang brand ng alak at pagkakaroon ng billboard sa Edsa na may pekeng abs. Hindi rin naman masyadong nagkakalayo ang mga edad natin. Para sa inyong lahat: walang sisihan. At para sa lahat ng mga aktibista dito, sana ay patapusin niyo muna akong magsalita bago kayo umakyat dito at magwagayway ng banderang “Serve the People” (Tingnan natin kung makakapag-serve the people pa rin kayo habang nagsusulat ng dialogue sa telenovela ni Aljur Albrenica sa susunod na taon). Maraming salamat ulit. Tinuturing ko itong isa sa mga pinakamatataas na karangalan ang maimbitahang magsalita sa harap niyo— hindi nga ako gradweyt dito eh. Eh kahit nga sariling kong alma mater hindi ako iniimbitahan magsalita. Siguro kinahihiya nila ako. Hindi rin nila ako naimbitahang magturo ulit. Buti pa ang De La Salle University, na naanyayahan akong magturo nung huling term. "Para sa inyong lahat: Walang sisihan," sabi ni Lourd de Veyra, sinasagot ang tanong kung bakit siya ang napaunlakang magbigay ng talumpati sa mga nagtapos na estudyante sa UP College of MassComm. Hindi ko sigurado kung ano ang gusto kong sabihin. Pero bago ang lahat, gusto ko munang gayahin si Miriam Defensor Santiago na hihirit muna ng pickup line bago mag-speech, lalo na dito sa UP. “Yelo ka ba? Para kasi ang sarap mong ipukpok sa pader eh.”
  • 2. Marami sa inyo ang magtatrabaho sa mass media. Marami rin sa inyo ang papasok sa gobyerno. Malamang marami rin ang ibebenta ang kaluluwa sa advertising at gagawa ng mga kopya tungkol sa shampoo at fried chicken. Ilan sa inyo ay mangingibang bansa. May porsyento na mananatiling tambay. Ang ilan naman ay magkakaroon ng scandal video at tuluyang masisira ang buhay. Hindi ko na siguro kailangang sabihin kung gaano kayo kapalad na mapabilang sa henerasyon. Nabubuhay kayo sa mundo na wala ka nang karapatang maging tanga, maging mangmang. Dapat may maglabas ng ganyang slogan sa advertising, “BAWAL MAGING TANGA.” Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon. Pero hindi pa rin maiiwasan na may magtanong sa Twitter kung ano daw ang capital ng Pakistan. Kung may Internet connection ka, you could have saved yourself the humiliation of being called stupid and instead make GMG: “Google mo, gago!” Pero ito ang problema. Iba ang impormasyon sa karunungan — ganap na talino at dunong. Hindi lahat ng may impormasyon ay may talino. Ang impormasyon ay phone number ni Coco Martin. Pero ang karunungan ay si Coco Martin mismo. Siya at ang kanyang katawan. Yaaa- meeee. Sa mundong umaapaw sa datos, wala na tayong excuse maging mangmang. Pero kahit si Christopher Lao ay ganap na abogado ngayon, he was still not informed. Minsan, sa pagnanais nating makakuha ng impormasyon, nakakalimutan natin ang talino, ay ang may saysay. Eksampol na lang nito ang panonood ng concert habang nagvi-video ng performance. Para kang tanga: ilang oras kang nakahawak sa cellphone mo, nakataas ang kamay, at sa proseso ay nalimutan mo ang dapat mong pakay: ang mag-enjoy sa konsyerto. Ang hinaharap nating hamon ay kung paano humubog ng saysay mula sa bundok-bundok ng impormasyong ito. Uulitin ko. Napakapalad ninyo. Kung alam niyo lang. Kung alam niyo lang kung paano ang buhay kolehiyo namin noon. Ngayon halos lahat na bahay ay may computer at Internet connection. Dati umaarkila pa kami ng computer—kung hindi sa Cubao, sa Pasay— para lang makagamit ng sinaunang Microsoft Word. Ang thesis ko pa ay sinulat sa electric typewriter. Twenty years ago, on exactly this month, ay tinatiyaga ko ang maglakad sa ilalim ng init ng araw para manghiram lang ng libro sa Thomas Jefferson Library at British Council. Ngayon, ang kailangan niyo lang gawin ay “GMG.” Twenty years ago, pauso pa lang ang grunge, at kinailangan pa naming bumiyahe papuntang Pasay para manghiram lang ng cassette tapes. Ngayon, GMG lang at…. Download. Ni hindi mo na kelangang lumabas ng bahay. Huwag niyo sanang sayangin ang swerte. But speaking of swerte…. Tumigil na akong maniwala sa pagpaplano ng buhay.
