3. Ang Imperyong Byzantine ang silangang Bahagi ng Imperyong
Romano. Naitatag ito nang ilipat ni Constantine ang kabisera ng
Imperyong Romano sa lungsod ng Byzantium noong 330 C.E., at
binigyan ito ng bagong pangalan na Constantinople (kasalukuyang
Istanbul, Turkey)
20. Hagia Sophia
- isang malaking katedral na naging simbolo ng
Kristiyanismo sa Byzantine…
- Ang Hagia Sophia o Church of the Holy Wisdom
ay itinatag sa Constantinople para kay Justinian
noong 530 C.E. Kinakailangan ng 10,000 katao
upang magawa ito. Malaon ito ay naging mosque at
sa kasalukuyan, ito ay isang museo.
21. Justinian Code:
-nakabatay sa batas ng mga Romano. Ito ang naging batayan ng mga
saligang batas ng maraming bansa sa kasalukuyan.
23. Sa panahon ni Emperor Heracluis noong
600-641 C.E. ay muling isinaayos ang
imperyo at pinaglapit ang Simbahan at
pamahalaan. Naging sentro ang Byzantine
ng kaalaman, kultura at relihiyon. Naging
kontrolado ng lungsod ang kalakalan sa
pagitan ng Europe at Asya.
24. Basil II
- Noong 976 C.E.,
naging emperor si
Basil II. Pinalawak
niya ang imperyo at
ginawa itong mas
makapangyarihan at
mayaman. Nakamtan
ng imperyo ang
ginuntuang panahon
nito.
25. Ang pinakamakapangyarihang babae sa
Byzantine ay nagmula sa pamilyang
mahirap bago siya pinakasalan ni Justinian
noong 525 C.E.. Mahusay na ginampanan
ni Theodora ang kanyang tungkulin bilang
empress . Nang siya ay mamatay noong 548
C.E., labis na nalungkot si Justinian, at sa
kasalukuyan, ay walang batas na ipinasa si
Justinian sa nalalabing panahon ng kanyang
panunungkulan.
26. Unti unting humina ang Imperyong
Byzantine noong ika-8 siglo. Nang pumanaw
si Basil, nakuha ng mga Turk ang Anatolia at
tuluyan nang humina ang imperyo. Ito ay
nakuha ng Krusada sa loob ng 50 taon noong
ikaw-13 siglo…
33. May mga pagkakaiba ang
Simbahang Kristiyano ng
Rome at Byzantine. Isa sa
mga kontrobersiya na
pinagdaanan nito ay may
kinalaman sa mga icon o
mga bagay na
naglalarawan kay Hesus,
Maria, o sa mga santo.
34. Sa Byzantine, nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan
ng mga nagnanais na manatili ang mga icon at
mga iconoclasts o maninira ng mga icon.
35. May mga Emperor sa Byzantine na ipinagbabawal
ang paggamit ng mga icon. Ang papa naman sa
Rome ay kumamapi sa mga sumusuporta sa
pananatili ng mga icon.
36. Ang wikang Latin ang
ginagamit sa kanlurang
bahagi ng imperyo
habang ang wikang
Griyego naman ang
ginagamit sa silangang
bahagi.
Higit sa lahat, ang papa
sa Rome ay sinasabing
pinakamataaas na pinuno
ng simbahang Kristiyano
na malaya sa su=inumang
hari o emperor.
37. Ang patriarch o
pinuno ng Simbahan
ng Byzantine ay
sinasaklawan ng
kapangyarihan ng
emperor ng
Byzantine.
Mehmed II making Gennadios
Scholarios Patriarch of
Constantinople 20th C Mosaic,
Ecumenical Patriarchate, Istanbul
38. Hindi rin tanggaap ng mga patriarch na ang mga
papa sa Rome ay nakakahigit sa kanila.
Bunga ng kanilang pagkakaiba, tuluyang
naghiwalay ang Simbahan ng Rome at
Constantinople noong 1054
39. Ang Kanlurang Simbahan ay tinatawag na Roman
Catholic. Ang Catholic ay hango sa wikang Latin
na nangangahulugang “universal”
40. Ang silangang Simbahan ay tinatawag
na Eastern Orthodox. Ang Orthodox
ayhango sa wikang Griyego na
nangangahulugang “correct belief”.
43. Ang Imperyong Byzantine ay nakatulong sa
pangangalaga ng kulturang Griyego at Romano sa
pamamagitan ng pananatili ng kanilang mga
pagtatanghal, tula, ideya, at iba pang mga ambag.
44. Pinanatili nila ang batas ng Romano sa
pamamagitan ng Justinian Code at sila ang
nagpasa nito sa Kanlurang Europe upang
mapakinabangan ng kasalukuyang mundo. Higit
sa lahat pinalaganap nila ang Kristiyanismo sa
Silangang Europe, kabilang dito ang Romania,
Bulgaria, at Bosnia.