1. MGA KATANGIAN NG MATALINONG MAMIMILI
Mga Karakter:
INA – JR
MGA ANAK – XAXA and PHIL
MGA TINDERA at TINDERO – DENZEL, RAY, and QR
SALESMAN - JUSTINE
CASHIER - ANTONETTE
PACKER - ZURIEL
ADVERTISER- BINGO
NARRATOR- JENETH
Narrator: Kaarawan ng lolo ng pamilya Reyes at isa-isang inutusan ni Gng. Maya ang kanyang mga anak na
bumili ng mga kakailanganing mga kasangkapan para sa paghahanda sa mga lulutuin.
SCENE1: SA BAHAY
Maya: Phil, Xa, pagkatapos ng iyong klase bumili kayo ng kasangkapang nakalista ditto.
Phil and Xa: Opo ma.
Maya: Ahh! Bago ang lahat, ikaw Phil doon ka bumili ng mga kinakailangan sa grocery store, at ikaw naman Xa
sa palengke ka bumili dahil doon ka makakakita ng mga nakalista diyan. Tandaan niyo, huwag kayong bumili ng
mga gamit na hindi importante at hindi kinakailangan. Kayo na rin ang magbudget.
Phil: Opo ma, sisiguraduhin naming magkakasya ang perang ito.
Xa: Oh sige ma. Aalis napo kami ma.
Narrator: Pagkatapos ng klase, ang dalawang magkapatid ay agad ng namili sa palengke at grocery store.
SCENE2: SA PALENGKE
Denz.Qr.Ray: Oh..isda kayo dyan… Bili na bili na.!!!
Xaxa: Sariwa po ba itong mga isda niyo at makano po ang kilo ng galunggong?
Denz: Sariwang-sariwa pa po.
Qr: Dalawang daan lang po ang kilo nito.
Xaxa: Pabili ako ng isa’t kalahating kilo.
Qr: Sige po.
Narrator: Namalayan ni Xaxa na hindi tama ang pagtimbang ng tindera.
Xaxa: Ale! ale! hindi po yata tama ang pagkatimbang ninyo, kulang po ata.
Ray: Hindi! Tama po to! Sakto lang.
Denz (Tumingin sa timbangan): Nay! Hindi po tama ang pagkatimbang ninyo. Kulang nga po. Isa’t kalahating
kilo po yung bibilhin niya at isa’t isang-kapat lang po iyan.
Ray (Tumingin muli sa timbangan): Ay! Pasensya hindi ko namalayan na kulang pala. Pasensya na po talaga.
Xaxa: Sa susunod po kasi dapat tingnan niyo po ng mabuti kung tama ang pagkakatimbang ninyo para naman
po hindi madaya ang mga mamimili niyo kasi nasa RA 7394 Consumer Act na nagbibigay ng proteksyon at
nangangalaga sa interes ng mamimili kasi po kung hindi tama ang pagbibigay ninyo ng timbang hindi po
magkakaroon ng interes ang mga mamimili na bumili sa inyong produkto.
Denz: Pagpasensyahan niyo nap o, matanda na po kasi si inay. Hindi napo mauulit.
Xa: Sige po. Salamat po.
2. SCENE 3: SA GROCERY STORE
Phil: ‘San ba ang parmesan cheese dito?
Just: Ma’am hinahanap niyo ba ang parmesan cheese? Nandito lang po iyon.
Phil: Ah! Sige salamat.
Phil: (Sa pagkakita ng cheese…) AY!! Ang mahal naman nito, hindi magkakasya ang pera ko dito.
(Tumawag siya sa kanyang inay)
Ma!!! Ang mahal ng pinabibili mong parmesan cheese, ano ang gagawin ko?
Gng. Maya: Huwag ka ngang magpanic anak , pumili ka nalang ng mas alternatibo at yung tipong magkakasya
sa iyong budget.
Phil: Ah sige po ma! Ito nalang pong eden cheese, mas mura nga po at mas makasisigurado pa tayong ligtas
ito.
Maya: Oh sige anak ingat.
Narrator: Nagpatuloy si Phil sa paglibot sa grocery store ng may nakita siyang…
Bingo: Ohh… Cheesedog, meatdog, snoopdog at marami pang dog ang iyong masasaksihan kapag natikman
ninyo ang aming pinakamasarap na “hotdog ni mang Juan”
Phil: Wow, mukhang masarap yan ha!!
Bingo: Bili nap o kayo ma’am, murang mura lang poi to.
Phil: Ay!! Baka hindi magkasya ang pera ko at baka wala na akong pamasahe sabi nga rin ni inay na hindi ako
bibili ng kahit na anon a hindi importante makaalis na nga.
Narrator: Pumunta na si Phil sa cashier upang magbayad ng kanyang mga pinangbili.
Narrator Nakauwi na sina Phil at Xaxa, nasiyahan ang kanilang ina dahil sa tama at saktong pagbili nila ng mga
kasangkapan. Ang mga katangian na ipinakita nila ay katangian ng isang matalinong mamimili. Ang katangian
na ipinakita ni Xaxa ay ang pagiging mapanuri sa produktong kanyang bibilhin. Sinigurado muna niyang sariwa
ang isda na kanyang bibilhin. Hindi rin siya nagpadaya sa mapanglinlang na tindera. Ang katangiang ipinakita
naman ni Phil ay ang pagiging may alternatiboo pamalit sakeso na pinabili ng kanyang ina sa kanya,
sumusunod sa budget dahil alamniyang hindi magkakasya ang kanyang pera kaya bumili siya ng mas murang
keso, hindi pagpapanic buying nakinig siya sa kanyang ina na huwag magpanic, hindi nagpapadala sa anunsyo
at ang pagkamakatwiran dahil ang isang makatwiran na konsyumer ay inuunaang mga bagayna mahalaga
komparasa mga luholamang.