  • 3. Corny mang pakinggan, mas naniniwala ako sa tadhana. Kung totoo na talino at galing ang sekreto sa tagumpay, dapat wala ako dito ngayon. Hindi ako ang pinakamahusay na manunulat sa aming kolehiyo. At higit na mas marami ang mas magaling mag-isip kesa sa akin. May paborito akong kasabihan mula sa idolo kong nobelistang si Kurt Vonnegut. “Unannounced changes in life’s itinerary are like dancing lessons from God.” Napakagandang ideya. Napaka- akmang metapora. Dancing lesson. Sa dancing lesson, wala kang ibang pwedeng gawin kundi sumunod. Pag hinila ka dito, sunod ka na lang. Pag binaba ka, bumaba ka rin. Pag hinagis ka, magpagaan ka ng katawan. Susugan din ito ng isa pang quote mula kay Voltaire: “I refuse to believe in a God who does not know how to dance.” Ang pagsayaw ay isang ekspresyon ng ligaya, ng laro, ng kalayaan ng katawan at diwa na mayroon pa ring sistema. Pero ako mismo ay literal na hindi marunong sumayaw. Heto ang maiksing kwento ng buhay ko. Pagkatapos ng kolehiyo, diretso sa trabaho sa diyaryo bilang reporter at editor. Umatend ng sandamukal na writing workshops. Nagtrabaho sa isang creative writing center. Rumaket sa iba’t ibang mga magazines. Nagtayo ng banda at nag-record ng apat na albums. Nakapagsulat ng apat na libro ng tula sa Ingles, isang aklat ng essays, at isang nobela. Naka- tsamba ng ilang writing awards along the way. Tatlong taong gumagawa ng mga maiiksing dokumentaryo at video opinion pieces para sa TV5. Kaya heto ako ngayon, weather presentor ng Aksyon prime news. Weather? Ang labo no? Hindi ko inakala na mag-a-ala Amado Pineda o Ernie Baron o Kuya Kim ako. By the way, kahapon ang record ng pinakamainit na temperatura sa Metro Manila sa taong ito. 35.9 degrees Celsius. Dahil pa rin yan sa ridge of high pressure area na umiiral diyan sa Hilagang Luzon. Nung ako’y nasa elementarya pa, akala ko magiging pintor ako. Kung hindi pintor, sundalo. Nung high school naman, gusto kong maging gitarista. Pero gusto ni Erpat… abugado. At hanggang ngayon, feeling ng tatay ko ay hindi ako ganap na matagumpay dahil walang “A-T- T-Y” sa simula ng pangalan ko. Hindi ko naman inakala na gusto ko palang magsulat. At hindi ko rin namang inakalang marunong pala ako magsulat hanggang second-year college. Late bloomer ako pagdating sa panitikan. Nagtrabaho ako sa diyaryo ng anim na taon. Naging editor ng magazine ng mahaba-haba ring panahon. Sino bang mag-aakalang lalabas ako sa telebisyon? Ngayon, may tatlo akong programa: ang Aksyon (kung saan ako nagwe-weather), ang talk show na Wasak sa Aksyon TV 41 (dito iniinterbyu namin lahat, mula kay Rico J. Puno hanggang kay Gringo Honasan), at ang Word of the Lourd. Napasok ako sa TV taong 2009, nang tawagan ako ni Patrick Paez, isa sa mga bosing ng News and Public Affairs department ng singko— noong mga panahong nagdarahop pa ang istasyon
  • 4. (Oo, naranasan kong magtulak ng isang bulok na Toyota Revo na walang umasikaso ng baterya). Inalok niya ako ng isang segment sa late-night programang The Evening News. Bahala daw ako kung ano ang gusto kong gawin. “Ano nga ba ang gusto kong gawin?” tanong ko sa sarili. Eh ang kaunting nalalaman ko sa TV production ay limitado lamang sa music video. Paano kaya kung makagawa ng paraan na pagsamahin ang elemento ng MTV at ang satirikong panulat? Dito na pinanganak ang Word of the Lourd. Medyo blasphemous; wala na akong ibang maisip na title. Ninais nitong talakayin mga paksang hindi pinag-uusapan ng “seryosong” media. Pero sa loob lamang ng tatlo hanggang apat na minuto. Hindi kailangang sundin ang mga kumbensyon ng isang mainstream report—dahil hindi naman siyang obhektibong pag-uulat. Walang resource speaker o case study na iinterbyuhin, dahil, bakit pa? Ang mga unang paksa ay tungkol sa pagkakaroon ng abs, ang pagkahumaling ng Pinoy sa pagpapaputi ng kutis, at ang hygiene ng mga Pinoy. Di nagtagal, ang nunal ni Gloria hanggang buhok ni Noynoy, at tumagal hanggang sa pagka-macho ni Papa Piolo at ang tili ni Midas Marquez. Kung hindi mainit na political issue, isang paksang may kinalaman sa kultura’t kasaysayan— gaya na lang ng balahurang asal sa social media, relihiyon, pagdura, pag-utot, mga mababantot na apelyido, Rizal trivia at iba pang mga historical tsismis, etc. Hindi ko alam kung bakit siya hit. Pero dito ngayon pumapasok ang pagkaka-pareho namin nila Justin Bieber at Charice Pempengco. Pero dito naman ako nagpapasalamat sa Internet, lalo na sa Youtube. De Veyra: Nabubuhay kayo sa mundo na wala ka nang karapatang maging tanga, maging mangmang. Dapat may maglabas ng ganyang slogan sa advertising, “BAWAL MAGING TANGA.” Nagtatampisaw tayo sa baha ng impormasyon. (Sari Dalena) Dahil sampung tao lang yata ang nanonood ng Channel 5 noon, nagdesisyon ang isang editor na i-upload ang mga sinaunang episodes ng Word of the Lourd. Kung di dahil sa Youtube, sampung tao pa rin ang nakakapanood ngayon ng programang ito. Akala nga ng iba: sa Youtube ito unang umeere—kaya naiimbitahan ako lagi sa mga forum tungkol sa “alternative media.” Anong alternative media pinagsasabi niyo diyan? May pera na kami ngayon. Ini-edit sa mamahaling computer ang video namin. Sosyal ang nire-rentahan naming van. Hindi ko pa rin ang alam kung bakit siya nag-click—o kung matatawag nga itong “click” dahil mas marami pa ring views ang videos ni Petra Halimuyak at yung mga videos ng mga pagong na kumakanta. Gayunpaman, ang swerte ko pa rin dahil sa kalayaang binigay sa akin ng mga boss na isulat ang gusto kong isulat—wag lang libelous. Nagpapasalamat din ako sa Gloria Macapagal Arroyo at Kris Aquino sa walang humpay na materyal na binibigay nila. Buti na lang at hindi ako brodkaster sa probinsiya— sa mga ganun, walang sense of humor ang mga politiko.
  • 5. So, muli, sa inyong lahat, congratulations. Sana lang, wag tayo lahat matusta ng rocket ng North Korea. May dahilan kung bakit tinawag itong “commencement exercises.” Commencement dahil magsisimula pa lang kayo sa biyahe niyo sa buhay. Kaya heto na ang payo portion. Obvious naman: pero kailangan uling sabihin. Mahalin mo ang ginagawa mo. Huwag magtatagal sa isang trabahong hindi mo gusto? Bakit mo naman gagawin yun? Dahil sa salapi? Darating din yan, basta buhos mo lang ang kaya mo, kesyo indie film man yan o isang artikulo tungkol sa pagkain o paglalabada. May kwento tungkol sa isang monghe sa monasteryo. Napansin ng isang bisita na walang ginawa ang monghe na ito kundi magtrabaho sa hardin buong araw. “Bakit daw hindi nagdadasal ang mongheng ito?” Sagot sa kanya, dahil buong isip at diwa ng mongheng ito ay nakalaan sa pagdilig at pagtabas at pagtanim sa halaman, mas taimtim pa daw ang dasal nito kesa sa mga nakaluhod sa loob ng simbahan. Wag seryosohin ang sarili. Pero teka, kelangang klarohin ko ito. Okay lang ang serious, huwag lang solemn. Walang bagay sa mundo ang hindi napapagaan ng pagkakaroon ng sense of humor. At pinakahuli sa lahat, matutong magtimpla ng kape. At hindi lang basta kape—dapat ito ang pinakamasarap na kape sa buong mundo. Hindi na siguro uso ngayon ang uutusan kang magtimpla ng kape ng boss mo pag ikaw ay nagsisimula pa lang. At sigurado akong may teacher kayong nagpayo sa inyo na huwag na huwag kayong papayag na patimplahin kayo ng kape ng boss ninyo. May punto naman sila. Pero parang Karate Kid lang yan eh. Galit na galit at takang-taka ang batang disipulong si Ralph Macchio: “Nagte-training ako ng karate, di ba? Bakit inuutusan ako ng matandang guro na maglinis ng kotse niya? Bakit niya ako inuutusang magpintura ng bakod ng bahay niya?” Sa huli, naintindihan niya rin kung bakit. Wax on. Wax off. At kung ikaw ay fan ng mga kung fu movies, ang ganitong tila-mababang pagsasanay ay pangkaraniwang arketipo. Paano ka pagtitiwalaan ng mas malaking responsibilad kung ang isang maliit na gawain ay di mo magawa nang maayos? Okey, ituring lang na simbolo ang pagtitimpla ng kape. Kung hindi kape, malamang pabibilhin ka ng blank DVD, o may ipapahatid sa iyong papeles o P2 card. Kung ayaw mo namang magka-boss, aba…. Madali lang yan. Andiyan naman ang You Tube. Libre naman ang magbukas ng blog (Aba, maraming kumikita diyan; lalo na pag tungkol sa pagkain— kahit hindi ka marunong magsulat). Basta, keep it real, ika nga ng kasabihan. Minsan sa makabagong mundo, sa virtual na realidad, minsan nakakalimutan natin kung saan tayo nakatungtong, kung saan tayo kumikilos. Bilang pangtapos, gusto kong basahin ang isang tula ni Jose F. Lacaba. NAKATINGIN SA BITUIN Di naman panay dilim
  • 6. ang gabing walang buwan pagkat maraming bituin akong nakita noon, paglakad sa lansangan nakatingin sa bituin. Mga hiyas sa langit (‘ka nga) nagkikislapan, wala ni isang pangit, wala akong makita paglakad sa lansangan nakatingin sa bituin. Di ko tuloy napansin ang dinadaanan, kalsadang walang ningning, pagkat talagang abala paglakad sa lansangan nakatingin sa bituin. Nasalpok ko tuloy, nasalpok ng isang paa, ang isang tambak ng taeng kalabaw sa daan: paglakad sa lansangan nakatingin sa bituin. Santambak na kumalat Sa kalsada’t paa ko, Paalala ng lupa Na paa’y nakatapak, Paglakad sa lansangan Nakatingin sa bituin Sa Batch 2012, congratulations at good luck, at sana ay huwag kayong makaapak ng tae ng kalabaw sa landas niyong tatahakin. Kung sakali man, sumayaw ka na lang.